Isla De Kastilyo Series 1: He...

By iamhopec

159K 2K 4.7K

If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) Andrei De Catalina. Babaeng kilo... More

Andrei de Catalina
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6

Chapter 5

7.4K 236 637
By iamhopec


Andrei POV

"THAT'S all, dismiss and back to work." Tugon ko ng matapos kong ipaalam sa mga tauhan ko sa resort ang dapat nilang gawin para maibalik ang dating serbisyo nito.

Lahat sila habang nakikinig ay nakayuko lang at magsasalita ng pagsang-ayon kung kinakailangan. Wala silang karapatang tumutol sa mga desisyon ko dahil mga tauhan ko lamang sila.

Agad akong tumayo at walang lingon na lumabas sa silid kung saan ginanap ang meeting. Nakasunod sa'kin si Pulahan, napapalingon sa'min ang mga tao sa resort. Mga empleyado man o turista. Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin pero wala naman akong pakialam doon.

"Drakula tara mag chicks hunting tayo ang daming mga banyaga sa beach at nagpakatwo piece. Busugin natin ang mga mata natin sa biyaya ng may kapal." Daldal ni Pulahan habang naglalakad kami papunta sa kitchen para icheck kung malinis at dumating na ang supply ng mga pagkain.

"Tsk. Kaya dukha ka dahil puro pasarap ang inuuna mo." Komento ko.

"Paminsan minsan kasi dapat chill chill lang hindi tulad mo na tigang at walang kulay ang buhay." Kontra niya at sumisipol pa kapag may nadadaanan kaming mga babaeng halos hubad na dahil sa mga swimming attire na mga suot ng mga ito.

Napapailing na nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan naming marating ang kitchen.

"G-Good morning boss." Sabay sabay nilang bati ng makita ako, hindi ko pinansin ang pagbati nila at mabilis kong inilapat ang kamay ko sa mahabang metal na mesa kung saan inilalagay ang mga sangkap at gamit sa pagluluto.

Pinasayad ko doon ang palad ko para tingnan kong malinis nga ba talaga. Tila sila naman ay mga tuod na nakayuko at naghihintay sa mga salitang lalabas sa bibig ko.

Napatango tango ako ng wala akong makitang ni konting dumi. Ipinagatuloy ko ang ginagawa ko, bawat sulok ng kusina ay sinigurado kong natingnan ko. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko ng mapadako ang tingin sa dulong parte nandoon ang area kung saan ginagawa ang pagluluto. Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para siguraduhin na may kutsarang nakapatong doon.

At hindi nagkamali ang paningin ko, mayroon ngang kutsara doon na basi sa hitsura ay ginamit sa pagtikim ng kung anong niluluto dahil may likido pa doong natira at kumalat iyon sa gilid ng lutuan.

Napatiim bagang ako at pabalang na binitawan ang kutsara at muling humarap sa kanila. "Sino ang nakaassign dito?" May diing tanong ko.

Walang sumagot, tanging katahimikan lang ang isinalubong nila sa'kin.

"Sino ang nakaassign sa area na ito?" Pag-uulit ko sa tanong ko baka at nabingi lang sila. Pero wala pa ring sumagot kaya tuluyang naubos ang pasensya ko.

Tiim bagang akong bumaling kay Pulahan. "Humanap ka ng papalit sa kanilang lahat ngayon din." Utos ko.

"Bakit?" Gulat niyang tanong gan'on din ang reaksyon ng lahat ng nakarinig sa sinabi ko.

"They're all fired, find for more efficient and dedicated employees hindi ang tulad nilang mga tatanga tanga." Bubuka palang sana ang bibig ni Pulahan para tutulan ang desisyon ko pero tinalikuran ko na siya at sa ibang parte naman ako ng resort nag-inspeksyon.

