The Dark Secret (Book 2 of Th...

By QueenABCDE

3.2M 76K 45.7K

Famous delinquent Demon Lewisham saw the love of his life Devi Parker die right before his eyes five years ag... More

Prologue: The Dark Secret
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue: The Dark Secret

Chapter 2

113K 3.3K 1.3K
By QueenABCDE

Chapter 2

NARRATOR

"KASALUKUYAN pa ring inaalam ang pinagmulan ng pagsabog sa tinaguriang bar na Kings and Queens. Labindalawang oras pa lamang ang nakalilipas nang mangyari ang pagsabog na nagdulot ng malaking sunog. Labing-anim ang sugatan kabilang na roon ang isa sa nagmamay-ari ng bar na si Demon Lewisham. Sa ngayon, wala pa namang bangkay na natatagpuan sa loob ng ilang oras na pag-iimbestiga. Ako nga pala si Aki Mercedez at magbabalik kami matapos ang ilang paalala para sa update..."

"If it's intentional, sino ang maaaring gumawa nito?" kunot-noong tanong ni Art habang nakatulala pa rin sa telebisyon. "Hindi natin maaaring pagbintangan ang mga Parker dahil una sa lahat, wala na tayong kahit ano pang koneksyon sa kanila. Wala nang dahilan pa upang gawin nila 'to sa 'tin," dagdag pa niya. Ibinaling niya ang tingin sa mga kaibigan na pare-pareho ring nakatulala sa harapan ng telebisyon sa condominium ni Art.

Napahaplos sa baba si Demon. "How about Ank and Demetrio?"

"For five years, wala kaming balita tungkol sa dalawa pati na rin sa nanay ni Demetrio. Siguro ay may kanyakanya na silang buhay," paliwanag ni Spade.

"Someone wants to kill me again."

Tumayo si Clover at napatingin ang tatlo sa kanya. "Let's visit the bar and figure it out in our own way."

SABAY-SABAY na lumabas ang apat sa magkabilaang pinto ng isang itim na Mercedes Benz. Nanatili muna silang nakatayo roon at pinagmasdan ang labas ng bar. Nagkalat ang mga pulis at ang ibang opisyales. Mayroon pang dilaw na bagay na nakapalibot sa buong bar at nakasulat ang paulit-ulit na tatlong salita.

DO NOT ENTER

"Sorry, sir, pero hindi kayo puwedeng pumasok sa loob," giit ng isang pulis na nakaharang sa pinto ng bar kaya't napatigil ang apat sa pagtatangkang pumasok.

"We are the owners and we want to see the inside," mungkahi ni Demon sa blankong ekspresyon.

"Chief!" pagtawag ni Arturo sa pulis na abalang-abala sa pag-aasikaso sa bar.

Napatigil ito at kunot-noong napatingin kay Art saka ngumiti. "Mr. Art Montenegro," sambit nito at isa-isang tiningnan ang magkakaibigan. Tiningnan niya ang pulis na nakaharang at tinapik ang balikat. "Let them in." Gumilid ang pulis para magbigay ng daan. Sabay-sabay na napabuntonghininga ang apat dahil sa nasilayan. Bagsak ang ilang mga gamit. Sira at nangingitim dahil sa pagkasunog. Mabuti na lamang at hindi bumagsak ang buong bar.

"The explosion made less damage in this part," itinuro ng pulis ang bahagi ng bar kung saan nagsasayawan ang mga customer. Sinusundan lamang nila ang pulis kung saan ito magpunta habang inililibot nila ang paningin. "While it made more damage in the kitchen," dagdag nito saka pumasok sa kusina.

"No one died?" tanong ni Clover. Imposibleng nagawa nilang makaligtas kung ganito kalala ang pagsabog.

Umiling ang pulis. "The explosion started in the kitchen, and luckily, no one was here because all of them were in a meeting," paliwanag nito. "When we checked the kitchen, someone brought gallons of alcohol which was not allowed. It caused the explosion."

"It was intentional?" kunot-noong tanong ni Spade.

