“Oo daw gusto niyang manliligaw!” sabi ko kina Mica at Britney
“Tapos girl anong sabi niya!?” atat na tanong ni Britney
As usual sa internet o computer lang kami nakikipag-usap sa kanya at kasama ko naman ngayon si Mica saking kwarto
“Ayun hindi ko pinayagan!!” sabi ko sa kanila na nakangiti
“ANO!!? WHY!!?” sabay ng dalawa
“Girls naman, ayoko ng magboyfriend-boyfriend na yan!!” sabi ko sa kanila
“Kasi mahal mo pa!!” sabay naman sina Mica at Britney habang nakacross-arms
>___________<
“Ano ba kayo! Pinsan ko si Black kaya hindi na pwedeng mahalin siya!”
“Excuses!!” si Britney sabay roll-eyes
“Bahala kayo!!” ako naman sabay pout
“CC move-on na, alam naman naming mahirap siyang kalimutan!” sabi ni Mica sabay hawak sa mga kamay ko
“Hays! Bahala na nga kayo jan, magbibihis pa ako!!” sabi ko sabay tayo
“Saan ka pupunta?” tanong naman ni Britney
“Inimbita ako ni Ken manuod ng practice race niya!” sabi ko habang naghahanap ng damit sa closet
“KYAAAAAAAAAAHHH!! MADEDATE SILA NI KEN!!!” napatakip ako ng tenga ng bilag tumili sina Britney at Mica
-___-
Kung makatili ang dalawa wagas! Parang kasama lang din namin si Britney kasi feeling ko hanggang sa labas ng village ang tili nilang dalawa
“Hindi yun date noh!! Manunood lang ako ng practice niya!” sabi ko habang nakapili na ako ng isusuot
“Ganun na rin yun CC! Magsasama kayo means magdedate kayo!!” Mica
“Ewan ko sa inyo!!” sabi ko sa kanila sabay behlat
“Denial!!” sabay pa ang dalawa
Ayun nga nagbihis na ako, jeans lang and yellow shirt tapos tinali ko nalang ang buhok ko kasabay ng sling bag. Hindi naman sosyal ang pupuntahan namin kaya simple lang
Susunduin ako ni Ken dito sa bahay
“Ikaw na bahala Mica ha!” sabi ko pagkatapos kong magbihis
Nasa village na daw si Ken
“Sige enjoy sa DATE niyo CC!!” sabi ni Britney
“Hindi nga yun date!!” >__<
“Okay if you say so, enjoy!!”
Lumabas na ako ng kwarto ko, si Mica na ang bahala doon kasi parang bahay na niya naman ito or should I say bahay na niya talaga ito
Lumabas ako agad ng bahay kasi nagdodoor bell na si Ken
“Hello!!” sabay kaway ko sa kanya
“Simple lang tayo ah!!” pang-aasar niya
“Sige ha, magbibihis nalang ako ulit ng gown!!” ganti ko naman ng seryoso
“Wag na! Ikaw naman hindi mabiro!” pigil niya sakin
“Joke lang!!” sabay pingot ko sa matangos niyang ilong
“Ikaw ha!!” ngumiti siya ng nakakaloko
“Wag Ken!! HAHAHHA!!” pinilit niyang pingutin din ang ilong ko
Pero sinasangga ko ang maga kamay niya kaya sa huli hindi siya nakaganti
“Punta na nga tayo!!” sabi niya
“Ahahaha talo ka lagi sakin kahit noon pa!”
Pinagbuksan naman niya ako kaya pumasok na ako sa kotse niya at ganun din siya sa driver’s seat
“Lagi talaga akong talo pagdating sayo!” sabay wink niya sakin with his sweet smile
“Syempre naman!!” umiwas ako ng tingin kasi naramdaman kong namula ako
Tumungo na agad kami ng Tornio Racing Place, ang pangalan ng pupuntahan namin
Maya-maya nakarating agad kami, nagpark si Ken sa loob at bumaba kami
“Lagi akong nandito kapag walang ginawa!” sabi niya habang naglalakad kami
“Kilala ka na pala dito!”