Ang ayoko sa lahat ay mga empleyadong hindi mga tapat sa tungkulin nila. Paano nalang kung pati ang mga pagkain ng mga bisita ay madumihan nila? Kapag nagkataon ay pati ang reputasyon ng resort ay madadamay.

"Mahihirapan tayong maghanap ng mga tagaluto ngayon lalo at maraming mga guest." Tugon ni Pulahan ng makaabot sa paglalakad ko.

Hindi ko siya binalingan dahil tuloy lang ako sa pag-iinspeksyon ng mga tauhan ko sa lobby. Kung paano salubungin ng mga clerk at tao sa front desk ang mga bisitang dumadaan at pumapasok.

"Maghanap ka." May diing sagot ko.

Muli akong tumalikod ng makitang magandang ang ginagawa ng mga tauhan ko.

"Paano ang mga order ng mga guest?" Apila niya pa na ngayon ay hindi na magkandaugaga sa hawak niyang cellphone. Alam kong sinisimulan na niya ang utos ko.

"Do what I said."

Napabuntong hininga siya pero hindi ko na iyon pinansin. Napataas ang kilay ko ng makitang papasok ng resort si Candros kasama si Anding na hirap na hirap sa pagdadala ng bag ng kapatid ko.

Tumigil ako sa paglalakad at humalukipkip, narinig ko pa ang pagmumura ni Pulahan dahil bumunggo siya sa likod ko pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin.

Nakamasid lang ako sa kapatid kong nakangisi pa at parang tuwang tuwa sa pagpapahirap kay Anding. Unti unting nawala ang masaya niyang ngisi ng matuon sa'kin ang tingin niya. Nakita ko pa ang paglunok niya at biglang pag-agaw ng bag niya kay Anding.

"A-Ate." Lumapit siya sa'kin at humalik sa pisngi ko.

"Kumusta ang klase mo?" Tanong ko na seryoso pa rin at nakataas ang kilay sa kanya.

"Ahm. Wala po kaming pasok ngayon kasi tapos na ang finals hinihintay nalang namin ang result at practice for graduation." Maagap niyang pagpapaliwanag. Tumango ako at bumaling kay Anding na nakayuko lang.

"Bakit ikaw ang nagdadala ng bag niya?"

"A-Ate sumakit kasi ang kamay ko kaya pinahawak ko muna sa kanya sandali, ayoko nga sana pero mapilit---" agad na itinikom ni Candros ang bibig niya ng samaan ko siya ng tingin.

"Anding?" Baling ko ulit sa kanya. "At wag mo ng tangkaing magsinungaling kung ayaw mong sa'yo ako magalit."

Hindi pa rin siya sumasagot at halatang kinakabahan basi sa paglalaro niya sa mga daliri niya.

"Pinahawak lang naman pala ni Candros kay Anding wala namang masama doon." Singit ni Pulahan.

"Palagi mong pinagtatanggol si Candros kaya malakas ang loob na alilain ang kapatid mo." Asik ko sa kanya.

"Nakakahiya naman kasi, iyon nalang ang maibabayad namin--"

"That's bullshit! Wala kayong dapat na bayaran dahil lahat ng meron kayo ngayon ay pinaghirapan mo." Napayuko siya. "Ilang ulit kong sasabihin na wala kayong utang sa'kin o kahit sa mga kapatid ko kaya wag mo siyang ipagtatanggol kahit alam nating mali siya." Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inis dahil palagi nalang ganito ang sitwasyon kapag katarantaduhan ni Candros ang pinag-uusapan.

Tiim bagang akong bumaling sa kapatid ko na ngayon ay nakayuko rin. "Go to the kitchen, karagdagan sa parusa mo dahil sa pagiging matigas ng ulo mo. You'll going to be a dishwasher."

