Avah Maldita (Aarte pa?) - Bo...

By simplychummy

39.5M 929K 227K

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita. More

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!
MALDITA TIPS 101
MALDITA 1
MALDITA 2
MALDITA 3
MALDITA 4
MALDITA 5
MALDITA 6
MALDITA 7
MALDITA 8
MALDITA 9
MALDITA 10
MALDITA 11
MALDITA 12
MALDITA 13
MALDITA 14
MALDITA 15
MALDITA 16
MALDITA 17
MALDITA 18
MALDITA 19
MALDITA 20
MALDITA 21
MALDITA 22
MALDITA 23
MALDITA 24
MALDITA 25
MALDITA 26
MALDITA 27
MALDITA 28
MALDITA 30
MALDITA 31
MALDITA 32
MALDITA 33
FINAL WAVE
Thank You Note

MALDITA 29

916K 20.9K 3.3K
By simplychummy

Maldita 29

June came. Ilang araw na lang at papasok na ulit ako sa School, hindi bilang estudyante kundi bilang empleyado. Ngayon din ang ibinigay na date ni Kupal para sa renovation. Halos two months ding tumagal ang renovation, nadelay kasi ang ilan sa mga materyales, na-extend tuloy ng dalawang linggo.

"Avah! Hindi ka pa ba tapos mag-ayos? Mala-late na tayo." Sigaw ni Avy. I rolled my eyes bago ko sya sinagot.

"Kumalma ka nga, 9:00 a.m pa lang, alas dose pa ang contract signing mo." Tinanggal ko sa pagkaka-hanger ang blazer ko bago isinuot.

Ang aga-aga sigaw sya nang sigaw. Kagabi pa sya hindi mapakali, hindi ko lang sure kung dahil ba sa kaba o dahil sa excitement. Ngayon ang contract signing nya, hindi ko nga malubos maisip na may tumanggap sa kanya bilang isang recording artist. Mas nakakagulat na may gustong mag-manage sa kanya. Ewan ko ba, may sira ata ang tenga ng Manager nyang si Silvia.

Tamad na tamad akong bumaba at nagpunta sa may dining area para kumain ng breakfast.

"Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama sa'yo?" Padabog kong hinila ang upuan at umupo. Mabilis naman akong hinainan ni Daldalita ng breakfast.

"Moral support." Sabi nya saka uminom ng tsaa. Napangiwi naman ako habang pinagmamasdan sya.

"Kailan ka pa nagtutong uminom nyan?"

"Kahapon lang. Maganda daw kasi sa katawan 'to sabi ni Manager."

"Nakakaganda ba naman ng boses?" Tanong ko habang naglalagay ng chocolate spread sa tinapay. Maya-maya lang dinalhan naman ako ni Daldalita ng kape.

"Ewan ko, pero pinapainom nya din ako ng salabat, iwasan ko din daw ang malamig na tubig. Hay, ang swerte ko talaga kay manager, alagang-alaga ako."

"Maling-mali talaga 'yung pagpapanood sa'yo ni Frances ng '50 First Dates' eh. Ayan ang epekto sa'yo ni Lucy. Idagdag mo pa ang pagpapanood sa'yo ni Dhonna ng 'Music & Lyrics' tignan mo, ang naging favorite singer mo si Drew Barrymore."

"Hoy, ang ganda kaya ng boses ni Drew. Wouldn't it be nice if we we're older. Then we wouldn't have to wait so long. And wouldn't it be nice to live together, in the kind of world where we belong?" Kinanta pa nya 'yung isa sa mga soundtract ng 50 First Dates na 'Wouldn't It Be Nice' byThe Beach Boys.

"Please lang Avy, ang aga-aga sinisira mo ang araw ko. Nakakaawa ka, super late ka na sa mgamovies. Like hello? 50 First Dates and Way Back Into Love is like ten years ago pa. Mabuti na lang at hindi mo pa naririnig kumanta si Anne Curtis, baka mas lalong tumaas ang confidence level mo!"

"Who's Anne? Gusto ko syang makilala!" Napa-facepalm na lang ako sa sinabi nya.

