Tears Of Melody (To Love Seri...

By revelwanderer

2.2K 66 140

To Love Series # 1 Snow Regan Montegre, tends to do everything what her parents say and was a slave to her fa... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven

Chapter Eight

72 5 4
By revelwanderer


"H-Hello?"

Nagdalawang-isip pa ako bago sagutin ang tawag niya. I immediately kept my voice down. Ayaw ko kasing magising si mama nang dahil sa akin.

"Hi," I heard his low voice. Nakarinig pa ako ng ilang ingay bago siya nagsalita muli, "Sorry, I had to get up."

"Okay lang... hindi ka pa ba inaantok?" I asked.

Kapag normal na gabi ito, malamang ay mahimbing ang tulog ko ngayong mga oras. I usually sleep at 9 in the evening, so that I won't be tired when I'm at school. Hindi talaga kasi kinakayanan ng katawan ko ang pagpupuyat. Nakakatulog kasi ako sa school o hindi kaya nahihilo kadalasan.

"No. Are you?"

"Hindi rin. I couldn't bring myself to sleep."

Minsan lang naman ako makaranas nang ganito kaya hindi ako sanay. Sana lang talaga ay maliligtas ako ng kape bukas.

"You usually sleep early," he stated.

"Yeah, ang weird nga rin ng nararamdaman ko kasi dapat tulog ako ngayon..."

I heard him sigh on the other line, "My grandma usually said that the best medicine for Insomnia is food."

"Talaga?" I then become interested.

"You should eat fried foods, it would make you sleepy. Like..." he suddenly stopped midway.

"Like what?" kunot noong tanong ko, nang makalabas ng kwarto.

He cleared his throat, "Churros. Lots of it."

My face immediately heated after that. Aba at may gana pa talaga mang-inis ang isang 'to!

"Kailan mo ba ako titigilan kakaasar tungkol d'yan?" napairap ako sa kawalan.

"I'm just suggesting," inosenteng saad nito.

"You're better when you're quiet," biro ko, "Hindi ko inaakalang ganito ka pala kalakas mang-asar."

He let out a soft chuckle.

"I'm still quiet at this rate," nanunuyang sambit nito.

Napailing ako sa sinabi niya. I was suddenly craving for an omelete that's why I decided to cook it.

"Bakit nga pala gising ka pa ngayon?" I asked, while preparing the ingredients for the omelette. Kumuha lang ako ng carrots saka cheese.

"Nothing much," he answered.

"Oh," napatango ako, "Buti ka pa kung ganoon. Mukhang sanay kang magpuyat."

I heard him opening a door, "Yes, my body clock is messed up."

"But you're still functioning well at school, right? Ako kasi kapag napupuyat hindi kinakayanan ng katawan ko."

"Why? Are you sick?" his tone immediately changed.

"No," I laughed, "I mean hindi ko lang talaga kayang magpuyat. Hindi kasi ako maka-concentrate sa school kapag konti lang 'yong tulog ko."

"Then umabsent ka bukas," he immediately said.

Nagulat ako nang sumeryoso ang boses nito.

"Hindi naman 'ata pwede iyon..."

"Why not? You're going to be sick anyway. Bakit ka pa papasok?"

It's not just like that. Sobrang hirap din naman kasi kapag umabsent ako. Ang dami-dami kong hahabulin kapag nagkataon.

"Madami akong mami-miss na lessons saka activities. Sayang 'yong isang araw kong absent dahil lang dito. Okay lang naman. I could always drink coffee to keep me sane."

Hindi ito nagsalita, bagkus ay nakarinig muli ako ng ingay mula sa kabilang linya.

"What coffee do you like?"

I shook my head. Ayan na naman siya, aasarin na naman ako ulit.

"Bakit? Oorderan mo ba ulit ako gaya n'ong sa churros? Baka magulat na lang ako ten cups na 'yong ibibili mo sa akin," natatawa kong sambit, habang sinimulang lutuin ang omelette.

"Why not?" he suggested.

Nanlaki ang mga mata ko, "Hindi naman ako ganoon ka-lakas kumain!"

Nakarinig ako nang mahinang tawa nang marinig nito ang bahagyang pagtaas ng boses ko.

"Kapag talaga inasar kita pabalik, walang pikunan, ah." I challenged him.

"Do it," he ordered, then laughed as if something's funny.

"Talaga..."

I just smiled not finding anything to reply. Abala kasi ako sa pagluluto kaya hindi nakapagsalita muli.

