The Dark Secret (Book 2 of Th...

By QueenABCDE

3.2M 76K 45.7K

Famous delinquent Demon Lewisham saw the love of his life Devi Parker die right before his eyes five years ag... More

Prologue: The Dark Secret
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue: The Dark Secret

Chapter 3

115K 3.2K 2.4K
By QueenABCDE

Chapter 3

NARRATOR

"S-SI David! David Villanueva!" nangangatal ang mga labing sagot nito. Napapikit siya at hinihintay ang pagputok ng baril. Napamulat siya nang hindi na maramdaman ang matigas na bagay sa sentido.

Itinapon ni Demon ang baril sa harapan ng pulis. "That's how you scare people," malamig na sabi nito. "Arrest them!"

"Boss! Patawarin mo na kami! Hindi na mauulit!" sigaw ng lider nila habang sinusundan ng tingin si Demon na papaalis. Hindi siya nito pinakinggan dahil parang nagdidilim ang paningin niya nang marinig ang pangalan.

"Demon Lewisham."

Napatigil sa paglalakad si Demon at napatingin sa pulisyang may mga hawak na papeles. "Chief," sambit nito.

"We identified the culprit." At naglakad patungong mesa niya. Sinundan lamang siya ni Demon. "There is a statement from one of the customers that he saw a person who entered the kitchen with the gallon. He has access to everything. The witness said this person was drunk and slept on the sofa. Afterwards, he went outside. When we checked the CCTV, the suspect was having an argument with one of the customers," mahabang litanya nito matapos mailapag ang mga papeles sa mesa. "The explosion that happened was not intentional. We invited the suspect and he'll be here in five minutes," dagdag pa nito matapos sumulyap sa relo.

"Who is he?" tanong ni Demon.

"Ano ba?! Bitawan n'yo ako! Bakit ako nandito?! Anong ginagawa ko rito?! Wala akong kasalanan!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Sabay na napatingin si Demon at ang ilang pulis sa pinto at nakita ang isang lalaking naka-posas na pilit kinakaladkad papasok ng mga pulis. "He's here," rinig ni Demon na mungkahi ng pulis.

"David?" bulong ni Demon. Pinasadahan lamang siya ng tingin ni David hanggang sa tuluyan itong ipinasok sa isang silid.

"Demon!" saad ng kaibigan. Laking gulat nila nang makita ang isa't isa. Pumasok na rin sila kung saan dinala si David.

"David Villanueva. Ikaw ang nag-iisang suspek sa sunog sa Kings and Queens at inimbitahan ka namin dito para sagutin ang ilang katanungan," sabi ng isang pulis.

Nakaupo si David habang nakapatong ang kamay na nakaposas sa mesa. Ang pulis ay nakatayo sa harapan niya habang direktang nakatingin dito.

"Sinabi nang wala akong alam! Wala akong kinalaman sa sunog!" bulalas nito. Mamula-mula na ang pisngi niya sa paulit-ulit na pagsigaw.

"Kinakailangan mong kumalma. Kung hindi mo masasagot nang maayos ang mga katanungan namin, hindi ka namin matutulungan," kalmadong saad ng pulis. Pinanonood sila ng mga lalaki sa likod ng isang tinted na salamin. Nakikita nila ang mga ito ngunit hindi sila nakikita ng nasa loob.

"Nasaan ka at anong ginagawa mo dalawang oras bago mangyari ang sunog?" tanong ng pulis.

"Hindi ko na alam. Hindi ko maalala. Ang natatandaan ko lang ay lumabas ako at nakita ang mga kaibigan kong naglalaro," kalmadong saad ni David.

"Uminom ka ba ng alak?"

"Malamang! Bar 'yon! Alangan namang hindi ako uminom ng alak!"

Huminga muna nang malalim ang pulis para pakalmahin ang sarili. "Paano malasing ang isang David Villanueva?"

"Sa tuwing nalalasing ako, normal lang ang kilos ko pero hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Magigising na lang ako at babalik ako sa dati."

"JUST release him," mungkahi ni Demon na tahimik na nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa sa loob. Hindi tuloy napigilan ng magkakaibigan na mapakunot ang noo, gano'n na rin ang pulis na kasama.

"Bakit? Kailangan niyang maturuan ng leksyon. Kailangan niyang makulong kahit bente-kuwatro oras lang!" giit ni Spade. Hindi na maipinta pa ang mukha nito.

"Dapat nga ilang buwan kung hindi lang menor de edad 'yan," dagdag pa ni Art.

"I'll be the one to teach him a lesson," sambit ni Demon.

"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong naman ni Clover pero hindi siya pinansin.

"Pasensya na sa abala. Nasayang pa tuloy namin ang oras ninyo nang dahil sa batang iyan," paghingi ng paumanhin ni Demon sa pulis.

"Wala 'yon. It's our job," sagot naman ng isang pulis saka ngumiti. Nagpaalam na ito.

"Demon," saad ni Spade at pilit na hinuhuli ang mga mata ni Demon. Kumakabog na ang dibdib niya lalo pa't ayaw nitong sagutin ang mga tanong nila. "Hindi puwede."

"Bakit hindi puwede? Huh?" kunot-noong tanong niya saka isa-isang tiningnan ang mga kaibigan. Ngumisi ito at muling nasilayan sa mga mata niya ang napaka-blankong ekspresyon ng isang King Demon Lewisham. "It's my hobby."

***

"D-DEMON," saad ni David nang magising sa presensya ni Demon. Dahan-dahan itong bumangon at umatras hanggang sa headboard ng kama. Bumaba naman ang tingin nito sa baril na hawak ni Demon. Nang mapansin ni Demon ang takot na bumabalot kay David ay tiningnan niya ang baril saka umismid. Itinapon niya ito sa kama ni David saka umupo sa gilid nito. Nakaharap ngayon si Demon sa bintanang nakabukas kung saan tanaw niya ang kalangitan na puno ng bituin.

"If I was the old Demon, David, you'd already be crying for help," pambasag nito sa katahimikang bumabalot sa loob ng kuwarto.

"You paid people to scare Felesisima Fajardo. You're the reason why we lost our bar," dagdag pa nito. Nilingon ni Demon ang batang ito na nanginginig na ang buong katawan sa takot. "You know my past and it doesn't always have a happy ending," giit nito. "Huwag kang tutulad sa kung ano ako noon. Hindi nakakalalaki."

"Promise me that this will be your last," mungkahi ni Demon saka tumayo. "Being a jerk won't make you cool."

***

"WAAAHHHHHHH!"

Napabalikwas si Sisi at napakapit nang mahigpit sa kama. Tumatagaktak ang pawis sa noo niya at basang-basa rin ang likuran niya kahit malamig dahil sa lakas ng aircon sa kuwarto niya. Napatakip siya sa mukha at hinagod ang buhok nitong basang-basa.

Kinuha niya ang salamin sa side table at isinuot ito. Natuon naman ang tingin niya sa pahabang salamin ilang dangkal ang layo mula sa kanya. Kitang-kita niya ang sarili. Kitang-kita niya ang takot na bumabalot sa katauhan niya.

"It's a dream. A nightmare," bulong nito sa sarili saka umiling-iling para burahin ang bumabagabag sa isipan. Tumayo na ito at nagsimula sa kanyang daily routine para sa buong linggo.

***

PAGKAGALING sa simbahan ay agad dumeretso si Sisi sa bookstore na madalas niyang tambayan. Tuwing linggo ay umuuwi si Arnia sa kanila kaya hindi ito kasama ni Sisi.

"Ang aga pa, Sisi. Mukhang masipag na bata," pagbungad ng isang lalaking may kaedaran na. Abala ito sa pag-aayos ng mga libro. Binigyan niya naman ito ng ngiti at inilapag ang bag sa couch na napalilibutan ng mga libro.

"Parang hindi na ho kayo nasanay, Kuya Dado," natatawang saad niya. Mukhang siya ang unang customer sa araw na ito.

"Kung buhay pa ang mga magulang mo, siguro proud na proud sila sa 'yo. Napakasipag mong bata. Napakabait at tiyak akong maraming nagmamahal sa 'yo." Nginitian niya lang si Dado bilang pasasalamat.

