Tagpuan ni Bathala [Completed]

By arlethlewella

609 285 298

The least I expected na mang-iiwan ay iyon pa ang aalis. I am tired of watching people leaving me. Kailan pa... More

Tagpuan ni Bathala [Part II]
Tagpuan ni Bathala [Part III]
🏵Pasasalamat🏵
MUST READ

Tagpuan ni Bathala[PART 1]

221 72 115
By arlethlewella

Author's dedication section/message: This story is for my friend and kasquad na si Jenifer Mercadejas. Ang tangkad liit ng Savouge Squad. Love love kita. Amwa. 😘😘

Eto na yung part one.

PS: This is not edited kaya kung maraming typo, sorry for that. I'll be editing it kapag nagka-oras ako.

-end-
~

Jenifer's POV

Hindi ko mapigilang mainggit sa mga batang kompleto ang pamilya, may nanay at may tatay. Iniisip ko kung ano kaya ang pakiramdam na buo at masayang pamilya.

Mula pagkabata ko kasi ay sila tita at lola na lamang ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Hindi ko naman sinasabing hindi mabuti ang pag-aalaga nila pero iba pa rin yung pagmamahal ng totoong magulang.

Bata pa lang kasi ako namatay na ang mama ko. Naging malungkot ang Papa ko. Labing tatlong taong gulang ako noon at nagsimulang maging lasenggo si Papa. Namulat ako sa mundong puno ng bangungot at kalungkutan. Walang araw na hindi ako umiiyak, dahil laging wala si Papa at pagkauwi lasing. Parang hindi na ako nag-eexist.

And one day, namalayan ko na lang na iniwan na rin ako ni Papa. Tinanong ko sila Lola at Tita, ang sinabi nila sa akin nagtrabaho pero ilang araw ang lumipas narinig ko sa mga kapitbahay namin ang totoo. Hindi pala nagtrabaho si Papa. Sumama na siya sa ibang babae, hindi man lang niya inisip na, kaming dalawa na lang ang magkasama.

Hinayaan niya akong mag-isa. Sobrang sakit ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko iyon. Iniwan niya ako na sarili niyang anak para sa ibang babae.

I was so devasted to the point na ayaw ko nang lumabas ng bahay o makipag-usap. And on that day on, I started to hate him.

I hate him...I hate him so much.

Pinagdadasal ko na sana hinding hindi ko na siya makikita pa dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko o masasabi ko. I don't want to be evil but I will never forget the pain he cause me.

Maya maya nagulat ako ng biglang may nag-abot sa akin ng panyo, kaya't napatingala ako sa nagmamay-ari nito.

"Karl?" takang tanong ko.

"Yes! Ako nga!" nakangiting sagot nito sa akin.

Si Karl, classmate ko siya sa College Algebra. At halimaw siya sa equation and I wish, ganun rin ako kagaling. But poor me, It can't be... IT CAN'T BE!

Hindi kami masyadong nagkakausap. Acquaintance lang kami kumbaga.

"Gamitin mo na 'tong panyo ko. Basang basa na pisngi mo oh." sabi naman niya at iniabot sa akin ang panyo.

"Naku, okay lang nakakahiya naman." pagtanggi ko. Nakakahiya naman talaga e. At isa pa may panyo naman ako, hindi ko lang talaga namamalayan na naluha na lang ako.

"Hindi! okay lang, kunin mo na." pilit nito sa akin kaya wala na rin akong nagawa kundi tanggapin iyon.

Pinunasan ko ang mga luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Lagi na lang akong umiiyak sa tuwing naaalala ko ang mga panahon na iniwan ako ng taong akala ko hindi ako iiwan. It's been 6 years mula noong iniwan niya ako, ni anino niya hindi ko man lang mahagilap. Hindi man lang siya nagpakita sa akin kahit isang beses mula noong umalis siya.

"Oh, ayan nanaman ang luha mo. Gagawan mo pa ata ng swimming pool dito e." natauhan ako at bumalik sa reality nang biglang magsalita ulit si Karl.

Bigla ko namang hinawakan ang mga mata ko. Tumutulo nanaman pala ang luha ko, kaya agad ko itong pinunasan.

Nakakahiya!

Nakita pa niya akong ganito. I feel so wasted!

"Sawi ka ba sa pag-ibig?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng mapait.

"Oo, sawi ako. Sawing sawi." sagot ko naman. Napatingin ako sa ibang direksiyon at mula sa park na ito ay nakikita ko ang mga batang kasama ang kanilang mga magulang.

