Late Love; The Annoying Ghost...

By CatSmile

28.3K 557 121

"Hindi ako kailan mai-in love sa isang lalaki hanggat buhay pa ako," ang malakas na anunsyo ni Sunmi gamit an... More

Late Love
Chapter 0.5
Chapter 1: -wierd feeling-
Chapter 2: -wonder-
Chapter 3: -death-
Chapter 4: -favor-
Chapter 5: -annoy-
Chapter 6: -mistaken-
Chapter 7: -need-
Chapter 8: -dig-
Chapter 9: -his starting to feel it-
Chapter 10: -alive-
Chapter 11: -sign-
Chapter 12: -almost-
Chapter 13: -its there-
Chapter 14: -same-
Chapter 15: -harto-
Chapter 16: -attack-
Chapter 17: -confession-
Chapter 18: -dybukk-
Chapter 19: -confused-
Chapter 20: - starting to realize-
Chapter 21: - unfamiliar feeling -
Chapter 23: - his favor-
Chapter 24: -'doki'-
Chapter 25: - attempt -
Chapter 26: - truth -
Chapter 27: - i don't know -
Chapter 28: - near -
Chapter 29: - endure -
Chapter 30: - why now -
Chapter 31: - deal -
Chapter 32: - trap -
Chapter 33: - dybukk's weakness -
Chapter 34: - mutual -
Chapter 35: - the most powerful tool on earth, 'Ai' -
Chapter 36: - farewell -
Chapter 37: - late love -
Chapter 38: - destiny - (FINAL)
Author's Note

Chapter 22: - decision -

491 10 3
By CatSmile


A Nursery Rhyme, You are my Sunshine.

 

You are my Sunshine,

My only Sunshine

You make me happy,

When skies are grey.

You never know dear,

How much I love you.

Please don't take

My Sunshine away. : )

Haha. . I just love this song people.

Coincedence lang na parang kantang ito ang ginawa kong chemistry nina Soulen at Sunmi. :3

Enjoy po sa pagbabasa.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NAPASILIP sa labas ng bintana si Sunmi. Kitang-kita niya mula doon sina Soulen at Zion na may mahalaga yatang pag-uusapan. Hindi siya pinasali ni Soulen kahit anong pilit niya dahil mahalaga daw. Saka na lang daw siya nito sasabihan kapag natapos na.

Bumuntong-hinga na lamang siya. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Natitiyak niyang hindi nito sasabihin ang katotohanan. Pero dahil masunurin naman siyang multo, minsan, ay makikinig na lang siya dito.

NAPANSIN ni Soulen ang pag-silip ni Sunmi sa itaas mula sa silid niyang nasa ikalawang palapag ng bahay. Nakatanaw ito sa kanila at iniisip marahil kung ano ba talaga ang pag-uusapan nila ni Zion.

Naroon sila sa table set ng bakuran nila sa ilalim ng punong mangga na nakatanim sa bakuran ng bahay nila. Dinala niya si Zion doon para matanaw niya mula doon si Sunmi at masigurong hindi ito sumunod para makinig. May kinalaman pa naman dito ang pag-uusapan nila. Naglagay na siya ng maraming libro sa mesang katapat para kapag may makadinig sa kaniyang nagsalita ng mag-isa ay aakalain lang may binabasa siya.

Laging handa.

“Ano ang pag-uusapan natin?” tanong ni Zion sa kaniya.

Kinuha niya ang isang libro at binuksan yun sa tapat niya saka niya tiningnan si Zion na nakalutang sa ibabaw ng katapat na upuan.

“Tungkol sa katotohanang dapat akong mamatay kapag muling nabuhay si Sunmi,” seryoso niyang saad.

Hindi ito nagsalita na kumurap lang. Para bang hindi na ito nagulat na yun ang pag-uusapan nila. Parang alam na rin yata nitong alam niya ang bagay na yun. Marahil nong parang wala siya sa sarili.

“Nalaman ko ito dahil sa dybukk. Nakipag-usap siya sa akin at kusa kong nalaman ang katotohanang yun.” Aniya.

“Hindi ka galit sa akin dahil inilihim ko sayo?”

“Oo at hindi. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magalit sayo o hindi pero naisip ko rin naman na ginawa mo lang yun para mabalik ang balanse ng mundo kaya natatakot kang sabihin sa akin dahil baka gumawa ako ng paraan para hindi mabuhay si Sunmi.”

Sandali itong di sumagot. “Anong desisyon mo?”

Tumingin sa ibang deresksyon si Soulen. Hindi rin niya magawang sumagot.

“Kung ganoon, napag-desisyunan mong hayaan si Sunmi na mabuhay?”

Napatingala siya dito. Hindi na siya nagulat kung paano nito nalaman pero nakaramdam lang siya ng kaunting. . . hiya.

Bahagya itong napangiti. “Gusto mo siya.”

Napakislot siya saka umirap. “Hindi. Sinasabi ko lang na hahayaan ko lang siyang mabuhay dahil naroon na ang katawan niya at maraming naghihintay sa pagbabalik niya. Maliban sa kadahilanang yun wala ng iba.”

Tika lang, bakit ba niya deni-deny? Umamin na nga siya sa sarili, diba?

“Hindi nga?”

