The Queen Bee- COMPLETE

By AthenaShih

26.3K 540 14

Valerie Montez is probably one of the most envied girl you'll ever meet. She's beautiful, famous, a trend-set... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue -END-

Chapter 3

1.5K 40 1
By AthenaShih

“Ano’ng-,”

“I’ll make you touch the stars and even the moon.”

Inilagay nito sa tabi niya ang salamin, kinuha nito ang kamay niya. 

He guided her hand and had her touch the mirror that was facing the night sky.

And he was right; she did touch the sky, the stars and the moon too.

“I did it… I actually… did it.”

“A child’s act right? Pero nakakatuwa…”

Hindi maipaliwanag ni Valerie ang sumalakay na damdamin sa kanya ngayon. Alam niya nakangiti siya at nararamdaman niya na masaya siya pero… ramdam din niya ang init ng mga luhang naglandas sa kanyang magkabilang pisngi. 

“I must be going crazy. You see, I feel happy… I’m smiling but at the same time I’m crying! What is wrong with me?” she was laughing, thinking that she might have already gone crazy.

Kaagad niyang pinahid ang mga luha at tumingala saka inipit ang ilong. Isang aktong nakagawian niya kapag pinipilit niya ang sariling hindi umiyak. 

Mabilis ang mga pangyayari at natagpuan na lamang ni Valerie ang sarili na nakakulong sa mainit na bisig ng estranghero.

“Don’t stop it, let it go. It doesn’t mean you’re weak.”

 “Huh?”

“Your tears… don’t ever think that crying is a weakness. You’re overflowing with emotions right now. Holding back and forcing yourself to hide and stop what you truly feel will make it more painful.”

Mas hinigpitan pa nito ang yakap na iyon. 

Sa unang pagkakataon maliban sa yakap ng kanyang ina ay nakaramdam siya mahiwagang damdaming tulad ng sa ngayon. Isang damdamin na nagpapayapa at humahaplos sa kanyang puso. 

Pakiramdam niya ay nalulunod ang puso niya. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng isang taong tunay na nakakaintindi sa kanya.

Wala pang isang oras silang magkasama pero napukaw nito ang samu’t-saring emosyong kanyang piniling itago sa lahat.

Higit sa lahat, wala siyang alinlangan na naramdaman na itago rito ang totoong siya.

“When I touched it, natuwa talaga ako. Hindi pala siya imposible.” She continued sobbing. Isinubsob pa niya ang mukha sa dibdib nito. 

“It’s like becoming a child once more right? When things used to be really simple.”

She hugged him back. “A-are you Peter Pan?”

“I will be… for you.” He whispered.

Marahan siyang humiwalay rito upang titigan ang mga mata nito.

“Then will you bring me back to my childhood? Even just for tonight?” Gusto pa niyang sumaya ng konti pa. 

Muli itong ngumiti.

“Your wish is my command…” at yumuko ito sa kanya. “So come with me, where dreams are born, and time is never planned. Just think of happy things, and your heart will fly on wings, forever, in Never Never Land!" he recited Peter Pan’s line.

“Err, hindi halata na hindi mo paborito si Peter Pan ano?” 

Hindi inaasahan ni Valerie na bubuhatin siya nito at tumalon sa tubig kasama siya. 

At dahil hindi marunong lumangoy at nangunyapit siya rito. 

“Are you nuts? I can’t swim!” she shrieked. 

“Is that a problem? Well then before the night ends, you will know how to swim!” he exclaimed. 

They say that there will always be that most memorable moment in your life that you will never ever going to forget. And this is one of them, meeting some stranger who immediately connected to her and made her feel too comfortable with him to the extent of finding herself showing the side of her that she never showed anybody.

Mula nang mawala ang mommy niya ay feeling niya nawalan na siya ng kakampi kaya pakiramdam niya ay nag-iisa nalang siya. Pero ngayon para bang nakahanap siya ng taong nakakaintindi sa kanya. 

Ang gabing iyon ay tumatak at nagmarka sa puso at kaluluwa ni Valerie. Hindi niya inaakalang mahuhulog ang loob sa isang lalakeng pinangalanan niyang Peter Pan. 