"We can't say yet if it was intentional based on our examination. But when we checked the CCTV of this building, the place isn't damaged, but the CCTV cameras were not working," paliwanag ng pulis matapos makalabas sa kusina. "We checked the CCTV cameras around the bar and no one appeared suspicious the whole time until the fire started."

"It simply means that one of our employees did this," mungkahi ni Demon na kasalukuyang naglalakad-lakad sa loob ng bar at inaanalisa ang mga gamit na nasira. "We're going to interview each of your employees later to capture the culprit," dagdag ng pulis. Hinatid na ng pulis ang mga ito palabas.

"Sir, may mga gamit sa loob na mahalaga sa customers kaya't hindi namin maitapon," saad ng isa pang pulis na may hawak na telepono, wallet, ID, at iba pa.

Napakunot naman ng noo si Demon habang nakatingin sa isang ID. "I'll take this," sambit nito.

"You know her?" tanong ni Art habang nakatingin sa ID.

"Felesisima C. Fajardo," pagbasa nito sa pangalang nakasulat.

"ARNIA, have you seen my ID?" tanong ni Sisi pagkalabas ng kuwarto niya.

Napatingin sa kanya si Arnia. Kumakain na ito at dapat ay sabay sila pero kanina pa ito balisa at mukhang may hinahanap. Ni hindi pa nga siya naliligo o naghihilamos man lang. Ganoon ba kahalaga 'yong hinahanap niya?

"Hindi, unnie bespren, e. Bakit? Nawawala?" tanong nito. "Baka na-misplace mo lang."

"Hindi ko talaga alam kung saan ko nailagay." Kinamot-kamot niya ang ulo kaya't nagulo ulit ang buhok niya. "Paano ako makapapasok nito? 'Tsaka may importanteng bagay na naroon sa ID ko na walang sinuman ang puwedeng makakita," sambit niya sa sarili.

Sobra ang tulo ng pawis niya kahit ang lakas naman ng hangin na ibinubuga ng electric fan sa sala. Medyo kinakabahan siya at nahahalata ni Arnia 'yon dahil sa panginginig ng kamay niya. Ngayon niya lang nakitang ganito si Sisi.

Ngayon lang siya natakot at kinabahan nang ganito na parang nasa panganib ang buhay niya.

Tumayo na si Arnia at tumulong na rin sa paghahanap.

"Aish!" naiiritang bulalas niya.

Halos malibot na nila ang buong bahay pati mga lalagyan ng plato, sa ilalim ng upuan, sa inidoro, kaso wala talaga. Napapunas na lamang ng pawis ang dalawa.

"Nagbabagang balita. Ayon kay Chief Inspector Mercado, ang pagsabog na naganap sa Kings and Queens bar ay sinadya. Natagpuan ang ilang galon ng alak sa kusina kung saan nagmula ang pagsabog. Sinasabing maaaring isa sa mga empleyado sa nasabing bar ang may pakana nito. Kasalukuyang nagpupulong ang mga tauhan nang mangyari ito kaya't posibleng patagong pumuslit ang salarin sa kusina para gawin ang krimen. Ngayon ay isa-isang iniimbestigahan ng pulisya ang mga tauhan upang matukoy ang suspek."

Sabay na nagtinginan ang dalawa dahil sa napanood. "Unnie bespren, saan ka pupunta?" tanong ni Arnia nang akmang lalabas na ng pinto si Sisi.

"I'll be back."

***

"THERE is no person called Devi Rivera or Devi Parker who exists near the location you've given us. There's a record that Devi Parker—Vice President Dominador Parker's granddaughter—died five years ago. But regarding the picture you sent us, no one has similar facial features as her but there are at least four people who vaguely look like her."

"Sesel Legazpi, Khrystyl Hermosa, Mary Joy Padilla, and Felesisima Fajardo."

"Felesisima Fajardo has been staying at Mariano Subdivision for four years. She formerly lived in the province. She stays here for her studies."

"I am really sorry but the person you are looking for doesn't exist anymore."

