Numb is in

Von asherinakenza

1.5M 23K 1K

Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban m... Mehr

(PROLOGUE)
CHAPTER 1:
CHAPTER 2
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: Summmmmmmerrrrrrr! :)
CHAPTER 8: TRUTH ?
CHAPTER 9: TRUTH (PART 2) [FLASHBACK]
CHAPTER 10: <3
CHAPTER 11: </3
CHAPTER 12: Crazy
CHAPTER 13: Iniipis mo yung puso ko (^_^V)
CHAPTER 14: Awkwardddddd!
CHAPTER 15: He Love's Me.
CHAPTER 16: I'll be watching you (Part 1)
CHAPTER 18: Virus/Stolen Kisses..
CHAPTER 19: Priceless
CHAPTER 20: Don't wanna lose you.
CHAPTER 21: A Special Friend?
CHAPTER 22: Playful friend.
CHAPTER 23: Not Again..
CHAPTER 24: Meet Cassiel..
CHAPTER 25: A date with my boss?
CHAPTER 26: You Make Me Perfect.
CHAPTER 27: He's Real..
CHAPTER 28: Closure..
CHAPTER 29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..
CHAPTER 30: Promise
CHAPTER 31: I wanna be with you.
CHAPTER 32: Bestfriends..
CHAPTER 33: Truth.Lies.Love
CHAPTER 34: The Wedding...
CHAPTER 35: Goodbye..
CHAPTER 36: Don't look back..
CHAPTER 37: The Victim
CHAPTER 38: Bad Day..
CHAPTER 39: I gotta find you.
CHAPTER 40: Pain and Tears
CHAPTER 41: Revelations.
CHAPTER 42: Hatred
FINALE : ♫ It will rain ♫
EPILOGUE

CHAPTER 17: I'll be watching you. (Part 2)

29.6K 410 7
Von asherinakenza

CHAPTER 17: I’ll be watching you. (Part 2)

 


Si Alexis >>>>>>>>>>>>



MATTHEW’s P.O.V

 

Magkasama nanaman kami ngayon ni Alex. Ano pa? hindi kami nakapag exam. Bibigyan nalang daw kami ng special exam.

“Hayaan mo na nga.” – naiiritang sabi niya, saka naglakad palabas ng university.

Sinundan ko siya.

“Saan ka pupunta ngayon?” – tanong ko.

“Magpapakasaya, bakit sasama ka?” – tanong niya habang tutok na tutok sa cellphone niya.

Tinignan ko lang siya.

“Tsk, Tj.. magreply ka naman..nasa Las Vegas ka na ba talaga..” – bulong niya.

Break na tinetext parin?

“Diba break na kayo?” – tanong ko.

“Oo, bakit masama ba umasang babalik siya sakin?” – tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

“Umaasa ka pa rin kahit na may nabuntis na siyang iba?” – tanong ko.

“Oo. Hindi naman niya mahal si Nezza eh.. ako ang mahal niya.” – diretsong sagot niya.

Wow. Martyr nitong babae na ‘to.

Tinignan ko ulit siya.

“Bat mo ko tinititigan?” – tanong niya.

Pero hindi ko sinagot yung tanong niya, hinila ko siya.

“Hey! Bitiwan mo nga ko!” – sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

Isinakay ko siya sa kotse. Pero akmang lalabas siya, kaya naman hinablot ko yung cellphone niya.

“Hoy cellphone ko yan!” – sigaw niya.

“Kaya nga kinuha ko diba? Ibabalik ko rin sayo ‘to mamaya bago umuwi.” – sagot ko.

Bago pa siya makapag salita sinarado ko na yung pinto ng kotse at sumakay na rin ako. Habang nagdadrive ako.

“Saan mo ba ko dadalhin?” – tanong niya.

“Gusto mo magpakasaya diba?” – tanong ko.

Tumango naman siya.

“Were going back to Laguna!” – sabi ko.

“Matthew!” – sigaw niya.

“Seryoso ako Alex.” – sabi ko.

“Arggghhhhh!!” – sigaw niya.

“Don’t shout.” – sabi ko.

Inirapan niya ko.. hindi ko naman talaga gusto gawin ‘to eh.. napilitan lang ako dahil naaawa ako sakanya.. nakausap ko na kanina si Tj, pag  uwi ko sa bahay namin nandun siya.. sinabi niya sakin na alagaan ko daw ‘tong babae na ‘to hanggat wala pa siya.. sabi ko naman ang gago niya.. bubuntisin niya yung Nezza na yon tapos pababayaan yung talagang girlfriend niya?! Tapos malalaman ko na hindi pala siya yung ama nung nasa tiyan nung babae na yon. Kundi si Darryl, tangna talaga hindi pa rin nagmamature yung utak nung kapatid niya.. kapag gumagawa ng katarantaduhan pinapasa lagi sa Kuya niya.

