Only Human

Von HopefulGirl168

151 0 0

Masaya ka kapag nakikita mo siya, pinapangiti ka niya, at gusto nya na maging bahagi sya ng buhay mo. Gusto r... Mehr

Chapter 1
Chapter 2: First Meet Up
Chapter 3: Mr. Cupcake
Chapter 5:
Chapter 6:

Chapter 4: The Real Meet-up

9 0 0
Von HopefulGirl168

Chapter 4: The Real Meet-up

Jeric:

Eto na naman ako sa routine ko every morning bago ako pumunta sa practice. Actually, out of way nga ako kasi sa may Greenhills lang naman yung place nang pinagpapraktisan namin pero kailangan ko munang pumunta ng Ayala Makati from New Manila para ihatid lang yung cupcake kay Aine, pero that's fine. I mean, gusto kong makilala pa sya ng mabuti and alam kong this is the first step towards it. I'll still do this, kahit alam na ni Jeron na ako si Mr. Cupcake. Hay naku, taong yun talaga, pero di ko sure kung totoo ngang gagawa ng "Thank You" letter si Aine para sa akin, pag nagkataon, ay naku, ililibre ko talaga si Jeron hahahaha! Anyways, nandito na ako sa harap ng coffee shop nina Ahia Jorel. It's only 7am at 9am pa ang bukas ng shop nila.

"Good Morning po Tatay Jun." sabi ko sa guard na bantay sa shop.

"Oh, ikaw pala Jeric, sa kanya ko pa rin ba ibibigay yan?" tanong niya nung mapansin yung maliit na box na hawak ko.

"Ah...eh...opo." sabi ko sabay abot nung box sa kanya.

"Hay nakong bata ka." sabi sa akin ni Tatay Jun pagkakuha nya nung box. "O heto, pinapabigay nya sa iyo."

"Ano po ito?" tanong ko. eto na yata yung...

"Sabi ni Madel sa akin, ibigay ko daw yan sa'yo. Thank You Letter daw." nakangiting sabi ni Tatay sa akin.

"Ah, ganun po ba?" tanong ko. "Naku tay, salamat ha..."

"Walang anuman yon Jeric. Basta iho ha, pag naging girlfriend mo si Madel, wag mo akong kalimutan ha..."

Alam kong ang tinutukoy nyang Madel eh si Aine, siguro, nasanay lang siya na yun ang tawag niya sa future girlfriend ko...hahahaha! "Oo naman po. Sige tay, una na po ako at baka ma-late na po ako sa practice ko." sabi ko kay tatay Jun.

"O sige iho, mag-iingat ka." sabi ni Tatay sa akin. Mukhang nagdilang-anghel si Jeron sa akin ha, thanks naman na kaibigan niya si Aine, di na ako mahihirapan. After almost an hour ng pagdadrive, nandito na ako sa tapat ng gym at pinark ko na yung sasakyan ko, pero ayoko munang lumabas pa, since 10 am pa naman ang start kaya bbasahin ko muna yung letter na binigay ni Aine sa akin.

Dear Mr. Cupcake,

    Hi...Ah...eh...di ko alam kung saan ako magsisimula, pero anyways, thank you nga pala sa araw-araw na pagdadala mo ng cupcake sa akin. Medyo nahihiya na nga ako kasi di ka man lang nagpapakilala kay Manong Jun. Anyways, thanks talaga sa cupcakes, I appreciated your efforts. Hope to see you and meet you soon. Take Care din sa'yo always.

                                                                                                                                                     Aine : )

This letter really makes my day. Inilagay ko na sa bag ko ang letter nya and I headed up to the practice na.

Jeron:

"Wala kang pasok today?" sabi sa akin ni Kaina, nasa school ako na tinuturuan nya ako today and ngayon ko na planong i-set yung formal meet-up nina Mr. Cupcake este ni ahia tsaka ni Ate Aine.

"Half-day lang ako today." sagot ko kay Kaina.

"Eh practice?" tanong niya ulit sa akin. Ano ba yan, ang daming tanong."