0-0

“Why did you come to hate Peter Pan, your highness?” tanong nito, mata sa mata.

You have the nerve to ask why?!

She will not lose her composure to this person again. 

“Peter Pan? Ano’ng ibig nyang sabihin V?” tanong ni Rika.

Na para bang saka lang ulit naalala ni Valerie na may tao pa pala sa paligid bukod sa kanilang dalawa ng ulupong na nasa harapan niya ay nginitian niya si Rika.

“Maybe he’s gone mentally ill. Maaari ka nang umalis Mr. Bermudez.” Anya nang hindi nililingon si Troy.

Naningkit ang mga mata ni Troy sa ngiti na pinakawalan ni Valerie.

“I hate that kind of smile.” 

Narinig ni Rika ang sinabing iyon ni Troy na hindi umabot sa pandinig ni Valerie na tumatawag na ng mga guwardya.

“Alam ko na may nakaraan kayo ni Miss Valerie, pero mas mabuti pang layuan mo nalang siya.” Suhestiyon ni Rika.

“Is it for Valerie’s sake or your sake?” tanong ni Troy.

Nagulat si Rika sa klase ng pagsagot ni Troy.

“S-syempre naman para kay Miss Valerie.” 

Nilapitan ni Troy si Rika. Mata sa mata at sinabing, “Be good to her because I’ll be watching you.”

Nilagpasan ni Troy si Rika at nang bumalik si Valerie kasunod ang ilang mga guwardya ay wala na si Troy.

0-0

Huminga siya ng malalim. It is her big day. She’s neither the shy type nor the one who have a stage fright or something. But she’s really nervous right now. Dalawa sa pinakamahalagang okasyon sa buhay niya ay mangyayari sa iisang araw, at ang araw na iyon ay ngayon.

February 14, her biggest ballet debut and her birthday… not to mention that it is also Valentine’s Day.

Marahang hinawi ni Valerie ang kurtina sa pinakagilid na bahagi ng stage.

Nalaglag ang kanyang mga balikat at nanlumo siya nang makitang bakante ang upuan na inireserba niya para sa Daddy niya. 

Naramdaman niya ang isang magaang kamay sa kanyang balikat at nang siya ay lumingon ay nakita ang kanyang madrasta na nakangiti sa kanya. 

“Excited na akong makita ang pinakamamahal naming swan…” malambing nitong turan. 

For a long moment, she just stared at her. She knew that she looks so defeated this time. 

I knew it! I never should have hoped. 

“What is it this time?” nakuha niyang itanong.

Hinaplos nito ang kanyang pisngi, “There was an emergency at the new site in Batangas and some people from the local government unit was looking for him, but he’ll be back tonight for your birthday party! You’ll be really surprised with his present…” pinasaya nito ang boses nito.

“What a waste…” bulong ni Valerie. 

Napansin naman ng kanyang madrasta ang kanyang pangininig dahil sa pagpipigil ng damdamin kaya alalang niyakap  siya nito.

“Val…”

Marahan niya itong itinulak. “It’s cancelled…”

“Huh?”

“The party…”

Nagulat ito. “But Val…”

“I kind of had seen this coming…” she forced a smile. “But I still believed in him, because he promised. Even though his promises always always never fail to fail…” Tumalikod siya upang itago ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “Why don’t I just get use to being the second priority? Or the third?”

“Val -,”

“No…” umiling siya. “It’s so unfair that pleasing him is my first priority… I get it now. It’s hopeless. So from now on? I’ll do only the things that pleases me.”

Tumakbo siya ng hilam ang mga mata sa luha. Wala siyang direksyon, ang gusto lang niya ay makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang sa himatayin siya, wala siyang pakialam. 

He still blames me for mom’s death…

Ano pa ba ang mas sasakit pa kung ang sarili mong ama ay ni hindi ka nga magawang yakapin ng kusa? 

Hindi lang ito ang nawalan, at kailangan niya ng isang ama. Mula nang mawala ang kanyang ina pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya sa mundo.

Wala siyang kaibigan dahil hindi na niya magawang magtiwala kahit na kanino dahil sa mga masamang nangyari noon. 

I feel so alone…

Her legs wanted to give up from exhaustion; her lungs hurt because of lack of air. But she will not stop until she faints.