Nanlaki ang mata ni Anding dahil sa utos ko sa kapatid ko. Akmang aangal siya ng agad akong umiling. "Wag mo ng ipagtanggol. At ikaw do whatever you want, isumbong mo sa'kin lahat ng kalokohan niya. Is that clear?" Pilit itong tumango. Alam kong tatango lang siya para sabihing pumayag siya pero ni isang reklamo ay wala siyang isusumbong sa'kin. Napakabait na bata niyang si Anding kaya hindi ko alam kong bakit inaalipin palagi ng kapatid ko.

Iniwan ko na sila doon pero sinigurado ko munang susunod si Candros sa utos ko.

"Yes please, ngayon din." Dinig kong may kausap si Pulahan sa cellphone niya habang nakasunod pa rin sa'kin.

Tumuloy kami sa dalampasigan. Napangiti ako ng makita ang asul na asul na tubig ng dagat. Napakalinis ng paligid at napakalinaw malayong malayo sa buhay sa syudad. Maraming mga turista ang nagsasaya sa paliligo at tumatanaw sa magandang tanawin na isa sa pinagmamalaki ng buong isla De Kastilyo.

Ang lugar na ito sa isa sa pinakaiingatan ko dahil ito ang unang property na naipundar ko galing sa pagtyatyaga at paghihirap ko noong kabataan ko. Dugo't pawis ang ipinuhunan ko para lang mapalago ang nasimulan ko noon.

Nanariwa sa isip ko ang mga pinagdaanan ko noon dahil sa pagtingin ko sa kagandahan ng paligid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakaalis na ako sa buhay ko noon na napakahirap, isang kahig isang tuka at minsan ay walang laman ang tyan na matutulog sa lansangan.

Ang mga araw at gabing palagi akong umiiyak kapag nakikita ko sina Candros at Cathy na umiiyak at namimilipit dahil sa sobrang gutom. Parang pinipiga ang puso ko sa gan'ong tanawin kaya walang makakasisi sa'kin kung gan'on nalang ang pagsuporta ko sa mga luho at kagustuhan ng mga kapatid ko. Gusto kong ibigay sa kanila lahat ng bagay na hindi ko naranasan at nakamtan noon.

"Sabi ko naman Kuya na ayoko dahil magdedeliver kami ng isda ngayon." Napalingon ako sa likod ko dahil sa nag-uusap.

Nalingunan ko ang magkapatid na siyang nangunguna noong nagwewelga sila sa tarangkahan ng mansyon. Kung hindi ako nagkakamali sa pag-alala, ang lalaki kung kumilos ay nagngangalang Allany at ang Kuya nitong si Tadeo. Kaharap sila ngayon ni Pulahan.

"I'm sorry sa biglang pagpapatawag ko sa inyo kailangan kasi namin ngayon ng tao dito." Panimula ni Pulahan habang ako ay nakatayo lang ilang dipa ang layo sa kanila.

"Ayos lang, ano ba ang maitutulong namin?" Malumanay na tanong ni Tadeo. Pinong pino ito kung gumalaw suot ang sobrerong buri, kamesa de chino at kupas na maong na pinaresan ng bota. Putikan rin ang damit nito. Siguro'y natural na pananamit na niya iyon dahil iyon rin ang hitsura niya ng una ko siyang makita.

"May trabaho pa ako." Apila ni Allany, napapangisi talaga ako kapag nakikita ang kagaspangan ng ugali niya.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong mga panahong naghihirap pa kami at kung ano anong trabaho ang pinapasok ko mapakain lang ang mga kapatid ko. I like her attitude, matapang at nagpapatunay na kung ano ang kaya ng mga lalaki ay kaya ring gawin ng mga babae.

"Sandali lang naman Allan hanggang sa dumating lang ang mga tauhan namin mula Maynila." Ani Pulahan.

"Bakit ba kasi kami? Ang daming pwedeng tawagan." Asik pa rin nito. Humakbang ako papalapit sa kanila.

"Alam ko kasing mapagkakatiwalaan kayo ni Tadeo dahil minsan na rin kayong nagtrabaho dito at alam niyo na ang pasikot sikot sa kusina."

