He who left me

Por alithedreamery

30 0 0

Are you willing to risk for love? Continue reading if yes. Leave if no. Ang storya na ito ay nilikha para sa... Más

Let's be friends
Shattered pieces
"Pagpapanggap"
Meet me in the hallway.
Start of something new.
Akala mo lang.
New school.
Nothing special.

The day I met him

10 0 0
Por alithedreamery

"Hi. My name is amberlynn ramirez, mahilig akong kumanta kasi dun ko nae-express yung feelings at salitang hindi ko kayang sabihin"

And yes... yan nga ang intro ko sa first day ko dito sa stanford university. Transferee ako. Lumipat ako dito dahil kay william madrigal, one of my childhood bestfriend yung isa ko pang bestfriend ay si tenaliya scott kaso after elementary nangibang-bansa na siya para dun na magpatuloy ng kanyang paga-aral. Nami-miss namin siya pero wala naman kaming magagawa kaya kinailangan nalang namin ni william na masanay.

"Earth to amber" pagtataas ni william ng boses at dun ko narealize na nasa canteen pa nga pala kami ni william. "Ano bang iniisip mo? Mind sharing it with me?"

"Wala" natatawa kong sabi sabay kain ng fries na inorder niya para sakin.

"Wala? Eh bat parang nalulunod ka na sa thoughts mo. Sa sobrang layo nakarating ka na sa bahay nila tenaliya sa u.s?"

"OA naman neto" napailing nalang ako kay william.

Habang ninanamnam ko ang fries na kinakain ko may bigla nalang natapon sakin
Mabilis ang pangyayari kaya napatayo agad ako ng maramdaman ko ang malamig na liquid substance na nagmula sa balikat ko pababa sa katawan ko.
Pagtingin ko sa taong nakatapon nun nakita kong nakangiti siya.
Babaeng payat na kulay dilaw ang buhok.

"Ooops, tinutulungan lang naman kita eh" pambungad niya sa nakakaasar niyang tono habang nakasmirk.

Napakunot ako. Tulong? Tulong saan?

"Parang kating-kati ka na kasi lumandi baka sakali lang makatulong yung tubig" nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakaimik.

"Leave her alone" may pagbabanta sa boses ni william. Hinila ako ni william at pinunasan niya yung balikat ko gamit yung panyo niya.

May isa pang lalaki na lumapit. "I saw that." Sabi ng lalaking moreno na may katangkaran at may nakakapanindig balahibo na boses. "Penalty. Bullying the transferee?" Nakakatakot yung titig nung lalaki na bigla nalang sumulpot.

"S... president... s... si...siya naman nanguna eh, nananahimik lang ako nung simulan niya ako irapan tas nung dumaan ako bi..bigla niya akong pinatid kaya nabuhusan siya ng tubig" pagdadahilan nung babae na nanapon ng tubig.

Woah
WOAH
WOAHHHH
Ako ang nangiirap? Eh hindi nga ako marunong nun! Kakalbuhin ko yung pilikmata neto nakakagigil ha. Jusmiyo.

"I'll repeat what I've said and I'll only say this one more time" huminga ng malalim yung lalaki bago ulit nagsalita "I saw what you did. Penalty or principal's office?"

"P..penalty president"

Naglakad si president kuno at sumunod si ate girl na nanapon. "Gusto mo uwi ka muna para makapagpalit ka?" Pagtatanong ni william

"William"

"Hmm?"

"Sino yun?"

"Sino?" Natigilan si william at napakunot ng noo pero di rin katagalan ng napangiti siya sabay sabi ng "si trixie, may crush sakin"

"Hindi yun, yung president"

"Ahhhh, si wade"

Wade. Wade pala pangalan niya. Wala manlang proper introduction? Pero sabagay baka kailangan niya muna gawin trabaho niya as student president.



"Here" may inabot sakin si william na paperbag na brown.
Kinuha ko ito at tinignan yung laman. Uniform ng pangbabae.

"San ka nakakuha?" Pagtataka kong tanong.

"Pumunta ako sa bahay mo para makahingi kay tita ng pwede mong suotin at ito ang binigay sakin" seryoso niyang sabi kaya sinapak ko siya sa balikat dahilan kung bakit siya napahawak sa balikat. "Bakit mo naman ako sinapak?"

Napangiti ako ng malawak at niyakap ko siya. Yes. Ganto kami kasweet ng mga best friends ko. "thankful ako kasi pumunta ka pa sa bahay" bumitaw ako sa pagkakayakap at nagsimula ng maglakad papalayo pero sinabayan ako ni william maglakad "peroooo.... hindi mo naman kailangan pumunta sa bahay para lang dalhan ako ng uniform noh. Medyo natutuyo na nga siya eh" pagdadahilan ko.