"So... HUMSS, what do you plan in taking for college?"

Napaisip ako sa tanong niya. I really didn't have a concrete plan about it. Ni hindi ko pa nga maisip kung ano 'yong nagugustuhan kong kurso. I'm still undecided.

"I'm not yet sure," I sighed, "Ikaw?"

"Business Ad," mabilis niyang sagot, tila hindi na pinag-isipan pa.

"Wow," manghang sambit ko, "Muntik ko na palang makalimutan. You're also an heir of your family's business..."

He cleared his throat immediately, "I still have many things to prove."

"But at least you're sure of your future now."

"How about you?" he queried, "What do you like to do in the future?"

Napatigil ako sa tanong niyang iyon. Ano nga ba talaga ang gusto ko mangyari sa buhay ko?

All I want to see was to make my mother heal again. I want to help her in any ways para gumaling siya kaya nag-aaral akong mabuti...

Sa totoo lang iyon lang naman ang plano ko kung bakit ako nag-aaral. Kung bakit pinapasa ko lagi ang mga subjects ko o higit pa roon... akala ko kasi kapag pinagpatuloy ko ang pag-aaral nang mabuti ay makakapagdesisyon na kaagad ako ng kukunin kong kurso.

But I'm still not sure about my future.

Napansin yata ni Sun ang matagal kong pananahimik kaya agad siyang nagsalita.

"Do you have any hobbies?" he quietly asked. I gave a thought about it.

"I like writing..." I absent-mindedly said, "I like to write songs, poems... or stories. It really depends on my mood."

Iyon lang naman kasi ang ginagawa ko tuwing walang activities at gawain sa school. Kaya nga hindi ako tumanggi nang pina-compose ako ni Vera ng kanta para sa gaganaping play namin, which I still haven't finished yet.

"Then, you must like to read..." he concluded.

Napangiti akong tumango.

"Yes, that's where I get the inspiration to write."

"What genre do you like to read, then?" his voice suddenly deepened.

I've read numerous of books, but I usually prefer to read romance novels.

"Romance with happy endings..." I smiled, "Ikaw ba? What are your hobbies?"

"Playing instruments..." he replied.

"Don't you sing?" kunot-noong tanong ko nang may maalala.

Sabi ni Vera lahat ng miyembro kasi ng Galaxy ay marunong kumanta. I'm just curious because I've the rest of their singing voices except Sun's.

"No. I don't like singing."

I fell silent for a minute.

"Oh, okay..." I nodded, not wanting to pressure him on, "You said playing instruments is your hobby. Ilang instrumento ba ang kaya mong tugtugin?"

"Four. guitar, violin, piano and guzheng."

"Guzheng?" I asked, not familiar with the instrument.

"It's a chinese traditional instrument. It has a slight resemblance to a guitar because it has a lot of strings."

I was beyond impressed. Umaapaw talaga sa talento itong si Sun kahit tahimik lang.

"You're family really preserved your culture..."

Tumikhim siya kaagad, "Except for the marriage part."

"H-Huh?"

Nagulat ako roon. Sun is surprising sometimes. May mga oras talaga na mabibigla ka na lang sa mga sasabihin niya.

"People would always assume that most of us should marry a Pureblooded Chinese. My family doesn't believe in that. They let us choose who to marry." His voice became hoarse. Kumunot ang noo ko nang mapansin iyon.

"Inaantok ka na ba?"

"No," dumiin ang boses nito, "Ikaw?"

"It's already three in the morning... you should really sleep," humina ang boses ko nang bumalik sa pagkakahiga sa kwarto.

Silence eventually enveloped us.

"Okay," he sighed, "But you should sleep first."

Agad akong nagtaas ng kilay sa sinabi nito.

"I'm really fine about you sleeping first," natawa ako, not making a big deal about it.

Hindi ko alam ngunit nang marinig ang mahina nitong boses ulit ay unti-unti akong dinayo ng antok.

I accidentally yawned in our call which made me surprised. Napalunok kaagad ako.

"You're tired," Sun stated, "Goodnight, Snow."

A small smile formed into my lips as I murmured my goodnight to him.

I knew I was right.

Napangiwi ako nang maalimpungatan ng gising. Pagkarinig ko pa lang ng alarm ko ay ramdam ko na agad ang pagod sa buong katawan ko. My head really hurts. Pakiramdam ko ay lalagnatin nga talaga ako mamaya.

I even had two cups of coffee this morning, para lang mainitan at magising lang ako.