“Matthew! Ang layo layo ng Laguna.” – sabi niya na inis na inis na..

“2 hours lang biyahe Alex.” – sabi ko.

“Ihinto mo ‘tong kotse mo! sa Bar ko gusto pumunta! Hindi sa Laguna!” – sigaw niya.

“Wag kang mag alala kung alak hanap mo marami sa likod nitong kotse ko! magpakalasing ka hanggang sa gusto mo!” – sigaw ko. may mga alak kasi sa compartment nitong sasakyan ko dahil kela Musni, dun ko siya dadalin sa lugar na pinagdalhan ko sakanya kagabi, atleast dun kahit anong gawin niya walang ibang makakakita sa kanya.

Tumahimik nalang siya.

Gaya ng sabi ko 2 hours lang ang biyahe nandito na kami ulit. Agad siyang bumaba at umupo dun sa damuhan, naka uniform pa kami pareho. Nakatungo siya sa tuhod niya. Kinuha ko na muna yung mga alak sa likod ng kotse ko, tamang tama may mga natira pang chichiria.

“Oh!” – abot ko sakanya ng alak. Kinuha naman niya yun at binuksan.

“Bakit mo ba ko dinala dito!” – di parin makamove on? Nandito na nga.

“Kasi naman pag nag iinom ka dire-diretso. Tulad nalang kagabi. Panay ang hingi mo dun sa bartender ng tequila. Mamaya kung ano pang gawin mo dun pag nalasing ka.” – sabi ko sabay inom din.

“Eh bat ka nakikielam?” – tanong niya.

“Bawal ba? Buti nga sinasamahan kita sa pagka emo mo!” – sabi ko.

“Sama mo.” – sabi niya.

“HAHA! Wag ka magalit baka pumangit bangs mo.” – sabi ko, ang cute kasi ng bangs niya eh bagay sakanya!

Hinimas himas naman niya yung bangs niya. Ubos na agad niya yung isang bote ng alak, kaya nagbukas ulit siya.

“Malakas ka uminom.” – sabi ko.

“Hindi.” – sagot niya.

“Kaya pala.” – sagot ko.

“Nga pala! Diba pinsan mo si Tj! Tulungan mo kong makausap siya!” – masayang sabi niya.

“Ano ko bridge.” – sabi ko.

“Hmp. Yabang naman.” – tumungo siya.

“Martyr mo rin noh? Kalimutan mo na siya.”

“Ayoko. Mahal ko siya eh.” – sabi niya.

“Haay, ano kayang dapat kong gawin para mawala na ‘tong sakit na ‘to.” – patuloy niya.

“Simple lang para hindi ka masaktan, kapag minahal ka, mahalin mo rin.. Pag ginago ka gaguhin mo rin, ganun lang kadali yun. Ewan ko ba sa inyo kung bakit ang daming martyr na katulad mo.” – sabi ko.

Tinitigan niya ko.

“Nagka girlfriend ka na ba?” – tanong niya.

“Oo naman, gwapo gwapo ko eh.”

“Ang hangin mo talaga! SIguro nga nagka girlfriend ka na pero hindi mo pa nararamdaman yung magmahal talaga ng totoo!” – sigaw niya.

Mahal? Pano ba yun?

“Ang unfair naman kasi eh! Bakit ganun!” – sigaw niya, ayan na paiyak nanaman yan.

“Life is unfair so get used to it.” – sagot ko.

Tumayo siya at lumapit dun sa may batis, at....

Tumalon.

“Alex!” – sigaw ko.

“Woooo! Lamig!” – siya.

“Umahon ka jan!”

“Ayoko nga.”

Lumapit ako dun sa may gilid ng batis.

“Eh kung samahan mo nalang ako dito?” – sabi niya habang nakangiti.

“Huh? Wala akong dalang damit!” – ano bang gusto niya magswimming dito?

“HAHAHAH! Buti pa ko laging handa!” – sabi niya. Edi siya na may dala,mga babae talaga.

“Umahon ka na jan baka magkasakit ka pa!” – sigaw ko.

“Magalit ka muna! HAHAH! Alam mo magkabaliktad kayo ng pinsan mo, ikaw laging nakangiti, siya laging nakasimangot!” – natatawang sabi niya.

“Dami mong alam, mag move on ka na lang para hindi ako nadadamay sa kalokohan mo!” – sigaw ko.

Nanlisik yung mga mata niya!

Hahaha!

Lumayo ako, umahon naman siya at hinabol ako.

“Aaaaaraaaayyyy! Alex masakit!” – kinagat niya ko sa braso.

“Payatot!” – sigaw niya.

“Hoy! Baka pag nakita mo yung katawan ko pagnasaan mo ko!” – sigaw ko.

“ASA! Eh ang payat payat mo nga!” – sigaw niya!

“Hinahamon mo ba ko?” – sabi ko.

Tawa naman siya ng tawa.

Dahan dahan kong binuksan yung polo ko.

“HOY! MATTHEW! Seryoso ka ba?! Hahahahah! Wag ka ganyan baka may dumating na aso pagkamalan kang buto buto!” – sigaw niya.

Napahiga na siya sa damuhan katatawa.

“Seryoso ako Alex!” – yan nakahubad na ko ng polo! :D

Nakapikit siya habang tumatawa.

Nilapitan ko siya.

“Tignan mo ko!” – natatawang sabi ko.

“HAHAHA! Tigilan mo ko Matthew!” – sabi niya.

“Tignan mo muna yung sinasabi mong payatot!” – hinila ko siya, at napayakap siya sakin.

O.O – kami.

Napansin kong mejo namula siya. O baka dahil lang sa pagkakatawa niya?

Agad siyang umiwas ng tingin sakin.

“Magdamit ka na nga! Baka magkasakit ka pa!” – sigaw niya saka pumunta sa kotse.

Bakit ganon? Bigla akong kinabahan?

“MATTHEW! MAGBIBIHIS MUNA KO SA KOTSE MO! WAG KA MUNANG PAPASOK!” – sigaw niya.

Bat ganon? Aish.

After 10 minutes bumalik na siya.

“Inuman na ulit! Wooo.” – sabi niya.

Napatingin ako sakanya.

*GULP*

Bat ba ko kinakabahan?

“Hui Matthew! Inom ka muna oh!” – sabay abot sakin ng alak.

“Ha? A.. si.sige.” – agad kong tinungga yon.

“Hala, ubos agad?” – nakapout na sabi niya, namumungay na rin yung mata niya.

Tumingin lang ako sa may bridge.

 Mahigit dalawang oras narin kami dito. Madilim na rin kaya naman binuksan ko yung ilaw ng sasakyan ko para kahit papano maliwanag.

Eto, nagpapatahan ako ng lasing.

“Bihruhin mo, sha firsh boyfriend, firsh kiss. Taposh waya naaa!” – tawa iyak ang ginagawa niya.

Hinihimas ko lang yung likod niya. Pano ko ba natitiyagang makinig sa babaeng ‘to? Paulit ulit lang naman siya..

“Ang shakit.. ang shakit shakit..*hik*” – siya.

“Shh, tama na. Hayaan mo na yung pinsan ko. baliw yun eh.”-  hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sakanya?

“Hihih, baliw nga si Tj.. iniwan ang magandang tulad ko.” – natatawang sabi niya.

Tumayo ako, at inalalayan ko siya. Hahatid ko na siya. habang tinatayo ko siya. napayakap siya sakin.

lub.Dub.lub.dub.lub.dub.

Tangna ano yun?

Ang bakla naman bakit kinakabahan nanaman ako!

Naramdaman kong inangat niya yung ulo niya na nakatungo sa balikat ko, at hinawakan ako sa pisngi at...

O.O

Hinalikan niya ko.

Hindi lang yon basta halik.

Halik na hindi ko akalain na kaya niyang gawin.

“Alexis!” – sigaw ko.

Pero bago pa siya makasagot, natumba na siya.

Tss! Lasing!

Binuhat ko siya at sinakay na sa kotse.

Fvck! Bat ganito!

AN:

SORRY HINDI GANUN KAGANDA :(

_Ash..

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

179K 8K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
5K 803 43
Dracey Anise Cordova is already living her life to the fullest after she experienced her first ever heartbreak. She maybe stopped studying, but she...
362K 11.8K 33
A Rom-Com story that you shouldn't miss! ^_^
1.9K 120 30
He WAS a YOLO type of guy. You had a planned future ahead of you. How will destiny work it's way if your lives collide, once upon a time, in Pasay?