Princess's POV:
"Kaya mo na ba?" Tanong ko kay Athena , nandito kasi kami sa clinic ngayon para sunduin siya tapos na kasi ang klase.
"I think so." Sagot niya, kaya tumayo naman siya at sinubukang maglakad. "A-aray!" Akmang matutumba na sana siya ng bigla siyang saluhin ni Kiefer.
"See! Di mo pa kaya." Sabi naman ni Kiefer sa kanya. "Mabuti pa siguro dalhin niyo na siya sa hospital para ma-xray kung may bali ba o ano na sa paa niya." Rekomenda naman ng nurse samin.
"Sige po dadalhin na namin siya dun, thank you nurse." Sagot naman ni Natasha sa Nurse. "Pahiram nalang po kami ng wheel chair para madala po namin siya sa parking lot, di kasi namin kakayaning buhatin yan." Saad naman ni Fionah.
"Ay sorry, di pa kasi napapalitan yung wheel chair na nasira." Sagot naman nung nurse. "Tss anong klaseng school to?" Naasar ko namang sabi.
"School to ng mga magaganda at gwapong tulad natin." Pangaasar naman ni Kiefer. "Nakakatawa! Kiefer grabe!" Sarcastic kong sagot sa kaniya. "Joke lang! Masyado kang seryoso, ako na magbubuhat kay Athena tutal naman ako ang nagdala sa kaniya rito." Pagprisinta niya.
"Aba! Buti naisip mo yan, mabuti pa nga siguro na ikaw ang kumargo sa kakulangan ng school niyong pipityugin." Naasar kong sabi sa kaniya. "Princess tama na! Ano ba!" Pagsuway naman sakin ni Natasha.
"Grabe ka naman!" -Kiefer
"Bakit? Mali ba ako?" Pabalang na sabi ko sa kaniya.
"Tama na nga yan! Tumahimik ka na Princess!" Saad ni Fionah kaya tumahimik na ako at nauna ng lumabas ng room, bago pa ako sumabog dito.
___________________________
Natasha's POV:
Papunta na kami ngayon sa parking lot habang pinigy back ni Kiefer si Athena.
*calling unknown number..
Sino kaya ito?
"Hello? Who you?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Anong who you! Who you ka diyan? Asan ka na!? Kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot!" Galit na sabi niya.
"Wait, Kurt? Kaw ba yan? Pano mo nakuha cellphone number ko?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Di na mahalaga yun! Asan ka na! Naiinip na ako!" Saad niya ulit, oo pala ihahatid niya pala ako pauwi ngayon. "Papunta na po diyan." Sarcastic kong sabi sa kanya.
*call ended*
"Oh Natasha, may kaaway ka ba?" Tanong sakim ni Fionah. "Ah wala hehe." Saad ko naman. "Ahmm guys, mauna na kayo sa parking lot, di na muna ako sasabay pauwi sa inyo, m-may bibilhin pa kasi ako saglit sa mall." Alibi ko naman sa kanila.
"Ah ganon ba? Sigurado kang kaya mong magdrive magisa?" Pagaalala naman sakin ni Natasha. "Oo naman don't worry mga freny" saad ko naman kaya nauna na sila sa parking lot, inantay ko na muna silang makaalis bago ako pumunta kung saan nakaparking ang kotse ko.
"Finally you're here!" Asar na sabi ni Kurt, "bat ba ang tagal mo?" Tanong niya.
"Sorry naman ha! Inantay ko lang makaalis mga kaibigan ko, baka kasi mamaya anong isipin nila." Pagpapaliwanag ko. "Wait! Bakit buong K4 andito?" Nagtatakang tanong, don't tell me lahat sila? Maghahatid sakin?!
"Akin na yang susi mo, ako na magmamaneho." Saad niya imbis na sagutin sana ako sa tanong ko kanina. "Ano? Eh asan ba yung kotse mo? O niyo?" Tanong ko.
"Andami mong satsat, akin ma yang susi mo at gusto ko ng umuwi."
"Wow ha! Ikaw na nga tong humihiram diyan ikaw pa tong galit."
"Can u please stop the two of you! Tara na Kurt kung ayaw ng babaeng yan na isabay tayo well maghanda nalang siya sa mga nagaabang sa kaniya sa gate." Pananakot naman ni Kristian.
"Oh! Yan n-na!" Sabay bato ko sa kaniya ng susi. "Ibibigay mo rin lang pala andami mo pang satsat, edi sana nakauwi na tayo! Tss." Saad naman ni Kristopher.
"Oo na! Sorry naman daw." Sagot ko.
Ang awkward para sakin, biruin mo? Yung mga kasama ko sa kotse puro lalaki, si Kurt yung nagmamaneho, ako naman yung katabi niya habang yung dalawa nasa likod.
"Asan ba kasi mga 4 wheels niyo? Bat lahat ata kayo? Walang sasakyan?" Naguguluhan kong tanong parin sa kanila. "Basta!" Sabat naman ni Kristian. Kaya na nahimik nalang ako.