Accidentally Fall InLove With...

By BinibiniNaTaguro

8.3K 220 22

Girls Vs. Boys Palaban na Kirah Vs. Cold na Jaycee Mapangbara na Ryza Vs. Playboy na Renz Seryosong Cathy Vs... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
AUTHOR'S NOTE
Note
CHAPTER 12

CHAPTER 3

382 10 0
By BinibiniNaTaguro

CHAPTER 3: PRINCIPAL'S OFFICE

Nang makarating na ako sa Room ay agad na akong umupo sa upuan ko. I don't want to talk about that. Pero kung gusto nilang malaman, wag muna ngayon.

Napansin ko yung tatlong tukmol, yung dalawa tumawa. Anong nakakatawa? Naramdaman kong nakarating na ang mga kaibigan ko at umupo saking tabi.

"Kirah, may pag uusapan tayo pag uwi." paalala ni Ry.

Nagbuntong hininga ako. "Fine." sabi ko atsaka tumingin sa bintana.

Dumating na si Sir James at nagdiscuss muna about sa Recent Lesson namin nung nakaraang School Year. Nagsulat sa board si Sir at humarap samin. I guess, Integers yung topic na'to. Tss, ang tagal na niyan hanggang ngayon ba naman ba....

"Okay. Ire-recall ko lang yung mga Recent Lesson niyo dahil may connect 'to sa magiging Lesson natin. Ipapaalala ko lang sa mga hindi na nakakaalala pero sa mga nakakaalala, good for you." sabi ni Sir James at kumuha ng tatlong Chalk. "I want you three girls to answer this equations on the board." sabi ni Sir na nakaturo samin.

"Why us?" walang emosyon kong sabi sa kaniya.

"Pardon? Teacher ako kaya sundin niyo yung sinabi ko." utos niya.

"Teacher ka lang naman, kung makapagsalita ka kala mo principal ka na." bulong ko pero siniko lang ako ni Ry. Tumayo na kami at pumunta sa harapan at kinuha ang Chalk.

"HAHAHAHA!"
"Grabe! HAHAHA!"

What's wrong with this people? Anong nakakatawa?

"I guess, You have to go to Comfort Room, girls? Right?" tanong ni Sir.

"Why, Sir?" tanong ni Cath.

"Uhmmm..." sabay tingin sa pwetan namin. Aba! Bastos 'to ah!

Kinilabit ako ng kalapit ko. "Uhmm... Miss? May BloodStain kayo." sabi nung Nerd.

"Huh? Kakatapos ko lang ah." bulong ni Ry. Narinig niya siguro yung sinabi nung Nerd.

Mukang alam ko na kung sinong may pakana ne'to.

"Give me your two Chalk, girls." sabi ko sabay pakitang palad. Ibinigay naman nila ito.

"Ano na naman gagawin mo, Kirah?" tanong ni Cath.

"Just Watch." sabi ko sabay sunod sunod na bato sa tatlong tukmol na nagpipigil ng tawa.

Lumapit ako sa kanila at kinuha ang kwelyo nung Jaycee. "Ikaw may pakana ne'to no? Kayo ng mga kaibigan mo." nakangising sabi ko.

Bahagya siyang ngumiti. "I told you before, didn't I? Nangengealam ka kasi." sabi niya.

"Miss Gomez! Stop that!" pagpigil ni Sir pero hindi ko siya pinansin.

Nagngingitngit ako sa galit kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin yung Jaycee. Sinigurado kong malakas yung kaya sumakit lalo yung kamao ko dahilan para mapahiga siya. Sunod kong kinuha ang kwelyo ng nagpakilalang Renz at sinuntok nang malakas dahil din para mapahiga siya, mukang mawawalan pa nga ng malay. Nang matapos kong patumbahin ang dalawa, Sunod kong nilapitan ang natitira na halatang nagulat sa ginawa ko kaya marahas kong sinipa ang kaniyang tiyan at sinuntok.