"Sino ba yang nanakit sa'yo at maupakan na?" pabirong sabi niya. Bahagya naman akong natawa sa inasta niya. Mas mabuti nga kung lovelife na lang ang problema ko, pero hindi e.

"Kung madali lang sanang gawin iyan, ginawa ko na, kaso kahit anong kagustuhan ko, hindi ko magawa dahil kahit anino niya hindi ko mahagilap." litanya ko na halata ang pagkalungkot. Hindi siya umimik pero naramdaman kong handa siyang makinig.

"He left me broken six years ago. Hindi ko alam ang gagawin ko nung panahon na yun, I was 13 years old, for pete's sake. Para akong namatay. Yung inaasahan kong tao na dadamay sa akin sa pagkawala ng nanay ko, ang siyang taong iiwan ako. Lalaking tinatawag kong 'papa', pero 'di man lang ginampanan ang responsibilidad niya at nagawa pa akong iwan. Nawalan ako ng tiwala sa kanya at sa iba." naramdaman ko ang muling pagtulo ng aking mga luha kasabay ng pagkirot ng aking puso. Ganito na lang lagi sa tuwing nakakakita ako ng mga bagay na nagpapaalala sa akin sa tatay ko.

For 6 years, masakit pa rin pala. Masakit na maiwan. Mahirap nang magtiwala.

"Kaya pala lahat ng manliligaw sa'yo, nababasted mo." sabat niya. Napatingin naman ako sa kanya. Pati 'yon alam niya? May mga nanliligaw kasi sa akin pero lahat sila ay hinihindian ko dahil hindi ko magawang magtiwala.

Our eyes met and a sudden spang on my chest were on.

Mata niya ay parang nangungusap. May gustong sabihin pero hindi niya mailabas sa kanyang bibig.

"Mahirap na magtiwala lalo pa't yung Tita ko iniwan ng asawa niya, iyak siya ng iyak noon. Yung bestfriend ko, yung minahal niya, pinagpustahan lang pala siya. At higit sa lahat yung lalaking inaasahan kong nasa tabi ko lagi, iiwan ako. So, masisisi mo ba ako, kung bakit nawalan ako ng tiwala?"

Tumingin nanaman ako sa ibang direksiyon at pinagmasdan pa rin ang paligid.

"You know what, I admire you at 'yang katapangan mo. Buti hindi ka sumuko. Yung iba kasi kapag ganyan na sitwasiyon suko agad." papuri nito sa akin. Napangiti ako.

"Wala naman mangyayari kung susuko ako e. May magbabago ba? At isa pa gusto kong patunayan sa lalaking yun na kinaya kong mabuhay kahit wala ang pag-aaruga niya." sabi ko na may kunti hinanakit.

"You really amaze me. Bakit kasi ngayon lang tayo ganito mag-usap?" sabi nito na may halong ngiti sa kanyang labi.

"Ikaw e, ang snob mo." pabirong sabi ko naman.

"Anong ako? Sino ba sa atin ang man hater at hindi masyadong nakikipag-usap sa mga lalaki?" pag-angal naman nito.

Natawa naman ako sa tinuran niya. At ang kaninang pag-e-emote ko ay napalitan ng tawa. In all fairness, napagaan niya ang kalooban ko.

"Ayan, nakangiti ka na." sabi niya bigla at tinignan ako. Nagsalubong nanaman ang aming mga tingin.

Nginitian ko siya. Hindi na mapait na ngiti kundi matamis at totoong ngiti na.

"Salamat Karl, napagaan mo ang kalooban ko." pagpapasalamat ko naman sa kanya.

"You are welcome, Jenifer." sagot naman nito.

Hindi na ulit ako umimik at ipinikit ko na lang muna ang aking mga mata at huminga ng malalim. I should breathe fresh air para mas gumaan pa ang pakiramdam ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi siya umaalis sa tabi ko.

"Nope. Hindi ka pa kasi umuuwi e." sagot naman niya. Napatingin naman ako sa direksiyon niya.

Bakit kailangan pa niyang ibase sa akin kung uuwi na ba siya o hindi?

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Ihahatid na kita sa inyo. Mag-gagabi na at hindi ka pwedeng mag-isa." sagot naman niya sa akin.

"Naku, huwag na, maaabala pa kita. Kaya ko naman e." pagtanggi ko nanaman. Nakakahiya naman kung ihahatid pa niya ako, hindi naman kami ganun kaclose para gawin niya iyon.

"I insist, Jenifer. At isa pa gabi na. Delikado lalo't babae ka pa naman." pagpipilit niya. Kaya ngayon, wala nanaman akong nagawa kundi ang pumayag na lang kahit nakakahiya.