Napabuga ng hangin si Demon habang inaalala ang sinabi ng taong kausap sa kabilang linya kanina lamang. Muli niyang pinagmasdan ang ID na kanina pa niya hawak. Nanatili siya sa loob ng kotse na naka-park sa labas ng bar. Kanina pa binabagabag ang isip niya.

"My heart says it's you," pumikit ito at muling huminga nang malalim bago tuluyang magmulat. "But my mind and the people around me say it is not the same person."

Natigilan naman siya nang mapansin ang isang maliit na laruan na nakasabit sa ID. Isa itong teddy bear na walang katawan. Ikinumpara ni Demon ang laruan sa litrato ni Felesisima. Wala itong salamin at bangs pero si Felesisima ay mayroon. Bigla tuloy may sumagi sa isipan niya.

Tinanggal niya ang laruan at inilapag ang ID sa passenger seat. Inirolyo niya ito sa palad at paminsa'y itatapon paitaas saka sasaluhin. Muli siyang natigilan sa ginagawa nang makita ang zipper sa ibabang bahagi nito. Kunot-noong bubuksan na sana niya ito nang matigilan dahil sa tunog ng ulan na tumatama sa sasakyan niya. Inilapag niya ang laruan sa tabi ng ID pero hindi niya napansing rumolyo ito paibaba.

Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan hanggang sa unti-unti niyang inilabas ang kamay at hinayaan ang ulan na bumagsak sa palad niya. Ramdam na ramdam niya ang panlalamig ng kamay dulot ng ulan hanggang sa unti-unti naman niyang maramdaman ang init ng palad nang sumagi sa isip niya ang isang pangyayaring kailanman ay hindi niya malilimutan.

"I hate it every time the rain falls," bulong nito sa sarili saka ipinasok na ang kamay at pinunasan ito gamit ang tuwalyang nakasabit sa headboard.

Napalingon siya sa kanang bahagi at nakita ang isang babaeng nakatayo roon at nakaharap sa bar. Basang-basa ang buhok pati ang buong katawan nito. Tila hindi nito alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ilang segundo lamang ay nag-umpisa itong sipatin ang sahig sa labas ng bar.

Napakunot ng noo si Demon dahil hindi niya mawari kung anong ginagawa ng babaeng ito sa kalagitnaan ng pagbuhos ng ulan. Hindi rin niya lubos na maaninag ang mukha nito dahil basang-basa na rin ang mga bintana ng sasakyan niya kaya't naisipan niyang kunin ang payong sa backseat. Hindi na siya nagdalawang-isip pang lumabas.

"Miss? Okay ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Demon nang makalabas. Balewala lamang sa kanya kung nababasa ang sapatos at pantalon niya. Pilit niyang tinitingnan ang mukha nito ngunit natatakpan iyon ng buhok niyang bagsak na bagsak dulot ng ulan.

Natigilan ang babae sa ginagawang pagsilip sa ilalim ng mga sasakyang nakaparada nang dahil sa taong nagsalita. Pero hindi niya ito binigyan ng pansin at nagpatuloy sa ginagawa. Wala na siyang pakialam kung lumuhod siya sa sahig at kung magmukha siyang basang sisiw. Ang mahalaga ay mahanap ang bagay na iyon.

"Miss—" Hindi na naituloy ni Demon ang sasabihin nang mapansin ang pamilyar na mukha nito. Wearing eyeglasses kahit pa umuulan, may braces, pati na rin ang bangs na tumatakip sa noo niya. "Felesisima Fajardo?" tanong niya at bahagyang yumuko upang siguraduhing siya nga iyon.

Napatigil siya. Ilang sandali lang ay tumayo siya, pinunasan ang basang-basa niyang mukha, at tiningnan ito nang masama. Ipinikit-pikit ni Demon ang mga mata hanggang sa mapatitig dito. Unti-unting nasilayan ang bahagyang pagngiti ng labi niya sa kagalakan nang makita ito.

"Akin na," inilahad niya ang kamay niya rito at may kung anong hinihintay na iaabot sa kanya kaya't nabalik sa huwisyo si Demon. Naglaho ang ngiti nito at nanatiling seryoso ang mukha.

Lumapit ito at pinayungan siya pero biglang umatras si Sisi.

Mas gusto pa yata ang ulan kaysa sa payungan ko siya. Hindi ba siya natutuwa na ako mismo ang magpapayong sa kanya? Ibang klase!

"Ang alin?" maang-maangan ni Demon.

"Ang ID ko," mariin na sambit niya.

Tumikhim na naman si Demon. Sinusuri niyang maigi ang mukha nito. Nanliliit ang mata niya at pilit na hinahanap ang mga mata ni Sisi. Sobrang labo na ng salamin niya dahil sa ulan pero bakit ayaw niyang tanggalin para punasan man lang?

"Hoy!" Muli itong nabalik sa huwisyo dahil sa pagkumpas ni Sisi ng kamay malapit sa mukha nito.

"Bakit?" tanong niya. Tinaasan naman siya nito ng kilay sabay ismid. Papayungan na siya sana muli kaya lang bigla niyang tinabig ang payong kaya nabitawan ito ni Demon. Pareho na silang basang-basa sa ulan ngayon.

"Nagpapatawa ka ba? Anong bakit? Malamang ID ko 'yon! Ibabalik mo sa 'kin? O IBABALIK MO SA 'KIN?!" sigaw niya dahilan para mapangiwi si Demon. Napatingin pa siya sa payong na unti-unti nang hinahangin papalayo.

Huminga ito nang malalim bago buuin ang mga salita "Miss—"

"Mister! Alam mo ba kung anong posibleng mangyari kapag hindi mo ibinalik sa 'kin ang ID ko? Una, hindi ako makapapasok sa loob ng campus at pangalawa, mamamatay ka dahil papatayin kita kapag hindi mo inilabas ang ID ko!" sigaw na naman niya.

Anong mamamatay? Sinong mamamatay? Ako ba ang tinutukoy niya? Sa pagkakaalala ko, isa akong dating pinuno ng mga mamamatay-tao at ang babaeng 'to ay isang hamak na nerd. Kaya kong putulin ang ulo niya sa isang iglap.

"Ibalik mo na sa 'kin 'yong ID ko at magkalimutan na tayo!" muli nitong sigaw na halos bumasag sa ear drums ni Demon. Napatakip na ito sa kaliwang tainga kasabay ang paghagod sa buhok nitong unti-unting tinatakpan ang mukha niya.

"Hindi pa nga tayo nagkakakilala nang maayos, magkakalimutan na agad?" tanong niya rito. "By the way, I'm Demon. Demon Lewisham," inilahad nito ang kamay para makipag-shake hands kaya lang tinapunan lang siya nito ng masamang tingin.

"Seriously?" bigla siya nitong hinila sa kuwelyo na ikinagulat niya. "Ibalik mo na sa 'kin 'yong ID ko!"

Tatanggalin na sana ni Demon ang pagkakahawak ni Sisi sa kuwelyo niya nang mapatigil at mapansin ang grupo ng mga kalalakihan na naglalakad papalapit sa puwesto ng dalawa. Tulad ng dalawa, basang-basa rin ang mga ito. Pare-parehong naka-suit at mukhang may mga edad na base sa makakapal na balbas na halos takpan na ang mga labi nila.

"May kilala ba kayong Felesisima Fajardo? O kilala n'yo ba ang babaeng nasa litratong 'to?" tanong ng isang lalaking may taas na 5'4 at malaki ang tiyan. May iniabot ang isang lalaki kay Demon na litratong sinlaki ng notebook na kahit nababasa sa ulan ay hindi kumukupas ang kulay. Ganitong-ganito 'yong litrato ni Felesisima sa ID niya.

Napabitaw naman si Felesisima sa pagkakahawak sa kuwelyo ni Demon nang marinig na banggitin ang pangalan niya. Nakatalikod siya sa grupo ng mga kalalakihan na ito habang kay Demon siya nakaharap. Nasa gitna lamang nila ang babaeng hinahanap. Tahimik lang niyang pinakikiramdaman ang nangyayari.

