Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 18

5.6K 289 68
By peachxvision

Malapit na ang birthday niya.

Pero mas malapit na ang labasan ng college entrance examination results.

Pero mas malapit doon ang pagkabaliw ko dahil hindi ko na alam kung aamin na ba ako o hindi kay Theo.

Paano naman kasi? Alam niyo 'yong payapa 'yong love team namin tapos biglang may Cat na sumulpot? Tipong okay na sana 'yong buffet pero biglang may langaw?

I mean, ako pa rin naman kasabay niya pauwi, pero bakit sa umaga, kasabay niya si Cat? Ano 'yon? Magkapitbahay ba sila? Sinearch ko naman sa Facebook si Cat . . . mukhang di naman sila magkapitbahay.

Mag-ano sila?

Gusto ko tanungin kung anong meron sa kanila, pero sino ba ako? Ang mas mahalaga doon, sino ba si Cat sa kanya?

Sa sobrang di ko na nakayanan 'yong . . . 'yong . . . kung ano mang nararamdaman ko, at ayokong sabihan sina Eli at Allen dahil . . . dahil siguro sa pride ko na rin na gusto ko isipin nila na perfect pa rin love team namin, nilibre ko si Tanya na magdinner ng Linggo at sagot ko lahat para lang sabihin 'yong nararamdaman ko.

"Promise mo muna na wala kang pagsasabihan!" sabi ko sa kanya.

"Promise!"

"Kundi baog mapapangasawa mo."

"Te, wala akong plano mag-asawa."

"What! Teka . . . kundi . . . kundi . . . kundi di ka makakapasa sa UP!"

"Wow the threat! Eh paano kung di nga ako makapasa? Pwede kong ibunyag 'yang sasabihin mo sa 'kin?"

"Teka, ano bang pwede—"

"Baks, ano bang nangyayari sa 'yo? Pwedeng magpromise lang talaga? Pwede naman 'yon na walang kapalit, 'di ba?"

Nagbuntonghininga ako.

"Ang lalim ah," komento ni Tanya. "Di ko madakot 'yang buntonghininga mo."

"Promise talaga ha? Mamatay ka man?"

"Ano, pati buhay ko?"

"Sige na kasi!"

"Eh, wag buhay ko!"

"Naman eh! So may plano ka ngang sabihin?"

"Ano ba, may plano ka bang sabihin sa 'kin o—"

"Meron bang boyfriend si Cat?"

Nagulintang siya sa tanong ko. "Cat?"

"Kaklase mo 'yon, 'di ba?"

"Ah, si Cathryn—bakit mo natanong?"

"W—wala naman."

"Well, di naman kami close. Pero parang wala naman."

"May nalilink sa kanya sa classroom niyo?"

"As in 'yong sobrang link? Wala. Hello. Sa apat na taon na magkakasama kami sa iisang classroom, nagkakasawaan na kami ng mukha no. Bakit, sa section niyo may mag-jowa?"

"Wag mo kasi ilihis usapan!"

"Curious ako bakit mo natanong. Oh my gosh, shibuli ka ba?"

"Mukha ba?"

"H—hindi nga!"

"Hindi kasi! Kasi . . . kasi . . . si Theo—"

"Ah, 'yong jowa-jowa-an mo?"

"You're so road," sabi ko. Tinawanan niya ako dahil nakikiuso ako doon sa you're so road. "Malapit na. Charot."

"Weh! Nanligaw na ba? Umamin na ba?" excited niyang tanong.

"Hindi pa. Walang ganon."

Sumandal siya ulit sa may upuan. "Eh ano pala? Paano naging malapit?"

"Na-fee-feel ko lang."

"Yaaaaan. Ganyan tayo eh. Mag-a-assume, aasa, masasaktan, tapos sisisihin mo si kuyang walang kamalay-malay."

"Aba, te, after all those sweet words, paanong di ako aasa? Okay lang naman sa akin na ako lang ma-fall eh. Ang problema, pinaparating niya na ganon din siya."

"Pinaparating niya, o iniisip mo?"

"Promise, baks. Kung ikaw 'yong nasa pwesto ko, ganon rin masasabi mo."

"Exempted ako. Halaman ako eh."

Nagbuntonghininga na naman ako. "Kung hindi kasi sumulpot 'yong Cat na 'yon, mas makulay pa sa sinabawang gulay ang buhay ko."

"Parang orange at green lang naman ang sinabawang gulay."

"Ugh! Nakakainis talaga!"

"So linawin natin, ano," sabi niya habang binababa 'yong kutsara at tinidor. "Bakit mo ko nililibre ngayon?"

Ngumiti ako na parang may binabalak na masama. "Well, since kaklase mo si—"

"No."

"Di mo pa nga naririnig eh!"

"Ano ba 'yon?"