"Ano ka ba naman, para namang hindi mo alam na maaga pa lang nagtrabaho na ako. Nagpaka-busy sa pagpapa-impress kay Daddy at sa ibang tao kaya nawalan ako ng oras para manood ng mga movies na 'yan. Ngayon ko nga lang na-realize na halos kalahati pala ng buhay ko nasayang lang. Kaya pagpasenyahan mo na ako kung medyo may pagka-childish ako, ngayon ko na lang kasi ulit nae-enjoy ang pagiging bata. Ngayon ko lang nagagawa lahat ng gusto ko, ngayon lang ulit ako nag-umpisang mangarap para sa sarili ko. Nakakatawa 'no? Para tuloy ikaw ang mas matanda sa ating dalawa ngayon."

"Ngayon alam mo na? Gawin mo ang isang bagay dahil gusto mo, hindi para magpa-impress lang. Masasanay din siguro ako sa pagiging childish mo. Saka mas gusto ko nga 'yon eh, para mas may 'power' ako sa'yo." Natatawa ko pang sabi sa kanya.

"Sira, Ate mo pa din ako at dahil dyan, ipagdr-drive mo ako."

"Eh anong ginagawa ni Manong Sic?"

"Wala si Manong Sic, nasa ospital nanganak na kasi si Nanay Aly." Tumango-tango na lang ako sa kanya.

-

Pagkatapos ng mahabang pilitan at paulit-ulit na pagsasabi nya ng 'moral support' napapayag nya akong ipag-drive sya. Hindi na nga dapat ako sasama sa kanya sa pagpirma ng kontrata nya, eh ano ba namang laban ko sa convincing power nya? Bored na bored lang akong naka-upo doon habang pinapanood sya. Masaya naman ako sa narating nya, hindi nga lang ako masaya na wala akong ginagawa.

Maya-maya lang nag-vibrate ang cellphone ko at nag-flash ang pangalan ni Neo sa screen ko. Hindi ko sinagot, baka masira lang ang araw ko. Ilang minuto lang, nakatanggap naman ako ng text message mula sa kanya.

From: Habagat

Go and see your new garden. NOW.

Pagkatapos kong mabasa ang message nya, dinelete ko. Bahala syang maghintay. Bahala sya sa buhay nya. Hanggang ngayon bwisit na bwisit pa din ako sa kanya. Hindi ko na sya kinausap pa at hindi na din ako nagpunta sa School magmula noong nakita nya kaming magkasama ni Hannah sa mall. Kahit si Hannah, hindi ko din pinapansin. Mahirap na, baka may masabi na naman ang kapatid nya.

"Pinapapunta ka ni Neo sa School." Sabi ni Avy at ipinakita ang text message sa kanya ni Neo.

"Bahala sya sa buhay nya." Sagot ko.

"Hanggang ngayon galit ka pa din sa kanya? Nag-sorry na nga 'yung tao eh." Sabi pa nya. Naikwento ko kay Avy ang nangyari sa Mall noon. Kinabukasan after that incident humingi agad ng sorry sa akin si Neo. Nagpadala pa nga ng bulaklak sa bahay, pinatapon ko.

"Kilala mo ako Avy, minsan lang ako magalit pero sagad."

-

Bandang 5:00 p.m na ako nakapunta sa School pagkatapos akong tawagan ni Daddy at utusan na picture-an ko daw ang bawat sulok ng garden at ie-mail ko daw sa kanya. Wala naman akong ibang choice kung hindi ang sundin ang utos ng Hari. Habang naglalakad ako, ilang beses kong ipinagdasal na sana wala na akong maabutan na lalaking mayabang sa garden, pero hindi ata ako narinig ni Lord.

"Finally! After 4 hours of waiting, dumating ka din." Bati nya sa akin.

"Naghintay ka?"

"Malamang, kaya nga nandito pa din ako di ba?" Pamimilosopo na naman nya. Hindi ko na lang sya pinansin at ibinaling ko ang atensyon ko sa bagong renovate na garden. Napangiti ako sa pagbabagong nakita ko. Halos walang bakas ng kahapon.

Inumpisahan ko ng kumuha ng mga pictures para matapos na 'yung trabaho ko. Sa bawat pag-click ko ng camera ko, hindi ko mapigilang hindi maluha sa sobrang tuwa. Napakalaki ng naging parte ng garden na 'to sa buhay estudyante ko. Ito ang naging saksi sa kahinaan ko. This was my sanctuary.

"Hoy ayos ka lang?" Napansin nya atang natigilan ako sa pagkuha ng pictures. Tinignan nya ako nang nakakunot ang noo.