"Hahayaan mo lang talaga matuyo? Magkakasakit ka niyan" sabi ni william.

Hindi pa'ko nakakasagot ng may nakita akong tumatakbo papunta sa direksyon namin. Iisang babae lang siya at mukhang may emergency.

"Williaaaam" sigaw ng babae "si khalil umalis ng practice"

Hindi ko alam kung anong nangyayari, pagtingin ko kay william seryoso yung mukha niya. Halatang galit siya pero pinipigilan niya.

"Continue the practice kahit wala si khalil, gawan mo nalang ng paraan ginie"

"William, nagaaway na sila. Ang hirap nila kontrolin, we need you" napalingon sakin si william na may nagaalalang mukha, nginitian ko siya.

"Im okay" sabi ko sakanya.
Tumango-tango siya tsaka sinundot yung ilong ko "i'll be back" at tuluyan na siyang umalis.

Kung tignan naman ako ni william para akong 5 years old na iniwan niya sa mall. I can handle myself naman. Hinanap ko ang choir room baka sakali pwede ako magudition pero aksidenteng nahagip ng mata ko yung guy. Si president. Si w—wade!

Pero hindi siya nakatingin sakin. Nakaupo siya habang nagbabasa ng libro.
Nilapitan ko siya at umupo ako sa upuan na nasa harap niya, pinagmasdan ko siya habang nagbabasa. Mukha siyang anghel na napadpad sa lupa.

"Are you lost my angel?" Wala sa wisyu kong tanong.

Napatingala si wade at sumakto yung tingin ng mata niya sa mata ko na para bang nakatadhana na sakin siya bumagsak.

"Ikaw yung transferee diba?" Pagtatanong niya, tumango ako ng mabilis.

"Thankyou" sabi ko

"For what?"

"For saving me"

"Im the student president of this campus"

"And?"

"And it means na job kong magprovide ng peace and order sa nasasakupan ko" why so serious mr.president

"Then... thankyou for doing your job" sa school namin dati makailang bully ng ganap wala paring consenquences kasi mas pinaniniwalaan yung mga reasons and lies ng bully kesa yung truth ng victim. So... unfair? Right. The only reason kung bakit ako nagstay dun is because of my choir family. Member kasi ako ng choir dun at dun ako nagkaroon ng understanding friends sa choir kaso unti-unti silang nagback down sa ibat-ibang dahilan. Kung ano yun? Ayoko na malaman.

Nakatitig lang si wade sakin.
"Why are you here? Are you stalking me?" Pagsusungit ni wade.
To be honest with you wade. Tingin ko tinadhanang makita kita.

"I dont stalk people" natatangi kong sagot.

Ilang minuto ang lumipas na walang ibang meron kundi katahimikan
Tumayo si wade tsaka naglakad papalayo sakin

Wade wesley warner's point of view
Habang tumatagal nabo-bored nadin ako sa every day task ko. Paulit-ulit nalang.

"Wade, par." Tawag sakin ni lucas.
Si lucas ang vice president ko na isa din varsity ng swimming.

Tinignan ko siya habang nagaayos siya ng medyas niya "balita ko may transferee daw ah, sakto lang daw yung ganda"

"And? Anong meron?" Pagtataka ko.

"Makinig ka muna par. Kalat na kalat na sa buong school yung transferee, pano kasi first day pa lang daw binoyfriend na niya si william madrigal dahil daw sa looks" natatawang sambit ni lucas "what if pahulugin mo sayo, give her the taste of her own medicine. Girls ,like her, needs a doze of reality" lucas said while puting on his shoe

Damn you, lucas.
And damn that girl.

Pumunta ako ng canteen para bumili ng refreshments pero di ko naman alam na nandito pala yung sinasabi ni lucas.

Nakita ko si william madrigal at ang isang babaeng hindi pamilyar. Siya na siguro yung transferee. Nasa iisang table sila at tumatawa si william.
Kadalasan nakikita kong seryoso at walang kabuhay-buhay ang mukha ni william pero parang nagbago yung aura niya ngayon.

Nakaupo ako sa table na malayo sakanila habang pinagmamasdan ko yung babae, bihira lang siya ngumiti at madami siyang sinasabi.
Napatingin ako sa labi niya. Damn, those lips. Ilang lalaki na kaya nakahalik jan?
Nakita kong tumayo si trixie at kumuha ng tubig sabay binuhos sa transferee kaya tumayo ako at naglakad na papalapit sa kanila.