Manghang muli niya itong tiningnan sa ginamit nitong salita.

“Hindi gusto ng dybukk na mamatay ka. Kung siya man ang nagsabi sayong mamamatay ka, tiyak na sinabi rin niya kung paano ka mabubuhay. Marahil na sinabi niya sayong. . . patayin ang katawan ni Sunmi. Tama siya, yun lang ang paraan pero kung wala kang nararamdaman kay Sunmi, kayang-kaya mong gawin yun.”

“Hindi lang ako mamamatay tao kaya hindi ko siya kayang patayin. Simpatya. Saka para mapanatili ang balanse ng mundo. Kapag hindi ako namatay, hindi lang si Sunmi ang pwedeng ipalit para mapanatili akong buhay kung kinailangan ko na namang mamatay. Isa rin ito sa paraan para hindi na mag-habol sa akin ang dybukk.” Umirap siya sa mataman na titig ni Zion.

“Natutuwa ako at pinili mo ang tamang desisyon pero hindi mo rin naman mapagdedesisyunan ito kung hindi mo nalamang gusto mo na pala si Sunmi.”

Inis na binalingan lang niya ito ng mapagawi ang paningin niya sa bintana ng silid kung saan nakadungaw pa rin doon si Sunmi habang nakatingin sa kanila.

Totoo yun, pero. . . bakit hindi niya kayang sabihin sa iba?

Dahil ba sa katotohanang, nagkagusto siya sa isang MULTO? Totoong mabubuhay ito pero isa itong MULTO habang kasa-kasama ito.

Di ba nga addict naman siya sa mga multo? Hindi na kataka-taka yun kung bigla man siyang magkagusto kay Sunmi dahil isa itong multo kasi nga addict siya sa multo.

Hindi naman ang pagiging multo ang naging dahilan kung bakit nagustuhan niya ito eh. Dahil yun sa. . .

Nagulat sa Soulen ng bigla na lang siyang ngitian ni Sunmi ng makahulugan at naroon ang mapangutyang titig nito. Saka niya nalamang kanina pa pala siya nakatitig dito. Pinamulahang agad niyang iniwas ang paningin dito. Bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng puso niya.

Tama, dahil nga pala yun sa ngiti nito.

Para kasi itong liwanag ng araw na tumatanglaw sa kaniya kapag ngumingiti at parang naaalis ang lahat ng alanganin niya kapag nakikita yun at hindi niya maiwasang wag itong titigan.

Para pala siyang Sunflower at ito ang liwanag ng araw. Kapag wala ito, malalanta siya. Pero pag ang Sunflower ang wala, ayos lang naman sa araw na palaging magliwanag.

Tama nga ang desisyon niyang ito ang mabuhay kesa siya ang manatiling buhay. Hindi rin naman kasi kakayanin ng konsensya niyang manatiling buhay kung gayong hindi naman karapat-dapat sa kaniya ang buhay na yun.

Mas maiging si Sunmi na nga lang.

Kasi. . . ito ang liwanag ng araw niya.

Eh di totoo ang dahilang gusto nga niya si Sunmi kaya hahayaan niyang ito ang mabuhay.

“Wag mong sabihin kay Sunmi ang bagay na ito. Ayaw kong malaman ang magiging reaksyon niya.” Ang wika niya kay Zion.

“Wag kang mag-alala, kahit nga ako ayaw kong umurong din siya. Gusto ko pa rin namang mapanatili ang balanse ng mundo.” Sagot lang ni Zion.

Tumango lang siya bilang pag-sangayon sa sinabi nito.

Paano nga kaya pag-nalaman ni Sunmi ang katotohanang yun. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito pero baka nga hindi ito makaramdaman ng kakaiba. Baka nga sabihin lang nitong dapat lang dahil siya naman talaga ang dapat na namatay at hindi ito kaya hindi ito susuko hangga’t hindi ito muling nabuhay.

Kung yun man, ayaw na niyang malaman o makita pa.

Pasimpleng sinulyapan niya ito. Nakaupo na ito sa gilid ng bintana niya at pinagmamasdan ang kalangitan.

Do ghost fall in-love?

Bahagya siyang natigilan sa katanungang yun. Oo nga, itinanong na niya yun sa mga kasama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanapan ng sagot. Come to think of it, nagkakagusto nga kaya si Sunmi? Multo naman kasi ito. Hindi rin siya sigurado kung talagang nagkakagusto ito sa pagiging multo nito ngayon o hindi.

Di bali na nga kung magkagusto man ito o hindi. Basta nakapagpasya na siya at hindi na yun babaguhin. Hindi rin niya yun sasabihin kay Sunmi.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 thanks po. xD

Continue Reading

You'll Also Like

21.9K 875 40
P.s. Now available at Psicom App. ( Completed )How do you keep going when quitting? Will meeting Past and Future be her edge to keep going? Or, will...
943K 2.7K 7
Lorraine, an orphan, found herself waking up in a room with people telling her that she's getting engaged to Jordan Fuentabella. The reason? Jordan's...
35.5K 1.4K 5
Migs and Match. Match and Migs. Pangalan pa lang, bagay na. Parang match made in heaven, parang kutsara at tinidor, parang sago't gulaman, parang ici...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...