"MISS GOMEZ!" Saway ni Sir James. Ba't di na lang siya lumapit para awatin ako? Pati 'tong mga kaibigan ko?

"Kirah! Tama na!" saway naman ni Ry pero hindi ko sila pinagpapansin at lumapit ako sa Jaycee at sinuntok muli ng tatlong beses dahilan para dumugo ang ilong niya, magkaroon ng sugat sa gilid ng labi at kaunting black eye.

Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Cath at bahagyang tumigil sa pananapak. "Di ka na ba talaga titigil, Kirah?! Sumusobra ka na! Maawa ka naman sa sarili mo na puro pambubugbog na lang ginagawa!" sigaw ni Cath.

Doon ako naliwanagan. What have I done? Tumayo ako at pinagpag ang uniform ko. Ibinalik ko sa dati ag mukha ko na walang emosyon.

"I'm not going to say sorry for what I've done." sabi ko sa kanila. Aaminin ko, nawala ako sa katinuan, hindi ko sinasadya.

"All of you! Go to the Principal's Office!" sigaw ni Sir James samin.

Lumabas agad ako na parang walang nangyari at naglakad ng nakakrus ang siko. Naramdaman kong sinundan ako ng mga kaibigan ko at nung pinagsusuntok ko.Tumabi sakin si Cath at si Ry.

"Ano bang nangyayari sayo?! Diba sinabi mo na hindi ka na uli gagawa ng gulo?! Ano bang pumasok sa kokote mo?! Nung una, Sa cafeteria. Ngayon naman nakipagsuntukan ka sa harap pa ng mismong teacher!" sumbat niya.

"Nakakapikon na eh. Tignan mo nga oh, nagsisitawanan pa rin sila hanggang ngayon!" sabi ko.

"Hayaan mo na kasi! Pinatulan mo pa kasi kaya ayan! Baka makick-out pa tayo ne'to! Damay damay na 'to!" sabi ni Cath.

"Tss. Daan muna tayo sa Locker Room. Magpalit muna tayo. May extra uniform ba kayo don?" tanong ko. Tumango lang sila.

Lumiko kami ng daan pero di pa kami nakakailang hakbang ay may narinig kaming boses.

"Mga Miss, hindi diyan ang daan ng Principal's Office." nakangising sabi nung Renz.

"Hoy! Sinuntok na kita lahat lahat, hihirit ka pa rin!?" sabi ko.

"HAHAHA! Easy ka lang, Miss Beautiful." sabi nung Brylle.

"Ano bang mga pake nyo?! Alam namin ang daan dito! May utak ba kayo?! Papapuntahin niyo kami ng PO ng may paint na red sa likod?! Mga ugok!" bara ni Ry.

"Awts. Sakit mo naman magsalita, Miss Sungit." sabi nung Renz.

"Excuse us." kalmang sabi ko at naunang maglakad papuntang Locker Room.

Nagpunta na kami sa Locker Room  para kunin yung pamalit namin at pumunta na sa Cr.

"Kirah, See this what happened to us. Pinatulan mo pa kase eh." reklamo ni Ry nang inaayos ang pagkapuyod ng buhok habang kami ay inaayos ng konti ang uniform.

"Sorry naman. Eh, mali naman talaga ginagawa nila eh." dahilan ko.

"Kahit na, Kirah. Huwag ka ng makialam sa nga issues nila dito sa School. Just act like you didn't see any violences na ginagawa ng mga lalaking 'yon." panga-ngaral ni Cath.

"Yeah, Kirah. Cath's right. Wala namang mangyayari kung ililigtas mo yung mga victims ng bully eh. Ang dami nilang binubully, kaya mo bang ipagtanggol lahat 'yon?" sabi ni Ry at natapos na sa pagpuyod. Nagbuntong hininga siya at humarap sakin. "Please.. Kiana, makinig ka naman minsan samin. Kahit ngayon lang."

Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Ngayon niya lang uli ako tinawag sa real name ko, ibigsabihin, seryoso siya, hindi mo pwede suwayin. I sigh and nodded to her.

'Maybe this time, kailangan ko munang umiwas sa gulo. Hindi para sa pamilya ko, kundi para sa mga kaibigan ko. Nadadamay sila sa mga katarantaduhan kong gawain.'

Nang matapos kami ay ibinalik namin sa Locker namin ang nagamit na Uniform. Pagkatapos ay nagpunta na kami sa P.O. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay huminga kami ng malalim.

"Sana lang, hindi tayo ma-kick out ne'to." pailing iling na sabi ni Cath. Seriously, hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun kanina. They deserves that. Wala akong pakealam kung makick out ako. 

Kumatok muna kami at pumasok sa loob. Napansin namin na nakaupo ang tatlong lalaki magkakatabi habang kausap ang principal. Umupo kami sa harap ng tatlong tukmol.

"Oh? Kayo na siguro ang sinasabing nakaaway ng mga 'to?" sabi ng principal at itinuro ang tatlong lalaki. Nagbuntong hininga siya. "Okay, I want to know the real happened. No more lies."

"They started it!" sabay na sabi 'nila' except for me. They are just overacting.

"And you? Miss...." sabi ng Principal De Valle, napansin ko sa nakasulat sa table. Yumuko muna siya na parang may binasa. " Miss Kiana."

"What?" walang ganang sagot ko.

"Oh? What a respect." natatawang sabi ng Principal. "I heard, ikaw ang sumuntok kay Mr. Mendoza."

"How I couldn't punch him if they put red paint in our chairs?" kalma kong sabi at pinagkrus ang legs.

"Did I heard right, Boys? Kayo ang naglagay ng Red paint sa kanila?" tanong niya sa tatlo.

"Actually, yes." nakangising sabi nung Renz.

"And you, Miss Kiana... Anong eksaktong ginawa mo sa kanila?" tanong naman niya sakin.

"Binigyang ko ng leksyon ang tatlong kumag na 'yan sa harap ni Sir James." sabi ko. Naramdaman kong nagulat at napalingon sakin ang mga kaibigan ko dahil sa narinig nila.

"So...." nag iisip na sabi ng Principal habang ipinikot ikot ang Swivel Chair niya. "Tutal, pare-pareho kayong may mali. Kayo boys, nanguna kayo dahil naglagay kayo ng Red Paint sa mga upuan nila. You Miss Kiana, pinatulan mo sila at pinagsusuntok sa harap ng teacher mismo. At kayong dalawa.... hindi niyo sa napigilan. Kaya paparusahan ko kayo. This is slight difficult pero makakaya niyo kung magtutulungan kayong lahat."

"Mmmm... Miss Principal, hindi ba parang mali rin yang sinasabi mo?" suhestiyon ko.

"Why is that?" nakakunot noong sabi niya.

"Kase kung pagsasamahin mo kami, baka magsisi ka? Magkakaroon lang ng gera. Baka nga hindi na masikatan ng araw 'yang mga 'yan. You better to seperate us." sabi ko na nakakrus ang siko.

"Slightly Great Idea but.... No." iling na sabi niya.

"And why?" tanong ko.

"Mas maganda kung magsama-sama kayo. Malay niyo, baka yun pa ang maging daan para magbati-bati kayong lahat? Diba?" nakangiting sabi ni Miss Principal.

"No. Freaking. Way." bulong ko.

Napansin kong tahimik ne'tong tatlong 'to. Ano ba nangyari sa kanila? May sumapi ba sa kanilang anghel? No.. No.. Bawal makapasok ang Anghel sa katawan ng Demonyo. Tss.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 48.7K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
1.9K 110 4
Inosente ang batang si Renren ngunit nagbago ang lahat ng matuklasan niya ang papel niya sa buhay.
73.7K 122 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞
244K 5.6K 83
*****