One Sided Love ✔️

By Everjoy_Condes

528K 16.5K 1.7K

(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt si... More

Thank You, Team JOSHNIC! ❤️
Prologue
OSL Kabanata: 1
OSL Kabanata: 2
OSL Kabanata: 3
OSL Kabanata: 4
OSL Kabanata: 5
OSL Kabanata: 6
OSL Kabanata: 7
OSL Kabanata: 8
OSL Kabanata: 9
OSL Kabanata: 10
OSL Kabanata: 11
OSL Kabanata: 12
OSL Kabanata: 13
OSL Kabanata: 14
OSL Kabanata: 15
OSL Kabanata: 16
OSL Kabanata: 17
OSL Kabanata: 18
OSL Kabanata: 19
OSL Kabanata: 20
OSL Kabanata: 21
OSL Kabanata: 22
OSL Kabanata: 24
OSL Kabanata: 25
OSL Kabanata: 26
OSL Kabanata: 27
OSL Kabanata: 28
OSL Kabanata: 29
OSL Kabanata: 30
OSL Kabanata: 31
OSL Kabanata: 32
One Sided Love: Cast
OSL Kabanata: 33
OSL Kabanata: 34
OSL Kabanata: 35
OSL Kabanata: 36
OSL Kabanata: 37
OSL Kabanata: 38
OSL Kabanata: 39
OSL Kabanata: 40
OSL Kabanata: 41
OSL Kabanata: 42
OSL Kabanata: 43
OSL Kabanata: 44
OSL Kabanata 45: The Finalé ❤️
Naive Series ❤️

OSL Kabanata: 23

7.5K 316 53
By Everjoy_Condes

Continuation:

Mabilis na nilisan ni Nicole ang gymnasium, habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Ilang beses pa niyang narinig ang pagsambit ni Dennis sa kanyang pangalan, ngunit hindi niya ito binigyang pansin, dahil mas nananaig sa kanyang kalooban ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

Dala ng kanyang matinding hinanakit para sa binata't mga luhang tumatabing sa kanyang mga mata'y, hindi namalayan ni Nicole na may sasakyan na paparating na siyang sasalubong sa kanya.

Pikit matang hinintay na lang ng dalaga, ang pagsalpok ng nasabing sasakyan. Ngunit segundo pa ang lumipas nang mangunot ang kanyang noo. Dahan-dahang iminulat ni Nicole ang kanyang mga mata, at mas naluha dahil sa pigura ng taong kanyang kaharap na ngayon.

"J-josh..." humihikbi niyang saad dito.

Mabilis namang hinagkan ni Josh ang dalaga dahil sa matinding kabang kanyang naramdaman, nang bigla itong sumulpot sa harap ng kanyang sasakyan, "God! Bakit ka ba bigla-biglang tumatawid!" galit na anas nito, ngunit mababatid mo ang pag-aalala sa boses ng binata.

Matapos maisambit ni Josh ang mga katagang iyon ay mabilis siyang humiwalay sa dalaga't saka hinawakan ang magkabilang balikat nito, para alamin ang kalagayan ni Nicole, "Are you alright? May masakit ba sayo?" punong-puno nang pag-aalalang saad nito sa dalaga.

Humihikbing napailing lang si Nicole habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

"What's the matter? Bakit ka umiiyak?"

Mabilis pinalis ni Nicole ang kanyang mga luha sabay sabing, "Ilayo mo ako sa lugar na ito, please." nagmamaka-awang saad niya rito, at sa puntong iyon ay muling tumulo ang mga luha ni Nicole.

Hindi na nagtanong pa si Josh at walang sabi-sabing hinablot nito ang kamay ng dalaga papasok sa kanyang sasakyan.

Ngunit nang akmang pagbubuksan na ni Josh ng pintuan si Nicole, ay may mabilis na humablot sa kaliwang braso ng dalaga.

Mabilis nilang binalingan ito at nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita si Dennis, na madilim ang awra, "Nicole, let's go!" nagpupuyos sa galit na usal ng binata bago hinila ang dalaga papalayo sa sasakyan ni Josh.

"Ayokong sumama sayo! You're a lying cheater! I hate you!" singhal nito bago pilit kumawala sa pagkakahablot ni Dennis.

Mabilis namang pumagitna si Josh sa magkasintahan sabay sabing, "Pare, wag mo na munang pilitin si Nicole." malumanay na saad ni Josh habang hawak ang kanang braso ng dalaga.