Sabay namang napatingin ang dalawa sa pinto nang tumunog ang bell. Isang dalagang mukhang kagagaling lang sa eskuwelahan ang dumating. Naka-uniporme ito at may nakasabit na itim na backpack. Deretso lang itong pumasok at parang hindi napansin ang presensya ng dalawa.

Napakunot pa ng noo si Sisi dahil sa pagkakaalam niya ay linggo ngayon. "May mga bagong dating ho ba, Kuya Dado?" pagtutukoy niya sa mga librong paulit-ulit niyang binabalikan.

"Mayroon. Tingnan mo sa may bandang dulo, sa Section C." Tumuro si Dado. Napatawa na lang si Sisi sa isip niya dahil parang bago lang siya at hindi alam kung nasaan ito. Tinahak niya ang daan papuntang Section C.

Titingin-tingin siya sa mga nakahilerang libro. Paminsan-minsan nagbubuklat siya at kung may magustuhan ay bibilhin niya.

Natigil siya sa ginagawang pag-aanalisa sa mga libro. Napatingin siya sa mga butas kung saan kita niya ang Section D. Naroon ang babaeng pumasok kanina.

Napakunot siya ng noo dahil sa inaasta ng babae. Para siyang takot na takot at palinga-linga sa paligid, tila sinisigurado kung may nakatingin sa kanya. Nang wala siyang nakitang tao, agad-agad niyang ipinasok sa bag niya ang mga librong nanakawin niya.

"Ang bilis naman yatang maubos ng mga libro dito sa Section D," nanlaki ang mga mata ng estudyante at napatingin sa babaeng nagsalita. Iniangat ni Sisi ang tingin para basahin ang nakasulat sa karatula sa itaas. "Mathematics. Anything related sa numbers and sequence." Tiningnan niya ang estudyante. "Mahilig ka ba sa math?" kunot-noong tanong niya rito at pasimpleng naghanap ng libro.

Napalunok ang estudyante at mahigpit na napakapit sa palda. "A-ah, oo."

Sisi crossed her arms at sumandal sa bookshelves. "What is three plus open parenthesis two, close parenthesis, times three, minus four?" tanong ni Sisi. Hindi niya pinag-isipan ang tanong niya. Basta na lang itong lumitaw sa isip niya.

"U-uh..."

Napangiwi si Sisi. "Put it back or I'll put you behind bars."

Napakunot ng noo ang estudyante. "Huh? What the hell are you saying?" inis na sambit nito. Akmang lalampasan na niya si Sisi nang hilahin siya nito pabalik at hindi sinasadyang masagi ang bookshelf. Naglaglagan ang ilang libro na nagdulot ng ingay.

"Nahuli ka na, magsisinungaling ka pa!" pagdiriin ni Sisi at matiim na tinitigan ito.

Agad na dumating si Dado at napatingin sa mga bumagsak na libro. Napatingin din ito kay Sisi at sa estudyante na mukhang nagtatalo. "Anong nangyayari?" tanong nito ngunit walang pumansin sa kanya.

"You're pretty but stupid."

***

"ANG bilis ng kamay mong magnakaw pero ang bagal mong kumilos?!" bulyaw ni Sisi habang pinanonood ang estudyante na abalang nagpupunas ng mesa sa harapan nito. "Ilang oras na tayong narito pero wala ka pa sa kalahati!" giit nito. Napaismid naman si Sisi nang padabog na ibinagsak ng estudyante ang pamunas sa mesa.

"Ikaw kaya ang gumawa nito! Hindi madali ang maglinis!"

Tumayo si Sisi at nagpamewang. Mabuti na lamang at mas matangkad siya rito kaya't medyo nakatingala ang estudyante sa kanya. "Pero ang magnakaw, madali para sa 'yo?" kunot-noong tanong nito. Inirapan lamang siya nito saka padabog na kinuha ang pamunas at lumipat ng puwestong lilinisan.

"Kumain ka muna, Sisi," pag-alok ni Dado saka naglapag ng pagkain sa kalilinis lang na mesa.

"Hindi ka magdurusa kung hindi mo pinagtangkaang nakawan itong bookstore. Alam mo, dapat nagpapasalamat ka pa sa 'kin dahil hindi mo mararanasan ang buhay sa kulungan. Ilang taon ka na ba? May lakas ka na agad ng loob na gumawa ng masama?" inis na sabi nito. "Wala ka bang magulang? Hindi ba nila alam 'tong ginagawa mo? O gumagawa ka ng masama para magpapansin sa magulang mo? Isipin mo naman sila. Kahihiyan 'tong ginagawa mo. Masasaktan ang mga magulang mo kapag nalaman nila—" Ibinagsak ng estudyante ang mga libro sa sahig kaya naagaw lahat ng atensyon ng mga customer. Napasinghal si Sisi dahil sa ginawa niya.

"Tama na! Wala akong magulang! Patay na sila bata pa lang ako. Ampon ako at ang masakit, 'yong taong umampon sa 'kin, isa lamang college student. I was bullied every day and I miss the person who I expected to protect me from those bullies. But she died." Huminga ito nang malalim para kontrolin ang emosyon. "She was like a mom to me, like a best friend, but she's gone. I thought she will be by my side forever. Alam mo kung bakit ko 'to ginagawa? Because I need attention!"

Bumaba ang tingin ng estudyante sa mga libro saka isa-isang pinulot ang mga ito. Dahil sa sigaw niya ay tumahimik ang buong bookstore. Awa ang makikita ngayon sa mga matang nakarinig sa sinabi niya. Lahat naman ay napatingin sa pinto nang tumunog ang bell na bumasag sa katahimikan.

Napakaguwapo niya. Mas lalo siyang naging hot dahil sa pamamawis ng leeg niya hanggang dibdib dahil nakabukas ang dalawang butones ng polo niya. Ang messy ng buhok niya na parang kagigising lang. Napalinga sa paligid ang lalaki at mukhang may hinahanap. Nilapitan niya ang estudyante saka ito niyakap.

"I'm sorry," mungkahi nito. "Let's go home."

Natigilan si Sisi. Agad siyang nagbuklat ng libro at nagkunwaring nagbasa para lamang matakpan ang mukha pero napagtanto niyang walang rason para magtago siya.

"Dad, I can't."

"Dad?" Sabay na napalingon si Demon at ang estudyante kay Felesisima. Tumayo ito para makapantay ang dalawa na nakatayo sa harapan niya. "S-siya 'yong tinutukoy mong umampon sa 'yo?" kunot-noong tanong nito. Tumango lamang si Apple habang nakatitig si Demon kay Sisi. Hindi niya inaasahang muli silang magkikita. "She can't leave. She stole some books," dagdag pa nito ngunit parang walang narinig si Demon.

"Apple," sambit ni Demon habang titig na titig kay Sisi. Napakunot naman ng noo si Sisi dahil sa sinabi niya. "Her name is Apple," paglilinaw nito. Ilang segundo silang nagkatitigan.

Umiwas ng tingin si Sisi at bumalik sa pagkakaupo. Kinuha nito ang librong nakalapag sa mesa at inilipat sa susunod na pahina. "You can leave."

"Her mom died five years ago." Natigilan si Sisi. Pumikit ito at nagbuntonghininga. Tiningnan niya si Demon.

"I'll listen."

***

PAREHO na silang nakaupo sa couch. Magkalayo silang dalawa. Si Apple, ipinagpatuloy na ang paglilinis dahil kaunti na lang naman at si Dado, ipinagpatuloy rin ang pagka-cashier. Maya-maya lang magsasara na ang bookstore dahil alas-siyete na ng gabi.

"Five years ago, I met a girl. I really loved her. We had kids at isa na roon si Apple. Sobrang bait niya, mahal na mahal siya ng mga bata. Mahal na mahal ko siya pero sa buhay, hindi mawawala ang mga kontrabida. She died. Binaril niya ang sarili niya at nahulog siya sa bangin pero wala ang bangkay niya. Sabi ng mga Parker, patay na talaga siya dahil sila pa mismo ang naglibing sa kanya. There's a part of me that is still hoping na buhay siya pero mas malaki ang paniniwala kong patay na siya."

Itiniklop ni Sisi ang libro at nag-focus sa kausap. "Okay. Ayokong manghimasok sa buhay n'yo but let me clarify things with you. She's dead. Umaasa kayo sa kanya, umaasa kayong babalik siya, umaasa kayong nabubuhay pa siya. Umaasa kayo sa wala. Kailangan n'yong ipagpatuloy ang buhay n'yo nang wala siya." Tumigil siya at pinasadahan ng tingin si Apple. "This girl, she's affected na hanggang ngayon, umaasa siya sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Learn to accept the facts. Learn to accept that the person you love is dead and you two must move on. 'Yan lang ang kailangan n'yong gawin—ang mag-move on, ang burahin na siya sa isipan n'yo," mahabang litanya ni Sisi. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa kanila.

"Do me a favor," pambasag ni Sisi sa katahimikan. "Kung magtatagpo mang muli ang landas natin, just please, isipin mong hindi tayo kailanman nagkakilala. Isipin mong hindi tayo kailanman nag-usap o kaya isipin mong hindi ako nag-e-exist sa mundong 'to. Ayoko nang magkita pa tayo."

"I won't do it," saad ni Demon saka tumayo at lumabas ng bookstore. Sinundan naman siya ni Sisi.

"Bakit hindi?!" bulalas nito dahilan para matigilan si Demon. "Hindi ka ba talaga marunong makinig sa mga taong nasa paligid mo?! Kaya may mga taong nawawala sa 'yo dahil hindi ka marunong makinig! Basta kung anong gusto mong gawin, gagawin mo kahit alam mong may mga taong maaapektuhan pagkatapos ano?! Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sa 'yo?! Akala ko nagbago ka na. Nasa huli ang pagsisisi kaya kung ayaw mong may taong mawala na naman sa 'yo, matuto kang makinig!" Halos pumiyok si Sisi.

Tumalikod na siya dahil sa inis, sa galit, lahat-lahat. Akmang hahakbang na siya paalis nang siya naman ang mapatigil nang magsalita si Demon.

"Akala ko nagbago ka na..." pag-uulit niya sa sinabi ni Sisi. Sa lahat ng sinabi ni Sisi, ang mga katagang iyon ang tumatak sa isipan niya. "Isang tanong, isang sagot. K-kilala mo ba ako?"

Napaismid si Demon. "You're giving me goose bumps. Imposibleng nakapasok ka noon sa The Devil's Hell University. Bago pa may makapasok doon, dumadaan muna sa akin at hindi ko kailanman nakita ang isang tulad mo sa university na pagmamay-ari ko noon." Tiningnan niya ang nakatalikod na si Sisi at sa tingin pa lang nito ay may kung sinong tao ang tumakbo sa isipan niya. "But there's one person, isang tao na nakapasok ng TDHU na hindi dumaan sa akin. Isang tao na kaduda-duda. Huh! Unless, you are—"

Beep! Beep! Agad na napalingon ang dalawa sa paparating na motor. Sobrang bilis.

"Baby!" pagtawag niya kay Sisi. Huminto ito sa tabi mismo nito. Kinunutan lamang siya ng noo ni Sisi.

"Baby? Amp!" bulong ni Demon sa sarili.

"Alex?" tanong niya. Iniabot ng Alex ang isang helmet na kinuha naman agad ni Sisi.

"Baby? Tara na?"

Tumango lang siya at sumakay sa likuran. Niyakap niya ito sa bewang dahilan para manliit ang mga mata ni Demon at 'di niya napigilang mapaismid. Pinaharurot na nito ang sasakyan. Sinundan lamang sila ng tingin ni Demon.

"Sakto lang ba ang dating ko?" tanong ni Alex. Tumango si Sisi. "Tadhana nga naman."


Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
708K 35.5K 79
[MPYASGD ; BOOK 1 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] I promised I would take him down. But...
527K 6.2K 38
This is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), pu...