"May—"

Agad siyang sinamaan ng tingin ni Sisi na tila sinasabing huwag nitong babalaking magsalita. Kinunutan nito ng noo si Demon at halos patayin siya nito sa titig. Unti-unti na ring tumitila ang ulan.

"F-Felesisima Fajardo? Parang wala naman," sagot ni Demon pero mukhang hindi naniniwala ang mga lalaki. "Teka nga lang. Miss?" Akmang hihilahin na ng lalaki sa balikat paharap si Felesisima pero agad itong napigilan ni Demon. "Babe!" agad niya itong niyakap, itinago ang mukha ni Felesisima sa dibdib niya. Agad namang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa. "Babe, sorry na. Bati na tayo, ha? Tahan na. Alam mo namang mahal na mahal kita. Promise hindi na kita pagseselosin, okay?"

Hindi siya umiimik. Para siyang natameme sa ginawa ni Demon. Nanigas ang buong katawan niya. Lumipat yata sa kanya ang lahat ng lamig na nararamdaman ni Demon kanina dahil uminit ang pakiramdam ni Demon nang yakapin si Sisi.

"May I see her face?" kalmadong tanong ng isa pang lalaki. Akmang hahawakan na niya ang balikat ni Felesisima pero agad naman itong tinabig ni Demon.

"Seeing her face might kill you," seryosong saad ni Demon habang direktang nakatingin sa lalaki. "Leave me and my girlfriend alone!" bulyaw nito. Agad niyang inakbayan si Felesisima at akmang aalis na nang marahas na itapon sa likuran niya ang litratong hawak nila dahilan para mapasinghal ito.

Napatingala naman si Felesisima para tingnan ang ekspresyon sa mukha ni Demon pero agad itong tumingin sa kanya kaya't napaiwas si Sisi ng tingin.

"If I say run, run. Ako na ang bahala sa kanila," saad ni Sisi kaya't hindi makapaniwalang kinunutan siya ng noo ni Demon. Napahigpit pa ang kapit niya sa balikat nito.

"No. I won't leave you, binibini. Mas kaya ko ang mga ito kaysa sa 'yo," bulong ni Demon. Rinig nito ang pagbuga ng hangin ni Sisi.

"Ang kulit mo rin 'no?!" inis na bulyaw nito.

"I'm just acting like a real man and I must protect you."

"Real man, my ass!" bulyaw nito saka dali-daling humarap sa grupo ng mga lalaking naghahanap sa kanya. "Anong kailangan n'yo sa 'kin?" tanong ni Felesisima at isa-isang tiningnan ang mga mukha nila. Agad na humugot ng baril ang lalaking nasa unahan, kinasa ito, at itinutok sa ulo ni Sisi. Bahagya siyang napaatras habang magkasalubong naman ang mga kilay ni Demon na pinanonood sila.

"Pasensya na pero trabaho lang. Kailangan ka naming patayin kapalit ang malaking halaga."

"You'd kill a woman for money?" inis na tanong ni Sisi. "Okay." Tumango-tango ito saka pinatunog ang mga daliri. "Then I have the right to teach all of you a lesson."

Umatras si Sisi para bumuwelo at agad na sinipa ang kamay ng lalaki kaya't tumilapon ang baril. Akmang pupulutin na ng lalaki ang baril nang agad siyang sikmuraan ni Felesisima at sipain sa mukha. Sunod-sunod nang sumugod ang iba pa nitong kasama at walang magawa si Demon kundi ang mapatulala habang pinanonood si Sisi na nakikipagsuntukan. Sunod-sunod niyang napabagsak ang mga ito.

"Tigil! Itaas n'yo ang mga kamay n'yo!" sigaw ng isang pulis na lumabas mula sa bar. Hindi lang pala iisa, kundi napakarami nila. Mabuti na lamang at naroon pa ang mga pulis at naalarma sa kaguluhan sa labas.

Napataas ng dalawang kamay si Sisi habang unti-unti namang tumayo ang mga lalaking nagtangka ng masama sa kanya. Hawak nila ang mga bahagi ng katawan na kumikirot habang pilit na tumatayo. Pinalibutan sila ng mga pulis.

"Hulihin n'yo ang mga 'yan," utos ni Demon. Isa-isa nilang pinosasan ang mga lalaking armado. Sinundan niya ng tingin ang mga ito hanggang sa isakay sa sasakyan ng pulis. Ibinaling naman niya ang tingin kay Felesisima ngunit agad na nagsalubong ang kilay niya nang hindi na makita si Sisi, wala ni ang anino niya.

Napabuntonghininga siya pagkapasok sa sasakyan. Nang lingunin niya ang ID sa passenger seat ay hindi na niya ito nakita. Ibig sabihin lamang nito ay nakuha na ito ni Felesisima. Kinuha niya ang tuwalya at ginamit upang punasan ang buhok.

"Now, tell me that I am wrong for mistaking Felesisima Fajardo as Devi Parker," seryosong saad nito habang tinitingnan ang sarili sa rearview mirror. "My heart. It beats as fast as a lion."

***

IBINAGSAK ng pulis ang hawak na ballpen sa mesa dahilan para magulantang ang mga lalaki. "Hindi ba kayo magsasalita?! Hindi n'yo sasabihin kung sinong nag-utos sa inyo?!" bulalas nito na halos lumuwa na ang mga mata. Nagngingitngit na rin ang mga ngipin niya at halos magdikit na ang mga labi.

"Boss! Hindi talaga namin kilala kung sino ang nag-utos. Basta binigyan kami ng paunang bayad at ang baril na gagamitin para takutin ang babaeng 'yon. Pero wala talaga kaming intensyong patayin siya," mahabang litanya ng isa sa kanila habang malikot ang mga kamay na nakaposas at nagmamakaawa.

"Wala talaga kaming alam!" dagdag pa nito at halos mamasa-masa na ang mga mata. Tumango-tango lang ang mga kasama nito bilang pagsang-ayon.

"Anong walang alam?! Imposibleng wala kayong alam!" giit pa ng pulis. Nakatayo lamang sa gilid si Demon habang naka-krus ang mga braso at pinanonood ang mga ito na magtalo. Hindi pa ito nagbibihis simula nang maligo siya sa ulan. Nakasabit pa ang tuwalya sa magkabilang balikat niya habang hinahangin naman ng electric fan ang buhok nito.

"Kung hindi kayo magsasalita, hinding-hindi kayo makaaalis sa lugar na ito!" dagdag pa ng pulis.

Nagbuntonghininga si Demon. Napatingin siya sa gawi ng isang pulis na paparaan na sa harapan niya hanggang sa bumaba ang tingin nito sa pantalon kung saan nakasabit ang baril. Humakbang siya at sinalubong ang pulis saka agad na kinuha ang baril at nilapitan ang lider ng mga lalaki sabay itinutok ang baril sa sentido nito. "Who ordered you to scare that woman?" nanliliit ang mga matang tanong ni Demon.

"Boss!" sigaw ng lalaking tinutukan niya ng baril. Hindi niya magawang lingunin si Demon at halos manigas sa kanyang kinauupuan. Napatayo naman ang mga pulis upang pigilan siya.

"Hijo! Bitawan mo ang baril!" bulalas ng pulis na kumakausap sa mga ito ngunit parang walang narinig si Demon at pinanlisikan lang ang lalaking ito.

Napaatras pa ang iba sa kanila sa takot na pati sila ay madamay.

"Tell me or I'll shoot you. I'm dead serious."

Continue Reading

You'll Also Like

360K 16.6K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
20M 700K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
29.8K 364 6
May tumulak kay Rose Anne Grandia sa ilog na muntikan na niyang ikalunod. Nagkaroon siya ng suspetsa na may gustong pumatay sa kanya. Wala siyang pwe...
275K 17.2K 38
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...