"Wala muna daw afternoon practice. May meeting kasi sina coach with the board of directors." sagot ko.

"Ah, okay. So anong ginagawa mo dito?" tanong niya ulit. Anu ba yan Kai...hmp!

"Yayain sana kitang mag-dinner sa bahay. Namimiss ka na raw kasi nina mommy..." sabi ko.

"Aysus! Jeron Alvin! pasikat ka lang eh." sagot niya sa akin. Langyang Kaina ito, akala lagi akong di seryoso. "Kaina naman eh...sige na...tapos sama natin si Ate Aine..." sabi ko ulit sa kanya.

"Huh? bakit kasama si Aine?" tanong ni Kaina sa akin.

"Ah...eh...kasi..."-ako

"Sabi na eh, ano na naman yang balak mo ha?" Tanong ni Kaina sa akin. Hay naku Jeron, kahit kailan talaga, di ka marunong magtago ng sikreto, nabubuko ka kaagad!

"Ka...kasi...gusto siya ma-meet ni ahia." sagot ko.

"Ha? si Jeric? bakit kinukwento mo?" tanong ni Kaina sa akin.

"Kasi...si ahia...siya yung nagdadala ng Cupcakes kay Ate Aine." sagot ko.

"Ha? si Jeric? teka paano yun?" tanong nya sa akin. Ayan na, na-confuse na si Kaina Claire ko.

"Kasi, naalala mo yung sinabi ko kahapon na parang kilala ko kung sino si Mr. Cupcake, actually, kilala ko talaga siya, at si ahia yun." sagot ko kay Kaina. "Gusto ko muna kasing i-confirm kaya di ko muna sinabi kay Ate Aine. Eh umamin din si loko kahapon kaya ayun, confirmed!"

"I get your plan bhe, kaya lang papayag kaya yun?" Kaina asked me.

"Kaya nga I need your help eh." sagot ko.

"Hmm...let's see. Punta tayo sa coffee shop later." Kaina answered me.

Aine:

"I'm busy at the counter nang makita kong papasok sa shop sina Kaina and Jeron. Teka, baka sasabihin na nya kung sino si Mr. Cupcake?

"Hi Ate Aine!" bati ni Jeron sa akin.

"O, bakit napadpad na naman kayo dito sa shop?" I asked them.

"Eh, etong si Jeron kasi, yayayain ka daw sumama sa amin mag-dinner" sagot ni Kaina. "Sa kanila."

"Ha?" nagtaka naman ako, "Sa kanila? Seriously?"

"Sige na Ate Aine..." sabi ni Jeron

"Teka, Jeron sa inyo? adik ka ba?" pabiro kong sagot sa kanya

"Ah...eh..."-Jeron

"O Kai, Jeron, what makes you here?" sabi ni Jorel na dumating na pala sa shop.

"Ahia!" sabi ni Jeron, saka niyakap si Jorel.

"Hmm...alam mo, mas behave ang shop pag ikaw yung nandito, pag yung ahia mo kasi, parang may rally lang ang peg lagi..." nakangiting sabi ni Jorel.

"Syempre. Mas cool ako dun, nga pala, ahia, puwede ba namin isama si Ate Aine sa amin for dinner?" tanong ni Jeron kay Jorel.

"Ako, payag ako, alam mo namang di ako tatanggi sa'yo, ewan ko lang kay Aine..." sagot ni Jorel sabay tingin sa akin.

"Ah...eh...busy pa kasi ako dito..." sabi ko.

"Pero kung sasama ako, puwede ka?" tanong sa akin ni Jorel

"Seryoso kuya, sasama ka? si Jeron

"Oo naman. Na mimiss ko na rin kasi sina tita at tito." sabi ni Jorel na ang tinutukoy eh yung mga magulang ni Jeron. "Alam mo namang long lost son nila ako...birong sagot ni Jorel

"Ah...eh...sige, sabi mo eh." sagot ko na lang sa kanila.