And she was feeling it already… nanghihina na siya at alam niyang babagsak na siya.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinintay na tumama ang pagal na katawan sa simento. 

Pero hindi iyon nangyari, dahil imbes na sa malamig at matigas na simento siya bumagsak ay naramdaman niya ang isang mainit na kung ano na pumalibot sa katawan niya.

Isa iyong pamilyar na init na sigurado siyang sa iisang tao lang niya naramdaman, isang init na nakakapagpakalma at nakakapagpayapa sa kanya. 

Then she felt something warm on her neck, it was his breath… “It’s alright now… I’m here, I won’t leave you.” He whispered. “I did promise you remember?”

The more her tears started to let loose. 

“I will protect you…” 

0-0

VALERIE felt like she had found her solace. 

Ang dibdib ni Troy at ang init na nagmumula sa katawan nito na pumoprotekta sa kanyang katawan sa ginaw ng kawalan. 

Naramdaman ni Troy ang pagsiksik ni Valerie sa kanyang katawan. Nalimutan na yata nito na nasa gilid sila ng kalsada at ngayon ay pinagtitinginan na ng mga tao. 

Lalo pa at nakakakuha ng atensyon ang suot nitong napakatingkad na kulay puti at pink na kombinasyon at pinalamutian ng mga kumikinang na detalye. Suot parin nito ang costume nito, pero ang skirt na suot nito ay may kahabaan kumpara sa normal na tutu. 

Troy thought that Valerie looked really cute though. Nakalugay ang mahaba at kinulot nitong buhok na kumikinang dahil sa glitter gel. Nadumihan narin ang puting ballet shoes nito. 

Ramdam niya ang pinagdadaanan ni Valerie at gusto niyang pagaanin ang dinadala nito. Troy hated seeing her disquieted eyes which she can’t really hide from him whenever she tries to put on a cool and strong mask for everyone to see as their Queen Bee. 

Tumayo si Troy at binuhat si Valerie na nakasubsob parin ang mukha sa kanyang dibdib at mahinang humihikbi.

Napangiti siya, siguro kung nasa tamang huwisyo si Valerie ay pinaulanan na siya nito ngayon ng mga masasakit na salita. 

Like a princess, Troy carried Valerie to the nearest park bench. 

Patuloy parin ang paghikbi ni Valerie kahit na mahabang panahon na ang lumipas. 

Bumuntong-hininga si Troy. “Hey…” untag niya kay Valerie.

Tinalikuran ni Valerie si Troy. 

“It’s not as if it’s the first time I’ve seen you cry so you don’t have to look away.” Ani Troy. 

“Shut up…” mahinang usal ni Valerie habang pinapahid ang likod ng palad sa basang pisngi.

Inabutan ni Troy ng panyo si Valerie na hindi naman nito tinanggap. Kaya si Troy nalang mismo ang nagpahid ng mga luha nito.

Naramdaman ni Valerie ang pagsalakay ng init sa kanyang mukha, pero kompyansa siyang kayang itago ng gabi ang pamumula ng kanyang mukha kaya hinayaan niya si Troy sa ginagawa.

“Being too suppressive has its limits too you know. I told you its okay to cry sometimes…” pangangaral ni Troy. “With me you don’t have to pretend like an ice cold Queen…”

Pakiramdam ni Valerie ay isang nakatatandang kapatid niya si Troy na concerned na concerned sa kanya kapag nangangaral ito. Matagal na panahon narin kasi nang huli siyang umiyak at inaamin naman niyang kahit na papaano ay lumuluwang ang kanyang dibdib pagkatapos na umiyak. 

“Malungkot ka na naman…” ani Troy habang pinakatitigan si Valerie.

Iniwas ni Valerie ang paningin at napalunok. “Not that it’s any of your concern.” 

“I will make you happy today.” Pahayag ni Troy at inilagay pa ang kanang kamay sa tapat ng dibdib na parang nanunumpa.

Napakagat labi si Valerie upang pigilan ang isang ngiti na kumawala sa kanyang mga labi. Naiinis parin siya kay Troy, pero sa oras na ito mas pipiliin nalang niyang sumama rito kesa bumalik sa theatre hall o sa kanilang bahay para sa birthday party niya at magpanggap na masaya. 