I feel so groggy when I arrived at school. Mas maaga ako ngayon kaysa sa kadalasan para na rin makatulog ako ng ilang minuto pagkarating ko ng classroom.

Mabilis kong inilapag ang mga gamit ko sa ilalim ng desk, saka ko ipinatong ang bag ko para gawin itong unan. I sighed heavily as my eyes started to close.

Bago pa ako makatulog nang mahimbing ay agad akong nakarinig ng ingay na nagtatawanan. I didn't flinch, though I just went back to sleep.

"Nababaliw na 'yang siguro si Vera!" I heard one of the girls said.

Napatigil ako, ngunit hindi ako gumalaw mula sa aking kinalalagyan.

May isang pamilyar na boses ang nagsalita, "Baka marinig tayo..."

"Tulog naman 'yan! Don't worry."

"Ano ba kasi ang pinaplano niya? She keeps on hanging out with Snow, tapos hindi pa rin siya makausad sa pakikipaglapit sa Galaxy!"

I heard a muffled laugh.

"Wait, what if... tinuturing na niyang kaibigan si Snow?"

Natigalgal ako sa mga narinig. My lips parted as all of the girls laughed again.

"Imposible! She hated her guts, diba?"

"Kinaibigan lang naman niya 'yan para kay Orion!"

My whole body trembled in disbelief.

"Si Vera pa nga nagsabi na masama talaga 'yang ugali ni Snow. Porket mga kaibigan na niya ang Galaxy at Rhythm ay mas lumalaki ang ulo niya..."

Hindi ako makapagsalita... ni hindi ko magawang umakto sa mga naririnig.

Si Vera.

Hindi naman niya magagawa sa'kin iyon...

I inhaled sharply. Napagdesisyunan kong bumangon mula sa kinauupuan ko saka sila hinarap, which earned me a gasp from them.

Nang maaninag ko silang lahat ay doon ko napagtanto na sila pala ang ibang kaibigan ni Vera mula sa kabilang section, bago ko pa siya makilala. They all looked surprised to see me.

Ang nasa unahan sa kanila ay pamilyar sa'kin. Si Danielle. She's the first girl who offered to be my friend here at Blakefield, but eventually left me hanging when she found another group of friends who seemed cooler, according to her.

Sarkastiko itong ngumiti. I pressed my lips into a thin line.

"D-Danielle," ani ng isang babae tila pinipigilan ito.

"Ba't kayo matatakot? Marami tayo, isa lang 'yan," Danielle raised her brow, "At ikaw, anong akala mo? Na kaibigan ang turing sa'yo ni Vera?"

She snickered while staring at me mockingly.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka niya kinausap sa simula pa lang?"

"Kung may dapat akong kausapin tungkol dito, si Vera lang iyon." I remain unfazed about their presence.

Alam ko naman kasi paano ipaglaban 'yong sarili ko kung alam ko namang nasa tama ako.

"Ang yabang mo, e, harap-harapan ka na nga niyang ginagamit!" nanliit ang mga mata nito sa'kin, "Sa tingin mo ba, dahil malapit ka na sa Galaxy at Rhythm ay may karapatan ka ng magyabang?"

I stared at her in disdain, "I'm not even doing anything to you. Ano ba ang problema ninyo sa akin?"

I really don't get people sometimes. Wala ka namang ginagawang mali sa kanila pero kung ang husgahan at magalit sila sa'yo ay sobra-sobra na. Even if you're just contented of your life, may mga tao talagang gustong-gusto kang hilahin pababa.

"Masama ang ugali mo! You even have the audacity to say that!" Danielle shrieked. Nagulat ako kung paanong unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata nito, "I-I treated you as my friend before... tapos bigla mo na lang akong iniwan s-sa ere!"

Napaiyak ito, gaining everyone's sympathy, kaya mabilis siyang pinatahan ng mga kasama. Ako ngayon ang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"T-Tahan na, Dany..." pag-aalo sa kaniya ng mga kaibigan.

"Ganiyan ba ang sinasabi mo sa ibang tao para siraan ako?" malamig kong sambit.

"Huwag mong binabaliktad ang kwento, Snow!" she cried even more. Mabilis naman akong sinamaan ng tingin ng iba niyang kasama.

I looked at her differently. Gone the naive and soft-spoken Danielle Mijares that I knew before, balot na balot ang kaniyang mga mata ng pighati at galit sa'kin. Masamang tingin naman ang ipinukol sa'kin ng iba nitong mga kaibigan.