"Itatanong mo lang naman kung ano sila ni Theo eh."

"Ano bang nangyari?"

Kwinento ko na ilang beses ko na sila nakikitang magkasama tuwing umaga. Tipong kinakarga pa ni Theo 'yong bag niya hanggang gate, pero maghihiwalay din sila sa may gate. Kwinento ko na may katext siya habang nag-uusap kami, at tingin ko si Cat 'yon.

"Wow, teka, teka. Ano ba kayo?"

Natahimik ako. "Friends."

"Nasagot mo na 'yang tanong na nasa utak mo."

"Please, Tanya! Please, please! Kahit ako na sagot ng lunch mo every day . . . at 'yong book report sa English—"

"Hoy, Ma. Natasha! Ano bang nangyari sa 'yo?"

"Anong nangyari sa 'kin? Love happened. Theo happened!"

"Then let it happen, and let it go!"

Minsan, ito 'yong nakakainis sa mga halaman na katulad ni Tanya. Tipong walang patawad at awa nilang ipalalandakan sa 'yo 'yong katotohanan na kailangan mo tanggapin. Alam kong dapat ganon naman talaga, pero pwedeng dahan-dahan? Haha.

"Pwedeng stop making sense muna at hayaan mo ko magpaka-crazy girlfriend dito?"

"Crazy friend-acting-like-a-girlfriend kamo," sarcastic na sabi ni Tanya.

"You're so road."

Tumawa kaming pareho.

"Di pa tayo nagdedebut, te. Marami pang taon para masaktan at magmahal. Marami pang tao na pwede mong mahalin . . . well, at saktan na rin."

"Kung halaman ka, lumot ka eh no? Eh paano kung mamatay na ako bukas? Eh di hindi ko na naranasan magmahal."

"And so be it."

"Please, Tanya?"

"Una, papayag sana ako sa bribe mo, pero naisip ko, di ako ganon kasamang tao. Isa pa, kung gusto ko mag senador, di dapat ako papatinag sa bribe."

"So . . ."

"Sige, itatanong lang naman, 'di ba?"

Halos yakapin ko na si Tanya nang sinabi niya 'yon. Plinano naming kung paano niya tatanungin. Kunwari, nakita niya na sabay sila sa umaga tapos itatanong. Sasabihin niya na concerned siya sa "friend" niya, which is ako, kasi parang meron kaming thing pero wala naman.

***

Noong sumunod na araw, ganon nga 'yong ginawa niya. At oo, nakita ko na naman na sabay silang dalawa. Halos maimbyerna na naman ako, pero at the same time, hinintay ko rin 'yong sagot ni Tanya.

Gulat ako nang biglang nagtext si Mama. Anong gusto mong ulam?

Sumagot ako, Tortang talong po.

Tapos nagtext sa 'kin si Papa. Hayaan mo na anak. Uwi ka agad.

Nagtaka ako sa mga text nila hanggang sa nakita ko 'yong ibang mga kaklase ko na umiiyak. Lumabas ako at nakita kong lahat sila, nakatingin na sa cellphone. Biglang may sisigaw at tatalon, biglang may iiyak, biglang may yayakap sa kung sino-sino. Nakita ko 'yong si Cat na kausap si Tanya na pareho silang nagtatatalon.

The moment na nagtagpo 'yong mga mata namin ni Tanya, bigla siyang napatakbo sa 'kin at nagsabi ng "Wait" kay Cat.

"Nakapasa ako, baks! Sa first choice! Ikaw?"

Shit. Sa paghihintay ko, nakalimutan ko na labasan na nga pala ng results.

"Pol Sci?" tanong ko.

"Oo! Ikaw? Ikaw?"

Ngumiti ako. Ngayon alam ko na kung bakit ganon 'yong mga text ng magulang ko. Pero nagsinungaling ako. "Hindi ko pa nakikita."

Buti na lang, may humila kay Tanya. Pag tingin ko sa classroom, nag-uusap sina Allen at Eli. Pareho silang nakapasa sa second choice na university nila. Pati rin pala si Sean, Paul, at Baste. Si Sean sa fine arts, si Paul sa engineering, si Baste sa library science.

Maya-maya, biglang narinig ko 'yong sigaw ng pangalan ko.

"Tasha!"

And instantly, nakaramdam ako ng yakap niya.

"Nakapasa ako! Econ!"

Nagbigay ako ng maliit na ngiti. Pero doon na ata ako bumigay.

Lahat sila pumasa. Pumasa si Theo. Malamang, sa saya noong si Cat, nakapasa rin siya.

"Akala ko ba . . . normal ka rin?" tanong ko, tapos umiyak ako.