Pero hindi pako tuluyan nakalapit nung hilain ni william yung babae at simulang punasan yung balikat nito. From happy to angry real quick. She's special to him.

"I saw that."Pambungad ko ng tuluyan nakong makalapit sakanila, I can see her sa peripheral vision ko pero hindi ko siya magawang tignan and I dont know why. I hate myself kasi ang hina ko para hindi manlang siya magawang titigan sa mata "Penalty. Bullying the transferee?" Binaling ko nalang yung inis na nararamdaman ko dun kay trixie.

Alam ko namang kaya niya lang ito ginagawa kasi may gusto siya kay william.
"S... president... s... si...siya naman nanguna eh, nananahimik lang ako nung simulan niya ako irapan tas nung dumaan ako bi..bigla niya akong pinatid kaya nabuhusan siya ng tubig" pagdadahilan ni trixie. Tired of her bullshits.

"I'll repeat what I've said and I'll only say this one more time" huming muna ako ng malalim "I saw what you did. Penalty or principal's office?"

"P..penalty president"

Naglakad na ako papalayo sa canteen at naramdaman kong sumusunod sakin si trixie, for sure inaantay niya yung penalty niya. Hindi niya ako magagawang iwanan kasi baka sa principal ako dumiretso. The teachers in this campus trusts me a lot kaya hindi ako gagawa ng bagay na maninira ng tiwala nila sakin.

"Wade, wait" hinila ako ni trixie "what's my penalty?"

"Clean the campus for a week, two hours a day. Start today" natigilan siya pero hindi ko na siya inantay sumagot at naglakad na ako papalayo. Ayoko ng nasasayang yung oras ko. I want to make every minute of my life count.

"Here" boses ng lalaki na pamilyar

"San ka nakakuha?" Tanong ng boses ng babae na mahinhin

"Pumunta ako sa bahay mo para makahingi kay tita ng pwede mong suotin at ito ang binigay sakin" boses ulit nung lalaki kaya minabuti kong tignan at sundanyung boses para sabihan sila na malakas masyado yung boses nila."Bakit mo naman ako sinapak?" Nakita ko si william at yung transferee

Ngumiti yung transferee at niyakap si william "thankful ako kasi pumunta ka pa sa bahay" sabi nung transferee bago bumitaw sa pagkakayakap at maglakad papalayo pero sinundan parin siya ni william "peroooo.... hindi mo naman kailangan pumunta sa bahay para lang dalhan ako ng uniform noh. Medyo natutuyo na nga siya eh" sabi nung babae at hindi ko namalayan napangiti ako sa sinabi niya

"Hahayaan mo lang talaga matuyo? Magkakasakit ka niyan" agad ding nawala ang ngiti ko ng maalala kong may william na siya. Sinubukan kong idistract yung thoughts ko. Ayokong siya yung iniisip ko kaya nagbasa ako ng libro.

"Are you lost my angel?" Boses ng isang babae. Familiar na siya sakin. Sa transferee ito kaya inangat ko ang tingin ko at sumakto ito sa mata niya. Bumilis yung tibok ng puso ko.

"Ikaw yung transferee diba?"

Tumango siya ng mabilis "Thankyou" sabi niya na nakangiti, mukha siyang anghel. Naiilang ako kapag nakatingin ako sakanya sabi ni lucas hindi siya maganda pero bakit ngayong nasa harap ko na siya natutunaw nako?

"For what?" Tanong ko.

"For saving me" saving? Eh yung unang kita namin yung trixie incident?

"Im the student president of this campus"

"And?" Pagtatanong niya na parang hindi niya nagets yung sinabi ko at wala siyang clue and yet she's still cute.

"And it means na job kong magprovide ng peace and order sa nasasakupan ko"

"Then... thankyou for doing your job" ang hirap niyang basahin.

"Why are you here? Are you stalking me?" I know for a fact na sila ni william at masasaktan si william kapag nakita niyang nakikipagusap yung girlfriend niya sa isa pang lalaki.

"I dont stalk people" coincidence? Destiny? I dont think so. Impossible. She's destined with another a guy.

Seguir leyendo

También te gustarán

481K 26.4K 18
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
701K 27.2K 75
Lilly found an egg on a hiking trip. Nothing abnormal on that, right? Except the egg was four times bigger than supposedly the biggest egg in the wor...
1.1M 15.5K 38
Ivy Williams had always aspired to complete her university journey without any interruptions or complications. However, not even two months into her...
981K 44.2K 27
1950s. ***Story contains mature scenes and Hindi phrases which are not translated in english*** Abhigyan Singh, a Sarpanch of the village named 'Tara...