"Pwede bang tumigil ka na?" awat sa akin ng isang babae, "Maldita ka nga!"

"Hindi ba kayo ang sumugod na lang dito? This isn't even your homeroom."

Huminga ako nang malalim saka nagpatuloy.

"Nananahimik ako rito, kaya pwede bang umalis na kayo? Bago ko pa kayo i-report sa guidance," I warned. Nabahiran naman kaagad ng takot ang kanilang mga mata.

Danielle was the first one to recover.

"Kaya ka lang naman nilapitan ni Jupiter dahil kamukha mo si Summer! Hindi hamak na mas maganda at mabait pa iyon kaysa sa'yo!"

Hindi ko gustong magpaapekto sa mga sinasabi nila ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan dahil dito.

She laughed tauntingly.

"Anong akala mo... kaibigan ang turing nila sa'yo? Think again! Baka nga kinukuha lang nila ang loob mo para masaktan ka! Hindi mo ba alam ang usap-usapan sa'yo? Kabit raw ang nanay mo, kaya hindi na ako magtataka na kabit nga siya dahil magkamukha kayo ni Summer!"

Agad na nanlambot ang mga tuhod ko sa mga narinig. I tried hard not to think too much...

"H-Huwag mong idadamay ang Mama ko..." I slowly uttered, fighting the urge to cry in front of them.

"The resemblance is uncanny... kabit 'yang nanay mo! Malandi rin katulad mo!"

Napasinghap ako nang may biglang sumugod kay Danielle mula sa likuran nito dahilan para lumayo sa kaniya ang mga kasama nito.

"Ikaw ang mukhang kabit, tangina mo!" Fall rushed towards her and pulled her hair harshly. Nagitla ako sa nasaksihan

"O-Ouch!" naiiyak na sambit ni Danielle.

"F-Fall!" gulantang kong sambit.

Hindi ko namalayang marami na pala ang nanonood mula sa labas, at kanina pa nakabukas ang pintuan ng classroom namin. Mabilis akong lumapit kay Fall at sinubukan siyang pigilan.

"Ano sa tingin mo? Ikinaganda mo ang paninirang puri?!"

"F-Fall, tama na..." pagpapakalma ko rito nang makaramdam nang bahagyang pagkirot sa aking sentido.

"Hindi, Snow! This woman needs to know her lesson! Hindi pu-pwedeng palagpasin lang ito!"

Nanginig ako sa lakas ng boses nito. Fall is really scary when she's fuming mad.

"S-Stop it! Masakit na!" Danielle whimpered.

Nagda-dalawang isip pa ang mga kasama nito kung susugod ba o hindi, dahil mukha talagang nakakatakot si Fall habang sinasabunutan si Danielle.

"W-Wag Montez 'yan," takot na bulong ng isa sa mga kasama ni Danielle. Agad naman umatras ang babae na tutulungan sana si Danielle.

Agad na nahagip ng mga mata ko ang kakapasok na sina Vera at Summer. They all looked surprised to see what's happening.

"Summer... " I helplessly called. Mabilis naman ako nitong dinaluhan.

"I heard what happened," she calmly said.

"Si Fall," umiling ako, "Baka mapahamak siya."

"I'll take care of it," saka nito pinuntahan si Fall. She made her stop at may binulong ito na siyang tuluyang nakapagpatigil kay Fall.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Vera sa'kin. She suddenly caressed my back, which stunned me.

Napaiwas ito nang tingin sa'kin.

"A-Alam kong kasalanan ko lahat ng 'to... pero Snow, maniwala ka, hindi totoo lahat ng mga pinagsasabi nila."

She looked guilty. Lumambot ang ekspresyon nito nang tingnan ko ito diretso sa kaniyang mga mata.

"Oo, alam kong naging masama ako sa'yo... pero nag-iba naman ang turing ko sa'yo nang makilala kita nang lubusan. Snow, hindi kita kayang gamitin! Hindi ko na sila kinausap simula noong naging kaibigan na kita."

Agad akong nakahinga nang naluwag sa naging paliwanag nito.

"Alam ko..." mukha siyang nabuhayan sa sinabi ko, "And thank you for being honest with me, Vera."

Naiiyak ako nitong niyakap nang mahigpit. I chukled slowly.

"Kuntento na ako sa'yo, 'no! Ikaw pa lang 'yong naging kaibigan ko na tunay talaga sa'kin... saka salamat, salamat sa tiwala."