"U-uy. Shit, shit, sorry . . . sorry . . . ," sabi niya sa 'kin habang umiiyak ako. Tipong kahit anong punas ng luha ko, tuloy-tuloy pa rin 'yong pagtulo. "Shit, sorry, sobrang insensi—"

"Hindi . . . ano ka ba. Sorry, well, ganon talaga kapag bo—"

"Please, Tasha, hindi—"

"Uy, wait, tumatawag si Mama." Nagkunwari akong tumatawag si Mama at lumabas ng classroom. Kunwari may kausap, bumubuo ng salitang "sige po," "opo" kahit na wala naman akong kausap sa phone.

Hindi na ako bumalik sa classroom hanggat hindi nag-be-bell. Umalis din ako kaagad noong uwian, nagdadahilan na masama pakiramdam ko dahil sa lungkot—na totoo naman. Pagdating ko sa bahay, sinara ko 'yong phone ko. Natulog ako kaagad habang umiiyak, nag-iisip.

Bwisit. Bakit Lunes sinabi 'yong resulta? Sana Biyernes na lang para may dahilan lumayo sa tao ng Sabado at Linggo.

Gusto ko mag-absent bukas—

Shit. Birthday nga pala niya.

Bigla akong bumangon. Anong oras na ba? Shocks, 7:30 p.m. na! Bumaba ako na hindi kinukuha 'yong cellphone. Wallet lang at payong.

"Saan ka pupunta? Dis oras na ng gabi!" sigaw ni Mama.

"Nakalimutan ko may report nga pala kami bukas!"

"Report? Saan?"

Pero hindi ko na nasagot si Mama. Dali-dali akong lumabas ng gate. Nine pa naman sarahan ng mall. May panahon pa ako para bumili ng pwede kong regalo niya.

Pumunta ko sa bookstore. Libro kaya? Hindi, hindi niya to mababasa. Bola? Pambasketball? Kung T-shirt na lang kaya? Eh, 'yon na regalo ko sa kanya noong pasko.

Pumunta ako sa department store at naghanap-hanap. Siguro 'yong magagamit na lang niya noong college? Or—

Napatitig ako sa isang light brown na wallet. Halos kamukha noong akin pero mas panglalaki . . . parang ganoon.

Ito na lang siguro.

Kinuha ko agad tapos pumunta sa may cashier. Teka, parang may nakakalimutan—

"Six hundred ninety-nine po—"

"HA?!" Nanlaki 'yong mga mata ko. Iyon ang nakalimutan ko gawin—tingnan 'yong presyo. Puttanesca. Bakit kasi—ugh!

Binuksan ko 'yong wallet ko at nanalangin na sana may lumitaw na isang libo—and voila! May isang libo sa wallet ko, doon sa "secret pocket" (iyong parte na nilalagyan ko ng pera pero nakakalimutan ko na naglalagay nga pala ako ng pera).

Pero ito na lang talaga 'yong kahulihulihan kong pera. Pinaplano ko sana bumili ng something para sa birthday ko—pero sige na nga.

Inabot ko 'yong isang libo at umuwi na kasama 'yong wallet na may box. Bago ako umuwi, bumili ako ng ice cream para sa sarili ko. Lulubusin ko na pagiging impulsive buyer ko.

Pagdating ko sa bahay, isa lang naman tanong sa 'kin.

"Anong binili mo?" tanong ni Papa.

"Box, Pa," sagot ko. Jusmiyo, sana di nila gustong makita 'yong box.

"Box? Ang dami daming kahon diyan! Mawawala ka ng isang oras para bumili ng kahon?"

"Kumain din ako ng ice cream dahil malungkot ako," sagot ko sabay akyat.

Pag-akyat ko, nagsulat ako kaagad ng letter na isisingit ko sana sa box. Birthday lang naman ni Theo—ng torta ko, ng tortang talong na pinakulo ang mantika ko (ano daw, walang sense haha). Gusto ko espesyal, gusto ko lang naman makita siyang masaya.

Mamaya na lang 'yong lungkot ko.

***

Kinabukasan, may mga nag-absent. Dahil na rin siguro sa lungkot ng balita. Pero ako, nakangiti na, na ikipinagtaka nina Eli at Allen.

"Oy, gaga," bati ni Allen. "Kahapon ka pa naming sinusubukan tawagan! Ililibre ka sana namin eh."

"Sus, okay na ako."

"Wow, bilis ng pagmomove on?"

"Meron na naman na akong mapupuntahan university. Okay na a—"

"Mantikaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Theo mula sa kung saan, may hawak na cartolina na ikinangiti at ikinakilig ko. Ang nakalagay lang naman, with all his effort: NGITI KA NAMAN DIYAN, MANTIKA. PA-BIRTHDAY MO NA.

SEE! Sinong hindi mahuhulog doon? Nag cut-out pa siya ng mga letters, kahit hindi pantay-pantay, para lang ipakita 'yon? Pero sige. Calm your hormones, Tasha.