Nagtungo kami sa may parking lot malapit dito sa park at nang makarating kami ay agad naman kaming nagtungo sa kotse niya.

Nagulat ako ng pagbuksan niya pa ako ng pinto. Kailangan pa ba iyon?

At mas nagulat pa ako ng mas lumapit siya sa akin at inabot niya ang seatbelt ko at siya na ang nagkabit. Para bang yung mga moment na nangyayari sa mga teleserye.

Bumilis ang tibok ng puso ko at parang kinapos ang aking hininga. Sobrang lapit niya at ilang inch na lang ang pagitan namin. Buti na lang ay naikabit niya agad ang seatbelt ko at agad niyang pinaandar ang engine.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay agad kong binuksan ang pinto at mabilis na bumaba. Baka kasi pagbuksan nanaman niya ako.

"Salamat Karl ha." sabi ko naman sa kanya.

Ngumiti siya at nakaramdam nanaman ako ng malakas na hurumintado sa dibdib ko. Para bang gusto ng tumalon mula sa loob tapos isigaw na lang ng malakas na tumitibok ito.

"You're welcome, Jenifer. See you sa school bukas. Sana naman maging mas close pa tayo." aniya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Maya maya ay pinaandar nanaman niya ang kanyang sasakyan at umalis na.

Napabuntong hininga ako para lang maibsan ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi kailan man naging ganito kabilis ang tibok nito noon but now it's different.

Jusko! Ano nangyayari sa akin?

--

Paglipas ng panahon mas naging close nga kami ni Karl. Madalas kaming magkausap sa school at inaaya niya ako na sabay na daw kaming maglunch. Pumapayag naman ako dahil wala naman akong magagawa, he always insist at gusto ko rin naman.

Lumipas ang apat na buwan na ganun kami. May isang time nga nag-away kami dahil pinilit niyang pumasok kahit may sakit siya. Sino bang matino ang papasok sa school kahit inaapoy na ng lagnat? Hindi ko siya pinansin for 3 days pero ayun kinaumagahan naman bigla niya akong inapproach at nagsorry sa akin. Binigyan pa niya ako ng isang bouquet ng roses.

Parang girlfriend lang. Pero hindi naman, best friend lang kami, ganun lang talaga siya sa akin dahil nga best friends na kami.

Lumipas ang mga araw na may nararamdaman akong ayaw ko maramdaman. Nahuhulog ako at ayaw kong mangyari iyon. Kaya kahit anong mangyari kailangang pigilan ko ito.

Kaya ngayon sinisimulan ko ang pag-iwas sa kanya. Sa lunch agad akong umaalis bago pa siya makalapit sa akin. Kapag uwian naman agad rin akong umaalis. Kapag nagtetext siya o tumatawag hindi ko sinasagot. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero natatakot lang kasi akong mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ang hirap naman ng ganito. Natatakot akong mafall kasi natatakot akong masaktan ulit. Baka kapag hinayaan ko 'to iwan din lang ako.

Binasa ko ang mga message niya.

'Jen, iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong mali?'

'Hey, kung may nagawa man ako sorry na. Just please talk to me.'

'Bakit ayaw mong sagutin tawag ko? Please usap tayo."

'Jen... talk to me please.'

Iyan ang ilan sa mga message niya sa akin at hindi ko mapigilang maluha. Kaibigan lang dapat e pero ako eto nafall.

Maya maya nakarinig ako ng katok sa pintuan ng aking kwarto. Kasabay ng pagtunog ng cellphone ko.

'Nasa harap ako ng bahay niyo. Baba ka muna please. Usap tayo.'

"Apo, nasa labas si Karl. Labasin mo na muna, ayaw niya kasing pumasok e." rinig ko namang sabi ni Lola.

Nagulat ako dahil totoo nga nagpunta pa siya rito. Nagsimula nanamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil do'n.

Ano gagawin ko? Anong sasabihin ko?

"Maging normal ka lang Jen, hindi mo kailangang mataranta." sabi ko sa sarili.

"Susunod po ako, la." sagot ko naman kay Lola.

Agad naman akong tumayo at inayos saglit ang sarili ko bago lumabas. Paglabas ko nakita ko siya nakasandal sa kotse niya. Muli akong nagpakawala ng mahabang buntong hininga bago lumapit sa kanya. I am trying to sort out my thoughts and my words. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko o ano ang ipapaliwanag ko. Ewan, bahala na.

"Karl..." tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at nilapitan ako.

"Jen, bakit 'di mo sinasagot tawag ko? Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil kapag ginawa ko iyon baka mas lalong mahulog ako.