"Maaari bang itanong kung bakit biglaan ang pagpapalit ng inyong mga tauhan?" Magalang na sabat ni Tadeo.

Weak!

"Oo nga!" Sabat ni Allany.

"Hindi kasi maganda ang trabaho nila kaya tinanggal nalang." Simpleng sagot ni Pulahan.

"Bakit pa nga ba tayo nagtanong e, alam ko na naman na dahil iyon sa walang puso nating amo. Ang tagal ng nagtatrabaho dito ng mga tagaluto sa kitchen pero tinaggal niya lang ng basta basta." Litanya niya at hindi pa rin ako napapansin.

Imbes na mainis o magalit ay napangisi pa ako dahil sa mga sinabi niya. Alam kong wala akong puso kaya hindi na ako apektado sa gan'ong paratang. Wala pa ang mga salitang iyon sa mga salitang ibinato sa'kin ng mga empleyado ko sa Maynila.

"I like you." Walang pag-aalinlangang singit ko.

I like her because of her attitude.

Nanlaki ang mga mata nilang tatlo ng dahil sa sinabi ko lalo na si Tadeo.

"I will pay you double kung tatanggapin niyo ang pansamantalang trabahong ito."

"G-Gusto mo siya?" Utal utal na tanong ni Tadeo.

Bakit ba palagi siyang nauutal kapag ako ang kaharap o kausap? Hindi naman siya gan'on kanina noong si Pulahan ang kausap. Kumunot ang noo ko dahil sa isiping 'yon.

"Yeah." Sinamahan ko pa iyon ng tango.

"Hindi tayo talo kahit babae rin ang gusto ko sa sama ba naman ng ugali mo. Hindi kita type." Matapang na sagot ni Allany.

Hindi kita type? Nagsalubong ang mga kilay ko sa huli niyang mga sinabi dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi 'yon. Bumaling ako kay Pulahan na ngayon ay nagpipigil ng tawa hanggang sa magsink in sa'kin kung ano ang gusto niyang iparating.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiwi at pag-alpas ng malakas na tawa sa bibig ko. Damn! That was epic. Akala niya ba ay gusto ko siya bilang babae?

I maybe a boyish but I am not attracted to women or even to a guy. Walang epekto sa'kin ang mga babae at mga lalaki.

Imbes na makipagtalo ay nagkibit balikat na lamang ako at bumaling kay Pulahan na kumindat sa'kin ng mapang-asar. Napangiti ako dahil sa kalokohan niya.

"Ikaw na balaha sa kanila." Sabi ko at umalis na sa harap nila.

Napatingin pa ako kay Tadeo na agad na nag-iwas ng tingin ng magkasalubong ang paningin namin.

"Hindi tama ang inakto mo Allan. Dapat hindi mo sinabi iyon may kasintahan na 'yong tao." Dinig kong bulong niya sa kapatid.

May kasintahan? Nagtataka ako kung bakit niya sinabi iyon pero hindi ko nalang pinansin dahil sa lahat ng bagay dito sa mundo ay ang pagkakaroon ng kasintahan ang hindi ako interesado. Walang sino man ang makakapagpalambot sa'kin at makakatiis ng ugali ko.

Hindi pa ipinapanganak ang taong magbibigay sa'kin ng dahilan para maniwala sa gan'ong bagay. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa isiping 'yon.

Mas nanaisin ko nalang ang maging matandang dalaga o binata kaysa ang pumasok sa gan'ong sitwasyon.

I loathe intimate relationship. I loathe anything about being inlove.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
373K 19.5K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4M 86.3K 25
R-18 Completed Ang balak lang naman ng ex-journalist na si Sabrina Alejandrino ay i-feature sa kanyang blog ang Club Extas. Acccording to rumors, sex...
14.2M 237K 45
Ending up only as a guest in the love of her life's wedding, Brooks ends up in a one night stand with the notorious, hot-tempered, and sexy Rance Eva...