Tinukso lang naman ako sa buong classroom. Hindi ko mapigilang ngumiti. Bakit ba siya ganyan um-effort . . . eh hindi naman kami.

"Hala siya!" sabi ko na may matching palo pagkarating na pagkarating niya. "Baliw, okay na ako. Moved on na no."

"Pramis?"

"Pramis, cross my brains, hope to live longer. Isa pa"—tapos ngumiti ako na may matching kurot sa pisngi niya—"kung 'yon hiling mo para sa birthday mo, why not?"

"Uy, wag ka nga ganyan," bigla niyang sabi.

"Luh, bakit?"

"Baka ma-in love ako sa 'yo."

WOW. THE TALONG IS EXTRA LONG AND TORTA TODAY.

Nagkukunwaring umuubo sina Eli at Allen, at 'yong iba, tinutukso na parang tinutulak kami. Jusmiyo, wag niyo nga i-provoke feelings ko. HAHAHA.

Ah, ganon ah? Sige, pakuluin pa natin ang mantika.

"Bakit, hindi ka pa ba in love sa 'kin?"

Doon naghiyawan lahat ng nakarinig to the point na halos itulak na si Theo sa 'kin at pinapasuko nila si Paul kuno to the point na pinagalitan kami ng isang teacher dahil sa ingay namin.

Deep inside, natatawa na lang kami.

Nagpatuloy ang buong araw. May family ek-ek daw sila ng dinner kaya nagpaalam siya na hindi muna kami magkasabay pauwi, pero pramis daw na may sarili siyang birthday celebration kasama ako at para i-cheer up daw ako.

Kinilig na naman ang kili-kili ko. Bakit kailangan na may sarili siyang birthday celebration kasama ko? HAHA. Nasa girlfriend boundary na ba ako?

"Sus, okay lang, ano ka ba . . . Pero sige, aasahan ko 'yan. Aaaaat, bago ko makalimutan"—nilabas ko 'yong regalo ko—"happy birthday, The Orpheus Romeo T. Agustino."

Nagulat siya nang inabot ko. Ginulo niya 'yong buhok ko na parang tuta, at ako na ang feeling girlfriend na wa palag kasi gusto ko naman. For a second, parang nagpa-cute pa nga ako.

"Hindi mo naman kailangan—salamat, Tasha."

Ngumiti na naman ako.

"Pwede ko buksan?" tanong niya.

Tumango ako. Pagbukas niya, napangiti siya nang makita niya 'yong wallet na binili ko. Di ko alam pero biglang may dinakot siya sa may bulsa niya.

Natawa ako nang nag-abot siya ng one-by-one picture niya.

"Ano to?"

"Panakot sa daga. Pwede rin pampaswerte. Pwede ring . . ."

Tapos bigla siyang tumingin sa gilid habang na nakatungo 'yong ulo na nagpipigil ngumiti.

"Hoy, mukha mo, bakit ka nagpapacute?"

"Pwede ring ano . . ."

"Ano?"

"Future mo."

Natawa ako nang sobra at pinalo 'yong braso niya. Kinikilig ako na di ko ma-contain, tipong pinipilit ko 'yong nonexistent dimples ko na lumabas sa pisngi ko dahil sa pagpapacute.

"Baliw ka talaga! Lam mo, wag ako!" sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya ulit siya tapos ginulo niya 'yong buhok ko. "Itago mo 'yan sa wallet mo. Pramis, pampswerte kaya pagmumukha ko," sabi niya na may matching Mr. Pogi pose pagkatapos.

Pinakita ko sa kanya na nilagay ko sa wallet 'yong picture niya. "O sige na, ingat ka. Text ka pagpauwi ka na."

"Text ka rin pag nakauwi ka na."

Naghiwalay kami ng landas since ako, pauwi, siya papunta sa parking ng school dahil susunduin siya. Napangiti ako, knowing na napangiti ko siya.

Habang naglalakad ako, bigla ko ulit naisip 'yong tungkol sa resulta.

Nagbuntong hininga ako at napaluha, hinihiling na sana siya 'yong makakita ng lungkot ko, ng takot ko. Pero di bale na. Titiisin ko na lang muna tong lungkot ko hanggang sa makausap ko ulit siya tungkol doon.

Kaso ang hirap na ilabas ng lungkot pag nasa harap mo na 'yong nakapagpapangiti sa 'yo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 36.8K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
124K 9.8K 113
❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞ Y Chronicles Universe #KNMSD2 of Kabulastugan Bo...
28.3K 240 7
Pag-ibig | Swisayd | Lipunan | Daigdig.
28.5K 2.8K 31
Sa laro-larong relasyon, paano mo malalaman na unti-unti ka na palang natatalo? Dalawa ang dahilan kung bakit nag-enrol si Chel Laurel, isang incomi...