Chapter 4: The Real Meet-up

9 0 0
                                    

Chapter 4: The Real Meet-up

Jeric:

Eto na naman ako sa routine ko every morning bago ako pumunta sa practice. Actually, out of way nga ako kasi sa may Greenhills lang naman yung place nang pinagpapraktisan namin pero kailangan ko munang pumunta ng Ayala Makati from New Manila para ihatid lang yung cupcake kay Aine, pero that's fine. I mean, gusto kong makilala pa sya ng mabuti and alam kong this is the first step towards it. I'll still do this, kahit alam na ni Jeron na ako si Mr. Cupcake. Hay naku, taong yun talaga, pero di ko sure kung totoo ngang gagawa ng "Thank You" letter si Aine para sa akin, pag nagkataon, ay naku, ililibre ko talaga si Jeron hahahaha! Anyways, nandito na ako sa harap ng coffee shop nina Ahia Jorel. It's only 7am at 9am pa ang bukas ng shop nila.

"Good Morning po Tatay Jun." sabi ko sa guard na bantay sa shop.

"Oh, ikaw pala Jeric, sa kanya ko pa rin ba ibibigay yan?" tanong niya nung mapansin yung maliit na box na hawak ko.

"Ah...eh...opo." sabi ko sabay abot nung box sa kanya.

"Hay nakong bata ka." sabi sa akin ni Tatay Jun pagkakuha nya nung box. "O heto, pinapabigay nya sa iyo."

"Ano po ito?" tanong ko. eto na yata yung...

"Sabi ni Madel sa akin, ibigay ko daw yan sa'yo. Thank You Letter daw." nakangiting sabi ni Tatay sa akin.

"Ah, ganun po ba?" tanong ko. "Naku tay, salamat ha..."

"Walang anuman yon Jeric. Basta iho ha, pag naging girlfriend mo si Madel, wag mo akong kalimutan ha..."

Alam kong ang tinutukoy nyang Madel eh si Aine, siguro, nasanay lang siya na yun ang tawag niya sa future girlfriend ko...hahahaha! "Oo naman po. Sige tay, una na po ako at baka ma-late na po ako sa practice ko." sabi ko kay tatay Jun.

"O sige iho, mag-iingat ka." sabi ni Tatay sa akin. Mukhang nagdilang-anghel si Jeron sa akin ha, thanks naman na kaibigan niya si Aine, di na ako mahihirapan. After almost an hour ng pagdadrive, nandito na ako sa tapat ng gym at pinark ko na yung sasakyan ko, pero ayoko munang lumabas pa, since 10 am pa naman ang start kaya bbasahin ko muna yung letter na binigay ni Aine sa akin.

Dear Mr. Cupcake,

    Hi...Ah...eh...di ko alam kung saan ako magsisimula, pero anyways, thank you nga pala sa araw-araw na pagdadala mo ng cupcake sa akin. Medyo nahihiya na nga ako kasi di ka man lang nagpapakilala kay Manong Jun. Anyways, thanks talaga sa cupcakes, I appreciated your efforts. Hope to see you and meet you soon. Take Care din sa'yo always.

                                                                                                                                                     Aine : )

This letter really makes my day. Inilagay ko na sa bag ko ang letter nya and I headed up to the practice na.

Jeron:

"Wala kang pasok today?" sabi sa akin ni Kaina, nasa school ako na tinuturuan nya ako today and ngayon ko na planong i-set yung formal meet-up nina Mr. Cupcake este ni ahia tsaka ni Ate Aine.

"Half-day lang ako today." sagot ko kay Kaina.

"Eh practice?" tanong niya ulit sa akin. Ano ba yan, ang daming tanong."

"Wala muna daw afternoon practice. May meeting kasi sina coach with the board of directors." sagot ko.

"Ah, okay. So anong ginagawa mo dito?" tanong niya ulit. Anu ba yan Kai...hmp!

Only HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon