One Sided Love ✔️

By Everjoy_Condes

528K 16.5K 1.7K

(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt si... More

Thank You, Team JOSHNIC! ❤️
Prologue
OSL Kabanata: 1
OSL Kabanata: 2
OSL Kabanata: 3
OSL Kabanata: 4
OSL Kabanata: 5
OSL Kabanata: 6
OSL Kabanata: 7
OSL Kabanata: 8
OSL Kabanata: 9
OSL Kabanata: 10
OSL Kabanata: 11
OSL Kabanata: 12
OSL Kabanata: 13
OSL Kabanata: 14
OSL Kabanata: 15
OSL Kabanata: 16
OSL Kabanata: 17
OSL Kabanata: 18
OSL Kabanata: 19
OSL Kabanata: 20
OSL Kabanata: 21
OSL Kabanata: 22
OSL Kabanata: 23
OSL Kabanata: 25
OSL Kabanata: 26
OSL Kabanata: 27
OSL Kabanata: 28
OSL Kabanata: 29
OSL Kabanata: 30
OSL Kabanata: 31
OSL Kabanata: 32
One Sided Love: Cast
OSL Kabanata: 33
OSL Kabanata: 34
OSL Kabanata: 35
OSL Kabanata: 36
OSL Kabanata: 37
OSL Kabanata: 38
OSL Kabanata: 39
OSL Kabanata: 40
OSL Kabanata: 41
OSL Kabanata: 42
OSL Kabanata: 43
OSL Kabanata: 44
OSL Kabanata 45: The Finalé ❤️
Naive Series ❤️

OSL Kabanata: 24

7.7K 296 30
By Everjoy_Condes

Makalipas ang dalawang taon...



NICOLE's POV:


"Bye Nicole!" rinig kong pamamaalam sa akin ng blockmate kong si Wendy, kaya mabilis ko siyang binalingan na may matamis na ngiti sa labi.

"Bye... Wends!" pamamaalam ko rito bago ko siya kinawayan. Nakita ko na kumaway din ito sa akin pabalik, bago tuluyang nilisan ang aming classroom.

Ngayon ay second year college na ako rito sa Trinus University. Parehas kami ni Raine na nag-aaral sa prestihiyosong unibersidad na ito, ngunit magka-iba ang aming kurso. Sa sobrang laki ng Trinus ay hindi na kami nabibigyan ng pagkakataong magkita dahil sa salungat naming mga schedules.

Kung tatanungin niyo naman si Dennis, ayon tuluyan nang pinanindigan ang pagiging Ama sa anak nila ni Charlotte.

Ang nakakaloka pa roon ay kinuha pa akong ninang ng mokong na iyon sa kanyang isang taong gulang na anak. Ayoko sanang pumayag pero sabi ni Mama Janet, masama raw ang tumanggi sa alok na aanakin ang isang bata sa binyag. Kaya naman kahit ayaw ko ay wala akong choice kundi ang um-oo na lang din.

In good terms na rin naman kami ni Dennis ngayon pati na si Charlotte, na siyang schoolmate rin namin noon sa Fort Trinity High School.

Ipinakita naman kasi sa akin ni Dennis, kung gaano siya kasinsero sa paghingi niya sa akin ng tawad. Kaya't nagkapatawaran kami sa isa't isa, na maluwag sa aming mga kalooban. At sa kabila nang nangyaring gusot namin noon ay malugod ko siyang tinanggap bilang kaibigan.

Nai-kwento na rin niya sa akin ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Charlotte, noong mga panahon na isang buwan ko siyang inignora dahil sa pag-aaway namin.

Aaminin ko, may panghihinayang akong naramdaman habang sinasariwa ko ang mga pinag-usapan namin ni Dennis noon. Ang mga salitang nagsasabi kung gaano niya ako kamahal, pero hindi na kami pwede dahil may isang munting anghel ang dapat niyang panindigan.

Isang malaking WHAT IF at panghihinayang, ang agad pumasok sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Iniisip ko kung paano kaya kung binigyang pansin ko agad siya noon, siguro kami pa rin hanggang ngayon. Paano kaya kung hindi ko pinairal ang bugso ng damdamin at galit ko noon, siguro matatawag kong akin pa rin siya hanggang ngayon.

