Tears Of Melody (To Love Seri...

By revelwanderer

2.2K 66 140

To Love Series # 1 Snow Regan Montegre, tends to do everything what her parents say and was a slave to her fa... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven

Chapter Four

109 7 17
By revelwanderer


Malakas akong napabuntong-hininga nang matapos na ang  klase namin sa Culture. Ito na lang kasi ang last subject namin bago ang free period namin ng dalawang oras.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nagulat na lang ako nang bigla akong nilapitan ni Vera kasama ng mga kaibigan nito.

"Hi, Snow! Gusto mo bang sumama sa'min mag-mall?" malaking ngiti ang nakapaskil sa bibig ni Vera habang inanyayahan ako.

Napatigil ako sa pag-aayos saka siya binalingan nang tingin.

"Pasensya na, may pupuntahan pa kasi ako... "

"Oh, sa music club ba?" biglang lumiwanag ang mga mukha nila ng mga kaibigan niya.

Lito akong napatango dahil doon. Totoo naman na doon ako didiretso kasi inaya ulit ako nina Fall na panoorin sila mag-practice. Isa pa, kumportable ako na magsagot ng mga assignments doon sa practice room nila.

"U-Uh, okay! Ayain ka na lang namin next time," patuloy ni Vera.

"I'll go ahead," it was really odd for them to approach ngunit isinawalang bahala ko iyon at tipid silang nginitian.

"Teka, Snow..." bago pa ako makaalis ay agad akong pinigilan ni Vera.

She suddenly smiled sheepishly.

"Hindi ba ay nagpapa-audition ang Rhythm ng lead vocalist?"

"Oo... bakit mo natanong?" I said.

Her smiled grew bigger.

"I know I was rude to you before... pero sana, can we start over again? Gusto kasi kitang maging kaibigan... "

Hindi ko magawang sumagot kay Vera, dahil simula noon ay bigla na lang siyang bumait sa'kin.

She would often invite me for lunch. Ganoon rin kapag uwian na ay nakikisabay ito sa akin sa sakayan ng jeep. Minsan nga ay nagugulat na lang ako na may milktea na sa desk ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng classroom after lunch.

"S-Sana magustuhan mo, okinawa flavor 'yan!"

Hindi ko alam kung  tatanggapin ko iyon o hindi dahil sa iilang pakiusap ni Vera ay hindi ko magawang hindian ang mga iyon. Hanggang sa sunod-sunod ako nitong binibigyan ng milktea after lunch time, ay nasanay na rin lang ako.

Ni hindi ko kailanman inisip na magkakasundo kami nitong si Vera. Although I find her moves very disturbing, sa huli ay naintindihan ko rin naman siya nang makilala siya nang lubusan. I misinterpreted her and she's the same to me, and that led to us being friends. For real.

"—you had a reputation since first week of classes. Ang suplada mo raw at hindi ka namamansin. Kailangan, uunahan ka pang kausapin bago mamansin, tapos hindi ka ganoon ka active sa mga group works kaya maraming naiinis sa'yo."

Vera chuckled as if she was reminded of something.

"Though I admit, isa ako sa mga nairita sa'yo kahit hindi kita ganoon pa kakilala. Matalas ka rin kasing tumitig, e! Lalo na n'ong nanalo ako bilang president ng section natin akala ko hindi ka masaya noon... ikaw lang kasi naka-poker face sa lahat ng mga kaklase natin!"

"Hindi naman totoo 'yon," I defended. Naalala ko kasi na napagalitan ako ni Papa noon dahil na-late ako sa pag-uwi, "Malalim lang kasi ang iniisip ko noon..."

"Yeah right!" she fired back, then her face suddenly softened for a bit, "Iba ka sa mga sinasabi nila. You don't deserve the hate, you know? Ang hilig talaga mag-banwagon ng iba, porket hindi ka gusto ng lahat, makikisabay naman ang mga walang alam!"

