CHAPTER 2

520 15 0
                                    

CHAPTER 2: FIRST DAY OF SCHOOL

Pumikit agad ako nang pagkababa ng tawag. Nakakapagod.

Napadilat ako nang may biglang kumatok. "Kirah?"

"Pasok." sabi ko lang at nanatiling nakahiga. "Oh, Ryza?"

"Nagtext sakin si Ate Mirah. Hindi mo daw sinasagot texts niya." bungad niya sabay upo sa tabi ko.

"Ah, di ko nakita. Mamaya, replyan ko."

Sinandya ko talagang di magreply. May mga away sa pagitan namin ng kapatid ko-- wait, ako lang ata ang di siya pinapansin.

"Okay ka lang ba? Parang malungkot ka?" tanong niya.

Dumilat ako at ngumiti sa kaniya. "Oo naman. Ano ba sinasabi mo?"

"I knew it! May problema nga." sabi niya sabay dapa sa tabi ko at lumapit. "What is it?"

Tumingin ako sa kaniya. "Huh? I said I'm okay, Ry. Anong may problema?"

"Kilala kita, Kirah. Hindi ka naman ngumingiti pag tinatanong kita nang ganon. What is it?" nakapalumbaba na siya.

"Wal--"

"Wait!" pigil niya sa sasabihin ko sabay kuha ng phone niya at may tinawagan. "Hello?... Punta ka dito sa kwarto ni Kirah.... What? Itigil mo muna 'yang binabasa mo!.... What the heck? Punta kana. Now na! Bye!"

"Sino 'yun?" tanong ko.

"Si Cath. Para kaming dalawa makikinig sayo. Hahaha!" kalokohan talaga nito!

Biglang may kumatok at bumukan yung pinto. Pumasok si Cath na parang tinatamad.

"Ano ba meron?" bungad niya saka dapa rin sa kabila ko.

"Wal--"

"May ikwekwento kasi si Kirah. May problema daw." sabat ni Ryza.

"Wal--" naputol uli sinasabi ko.

"Hmm? Problema? Talaga? Bago 'yan ah. Magkwenkwento?"

"Hin--" naputol na naman!

"Oo. Pinilit ko kasi. Yan pa? Magkwekwento nang kusa? Pwe!" sabay tawa niya.

"Sige, kwento kana, Kirah." aya ni Cathy. Tumingin lang ako sa kanilang dalawa. "Uy. Dali na."

"Paano ako makwekwento kung di niyo ako pinapasalita?" tamad kong sagot.

"Oppss." rinig kong bulong ni Ryza.

"At saka ako ano bang ikwekwento ko? Sinabi kong wala diba? What the heck? May sapak ba kayong dalawa?" kunwaring takang tanong ko.

"Sorry! Hahaha!" natawa na lang silang dalawa.

Totoo namang wala. Disappointed lang ako kasi walang oras yung pamilya ko sakin. Usually nga kasi, nagba-bonding kami bago magpasukan pero naudlot dahil lang sa business nila. Ayoko lang sabihin kasi wala rin namang magbabago.

Tumayo ako at pinaghihila na silang dalawa patayo. "Tumayo na kayo! Matutulog na ako. Inaantok na ako."

Tumayo na silang maayos. "Hahaha! Oo nga naman! Maaga pa pala tayo bukas!" sabi ni Cathy.

Tinulak ko na silang dalawa palabas. "Pakisabi kay yaya na hindi na muna ako kakain, kayo na lang. Eat Well." sabay sara ng pinto. Humiga ako sa kama at agad na nakatulog.

Maaga ako nagising dahil sa malakas na katok na naman ni Ryza. Nakatunganga lang ako habang hinihintay yung niluluto ni yaya. Busy yung dalawa sa harap ko sa kakagamit ng phone. Di ko alam kung ano ginagawa.

Accidentally Fall InLove With Our Enemies [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon