Pwede Ba? | Ricci Rivero

By baby976

165K 2.9K 398

'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmama... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
44
45
A/N
46
47
48
49

43

2.6K 64 4
By baby976



I was greeted again by a white ceiling pero this time, ceiling ng clinic na naman.

"Miss, kumusta na po siya? Mataas pa po lagnat niya? Kung dalhin na po kaya natin siya sa ospital?" May naririnig akong nagsasalita and alam ko na kagad kung kanino ng galing yon.

"Medyo okay na siya, bumaba na yung lagnat pero she's in the state of having fever pa rin" May narinig naman akong sumagot

"May lagnat pa po siya? Dalhin na lang po natin siya sa ospital baka ano na po ang nangyari sa kanya" Pagpupumilit ni Ricci sa nurse.

"Ayokong magpa-ospital, ano ka ba" Salita ko kay Ricci at lumingon siya sakin

"Hello Miss Maristela, kamusta naman pakiramdam mo?" Tanong ng nurse kagad at lumapit ito sa akin.

"Medyo okay na po pero parang mainit pa po ako" Sagot ko naman and tinulungan ako ni Ricci when I tried to sit.

"It's because your temperature is at 38. Pero it's a good thing kasi nung pinunta ka sa clinic nasa 40 na yung temp mo" Sabi niya and tumango naman ako

"Um, pwede na po bang umuwi?" I asked her

"Well, kung okay ka na talaga. You can stay as long as you want naman para we can continue checking" Sabi niya at umiling ako "Ay, hindi na po, okay na po. Uuwi na lang po ako at sa condo nalang po ako magpapahinga"

"Are you sure?" Tanong niya and I nod. "Yes po"

"Dito ka na lang Alana, para sila na yung magcheck sa'yo" I heard Ricci talked. Tumahimik naman kagad siya nang sinamaan ko ito ng tingin.

Siya naman talaga yung dahilan kung bakit ako nagkasakit e. Kasalanan niya 'to.

May pinafill up muna sakin yung nurse bago ako pinayagang umuwi.

"Alalayan mo yung girlfriend mo, Mr. Rivero" Sabi ng nurse nang makalabas na kami ng clinic at lumaki ang mata ko

"Yes po Miss" Saad naman ni Ricci sa nurse at napatingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin.

"Kanina kasi nung tinanong niya kung kaano-ano raw kita sabi ko magkaibigan lang pero ayaw maniwala ng nurse e. Pinipilit niyang girlfriend daw kita at ayaw ko lang daw aminin. Kaya ayun sinabi ko nalang na girlfriend kita" He said at tumango na lang ako.

"Uuwi na ako, ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" I asked him at umiling siya.  "Ihahatid muna kita tapos aalagaan pa kita kasi ako naman yung dahilan kung bakit nagkasakit ka"

"Anong aalagaan? Kaya ko na sarili ko" Sabi ko sa kanya

"Sinasabi mo lang yan pero hindi mo naman talaga kaya sarili mo" Tugon niya

"At kailan ka pa naging ako ha? Ikaw nalang kaya maging ako, mas may alam ka pa yata kaysa sa akin e" Pagsasabi ko sa kanya

Naglakad na ako papunta sa locker ko para kunin yung mga gamit ko at sumusunod pa rin si Ricci. By the way, may clinic din kami dito sa Razon.

After I got my things, I opened my bag para kunin yung susi ng sasakyan ko pero wala doon. Shit. Nasan ba yun.

"Eto ba hinahanap mo?" Ricci asked kaya napatingin ako sa kanya. He was raising my car keys at me.

How did he? Ay oo nga pala he knows where's my locker and my locker password too. Gusto niya talaga akong ihatid ah.

"Ibigay mo nga sakin yung car keys ko. Uuwi na ako. I can handle myself" Sabi ko sa kanya at nagpupumilit na kunin ito sa kanya pero he raised it higher para hindi ko makuha iyon.

"Ako na nga maghahatid sa'yo. Nakokonsensya ako kasi dahil sa paglalasing ko, dinamay pa kita tapos nahalikan din kita. Kaya I'm so sorry. Wala lang talaga ako sa wisyo nun" Wika niya and I rolled my eyes at him.

"Okay fine, I accept your apology. Pinapatawad na kita. Now give me back my keys" Sabi ko sa kanya

"And for kissing you rin?"

"Yes. It's fine. Wala namang meaning yun so bigay mo na sakin yung car keys ko" Pagsisinungaling ko even though it meant a whole lot of me. Kahit ginawa niyang gamot yung labi ko.