“Hindi naman, marami ring pumupunta dito at pwede rin ang motor dito”
Hanggang sa makarating na kami sa race place, ang laki ngayon lang ako nakakita ng ganito. Pasensya na hindi kasi ako mahilig sa mga race -___-
“Hi Ken!!”
“Hello papa Ken!!” bati ng dalawang babae sa kanya
“Hello girls!” sabay kaway naman ni Ken
Tapos tumili ng mahina ang mga babae
“Akala ko ba hindi ka kilala dito!”
“Ahehe mga kaibigan ko yun!”
Nagsuot na si Ken ng damit para sa race kaya naiwan muna ako dito sa labas, may upuan at silungan naman dito. Wala masyadong tao, ang iba busy sa pagrerace na mejo malayo dito sa kinauupuan ko, ang laki ng daan kung saan ka magrerace.
“CC!?” napalingon ako sa likod ko
“Tasha?”
Great!! -___-
Sila na naman, ba’t ba lagi kaming nagkikita!? >__<
“What are you doing here!?” tanong ni sakin sabay beso
--
“What are you doing here!?” tanong ni Tasha kay Carmella sabay beso
Nasa race place kami para makapag motor na naman ako, hindi kasi pumapayag si Tasha na gagamit ako ng motor sa pagsundo sa kanya kasi takot siya kaya lagi kong gamit ay ang kotse ko
Sa London ako nagsimulang mahilig mag race gamit ang motorbike ko kaya ng makilala ko si Tasha ay huminto na ako
Kaya para makapag-motor ako ay pumayag siyang pumunta kami dito kaya nga lang
Nandito si Carmella na hindi ko inaasahan
Sino kaya ang kasama niya
“Nakakatuwa talaga na lagi tayo nagkikita noh!!” Tasha
“Ahehe o-oo naman!” napatingin sakin si Carmella
Don’t look at me like that at baka! ARGH! Nevermind!
Tiningnan ko nalang siya ng seryoso, oo nga pala tama si Tasha lagi nalang namin siya nakikita sa isang lugar. Nung nasa café niya kami tapos yung nasa Café de Mucho na naman kami at ngayon dito sa racing place
Pinaglalaruan ba talaga kami?
“Sino kasama mo dito!?” napatingin silang dalawa sa pagsalita ko
“Ah eh si—“
“Ako bakit!!?” napatingin kaming tatlo sa nagsalita sa likod bigla at umakbay kay Carmella
Umaangas!!
Napakuyom ako ng kamay, yung kumag noon na nakita kong humalik kay Carmella sa pisngi. Ba’t niya kasama yan dito!!? ~__~
“Ah o-oo Tasha Black, si Ken ang ka-kasama ko” nauutal na sabi ni Carmella na halatang kinakabahan
Kung sabagay
“Wow is he your boyfriend!?” excited na tanong ni Tasha
“Ah hi-hindi!” nakayukong sabi ni Carmella
Nakaakbay parin sa kanya yung ungas! Nilagay ko nalang ang mga kamay ko saking magkabilang bulsa, ayokong ipahalatang naaangasan ako sa ungas na ‘to!
Tumingin lang ako ng seryoso sa dalawa lalo na sa ungas na nakatingin sakin ng masama. Mukhang naghahamon ah!
“Pare laban tayo para matapos na yang kayabangan mo!!” ako
“What babe?” Tasha
“Sige ba, call ako jan!!” nakangiting sabi ng ungas
“Psh!!” sabi ko sabay hila kay Tasha paalis sa harap nila
**********************************************************************************************************
Author’s Note
~Thanks for reading!
~Thanks for the votes!
~Thanks for the comments!
~Thanks for adding to your library!
~Thank you so much readers! Mwah! Mwah!
I LOVE YOU ALL ^_________^