"S-sorry Karl... May ginawa lang ako nitong mga nakaraang araw kaya di na ako nakakasabay sa'yo." Dahilan ko. Oo nagsinungaling ako. Mas mainam na siguro 'to kaysa sabihin sa kanya ang totoo.

Natatakot ako, baka kapag nalaman niya ang nararamdaman ko baka iwan niya rin ako katulad ng pag-iwan ni Papa sa akin.

"You could've tell me about it. Tutulungan pa kita kung ano man 'yan." litanya niya.

Hindi ako umimik pa at ang tanging hininga namin ang naririnig. Naramdaman ko ang paghawak sa palapusuan ko kaya napatingin akong muli sa kanya.

"Come with me, please." sabi niya sa akin.

Sasama ba ako? I am contemplating whether I will go with him or tatanggihan ko.

"Jen...Please." pagmamakaawa niya sa akin.

Tumango na lamang ako at sumakay sa kotse niya. Ang lakas pa din ng tibok ng puso ko. Pero hindi ng gaya kanina, mas bumibili pa iyon kaya binaling ko na lan ang tingin ko. Pinagmasdan ko ang daan kung saan kami pupunta at ang pamilyar na daan. Papunta itong park kung saan niya ako nakita noon.

"Wait for me." sabi nito at agad naman siyang lumabas ng pinto. Nakita ko siyang dumaan sa harap ng kotse at nagpunta sa pinto na nasa tabi ko. Yun pala ay pagbubuksan ako.

Bakit ganito siya? Baka hindi ko mapigilan pa ang sarili ko na mas mahalin pa siya.

Maya maya ay naupo kami sa bench kung saan kami naupo noon.

"Remember here? Dito kita nakitang nakatulala at umiiyak 6 months ago." pagsisimula niya. Napatingin ako sa kanya. May ngiti sa kanyang mga labi at halata kong masaya siya.

"Bakit mo pala ako dinala rito?" tanong ko naman sa kanya. Lumingon siya sa akin na nakangiti pa rin.

"Dinala kita rito dahil nagbabaka sakali ako na sabihin mo sa akin kung ano ang pinoproblema mo. You can share it to me. Napapansin ko kasi na lagi ka ng balisa nitong mga nakaraang araw at hindi mo pa ako pinapansin. Hindi kasi ako sanay na hindi ka nakakausap sa araw araw e. At sobrang nag-aalala lang ako." paliwanag ni Karl sa akin.

Napayuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Alangan namang sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Paano kung hindi niya tanggapin? Natatakot ako mawala kung ano ang meron kami. Natatakot akong mawala ang friendship namin.

"May tanong ako..." pagbasag ko sa katahimikan.

"Ano 'yon?"

"Nagmahal ka na ba sa isang taong kaibigan mo lang dapat? Yung taong hindi mo dapat mahalin dahil kapag nagkataon baka masayang ang pagkakaibigan niyo?"

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang gulat sa expression ng kanyang mukha pero nakabawi siya agad.

Natahimik siya saglit ako naman eto naghintay hanggang sa magsalita siyang muli.

"To be honest, gustong gusto ko na siya noon pang simula ng college life ko. Pero mailap siya hindi masyadong nakikipag-usap. Pasalamat ako na ako kinakausap niya. Parang ang special ko lang. Yung bang tawagin ng babaeng kilig. Naging masaya ako noon. Sa wakas. Pero natatakot akong umamin dahil baka i-reject niya ako." mahabang sagot niya. Ang swerte naman nung babae. Mukhang gustong gusto niya ito. Sana akin na lang iyon.

"Ang swerte naman ng babaeng yun sa iyo." sagot ko na lamang hindi ko alam kung bakit bilgla akong nalungkot.

"Mas swerte ako sa kanya. I really like his personality na kahit ang dami niyang problema nagiging malakas pa rin siya. She's really amazing. Pero nagsimulang hindi niya ako kinakausap. Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali. Or nalaman niya na ang nararamdaman ko sa kanya at lumayo na siya."

Hindi ako nakaimik dahil may kwento pala siyang ganyan. Hindi ko man lang alam.

"Pero masaya ako dahil ngayon kasama ko siya... at katabi ko pa."

'Kasama ko siya...At katabi ko pa.'

Napatingin ako sa kanya ng may gulat na bakas sa aking mukha. Hindi ako makapaniwala at hindi pa magsync in sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Gusto kita Jen, mahal na ata e. I promise if you give me a chance, I will not repeat what your father did to you." sabi nito sabay hawak sa aking mga kamay.

Nakatingin pa rin ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Overwhelmed. Super overwhelmed...
----

🌟Part 1 : Edited🌟

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 123 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
426K 16K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
96.7K 2.6K 28
GXG