Inaamin ni Valerie na naniniwala siyang kaya siyang pasayahin ni Troy, pero hinding-hindi niya ito aaminin kanino man lalong-lalo na kay Troy mismo. Hindi parin niya ito maintindihan at hindi parin niya nakakalimutan ang mga sinabi nito noon.

0-0

“You won! Simula ngayon ay ikaw na ang King ng Dalton International University.” masayang pagpapaalam ni Rika kay Troy.

Nagtago si Valerie sa likod ng nakauwang na pinto ng locker room. 

“You must be kidding me. I didn’t sign-up for that.” Umiiling na turan ni Troy.

Hindi maaninag ni Valerie ang mukha ni Troy dahil sa nakaupo ito at natatakpan ni Rika na nakaharap rito. Napakunot noo siya dahil akala niya ay kusang sumali si Troy at talaga namang ikinatuwa niya nang makita ang pangalan nito sa listahan. 

“Hindi na importante iyon. Nag-background check na kami sa iyo at na-match mo ang criteria ng hinahanap ni Miss Valerie.”

“You’ve got to be kidding me. Hindi ako may-,”

“Hindi mo rin ba gusto si Miss Valerie? I think she likes you a lot though. Ikaw ang perfect King niya.” Ani Rika.

Plano na ni Valerie na kutusan si Rika pagkatapos nito. Hindi na nito kailangan pang sabihin ang tungkol doon.

“I’m not interested. Maghanap nalang kayo ng iba dahil hindi ko aaksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.”

Kaagad na tinakpan ni Valerie ng mga kamay ang bibig nang mapasinghap siya. Buti nalang ay hindi iyon napansin ng dalawa sa loob.

“Huh? Pero Troy, ikaw na ang napili at kailangan mong umattend sa party dahil doon ka ipapakilala bilang King ni Miss Valerie. Ayaw mo ba sa kanya? Hindi mo ba siya gusto?” muli ay tanong ni Rika.

“I have a lot more important things to deal with; and playing King for your Queen is a waste of time.” Troy disinterestedly said. “And yes, I don’t like your Queen so please stop disturbing me.” 

Pakiramdam ni Valerie ay mag-asawang sampal ang natanggap niya at nakisali pa ang kabit sa tindi niyon.

0-0

GUSTONG tanungin ni Valerie si Troy kung ano ba talaga. Hindi niya kasi ito naiintindihan, kung bakit umaasta ito ngayon na nag-aalala sa kanya kung hindi naman talaga siya nito gusto.

But asking him is going to be like admitting defeat, it’s like giving-in to his play. Hindi niya kailan man ipapahalata rito na nagustohan niya ito. 

Inilahad ni Troy ang kamay nito sa kanya at lumuhod ito na para bang prinsipe na inaaya ang prinsesa na sumayaw. “Let’s go?”

“Where?” nakataas-kilay niyang tanong.

“To Neverland of course!” 

Valerie smirked. “You’re still in to that?”

Isang ngiti ang pinakawalan ni Troy. “I’ve been meaning to bring you to this place. Magugustohan mo doon.” 

Pinakatitigan muna ni Valerie ang kaharap bago umismid at tinanggap ang kamay nito.

“Just so you know, it’s not like I have a choice but to endure being with you since I’m not going ba-,”

“Yeah right, I know.” Agaw ni Troy at hinila na siya.

Huminto sila sa tapat ng isang Ducati Hypermotard nito na naka-park sa tapat ng isang convenience store. 

“What’s this?” 

“My baby… a motorbike.” Pamimilosopo ni Troy.

Pinatirik ni Valerie ang mga mata. “I meant there’s no way I’m riding that! Don’t you know that survey says that 7 out of 10 motorcycle riders get to an accident?” 

“Thank you for the trivia Kuya Kim pero ako ay dito sasakay. Nasa iyo na yang kung maglalakad ka o magta-taxi.”

Valerie puffed her cheeks. 

Sa sobrang ka-estupidahan niya ay hindi niya nadala ang bag man lang niya at naka-tutu parin siya. Tuloy ay napagtitinginan siya.

Continue Reading

You'll Also Like

158K 9.4K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
271K 16.9K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...