Napatawa ako dahil sa lumobo ang mga pisngi nito sa sobrang inis.

"Well, aminado naman ako na isa ako sa mga 'yon, pero bumabawi na ako, 'no! Ilang milktea pa nga binili ko sa'yo," she kidded, and laughed with me.

"You can't blame them. People will judge for what they saw, but not the whole story."

Pilit itong napatango sa sinabi ko.

"Now I know your reason. I'm still sorry for my previous actions... alam kong ang insensitive ko minsan dahil kinikuwestyon namin palagi kung bakit nagvo-volunteer kang mag-individual activity lagi."

Nabanggit ko rin sa kaniya ang sitwasyon ko sa bahay. I know not everyone would accept my reason because they thought I had a lot of choices. But they aren't me. Kung sila ang nasa sitwasyon ko ay wala rin naman silang magagawa kung hindi ang maipit lang rin.

I had a responsibility to take care of my sick mother... at saka hindi rin naman kami ganoon ka yaman. Mabuti na nga lang at naisipan pa akong suportahan sa pag-aaral ng kapatid ni mama.

Tipid akong napangiti, "Naiintindihan ko rin naman. Hindi naman lahat ng tao kayang umintindi sa isang bagay kung hindi nila alam ang buong kwento. Natural lang iyon..."

"You're so mature, alam mo 'yon? Ang dami-dami kong natututunan nang dahil sa'yo!"

We continued to talk after that. Naudlot lang iyon nang bigla kaming tinawag ni Lorie, ang isa sa mga kaibigan ni Vera sa Arts and Design track.

Humahangos ito at tila hindi na magawang makahinga.

"Nangugulo na naman si Eyv, Vera!" she looked distressed.

Kahit si Vera ay napasapo sa kaniyang noo. 

"Ano na naman ba ang problema nang isang 'yon?" Vera hissed.

"Bigla na lang inaya si Sophia Anders na makipagdate sa gitna nang klase namin!"

Mas lalo lamang lumukot ang mukha ni Vera sa narinig mula kay Lorie. Kahit ako rin ay hindi makapaniwala. Eyvinder is our classmate and Vera as the president of our section needs to discipline us whenever our section's name is at risk.

Napakagat ng labi si Lorie, "Mali talaga siya ng timing kasi sa subject pa siya ni Sir Eldon nanggulo..."

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa pasaway na 'yon!" dire-diretsong lumabas si Vera ng classroom na agad rin namang sinundan ni Lorie. 

Mabuti na lang at hindi na dumating 'yong teacher namin sa PreCal kaya lunch time na agad namin.

Papasok na ako ng music club nang biglang may nagtakip sa mga mata ko. I immediately halted from my tracks as I heard that familiar laugh.

"Hulaan mo kung sino 'to," said the playful voice behind me.

My lips curved, "Clauddeus."

Agad na lumuwang ang pagkakatakip nito sa mga mata ko kaya agad ko ring naaninag ang mukha nito. 

"Pahiram po ng notes sa PreCal, Ma'am-

Bago pa siya makapagsalita muli ay agad na nitong binato ng sapatos ni Fall sa mukha. A group of laughters suddenly bursted. Bigla pang nagsi-apiran sina Orion at Jupiter.

"Sign na 'to na Mag-archery ka, Hulog!" mas lalo lamang tumawa nang malakas si Jupiter nang makita ang mukha ni Cloud.

"Galing ko diba?" Fall laughed with him.

Napailing lamang si Orion sa dalawa, samantalang si Cloud ay napapangiwi pa sa sakit. Nang hinarap nito sina Fall ay agad nitong itinaas ang gitnang daliri nito.

"'Kala mo Hulog ka, ah!" he immediately grabbed Fall's other shoe and ran outside the room.

Napaawang naman ang bibig ni Fall nang mapagtanto nito ang ginawa ni Cloud.

"Tangina, Clauddeus!"

Then she bagan to ran after him, which earned a laugh from the three of us.

"Sino ang pusta mo?" nagulat na lang ako nang may inilapag na piso si Jupiter sa mesa, saka nito hinarap si Orion, "Basta ako kay Fall."

"Dude," Orion looked at him in disbelief, ngunit naglabas rin ito ng twenty pesos, "Then I'll go with Cloud."

Hindi ko na napigilan at tuluyang natawa sa dalawa dahil mukhang seryoso sila sa nagawang pustahan.

"Tumaya ka rin, Snow!" Jupiter urged me but I immediately decline.

"Huwag na..." natatawa kong sambit.

"It won't hurt to bet with Cloud," Orion shrugged.

"Kay Fall ka na tumaya!"

Tawa pa rin ako nang tawa dahil sa pinipilit talaga nila akong sumali. Kahit na tawang-tawa ay nagagawa ko pa ring humindi sa kanila. Samantala,  pumasok naman ng room si Summer kasama si Sun na may dala-dalang limang boxes ng churros. Bigla ring sumunod sina Fall at Cloud na halatang pawisan dahil sa kanilang paghahabulan.

"Wow, churros!" si Cloud, nang makita ang dala nina Sun at Summer.

"Pinalagyan niyo ba ng cinnamon at sugar?" agad na tanong ni Fall.

Ngumiti si Summer, "Of course, we wouldn't forget your favorite." 

Fall cheered happily at agad na silang nagsimulang kumain. Fall immediately offered me some churros, and I took a bite of it.

Bigla akong nagliwanag sa natikman. Actually, I've never tasted churros before. Ngunit nang matikman ko iyon ngayon ay mukhang nakahanap na ako ng bagong paboritong pagkain. The scent of the cinnamon and the sweetness of its taste was beyond my expectation! Mas lalo lamang sumarap ang churros n'ong isinawsaw ko ito sa chocolate dip!

"Salamat sa libre, pareng Sun!" Cloud commented.

Ni hindi na ako nakapagpatuloy sa review dahil sa sunod-sunod ang pagkuha at pagkain ko ng churros. It was like a guilty pleasure. Kahit na ilang beses kong pinigilan ang sarili ay hindi ko magawang tumigil.

After I ate the last piece in the last box ay doon ko napagtanto na halos ako pala ang nakaubos ng churros. I looked around and saw that no one's looking at me and they're busy eating. Nakahinga ako nang maluwag at agad na napainom ng tubig.

"Hoy! Ang takaw mo talaga, Clauddeus!" nagulat na lang ako nang binatukan ni Fall si Cloud, "Inubos mo talaga 'yong huling piraso! Hindi ka man lang nagtira!"

"Teka, anong ako? Kakatapos ko pa lang kainin itong hawak ko!" Cloud defended.

"Bwiset ka ikaw lang naman matakaw sa'tin dito!"

"Tangina, ba't ako?!"

Jupiter just chuckled, "Normalize blaming Cloud for every food that has been taken away."

"Hindi nga ako umubos!"

Agad akong pinamulahan ng pisngi sa nangyari. Mabuti na lang talaga at walang nakahuli sa'kin. It would be very embarassing.

Medyo na-late ang teacher namin sa pag-dismiss ng klase niya kaya ako nagmamadali sa pag-uwi. Ni hindi na ako nakapagpaalam pa kina Fall dahil na rin sa takot na mapagalitan pa ako ni papa.

Mabuti na lang rin at hindi pa gaanong puno ang jeep kaya nakasakay din ako kaagad at nakauwi bago ang curfew ko. Agad akong pumasok sa bahay saka ko nadatnan si mama sa sala.

"Good evening, Mama... " nagmano ako sa kaniya. Hindi ito nagsalita, sa halip ay nakatingin lang ito sa akin.

Nadatnan naman ako ni Papa na kakalabas lamang sa kwarto nito. Agad naman akong dumiretso sa kaniya saka nagmano.

"Good evening po, Papa..."

"Aalis na ako, bantayan mo ang Mama mo." Agad nitong sinuot ang sumbrero saka mabilis na dumiretso sa labas.

Nang makaalis si papa ay saka ako naghanda ng makakain namin ni mama. Inihanda ko na rin ang mga gamot nito.

Katulad ng dating gawi, matapos kaming kumain ni mama, ay pinainom ko na ito ng gamot saka binihisan. Inalalayan ko rin ito sa sariling higaan para makatulog ito nang mahimbing. Kinailangan rin kasi na maaga matulog si mama para hindi lumala ang sakit niya.

Nang masiguro na nakatulog na ito, ay dumiretso na ako sa sariling kwarto para mag-check ng mga announcements sa group chat namin.

Kaka-open ko pa lang ng messages ko ay bigla namang nag-pop ang groupchat namin ng Galaxy at Rhythm.

fall_m: Nakauwi ka na ba? @snowregan

ez.cloud: oo nga di ka namin nakita sa classroom niyo kanina

I immediately typed a response to them. Nakagawian ko na kasi na magpaalam sa kanila bago makauwi.

snowregan: I'm sorry, nakauwi na ako. Thank you for asking.

I immediately left the gc and scrolled down to my feed. I was about to upload the photo that I've taken earlier when I heard someone calling from our gate.

Agad akong tumayo mula sa kama tsaka chineck mula sa bintana kung sino iyon.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang grab delivery mula sa labas. Mabilis akong nagsuot ng tsinelas at saka lumabas ng bahay.

"Good evening po, Ma'am Snow Regan Montegre?"

"Ako nga po 'yon... " tuliro kong sambit, habang nakatitig sa plastic na dala nito.

"Ah, may nagpadeliver po nito. Huwag po kayong mag-alala. Bayad na po 'yan."

I was bewildered. Napagtanto kong tatlong boxes ng churros ang ipinadeliver sa'kin.

"M-Manong, sandali lang po!" I hurriedly went to him, "Kanino po ito galing?"

Napakamot naman sa ulo si manong.

"Hindi po nagpakilala, e."

Litong-lito ako hanggang sa makaalis si manong at nang makapasok na ako ng kwarto.

Ilang beses kong inisip na baka si Vera na naman ito. Palagi kasi niya ako pinadadalhan ng pagkain sa school.

I immediately dm'ed her for that.

snowregan: ikaw ba nagpadeliver ng churros? Thank you!

vera.loreen: wtf, hindi no! Hindi pa nga ako tapos ma-stress dito kay Eyvinder!

Mas lalo lamang ako kumunot ang noo ko sa nabasa.

A notification suddenly popped in and it immediately caught my attention.

_sunn has requested to follow you.

Napaawang ang bibig ko sa nakita. Parang ilang boltahe ng kuryente ang dumaan sa katawan ko bago i-accept ang request nito.

Just a few moments after accepting his follow request, I was surprised when he suddenly dm'ed me.

_sun: Good night, I know you're bound to sleep early. I hope you liked the churros.

seen.

Hindi ako nakasagot doon agad.

I feigned a gasp.

Agad na umakyat ang hiya sa katawan ko. Napasapo ako sa aking noo nang matantong nakita nga niya ako kanina!

I bit my lip in embarassment.

_sun: Don't worry, I immediately closed my eyes when you ate the last piece.

~ 🎶 ~ 🎶 ~ 🎶 ~

Continue Reading

You'll Also Like

755K 29.1K 44
City Series #2 Ever since Natalia was a kid, she was always number 1. All throughout her life, she got used to this, except when it came to her lovel...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.4K 224 40
[COMPLETE] Akala ay kimkim na ang kalayaan, ngunit patuloy pa rin pala sa pagkalunod. Dahan dahan, pilit ibinabalik sa acidong minsan na ring naging...
99.4K 874 2
"So, where are you heading off to, Miss Solitude?" "Hindi ko alam. To the edge of the world, maybe?" "Sa dinami-rami ng mapupulot ko sa 7-eleven, isa...