Pero ganoon ata talaga ang buhay. May mga desisyon tayong nagagawa sa buhay natin, na siyang babago nang tuluyan sa magiging takbo ng ating hinaharap. Na kahit ano mang pilit at kagustuhan nating ibalik ang nakaraan, ay may mga dahilan na magpapamuka sa atin, na hindi na natin makakamit ang salitang pwede na ating inaasam.

Pero tanggap ko na rin naman ang mga nangyari, dahil sa kabila nang mga hinanakit ay may isang cutiepatootie naman akong inaanak na si Heather.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko naman itong kinuha sa aking bulsa at nangunot sa aking nakita.


From: +639170011213

Nicnic... Kamusta?


"Sino kaya to?" sambit ko sa hangin.

Sinimulan ko nang maglakad papalabas ng hallway, ngunit ang isip ko ay parang naiwan sa mensaheng aking natanggap. Bukod sa iilang tao lang naman ang may alam ng aking pribadong numero, ay iilang tao lang din ang tumatawag sa aking palayaw na Nicnic.

Mabilis na kumabog ang aking puso, nang rumehistro ang pigura ng isang tao sa aking isipan. Ngunit maagap ko namang sinuway ang isiping iyon sabay sabing, "Imposible Nicolette... Hindi nga nagpaalam sayo 'yung mokong na 'yon bago umalis, bakit ka naman niya maaalala ngayon? Tsss..." dismayadong saad ko sa hangin bago nagpatuloy sa aking paglalakad palabas ng Trinus University.


*****


Mabilis kong tinungo ang aking sasakyan sa parking lot. Ngunit agad nangunot ang aking noo nang makita ang pigura ng taong tumatakbo kani-kanina lamang sa aking isipan.

"J-josh..." halos pabulong kong sambit sa hangin. Ilang beses ko pang ikinurap ang aking mga mata, sa pagbabaka-sakaling namamalik-mata lamang ako.

Sa loob ng maraming beses na pagkurap, ay hindi nawala ang imahe ni Josh sa aking paningin. Mas naestatwa naman ako nang sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, na siyang dahilan para dumagundong nang tuluyan ang aking puso.

Pasadsad ang mga paang humakbang ako papalapit sa kanya. At segundo lamang ang lumipas nang salubungin ako ni Josh ng isang mahigpit na yakap, "Nicnic..." rinig kong sambit nito, pero letsugas mas malakas pa rin ang pagkabog ng puso ko kesa sa boses niya.

Halos pigil ang aking paghinga habang magkadikit ang aming mga katawan. Hindi ko alam kung yayakapin ko rin ba siya pabalik o magpapaka-tuod na lang ako sa aking kinatatayuan ngayon.

"Bahala na." saad ko sa aking sarili bago ko siya hinagkan ng parehong intensidad.

Habang magkayakap kami ay hindi ko mapigilang mapahikbi, dahil sa kasiyahan na aking nararamdaman ngayon. Ewan ko ba, siguro nga ay O.A. akong matatawag dahil sa eksena kong ito pero iyon talaga ang nararamdaman ko eh. Para akong nakaramdam ng isang kaginhawaan na hindi ko maipaliwanag.

Nasa ganoong pag-iisip ako, nang maramdaman kong humiwalay na nang tuluyan si Josh sa aming pagkakayapos, "Nicnic... Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang usal nito habang hinahaplos ang aking kaliwang balikat.

"W-wala... Namiss lang kita." bigla namang namilog ang aking mga mata, nang mapagtanto ko ang katagang lumabas sa aking bibig.

Mabilis kong tiningnan sa kanyang mga mata si Josh, at isa lang ang nabakas ko roon. Pagkalito... Dahil iyon talaga ang nabasa ko sa kanyang mga mata.

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Nanumbalik na naman tuloy sa akin ang kahihiyang ginawa ko kay Josh, dalawang taon na ang nakalipas. Kung saan nagpaka-desperada akong halikan siya, para lang makaganti't makalimot na rin sa sakit na pinaramdam sa akin ni Dennis noon.

"Namiss din kita, Nicole." biglang turan nito kaya dagli ko siyang binalingan ng tingin.

Nang magtama ang aming mga mata ay para akong nakuryente na hindi ko maipaliwanag. Sing lakas ng kidlat, ang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa amin sa pamamagitan lamang ng aming paningin.

Ibang pamamaraan kasi ang ginawa ni Josh sa pagsambit ng mga katagang iyon. Minsan na akong umasa kay pag-asa, nang bigla ako nitong hinalikan na may halong pagmamahal.