You could easily gain new friends, but it's difficult to keep a true friend. In this world, konti lang taong pwede mong mapagkatiwalaan at kaya kang tanggapin kung sino ang totoong ikaw. That's why I am lucky enough to have Vera, and the rest of Galaxy and Rhythm to have as my true friends. They are really worth to keep for life.

"Isusumbong ko kayo sa guidance!" sigaw ni Danielle sa'min, "This is bullying!"

Mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa'kin si Vera sa narinig.

"Gaga! Anong bullying? Sinong matinong tao ang pupunta sa hindi niya classroom at bigla-biglang manunugod?!"

Danielle's eyes are filled with rage. Pulang-pula ang pisngi nito at gulo-gulo ang buhok.

"May ebidensya ako!" katwiran niya.

Fall just laughed, "Sige, magsumbong ka! Sasamahan ka pa namin sa guidance. Kainin at lunukin mo 'yang ebidensya mo!"

Sumeryoso lamang ng tingin si Summer. Hindi ito umimik bagkus ay inilabas lang nito ang sariling cellphone nito.

"Is this the evidence that you're talking about? Degrading someone's mother and voicing out baseless rumors?"

Lahat kami ay nagulat sa pag-play ng video ni Summer, kung saan kuhang-kuha mula roon ang pagpapaalis ko kina Danielle hanggang sa tumigil ito sa pag-iinsulto nito sa nanay ko. Everyone gasped, kahit na ang grupo ni Danielle ay napasinghap din sa matinding gulat.

We suddenly heard a bark of laugh from the outside.

The dominating band of Galaxy just came in the room. Lahat ng mga tao ay napatigil at nilingon silang apat. Kahit ako ay natulala sa bigla nilang pagpasok na lang dito.

"Late ba kami?" nanunuyang bati ni Jupiter.

Naguguluhan akong nagpabalik-balik ng tingin sa kanila at kay Summer. She just smiled at me.

"Nakipag-away pa kasi kami kay manong guard, para makuha 'yang cctv copy ng room na 'to," natawa nang malakas si Cloud, "Hanep para akong nasa telenobela!"

Napaawang ang bibig ko sa kanilang lahat. D-Did they really gotten that far?

"Walang pwedeng umaway sa kaibigan namin," Orion smiled at me and turned to those girls na parang tinakasan ng kulay sa kanilang mga katawan.

"Oh, ano? Nasaan na ang tapang mo ngayon?" Fall smirked as she saw Danielle's pale face. Walang sali-salita ito kaagad na tumakbo papalabas ng classroom, saka siya sinundan ng mga kaibigan nito.

They really looked terrified before they left.

"G-Grabe... ang swerte naman ni Snow," dinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao.

"Buti nga kay Danielle, ano! Kung makasigaw kanina akala talaga niya malulusutan niya 'to? Samonte at Montez pa nga ang hinamon!"

Kaagad kong naramdaman ang isang presensya mula sa tabi ko. Hindi na ako nagulat nang makitang si Sun iyon. He was wearing this weird expression on his face. His brows were furrowed and his eyes are darker than usual.

I stared at him with uncertainty. Nang maramdaman nito ang mga mata ko ay kaagad na nagbago ang ekspresyon niya.

Pumungay ang mga mata niya nang magisnan ako. Uunti-unting nawawala ang kunot ng noo niya.

"Are you alright?" he suddenly asked.

Tipid naman akong ngumiti.

"Oo naman," I replied.

Matagal pa ako nitong tinitigan bago ito nagsalita muli. His expression was dreary.

"Don't believe those lies, they aren't worth it."

Huminga ako nang malalim, saka tumango, "I don't. I only believe the people who I trust."

I smiled to myself. I knew I wasn't wrong that I gave them my trust.

"Snow," Sun suddenly called me in a serious tone.

My smile faltered as I saw how he is looking at me intently.

"You're not just someone who resembles another person. You're different, because you're you."

My mind went blank. Napakurap ako sa mismong pinakawalan nitong mga salita.

"We didn't became friends with you just because you look like Summer..." he trailed.

Napako ako sa aking kinatatayuan, hindi makahanap ng mga salitang isasagot sa kaniya.

He supressed a smile before continuing.

"Ginusto ka namin maging kaibigan. I never regretted the day that Jupiter insisted you to be our friend."

🎶 ~ 🎶 ~ 🎶 ~ 🎶

Continue Reading

You'll Also Like

18.3K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...