Halikan Kita Dyan Eh! (Publis...

By BlackLily

10.1M 132K 18.4K

“You chose the hard life, I chose to love you.”  Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPier... More

Halikan Kita Dyan Eh!
Isa
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 3

303K 4.5K 342
By BlackLily

Chapter 3

Chapter 3

“Pwede ba tantanan mo ako!!!” I shouted at him. Naiirita na kasi ako talaga. Sino ba kasi ang may gustong maging bestfriend siya?  Grrrr!

“Sige na Rayne manood ka na please. Promise ngayon lang to. Championship kasi.” Halos lumuhod na siya sa harap ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Ikaw ba naman halos luhuran na ng pinakasikat na lalaki sa buong school. Okay sana kong ako din ang pinakasikat na girl pero isa akong self proclaimed nerd.

“Bakit kasi kailangang andun ako? Bakit ako ba ang magpapanalo sa game niyo? Kasali ba ako sa team niyo?” Tumingin ako ulit sa libro na binabasa ko. Istorbo talaga to kahit kelan!

“Alam mo yung inspiration? Pag andoon ka maiinspire akong maglaro, gaganahan at mananalo kami. Kaya manood ka na. Gusto mo sa bleacher ka pa maupo eh!” Nagningning ang mga mata niya kasi akala niya matutuwa ako sa alok niya. Siyempre pag normal na babae ang inalok niya na manood at uupo sa bleacher baka nagtatalon na sa tuwa pero hindi kasi ako normal na babae because I’m perfect.

“At ano? Makatabi ang mga pawisan mong teammates? Ewww ha! Kadiri kaya.” Inayos ko ang eyeglasses ko na nahuhulog na sa ilong ko.

“Hindi! Hindi sila tatabi sayo. Ako lang ang tatabi sayo. Pumayag ka na kasi! Minsan lang naman ako humingi sayo ng favor.” Anong minsan? Simula last week nung nagdeclare siya na bestfriend niya ako ang daming pabor na niyang hiningi sa akin. Buti sana kung kusang loob kong ginagawa  ang mga yun. Pero hindi eh. Pinipilit niya ako! Kung ano anong threats ang sinasabi niya. Kesyo pupunta daw siya sa bahay namin! Like duh! Pag nakita siya ni Mommy kung ano ano conclusion agad ang papasok sa isip nun and baka bago ko namalayan eh kasal na ako sa bwisit na to!

“A-YO-KO.” I said with finality. Tiningnan niya ako saglit tapos bigla niya akong niyugyog. Hindi yung mahina. Yung parang maalog ang utak ko sa pagyugyog niya.

Ayyy shit! What the hell.

“Sige na Rayne! Sige na!! manood ka na!! Sige na!!” Teka! Teka! Teka! Nahihilo ako!

Pinipigilan ko ang kamay niyang tumutulak tulak sa akin. Hindi ba niya narealize na ang laking tao niya para gawin sa akin ang bagay na to?

Then my eyeglasses fell from my eyes at nahulog sa sahig.

“ANO BA!!” Sigaw ko sa kanya na nagpatingin din sa ibang estudyante sa amin. Ayy bwisit naman! Nag iinit na ang pisngi ko dahil sa galit and I bet pulang pula na ang mukha ko. Leche talaga ang lalaking to. Ang laking taeeeeeeee!

Napatulala siya sa akin at biglang tumahimik ang buong cafeteria.

Huminga ako ng malalim Inayos ko ang damit kong nagkalukot lukot dahil sa ginawa niya at tiningnan siya ng masama.  Nakatingin pa din siya sa akin at hindi na nagsasalita. Parang nakanganga pa nga.

Parang tanga lang.

“Ang ganda pala niya pag walang salamin.” 

“Oo nga.”

“Kaya pala patay na patay sa kanya si Luke.” Ano daw?

I looked around me and I saw all of them looking at me.

Walang ka poise poise na yumuko ako at pinulot ang eyeglasses ko tapos pinunasan at nilagay ulit sa mga mata ko.  Tapos binalingan ko si Luke at…

“Grrrr” Inayos ko na ang mga gamit ko at nagmamadaling umalis. Bwisit talaga!! Ang tae niya!!

Nakalabas na ako sa cafeteria at I’m thankful na hindi niya ako sinundan. Papaliko na sana ako papasok sa indoor pool kasi mas tahimik doon nung may biglang humawak sa braso ko.

“Rayne!” Naman! Kailan niya ako tatantanan?

Napatingin ako sa kanya at kakaiba ang tingin niya sa akin. Hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya. Seryoso na ewan, tapos kung makatitig naman wagas. Napaatras ako kahit hawak niya ang braso ko. Hindi ko matagalan ang tingin niya and there’s something scary sa tingin niya sa akin. Napaatras ako ng napaatras hanggang sa napasandal na ako sa pader.

“Importante sa akin ang larong yun. Please manood ka.” Ang  lapit ng mukha niya sa mukha ko tapos nakatingin siya sa lips ko. Huwwaaaaahhhhh!

“Ayoko nga kasi!” Lumayo layo ka sa akin Luke JoPierre. Parang awa mo na.

“Ganun?” Tumaas ang kilay niya tapos may kunting ngiti sa labi niya. Tapos pababa ng pababa ang mukha niya sa mukha ko.

“Ha-halikan mo ba ako?” Napapikit ang isang mata ko habang nakangiwi. Tapos ang isang mata ko nakatingin sa kanya.

“Kung hindi ka papayag.” Lumaki na ang ngiti niya.

“Pe-pero magkaibigan tayo di ba?” Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Tapos nadidistract ako sa bango nmg hininga niya.

“So?” Anong so? Leche! Pwede bang wag kang ma distract Rayne?

I stiffened nung kinuha niya ang eyeglasses ko. Tapos lalo siyang ngumiti nung wala na akong eyeglasses.

“Manonood ka o hindi?” This is grave threat and coercion. Pwede ko ba siyang kasuhan? Pero wala na akong oras mag isip kasi mukhang hindi na niya hihintayin ang sagot ko.

And before his lips touch my lips naharang ko na ang palad ko kaya ang kamay ko ang nahalikan niya.

“Sige na! Manonood na ako!!” With that, bigla niya akong binitiwan tapos binalik sa mga mata ko ang eyeglasses with a wide grin on his lips.

“Sige, kita na alng tayo bukas sa labas ng gym. Hihintayin kita.” Sabi pa niya bago siya umalis pero may threat sa tono ng boses niya. There’s a bif ‘OR ELSE’ in between his sentence.

Nanghina ako pagkaalis niya.

_______

My Ghaaaaaaaaaaaaddddd! Ang ingay ingay naman! Paano ako makakatulog nito?  Kinuha ko ang ipod ko sa bag ang sinaksak sa tenga ko tapos nagpatugtug na full ang vlume. Bahala ng masira ang eardrums ko may maganda naman ang music na naririnig ko kesa sa tilian at sigawan sa loob ng gym.

Oo, andito ako ngayonsa gym at nanonood ng championship game nina Luke. Pero hindi ako nakaupo sa tabi ng mga players. Pinilit ko siyang doon ako maupo 2 rows behind them. Ayaw ko pang matamaan ng bola. Asa siya!

Nasa first quarter pa lang ang laro at bored na bored na ako. Bakit ba gustong gusto nilang panoorin ang basketball? Eh takbuhan, shoot, dribble at masyado namang physical ang laro. Not to mention ang mga pawisang players. Haaayyysssss ang boring naman.

Maya maya pa, bago ko namalayan, tulog na ako.

Nagising ako sa mga tawanan sa paligid ko. Ano ba! Di ba nila nakikita na natutulog ang tao?

“Pasikat ka pa, tulog naman pala ang pinapasikatan mo!” Tapos may tawanan ulit.

“Baka nga hindi nakita kahit isang dribble mo!” More tawanan. Ayyyy bwisit naman!

Dumilat ako at nakita kong napapaligiran ako ng mga kateammates ni Luke at si Luke nakaupo sa tabi ko. Nagsasulk. Napaupo ako ng maayos. Naalis pala ang isang headset ko kaya naririnig ko na sila.

“Nanalo kayo?” Nagtawanan ulit sila. Lalong sumama ang tingin niya sa akin.

“Oo kami ang Champion.” Sabi nung isang teammates niya. Napangiti naman ako. Hayssss… ang sarap matulog.

“Congratulations.” Inioffer ko ang kamay ko kay Luke pero sa gulat ko tumayo lang siya bigla at nag walkout. Wee? Bakit?

Siempre hindi ko siya sinundan. Ano ako sira? Nagsialisan na din ang iba niyang kasama pero at least nagpaalam sila hindi katulad ni Luke. Hmp! Bahala na nga siya. Nilagay ko ulit ang headset ko at pumikit. Kulang pa ang tulog ko.

Napapidlip na ako nung may biglang humablot sa headset ko kaya nagising ako bigla. Tatarayan ko na sana pero naunahan ako.

“Gusto mo bang masarhan sa gym?” Weee? Nagsasara ba ang gym?

“Nagsasara pala to? Eh di sige sa bahay na lang ako matutulog.” Tatayo na sana ako nung hinawakan niya ulit ang braso ko.

“Alam mo bang nakakaasar ka?” Sumasalubong ang kilay niya. Galit na ba siya?

“Hindi ko alam. Nakakaasar ba ako? Bakit?” He opened his mouth to say something pero sinara ulit yun.

“Nakakafrustrate ka! Nakakabanas! Nakakainis! Nakakabadtrip! Nakakaasar! ” Litanya pa niya. 


“Nanood naman ako di ba? Nanalo naman kayo. Ano pa ang problema mo?” Hindi ko talaga alam kung bakit galit siya.

“Ang usapan natin, manood ka hindi matulog!” Sigaw niya sa akin. Hays..may mga temper din pala ang mga lalaki noh? Kaaliw lang.

“Andito naman ako di ba? Ganun na din yun!” Ngumiti pa ako sa kanya. Ayaw ko nga siyang patulan masisira pa ang magandang tulog ko. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

“Ewan ko sayo!” Tapos nagwalkout ulit siya.

“Anong problema nun?” I just shrugged my shoulders at naglakad papunta sa kabilang exit.

Continue Reading

You'll Also Like

19.7K 551 10
He's the hero she deserves, but not the one she (thinks she) needs... Parang sa bagyo, dumating sa boring na buhay ni Kiel Verdadero si Tori Avellana...
68K 3.7K 32
Gabb and Coleen are now three years married. What will happen if one day, biglang sabihin ni Coleen na, "Itigil na natin 'to Gabb." Will Gabb let go...
80.3K 4.4K 33
What if I can give you a once-in-a-lifetime opportunity to be the person you wish to be? To go back to the time before you were damaged? To exist in...
4.1M 242K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...