Pagmamahal nga ba iyon o sadyang assumera lang ako ng taon? Pagtapos kasi no'n ay hindi na ito nagpakita pa, at nabalitaan ko na lang na lumipad na ito papunta sa America para roon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

"Hey..." wika ni Josh na siyang nakapagpabalik sa akin sa realidad.

Para makabawi ay agad kong pinilig ang aking ulo sabay sabing, "Echoserang palaka ka! Miss, miss... Miss mo feslak mo!" ismir ko rito bago ko pinunasan ang kakarampot kong luha.

"F-feslak?" natatawang saad niya sa akin.

"Oo feslak, as in i-miss mo mukha mo. Sasabihan mo akong miss, eh hindi ka nga nagpaalam sa akin bago ka umalis. Ni tawag, text o simpleng message sa Facegram, waley!" halos mapatid na ang mga litid ko dahil sa kainisan.

"Hahaha!" halakhak lang ang isinagot niya sa akin. Ang galing...

Dagli ko naman siyang pinanliitan ng mata habang naka-halukipkip ang aking mga braso, "Ang saya lang ng life noh?" sarkastiko kong saad sa kanya.

Kita ko na pinunasan nito ang kanyang luha ng kaligayahan sabay sabing, "Grabe, hindi ka pa rin nagbabago. Nuknukan ka pa rin ng sungit." aniya bago pinisil-pisil ang aking magkabilang pisngi.

"Tse!" galit-galitan kong anas sa kanya bago sinuway ang kamay nito. "Hindi mo ako madadala sa ganyan! Hindi purket gwapo ka na ngayon, mabobola mo na ako ah..."

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi sabay sabing, "I will take that as a compliment." usal ni Josh bago ako kinindatan.

Napairap na lang ako sa kawalan, "Tabi, uuwi na ako." padabog kong anas bago ko siya pinaalis sa daraanan ko.

"Hey! Wait up!" rinig kong saad nito pero hindi ko na siya nilingon, bagkus mas binilisan ko pa ang aking paglalakad patungo sa aking sasakyan.

Nang akmang bubuksan ko na ang pintuan ng driver's seat, ay mabilis itong isinara ni Josh bago ako kinulong sa pagitan ng kanyang mga bisig.

Para akong binuhusan ng yelo dahil sa ilang pulgadang lapit ng aming mga mukha. Gustuhin ko mang umatras pa ay hindi ko na nagawa, dahil nakasandal na ako ngayon sa pintuan ng aking sasakyan.

Mas nanlamig naman ang aking buong sistema, nang makita kong binalingan ni Josh ng tingin ang aking mga labi.

"Hahalikan niya ba ako?" kinakabahan kong sambit sa aking sarili. Sa sobrang taas ng aking emosyon, ay hindi ko napigilang makagat ang ibabang bahagi ng aking labi dahil sa kaba.

Ngunit nang makita ni Josh na ginawa ko iyon, ay para itong napaso na ewan at biglang humiwalay sa akin, bago ako tinalikuran.

Dagli ko namang inayos ang aking sarili, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa lapit ng pagitan ng aming mga mukha.

"See you at the reunion." biglang saad ni Josh na siyang dahilan para balingan ko na itong muli.

Ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis nitong nilisan ang aking kinatatayuan. Napa-awang labi na lang ako dahil sa kalituhan.

"Anyare?" kunot noong sambit ko sa hangin, habang hinahatid ng aking paningin si Josh na ngayon ay papasakay na ng kanyang sasakyan.

Nagkibit-balikat na lamang ako at tuluyan na ring sumakay sa aking kotse. Hindi ko pa binubuksan ang makina ng aking sasakyan, dahil sa nangyari kanina.

"Yan... Nicnic! Kagat labi pa more!" sarkastiko kong saad sa aking sarili. Napapailing na nilisan ko na lang ang lugar na iyon, para makapag-isip ng tama. Dahil susme, hindi na tugma ang sinasabi ng aking isip, sa itinitibok ng aking puso.




*****


Awww-- Taguan ng feelings... 😂😂😂


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.3K 105 45
(Eleazar Cousin's Series #3) Paggusto mo ang isang tao, su-supportahan mo, ipapakita mo kung anong nararamdaman mo, ipagmamalaki mo at higit sa lahat...
269K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...
29.2K 1.4K 36
Loss desugared the taste of life.