"Umiiyak ka ba?" Sunod na tanong nya. Mabilis ko namang pinahid ang luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko sya sinagot at kumuha na lang ulit ng pictures.

"Masyado bang maganda 'yung ginawa ko at naiiyak ka dyan?" Napa-ismid naman ako dahil sa sinabi nya. Ang yabang nya talaga.

"Kaya mo bang tumahimik kahit isang oras lang?" Tanong ko at umiling sya.

"Give me at least 10 minutes of silence, pwede?" Malumanay na pakiusap ko sa kanya at tumango sya.

Kasabay ng pag-click ko ang pagbalik sa alaala ko ng mga nangyari noon. Ang pag-abot sa akin ng panyo ni Mikee habang umiiyak, ang pag-iyak ko sa bench kada i-bu-bully ako ng mga kaklase ko at ipapahiya ng mismong kapatid ko, ang first meeting namin ni Ian, ang unang pagtitiwala ko sa isang lalaki, ang unang beses kong nagmahal ng lalaki at ang unang sakit na dala ng pagmamahal.

Noong matapos kong picture-an ang buong lugar, umupo ako sa isang bench. Ang laki na ng pinagbago ng garden, mas gumanda, nagkabuhay, maaliwalas at higit sa lahat nakaka-relax. Napangiti na lang ako, siguro nga dapat ko ng kalimutan ang lahat ng masasamang nangyari noon.

"Hoy." Tawag ko kay Neo, lumingon naman sya sa akin.

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mas maganda ka kapag nakangiti." Ngumiti din sya sa akin. Hindi 'yung usual na ngiti nya sa akin na nang-aasar o may binabalak na pang-iinis. Ngiti na gugustuhin ko ulit makita.

Shit. Seryoso? Sinabi ko bang gugustuhin ko ulit makita ang ngiti nya? Nakakaloka.

"Kinilig ka naman." Pambabasag nya.

"Hindi. Natuwa lang ako dahil sa'yo na din nanggaling, maganda ako."

"Maganda ka naman talaga eh, masama lang ugali mo." Ayan na naman ang pagiging judgemental nya. Inirapan ko na lang sya bago pa masira ang araw ko.

"Tungkol pala sa nangyari sa Mall, sorry ha. Ewan ko ba, kapag kasi nakikita kita, parang automatic na na dapat kitang asarin. Nakasanayan na eh, hindi ka din kasi papatalo pagdating sa asaran. Ikaw kasi 'yung tipo ng babaeng hindi bagay bigyan ng compliment. Offensive na pala 'yung nagawa ko, akala ko naman kasi sanay ka nang sinasabihan na masama ang ugali." Paliwanag nya.

"Sanay na ako doon. Sa part lang na pinalayo mo si Hannah, doon ako nasaktan. Maraming beses na akong nawalan ng kaibigan at ilang taon ang dumaan bago ulit ako nagkaroon ng kaibigan. I know I sounded pathetic right now, but compare to your story, mas pathetic ka naman." Oh. Did I just said that? Napatingin agad ako sa direksyon nya. Halata naman ag gulat sa mukha nya.

"Sinabi ni Hannah?" Tumango lang ako sa tanong nya.

"Ok lang, madaldal talaga ang kapatid ko. Actually naidaldal na din naman nya sa akin ang tungkol sa pang-aagaw ng Ate mo sa boyfriend mo noon. Oh, mas pathetic 'yon." Natatawa nyang kwento.

"Mas pathetic 'yong sa'yo." Pagpupumilit ko.

"Whatever you say. Friends?" Iniabot pa nya ang kamay nya sa akin. Umiling ako.

"I don't do shake hands. Baka madumihan ako." Nagkibit balikat na lang sya.

We stayed there for a couple of minutes enjoying the silence. Pinanood ko lang ang dancing lights na inilagay nya din sa may fountain. Ito na ata ang longest hours na hindi kami nag-away. It's kinda weird but it feels good.

Continue Reading

You'll Also Like

621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
22.3K 344 14
Ang Watty Awards ay ang taunang pagdiriwang ng Wattpad ng mga nakapupukaw, malikhain, at magkakaibang boses (at kanilang mga fan!) na piniling ibahag...
47.4K 889 93
her mind was a land mine
113K 8.6K 76
And so? An epistolary.