Jeric:

I'm done with the practice and workout sa gym kaya I decided na umuwi na, nagtext din kasi si Jeron na sa bahay magdidinner sina Kaina at Kuya Jorel. Nice one since gusto ko ring makausap si Ahia Jo tungkol kay Aine. Pagdating ko sa bahay, mukhang wala pa naman sila kaya I decided na pumunta sa kwarto ang take a shower. Nang matapos na ako at nakapagpalit na rin ng damit, narinig ko ang sigaw ni Almira which is in the living room, isinigaw nya pangalan ni Kuya Jorel, so I believe nandito na sila, kaya lumabas na rin ako sa kuwarto.

"Ahia Jorel! na miss kita! kamusta?" tanong ni Almira sa kanya

"I'm always fine baby girl..." sagot ni Jorel sabay yakap kay Almira

"At nandito rin pala si Kai..." sabi ulit ni Almira saka niyakap si Kaina.

"Pasensya na Mira ha, medyo aabala muna kami dito, pasaway kasi yang kapatid mo eh." nakangiting reklamo ni Kaina

"Puro ka reklamo!" natatawang sagot ni Jeron kay Kaina, and wait...ka...kasama nila si Aine? teka, namamalik mata ba ako or what?" bumalik na uli ako sa pakikinig sa usapan nila nung magsalita si Almira, nasa hagdan na kasi ako ng mga oras na yun pero di pa ako tuluyang nakakababa at nakikinig lang ako sa usapan nila.

"Sino yang kasama mo?" si Almira.

"Ah, si Ate Aine nga pala, friend ko." sabi ni Jeron. "Friend din pala nina Kaina at Kuya Jorel."

"Hello po..." bati ni Aine.

"Hi Aine, feel at home ha...wag kang mahiya..." sabi ni Almira.

"Ah, okay po..." nahihiya pa ring sabi ni Aine. Hay! tingan mo nga naman ang pagkakataon Jeric, lahat pabor sa'yo. Natutuwa naman ako...

"O,ngingiti-ngiti ka dyan singkit?" tanong ni Kuya Jorel sa akin. Oh my! mukhang nahala niya ako...

"Ah...eh...wala." sagot ko habang pababa ako sa hagdan papuntang living room. "Mukhang may kasama kayo ah..." sabi ko sabay tingin kay Aine.

"Ah, oo kuya. Si Ate Aine nga pala..." sabi ni Jeron.

"Naku bata, pinakilala mo pa eh nag-meet na yang dalawa sa shop." sabi ni Kuya Jorel kay jeron.

"Talaga? tanong ni Jeron. Aysus! maang-maangan pa si loko. Natatawa na lang ako tuloy sa kapatid kong 'to.

Jeron:

Fast Forward na tayo guys, di bale nakilala na rin naman nina mommy, daddy at achi si Aine. Tapos na ang dinner and any moment from now, kailangan ko nang ihatid si Kaina pauwi, of course isasabay na namin sina Kuya Jorel at Ate Aine since di dala ni Kuya Jo yung sasakyan niya. Nagkukuwentuhan pa rin sila sa living room nang mapansin kong mag-isa lang si ahia sa garden kaya nag-excuse muna ako sa mga kausap ko sa loob para puntahan siya.

"O, mag-isa ka dito, si Ahia Jorel?" tanong ko. Sila kasi ang magkasama kanina sa garden at mukhang seryoso sila sa pinag-uusapan nila.

"Ayun, kausap nina mom and dad sa may dining. Alam mo namang hiyang na hiyang sila dun sa taong yun." sagot ni kuya sa akin.

"Ah. Okay." sagot ko. "So, kailan ka aamin kay Ate Aine na ikaw si Mr. Cupcake?" tanong ko sa kanya.

Aine:

"So kailan ka aamin kay Ate Aine na ikaw si Mr. Cupcake?" tanong ni Jeron kay Jeric. Hinahanap ko kasi si Jeron kasi sabi ni Kaina, uuwi na raw kami, kaya napadpad ako sa may garden, and wait...si Jeric yung sinasabi ni Jeron na mukhang kilala niya? hinihintay ko ang sagot ni Jeric kaya sumandal muna ako sa may glass door.

"Nahihiya ako brad..." sagot ni Jeric sa kanya.

"Ang "The Jeric Teng" nahihiya? ano ba yan?" si Jeron.

"Ka...kasi..."-Jeric

"Ikaw si Mr. Cupcake?" tanong ko kay Jeric. Ang dami pa kasing pasakalye ng mamang ito, halata naman. Nakita ko ring medyo nagulat silang dalawa sa tanong ko. "Ate Aine...kanina ka pa dyan?" tanong sa akin ni Jeron.

"Ah...medyo. Nakasandal lang ako sa may pintuan, mukha kasing seryoso ang usapan nyong magkapatid eh." sagot ko habang papunta sa area nila. "At hinahanap ka nga pala si Kaina, mukhang gusto na niyang umuwi at may klase pa raw siya bukas." 

"Ay, oo nga pala..." sabi ni Jeron. " Sige, maiwan ko muna kayong dalawa dyan, tawagin na lang kita Ate Aine pag aalis na tayo." sagot pa niya saka siya tumayo sa kinauupuan niya at naglakad papasok sa loob ng bahay, leaving Jeric and me sa may garden. "So, since umalis na si Jeron, siguro naman, masasagot mo na yung tanong ko...tama?" tanong ko kay Jeric pagkaupo ko sa upuang nabakante ni Jeron.

"Ah..eh..."

"So ikaw nga si Mr. Cupcake?" tanong ko ulit kay Jeric?"

"Bakit...magagalit ka?" patanong na sabi sa akin ni Jeric. "Oo. Ako nga yun." amin niya.

"Why? I mean, bakit? tapos di mo pa pinapasabi kay Manong Jun na ikaw yung nagbibigay, eh kilala ka naman sa shop." sabi ko sa kanya.

"Kasi...." di na naituloy ni Jeric yung pagsagot niya kasi sinigawan na ako ni Jorel. "Aine! tara, uuwi na tayo!"

Jeric:

Narinig namin yung sigaw ni Ahia Jorel sa loob, at tumayo na rin si Aine sa inuupuan niya, di puwede ito. "Ah Aine..." pigil ko sa kanya.

"Why?" tanong niya.

"Puwede bang ako na lang maghatid sa iyo pauwi?" tanong ko.

"Wag na. Sasabay na lang ako kina Jeron." sagot niya tapos papasok na sya sa loob kaya hinawakan ko na siya sa may wrist nya para pigilan. "Please?" I asked her. Nasa ganoon kaming eksena nang biglang sumulpot sina Jeron, Kaina, at Kuya Jorel.

"Hoy! anong hawakan sa pulso ang nagaganap dito? tanong ni Kaina sa amin. "Would you two mind explaining?"

"Oo nga, ang bilis mo ahia ha..." -Jeron

"Nakng! Si Jeric Allen Teng, di mo ako sinasabihang pumuporma ka kay Aine sa pamamagitan ng cupcakes ha." nakangiting sagot ni Kuya Jorel. Okay, so binubuko nila ako at inaasar pa, so I have to let go of Aine's wrist. "Ah, itatanong ko sana sa iyo Jeron kung puwedeng ako na ang maghatid kay Aine pauwi."

"Yun lang ba? aysus! walang problema. sige, ikaw na maghatid." sagot ni Jeron sa akin.

"Pero Jeron..." si Aine.

"Nagtext kasi si tita sa akin, sa fairview daw muna ako umuwi, tapos si Jorel, dadaan doon sa condo na project nina Aimee." sagot ni Kaina.

"Pero Kaina naman eh...di bale, magtataxi na lang ako. Pahatid na lang ako hanggang sa may entrance ng village nyo Jeron." sabi ni Aine sa kanila.

"Tingan mo ito...si Kuya Jorel naman "Magtataxi ka pa? e di magbabayad ka pa, inaalok  ka na nga ni Jeric na ihatid ka..." sabi pa nya. nice one Kuya Jorel.

Napatingin si Aine sa akin. "Sige na nga..." sabi ni Aine sa kanila. Nice, I have got a chance to know her more...

Weiterlesen