"Pare, problemang magkasintahan ito. So back the f*ck off!" nagpipigil sa galit na usal ni Dennis bago pilit na binawi ang kamay ni Nicole rito.

"Josh... Okay lang, susunod na lang ako sayo." wika ng dalaga bago muling hinarap si Dennis.

Hindi na rin naman nagpilit si Josh, kaya't tuluyan na itong pumasok sa kanyang sasakyan.

"Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?" sarkastikong saad ni Nicole rito.

"Hun... Wag naman ganyan, pag-usapan muna natin ito, please." nagsusumamong sambit ni Dennis, habang pilit hinuhuli ang mga kamay ng kanyang kasintahan.

"No!" parang bulkan na sumabog ang emosyon ng dalaga nang sambitin niya ang salitang iyon. "Wala akong panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan mo! You lied to me!" bulyaw ni Nicole bago pinaghahampas sa dibdib ang binatang si Dennis. "Liar! Niloko mo ako, manloloko!" punong-puno ng hinanakit na sambit ng dalaga habang patuloy sa paghampas sa binata.

"Hun... Hear me out, please." ani Dennis at nang mga sandaling iyon ay nagsimula na ring umagos ang kanyang mga luha, dahil sa pasakit na nagawa niya rito.

"I hate you! I hate y-you..." sa puntong iyon ay parang nawalan na nang lakas si Nicole. Ang kaninang matatag na mga hampas ay unti-unting humina, dahil sa sakit na hindi na niya kayang labanan pa.

"N-niloko mo ako... B-binigay ko ang buong p-pagmamahal ko sa'yo, pero t-tinapon mo lang ang lahat nang iyon dahil sa isang mapanuksong pagkakamali." humihikbing hinagpis ni Nicole sa binata.

Mabilis namang niyakap ni Dennis ang kanyang kasintahan sabay sabing, "Hun... Hindi ko sinasadya, maniwala ka. Mahal na mahal kita at hindi ko makakaya na mawala ka sa buhay ko." halos pumiyok na ang binata nang sambitin niya ang mga katagang iyon.

Buong lakas na kumawala si Nicole sa mga bisig nito't saka ginawaran ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi si Dennis, "Hindi mo sinasadya?!" sarkastikong hasik niya rito.

"Lahat naman ng panloloko ay hindi sinasadya, Dennis. Alam mo kung bakit?" pagtatanong pa ng dalaga.

"Dahil lahat ng panloloko ay isang desisyon o pagpili! Desisyon mo kung dapat mo bang sabihin sa akin ang katotohanan. Choice mo, kung dapat ka bang umiwas o magpalamon ka nang tuluyan sa tukso!"

"Lahat ng panloloko ay hindi sinasadya, Dennis! It's a matter of decision and choice! Kaya isaksak mo sa kokote mo, na walang puwang sa akin ang salitang hindi sinasadya, dahil gawa-gawa lamang 'yan ng mga taong gustong lumusot sa gusot na pinasok nila!" mahabang litanya ni Nicole bago tuluyang pumasok na sa sasakyan ni Josh.

Para namang natameme si Dennis sa mga sinabi ng dalaga at hinatid na lamang ng kanyang paningin ang sasakyan, lulan ang kanyang kasintahang si Nicole. Naiwan siyang luhaan, habang sinasariwa ang mga salitang pumukol sa kanyang kalooban.

Katahimikan ang namayani sa magkaibigang Josh at Nicole sa loob ng sasakyan. Patuloy lamang sa kanyang hinagpis ang dalaga habang nakadungaw sa bintana. Hindi lubos akalain ni Nicole na mangyayari ang kanyang kinakatakutan, kung saan hindi siya handa't mahina pa.

Ngayon ay parang dinudurog ang kanyang puso sa tuwing bumabalik sa kanyang isipan, ang masalimuot na kaganapang gumulo sa mundong kanyang binuo kapiling si Dennis. Para siyang isang upos na unti-unting nauubos, dahil sa nagbabagang poot at kasuklam-suklam na kanyang nararamdaman ngayon para sa binata.

Sa sobrang taas ng kanyang emosyon ay napasandal na lang si Nicole sa upuan ng passenger seat, bago ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata.

Nasa ganoong posisyo't pag-iisip si Nicole nang biglang marinig niyang nagsalita si Josh, "Nicole, hatid na kita sa bahay niyo." anito kaya't tuluyan nang binuksan ng dalaga ang kanyang mga mata.

Mabilis pinalis ni Nicole ang kanyang mga luha bago binalingan ng tingin ang binata, "Josh, pakihinto ng sasakyan. Pakiusap." seryosong saad niya bago tinanggal ang kanyang seatbelt.

Kahit naguguluhan ay agad namang sinunod ni Josh ang kagustuhan ng dalaga. Mabilis niyang tinabi sa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan bago tiningnan ang kanyang kaibigan.

Nang aktong huminto na ang kotse ng binata'y agad-agad hinablot ni Nicole ang batok ni Josh, bago ito sinunggaban ng mapusok na halik.

Nanlaki ang mga mata ni Josh sa ginawa ng dalaga, ngunit wala rin naman siyang ginawang hakbang para pigilan ito. Sa halip ay tinugunan pa niya ng parehong intensidad ang mga halik ni Nicole. Halos malunod na ang binata sa dating ng paghalik nito, ngunit nang maramdaman niyang may mga luhang tumakas muli sa mga mata ng dalaga'y agad niyang pinutol ang kanilang mga halik.

Kunot noong tiningnan lamang ni Nicole ang binata, na parang nagtatanong kung bakit nito itinigil ang kanilang ginagawa.

Napangiti lang si Josh habang hinahawakan ang kanyang mga labi.

"M-may p-problema ba?" nauutal na saad ng dalaga bago pinalis ang kanyang mga luha.

Mabilis namang binalingan ito ni Josh sabay sabing, "Nicnic, mali itong ginagawa natin." anito na siyang ikinagulat ng dalaga.

"B-bakit, ayaw mo ba?" sa puntong iyon ay parang tinakasan na ng dugo ang buong katawan ni Nicole, dahil sa panibagong kahihiyang kanyang kinakaharap ngayon mula sa binata.

Bahagya namang natawa si Josh, ngunit mababatid mo pa rin ang pagkailang sa boses at awra nito, "Hindi naman sa ayaw ko," panimula ng binata bago hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Pero hindi tama na gawin natin ang bagay na ito, dahil alam nating dalawa na may masasaktan tayo kapag ipinagpatuloy natin ito." malumanay na saad niyo bago pinunasan ang luhang dumausdos sa kaliwang pisngi ng dalaga.

Mas lalo namang naiyak si Nicole sa kanyang narinig dito, kaya't walang sabi-sabing tinakpan na lang nito ang mukha gamit ang kanyang mga kamay.

"I'm so sorry Nicnic, ayoko lang na maging komplikado pa ang lahat para sayo." saad ni Josh bago niyakap ang kanyang kaibigan.

Napahagulgol na lang nang husto si Nicole, dahil sa kahihiyan. Kahihiyan dahil hindi na niya nagawang mag-isip at nagpadalos-dalos siya sa sakit na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

"Shhhh... Wag ka nang umiyak." pag-aalo pa ni Josh habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

Matapos sa kanilang pag-uusap ay tuluyan nang inihatid ni Josh ang dalagang si Nicole sa bahay nito, "Paano Nicnic, sigurado kang ayos ka na?"

Tumango naman si Nicole rito sabay sabing, "Ayos na ako, salamat."

Sandaling tiningnan ni Josh ang dalaga at parang may nag-udyok sa kanya na halikan ito. Kaya naman dala nang kanyang matinding kagustuhan, ay agad niyang hinablot ang batok nito saka ginawaran ng isang malumanay na halik sa labi ang dalaga.

Bago pa man makapag-react ang dalaga ay agad na pinutol ni Josh ang kanilang mga halik sabay sabing, "I'm so sorry... S-sige alis na a-ako." nauutal na saad nito bago tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan.

Napaawang labi lang si Nicole habang tinatanaw ang sasakyan ng binata na ngayon ay papalayo na. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang kanyang mga labi, dahil hindi siya makapaniwala na hahalikan siya ni Josh nang ganoon.

Halik na may halong... "Pagmamahal?" naguguluhang sambit ni Nicole sa hangin.



*****

Awww-- Ito na kaya ang simula nang pag-iibigan ng Team JOSHNIC? 😱😱😱

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 143 48
Cedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly do...
641K 12.4K 45
A hell of a plan para sa katuparan ng kanyang pangarap. But a plan turned to a greater calling..... TO FIX MARCO ELIZALDE'S BROKEN HEART.... But...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
133K 5.6K 52
Nobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesis...