WERE MARRIED? (COMPLETED)

By paujhoe

659K 10.6K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... More

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
a/n

Four

17.1K 613 47
By paujhoe

"HOY LALAKI!"tawag niya kay Claude.

Kanina pa niya ito pilit na kinakausap, pero hindi man lang siya pansinin ng walanghiyang lalaking ito. mula ng iwanan siya nito kanina sa sala nito hindi na sila nakapag usap na dalawa ng maayos. At naiinis siya, wala siyang balak na magtagal sa lugar na ito. plano lang naman niyang sabihin dito ang balak niyang ipawalang bisa ang kasal nilang dalawa.

"Nakikita mo namang busy ako"angil sa kanya nito.

Nasa ilalim ito ngayon ng isang sasakyan na kanina pa din nito binubutingting. Naiinis siya kasi madami naman yatang pwedeng umasikaso sa ginagawa nito. Kasi sa obserbasyon niya kanina, mukhang ito nga ang may-ari ng talyer na ito dahil na din boss ang tawag ng mga taong naroon sa binata.

"Hindi naman kita aabalahin ng matagal, may gusto lang akong sabihin sayo"naiinis na din niyang sagot dito.

Nagdadabog naman itong tumayo sa ginagawa nito at nagpunas ng kamay nitong puno ng grasa.

"Totoy, ikaw na nga muna dito. Tignan mong mabuti ang brake, at iyon ang nirereklamo ni Joy."utos nito sa isang kasama nito.

Exaggerated naman siyang napabuka ng hangin ng sa wakas mukhang magkakausap na sila ng maayos ngayon. Sinundan na naman niya ito ng pumasok na naman ito sa loob ng bahay nito.

Muli gaya kanina, noong unang magkita sila dumeretso lang ito sa kuhanan ng tubig at uminom ng tubog.

"Speak"nakataas ang kilay n autos nito sa kanya.

Bigla naman uminit ang ulo niya sa tonong ginamit nito sa kanya. pero pinigil niya ang sarili na tarayan ito kailangan niya ng diplomasya ngayon sa lalaking ito. kailangan niyang makuha ang loob nito para maayos ang gulo nilang dalawa.

"Inglis ka pa dyan. Pwede naman na tagalog"pabulong niyang turan.

"Magsasalita k aba sa gusto mong sabihin o babalik nalang ako sa ginagawa ko. Busy ako, nakikita mo madaming nagpapagawa ng sasakyan ngayon"para naiinip na turan nito.

Inirapan niya ito bago niya kinuha ang mga papel na dala niya at ibinigay dito.

"Mukhang hindi na naman bago sayo, kasi mukhang alam mo din na kasal tayo gaya ng sinabi mo kanina. Kaya hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. gusto kong mapawalang bisa ang kasal na ito."

Hinintay niya kung ano ang magiging sagot nito sa kanyang sinabi. Pero blanko lang ang reaksiyon nito sa sinabi nito, nakatitig lang ito sa kanya.

"Hindi ko alam kung paano at bakit kasal tayo, pero kasi kailangan nating maghiwalay. Kasi ikakasal na ako---"

Hindi niya naituloy ang iba pa niyang sasabihin ng talikuran siya nito at pumasok sa loob ng kwarto nito. naiinis siya sobrang bastos ng lalaking ito, kita nan gang nagsasalita palang siya tapos hindi na siya pinakinggan nito.

Pero hindi naman nagtagal ang lalaki sa loob ng kwarto nito. nagbihis lang ito ng pang-itaas nito.

"Alam mo bang hindi biro ang pagpapawalang bisa ng kasal?"nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya.

Wala siyang alam sa mga batas, pero alam naman niya iyon. nagtanong-tanong na din naman kasi siya bago siya nagpunta dito para kausapin ito kaya may ideya siya.

"Oo"lakas loob niyang sagot dito.

"Alam mo ang proseso?"muling tanong nito.

Napaisip siya, ano nga ba ang proseso. Hindi niya yata natanong iyon kung paano.

"I think hindi, ito nalang sasabihin ko sayo. Wala akong panahon at wala din akong pera para sa ganitong proseso na sinasabi mo. Kaya okay lang sakin na kasal tayong dalawa, ikaw kung gusto mo talaga na mapawalang bisa ang kasal na ito ikaw ang kumilos. Pero ako wala kang aasahan sakin pagdating dyan"ito na ang pinakamahabang sinabi nito sa kanya.

Napakurap-kurap nalang siya lalo pa ng lagpasan na naman siya nito at lumabas na naman ito ng bahay. But this time, hindi nalang ito sa tayler nito huminto. Nakita niyang sumakay ito sa isang single motor cycle at umalis ng walang paalam sa kanya.

Nagtatabog, napagpapa-padyak siya sa sobrang inis niya sa lalaking iyon.

"Naku, pagpasyensyahan mo nalang ang asawa. Madami lang kasi trabaho talaga ngayon, bukod kasi dito sa tayler may bukid pa siyang inaasikaso"paliwanag ng isa sa mga tauhan ni Claude na may edad na.

Tinignan lang niya ito, hindi nagsasalita na iniwanan niya ang mga ito at pumasok na siya sa loob ng bahay ng lalaking sinasabi nga na asawa niya.

Doon tinawagan niya ang kaibigan niya, sinabi niya dito na mukhang kailangan niyang magstay doon ngayon dahil hindi pa sila nakakapag-usap ng maayos ng lalaking asawa 'daw' niya.

HABANG naghihintay siya, nakaramdam siya ng pagkainip. Pinagmasdan niya ang buong paligid niya at naaasiwa siyang tignan ang mga nakakalat na mga gamit sa loob ng bahay.

Naalala niya ang sabi ni Claude sa kanya na feel at home siya, kaya naman iyon ang gagawin niya.

Sinimulan niyang linisin ang buong bahay ni Claude, maging ang kwarto nito pinangahasan na niyang pasukin at linisin. At habang ginagawa niya ang bagay na iyon may naramdaman siyang parang pamilyar na bagay sa kanyang ginagawa na hindi niya alam kung ano.

"Anong ginawa mo?"galit na tanong ni Claude mula sa likuran niya.

Sa paglingon niya nakita niya ang galit na mukha ni Claude habang nakatitig ito sa kanya. inirapan niya lang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. hindi pa magpasalamat ang lalaking ito at inilinis niya ang lungga nito.

"Whoa! Mali ba ako ng napasukan na bahay"narinig niyang iba ang boses na sunod na nagsalita.

Paglingon niyang muli nakita niyang may kinakaladkad ng isang lalaki si Claude palabas ng bahay nito. Kaya alam niyang iba ang nagsalita kanina, nagkibit balikat nalang siya.

Sinunod niyang gawin ay ang magtungo sa kusina para magluto na ng hapunan nila, halos maggagabi na din at sobrang pagod siya kaya nagugutom na din siya.

"Tangina!"narinig niya mura mula na naman sa likod niya.

"Kanina ka pa ha!"sita niya dito.

"Sinong nagsabi sayo na pakialaman mo ang mga gamit ko dito?"sigaw nitong pagalit sa kanya.

Pinamaywangan niya ito, pero bago siya makapagsalita napansin niyang hindi sa mukha niya nakatingin ang lalaki kundi sa katawan niya. naalala niya na kumuha nga pala siya kanina ng malinis na tshirt nito at nagpalit siya. Wala naman siyang makitang kasya niyang short ni Claude kaya nakapanty lang siya ngayon.

Pero wala siyang paki kahit na ganoon ang itsura niya. proud pa nga siya, sabi nga ni Daniel kapag nakikita nito na nakasexy outfit siya kapag magkachat sila ang sexy niya nga daw. Sabi pa nga ni Daniel 'You should always wear something like that when I'm there' na hindi niya maintindihan kaya yes nalang ang sagot niya kasi nakangiti naman ito.

"Hindi ka nalang magpasalamat at nilinis ko ang bodega mo"ganting angil niya dito.

"Tsk!"ibinaling nito sa iba ang tingin nito.

Sinimangutan niya ito ng iwanan na naman siya nito pero sa pagkakataon na ito hindi sa kwarto dumeretso si Claude kundi sa banyo. Isa lang kasi ang banyo dito sa bahay na ito sa may kusina din ito makikita.

Naiinis na naman siya na ipinagpatuloy ang pagluluto niya, nakatapos na siyang magluto nakahain na siya hindi pa din lumalabas sa banyo si Claude. Napataas pa ang kilay niya sa isiping mas maarte pa yata sa kanya ang lalaki pagdating sa pagligo.

"Ang tagal mo namang---"reklamo niyang nabitin sa ere ng marinig niyang bumukas ang pinto.

Napalunok siya ng sunod sunod ng makita ang ayos ni Claude ng lumabas ito ng banyo.

Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya, at kitang kita naman na bagong paligo lang ito dahil may tumutulo pang tubig mula sa buhok hanggang sa katawan nito.

"H-hoy! Ikaw, b-bakit---"

"Don't start, Rhiane"babala nito sa kanya bago siya nito iwanan.

Natulala na naman siya sa kinatatayuan niya, ang pagtataray niya kanina ay biglang naglahong parang bula sa sobrang bigla niya sa nakita niya.

Pero bigla may narealize siya, ngayon lang niya naisip na hindi nga pala siya nagpakilala sa lalaking asawa daw niya. kaya papaano nito nalaman ang pangalan niya.

Pero hindi iyon ang kaso doon, balik ang pagkainis niya sa lalaking iyon.

Sa loob lang halos isang araw ilang beses na siyang nawalk-out'an ng lalaking iyon. kung tutuusin siya ang babae, siya dapat ang madalas magwalk out sa mga ganitong eksena. Pero dinaig ba naman siya ni Claude.

"Saan ka pupunta?"habol niya kay Claude ng makita niyang palabas na naman ito ng bahay.

Gabi na, siguro naman wala na itong idadahilan sa kanya na busy itong tao na ito.

"Wow, asawang-asawa ang dating mo ah. Dyan lang ako sa tabi-tabi may kailangan lang akong asikasuhin MISIS KO!...wag mo na akong hintayin na umuwi, kumain ka na tapos matulog ka na sa kwarto MISIS KO!, sa sofa nalang ako matutulog mamaya MISIS KO"

Hindi na siya nito hinintay na magsalita pa, iniwanan na naman siya nito.

"Urgh! Walk out king!"sigaw niya dito sa sobrang inis niya.

Hindi pwedeng ganito nalang palagi, kailangan nilang mapag-usapan ng maayos ang lahat. Kaya nga siya nagpunta dito, kaya nga niya hinanap ang lalaki para kausapin itong maghiwalay na sila. Ang problema niya lang mukhang mahihirapan siya kung palagi nalang magwo-walk out si Claude sa kanya.

"KAILANGAN na nating pag-usapan ang tungkol sa kasal natin"naharang niya si Claude kinaumagahan sa kusina habang nagkakape ito.

Mas maaga itong nagising kaysa sa kanya, tanghali na naman talaga siya kung magising kaya hindi na siya nagulat. Kasi tanghali na naman na kasi, alas-nueve na ng umaga ng magising siya.

"Nasabi ko na sayo ang gusto kong mangyari, okay lang sakin na asawa kita"sagot nitong hindi man lang siya tinitignan.

"Sayo okay, sakin hindi. Ikakasal na ako, darating na ang BF ko malapit na"naiiyak niyang sagot naman dito.

Doon lang siya tinignan nito, tinatantya kung ano ang kanyang itsura.

"Alam mo, Rhiane ano ba ang mahirap sa sinabi ko. Wala akong kakayahan na magpaannull ng kasal. Kung talagang gusto mong mapawalang bisa ang kasal natin sabihin mo sa sinasabi mong boyfriend. Siya ang magpaannull ng kasal natin tapos ang usapan"walang gana na sagot nito.

"Pano ba naman kasi tayo nakasal? Bakit wala akong alam, kasi sa totoo lang ang alam ko talaga wala pa akong pinapakasalan na kahit na sino. Si Daniel lang ang gusto kong mapangasawa"

Napansin niyang biglang naglikot ang paningin ni Claude na hindi ito makatingin sa kanya. pero dahil sa wala siyang pakialam sa lalaki hindi nalang niya binigyan ng pansin ang ginawa ng lalaki.

"Basta gusto kong mapawalang bisa ang kasal natin. Kasi wala naman talagang kasalan na naganap!"sigaw niya.

"Bahala ka, pero ako ayoko! Okay lang talaga sakin na kasal ako sayo period!"

Tumayo na naman ito, pero iyon hinila niya ito paupo muli sa kinauupuan nito.

"Kahapon ka pa ha, walk out ka ng walk out...ako naman ngayon!"sigaw niya dito bago ito iwanan.

Naiinis siyang nagmartsa palabas sana ng bahay nito ng maramdaman niya ang kamay nito sa kanyang braso.

"Lalabas ka na ganyan ang itsura mo. Nandyan na ang mga tao ko, baka kung anong isip nila sayo kapag nakita ka nilang ganyan ang itsura"mababakas ang pagkainis sa mukha nito habang nagsasalita.

Tinignan niya ang itsura niya, tshirt pa din kasi nito ang gamit niya. wala din siyang saplot pang ibaba kundi ang panty niya.

Sinamaan nalang niya ito ng tingin, wala kasi talaga siyang damit na dala ng nagpunta siya dito. Kaya naman wala siyang ibang maisusuot, nilabhan palang niya ang damit niya kahapon.

"May mga damit doon sa closet ko sa gawing kanan, dulo doon ka kumuha ng isusuot mo bago ka lumabas ng bahay at magwalk out"sabi pa nito bago ito tuluyan na umalis sa harapan niya. 

.......................................

a/n : pansin ko lang bawat chapter tig-3 lang ang comment ang galing.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
193K 3.5K 25
The Love Story of Ashley and Eugene
282K 6.9K 23
Naranasan mo na bang mabakuran ng hari ng kagubatan? Hindi ni Tarzan, kundi ni Lion King! HR: General Fiction #52 BS#2
5.2K 958 28
Love truly can wait until you find the right man in your life. Don't pressure yourself to find him, wait until he comes to you and treat you like a q...