Nakita kong napatahimik siya saglit before began speaking, "Okay. Pero aalagaan pa kita. Hindi ako uuwi if hindi ko nakikita na hindi pa humuhupa yung lagnat mo"

"And nakapagpaalam na rin ako kay Mama na sa'yo muna ako mags-stay dahil sinabi ko na may sakit ka" Dagdag niya na nakangisi

"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan, magta-taxi na lang ako pauwi" Sabi ko and I start to walk away.

A few seconds later, napatili na lang ako nang dahil sa gulat nang bigla na lang akong sinikop ni Ricci sa mga bisig niya at kinarga niya ako ng walang kahirap-hirap.

"Sasakay ka sa sasakyan mo. Ako ang magd-drive. Ako ang maghahatid sa'yo" He said firmly pero hindi ko siya pinakinggan

"Hoy Ricci ano ba?! Ibaba mo nga ako" Inis kong sabi sa kanya habang nakakapit sa leeg nya

Hindi rin niya ako pinakinggan at nagsimula na siyang maglakad patungo sa parking area.

"Hoy Ricci, ibaba mo na ako. Oo na, sasabay na ako sayo. Ikaw na magd-drive. Ikaw na mahahatid sakin basta ibaba mo lang ako" Sabi ko sa kanya.

"Wag na, malapit na naman tayo. Baka pag-ibababa kita e magwa-walk out ka na naman sakin" Tugon niya.

Nang makarating na kami sa parking area, may iilang estudyanteng nakasalubong namin tapos pinagtitignan nila kami. Kaya I buried my face on Ricci's chest nang dahil sa hiya.

"Ricci, pag naging issue 'to, lagot ka talaga sakin" Sabi ko

"Edi mag-issue sila. Wala naman akong pake"

"And pagnakarating 'to sa girlfriend mo? Ano?"

"Ex girlfriend Alana" Sabi niya and bigla akong napaisip ako, nakamove on na ba si Ricci? Ba't parang andali naman.

Hindi ko namalayan nasa sasakyan na pala kami at nakita kong binuksan ni Ricci yung pinto ng front seat and he slowly put me there. Tapos, sinara na niya ito and he went to the other side, sa driving seat at pumasok na rin siya.

"Kung makasabi ka ng 'ex' kay Chesca parang nakamove on ka na ah" Sabi ko sa kanya

"Hindi naman pero ginagawa kong magmove on. Mahal ko parin siya pero I need to accept what happened between us kasi diba sabi mo pa sakin kagabi na everything happens for a reason and will yun ni God? Kaya I thought, I really have to move on"

"And tapos sabi mo rin sakin na I'm worth everything. Kaya tini-try ko talaga" He added

"Lasing ka ba talaga kagabi or nag lasing lasingan ka lang? Tandang tanda mo pa yung sinabi ko sa'yo ah. Baka yung paghalik mo rin sakin, plano mo rin yun" Sabi ko

"Alana, hindi naman totoo na paglasing ka, malilimutan mo na ang nangyari when in fact, even every little bit of it, maaalala mo talaga" Sabi niya and pinaandar na niya ang sasakyan ko

Umalis na kami sa Razon Building and napansin kong bigla na lang nawala yung inis ko sa kanya na parang walang nangyare. You can't really stay mad for long at someone you love.

When we arrived at my condo, sumunod pa rin si Ricci at pinabayaan ko nalang siya kasi alam ko namang hindi rin siya aalis kahit anong gawin kong pagtaboy sa kanya.

Dumeretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis and when I got out of my room, si Ricci nasa kitchen nagsasalin ng tubig.

"Inom ka na ng gamot mo" Sabi sakin ni Ricci at sa akin niya binigay yung sinalin niyang tubig kasabay ng gamot.

Tinanggap ko naman iyon at nag thank you sa kanya saka ko ininom. And then kinuha niya yung baso ko tapos nilagay niya sa sink.

Pumunta ako ng living room at nagpasyahan na mag-aral na lang.

"Check natin yung temperature mo, may thermometer ka ba?" Tanong niya

"Nasa drawer" Sabi ko at itinuro yung drawer na nasa gilid ng TV nakapwesto. Which is nasa tapat ko lang.

Pinabayaan ko na lang na siya ang kumuha tapos binigay niya sa akin. "Eto ilagay mo sa armpit mo"

Kinuha ko iyon sa kanya and linagay ko sa loob ng armpit ko. After a few minutes, nagstart ng tumunog yung thermometer at kinuha ko iyon.

Before I could even look at my temperature kung humupa na ba or tumaas, kinuha iyon ni Ricci sakin.

"37.6 nalang" I heard him say

"Oh humupa na hindi mo na'ko kailangan alagaan pa, you can go home na" I told him but he just shook his head "Hindi pa. Pag naging 37 sarado na yan saka na ako aalis"

"Pa'no kung bukas pa yan magiging 37?" Tanong ko sa kanya

"Edi bukas na rin ako aalis" Sagot niya

"Seryoso ka ba? Ibig mo bang sabihin dito ka matutulog?" Tanong ko ulit

"Oo" He simply said and I gave him a are-you-really-serious- look pero binigyan niya rin ako ng mukha-ba-akong-nagjojoke-look

"Huy may pasok tayo bukas" I reminded him

"Alam ko kaya nga may dala akong extrang damit" Tugon niya and I seriously can't believe this guy right now.

So sabay kaming papasok bukas? Seryoso? Talaga bang pinayagan siya ng magulang niya?

"Bahala ka basta sa labas ka matutulog" Sabi ko na lang sa kanya at linigpit ko na lang ang mga gamit ko and I brought it to my room.

Bigla na namang sumakit ang ulo ko tapos nagpapapansin naman yung sipon ko. Akala ko wala na. Buti pa yung sipon ko, binalikan ako. char.

Tumayo ako sa kama upang kumuha ng tissue sa cabinet. Kumuha rin ako ng hoodie tapos isinuot yon kasi medyo maginaw-ginaw. I went back to bed after that I covered  myself with comforter.

Hindi ko alam na nakatulog ako nang ginising ako ni Ricci.

"Oh" I uttered habang inaantok pa ako.

"Alana, kumain ka muna. Nagorder ako ng mainit na sabaw ng sinigang" Sabi niya at tumango lamang ako

"Alana kailangan mong kumain para mawala na yang lagnat mo at para may lakas ka bukas" Panghihila niya sa akin pero hindi pa rin ako nagpatianod because I'm too tired, sleep and sick to get up.

Feeling ko tumaas naman ulit yung lagnat ko. I then felt Ricci's hand on my forehead.

"Ang init-init mo na naman. Alana kumain ka na para makainom ka na naman ng gamot" Sabi niya at dinilat ko na ang mga mata ko.

Tumayo na ako and lumabas ng kwarto para kumain. I sat down and even if paborito ko yung sinigang, maliit lang yung nakain ko. Wala akong gana tas wala rin akong nalalasahan.

"Ayoko na" Sabi ko at uminom ako ng tubig.

"Konti lang kinain mo pero sige lang, at least may laman yung tiyan mo. Eto, gamot inumin mo" Sabi niya at kinuha ko ang gamot at agad na ininom yon.

When I was about to go back to my room, bigla na lang pumatay ang lahat ng ilaw dahilan ng pagtili ko. Nanonood ako ng horror pero shit I really hate darkness.

"Uy, Ricci sa'n ka?" Natatakot kong tanong habang nakaestatwa sa kinatatayuan ko. Wala akong makita. Ang dilim.

"Andito lang ako. May kandila ka ba?" He asked at umilaw yung flashlight ng cellphone niya at nilapitan ako. Agad naman akong humawak sa braso niya.

"Wala akong kandila, hindi kami gumagamit ng kandila baka raw kasi magkaroon ng sunog pero emergency light meron ako, andun sa baba ng TV" I told him

"Sige kunin ko" Sabi niya

"Uy, sama ako" Sabi ko at mas lalong humigpit ang kapit ko sa braso niya.

Pumunta kami sa sala and when Ricci reached for the emergency light at pina-on niya, hindi ito umilaw.

"Ba't hindi umilaw?" Tanong niya

"Lowbat ata. Nakalimutan kong icharge" Tugon ko

"Pa'no yan, magtitiis muna tayo ng walang ilaw" Sabi niya at napanguso ako kasi ayoko talaga sa madidilim.

Patay na, ako lang mag-isa sa kwarto.

"Ricci" Tawag ko

"Gusto mo dun ka nalang sa kwarto ko hehe" Sabi ko sa kanya as I let out a short laugh.

"Takot ka lang e. Pero sige, sasamahan kita hanggang sa umilaw tapos babalik na ako sa labas na ah" Sabi niya at napangiti ako habang tumango-tango.

Sinamahan ako ni Ricci sa kwarto and nang makahiga na ako, si Ricci naman nakaupo lang sa gilid ko.

"Gusto mong humiga? Okay lang naman" Sabi ko sa kanya pero nakitang kong umiling siya. "Hindi, okay lang. Matulog ka na, andito lang ako" Sabi niya na parang bata ang sinasabihan niya.

I nod once again and pinikit ko na ang mata ko. Before I could drift off to sleep, I search for Ricci's hand at hinawakan ko iyon. Yan kasi yung laging ginagawa ko sa magulang ko pagtinatabihan nila ako pagbrown out.

When I was really about to sleep, naramdaman ko na lang na pinagsalikop ni Ricci yung mga daliri namin at mas hinigpitan ito paghawak.

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
71.7K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