Writing Tips & Advices from W...

By WWG_FAMILY

143 33 50

This book contains the responses of the WWG Guild's members regarding a certain topic and/or writing prompt... More

INTRODUCTION
Topic 1
Topic 2
Topic 3
Topic 4
Topic 6
COMMON WRITING MISTAKES

Topic 5

22 5 35
By WWG_FAMILY

Topic 5: 10 Facts about yourself

Let's get to know some things about the WWG family members!

simoune_
1. Marami sa mga classmate ko ang may ayaw sa akin.
2. I have attitude problems. Minsan masyadong confident, competitive at judgemental.
3. I'm not into reading books that'll help me with studies.
4. I don't want to study anymore. Gusto ko nang magtrabaho at kumita.
5. I'm trying to change myself for others. Hindi ko alam kung tama ba to o hindi.
6. Madalas akong gumawa ng dahilan dahil lang tinatamad ako.
7. Feeling ko ang galing galing ko nang author dahil lang sa technicalities. Pero I know I'm not. Masyado akong nagiging confident.
8. Mahilig akong mag-overthink. Pupunuin ko ng expectations ang isip ko kaya lagi akong nadi-disappoint sa huli.
9. Ayokong may nagagalit sa akin. I want to please everyone as much as possible.
10. Gusto ko na ng sariling kuwarto.

addendum: Sa aming magkakaibigan ako ang pinaka-out of placed. Ako ang laging nale-left behind. Pero okay lang. Di ko sila papakopyahin tuwing exam 😂
*Mas marami pa ang daliri ko sa dami ng beses na nakakain ako sa McDo.

*Nagsulat ako dati dahil na-inggit ako sa kaklase kong nagka-40 reads 😂
*Maikli ang dila ko. Hindi lalagpas sa labi.

Miss251
1. Unggoy po ako.
2. I love bananas.
3. Gusto ko nang magkaroon ng aircon sa bahay namin.
4. I love visual novels.
5. Hindi po ako sporty.
6. Mahilig po akong maglayas.
7. Bansot po ako.
8. Ayoko po ng nabibigyan ng mataas na responsibilidad. Kasi natatakot ako na pumalpak sa pinagagawa sakin. As much as possible, magaan na trabaho lang po ang ibigay ninyo sakin nang hindi ko masira ang plano.
9. Ayoko ng bikini, one piece, two piece, bathing suit, backless dress, fitted damit, maikling damit...in short, may pagkamanang po ako. 😂
10. Mahilig akong mag-youtube. Take note, normal videos po ang pinapanood ko. Owkei? 😂

daneigha
1. Tahimik lang

2. Madaldal kung madaldal din ang kasama/kausap

3. SONGER HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

4. Gusto kong maging Teacher at the same time writer

5. May desire talaga akong maging Singer pero naisip ko huwag na lang, iba na kasi ang era ngayon.

6. Ayaw ko sa crowded place, tsaka maingay, pero minsan maingay din ako, malakas boses ko. Sooooo weird. 😂

7. May pag ka suplada (daw). Hindi naman diba? (fact ba to? 😂)

8. Potterhead and Kpop Fan.

9. Loves nature, music and arts.

10. Minsan sarcastic talaga ako. Mabait lang ako sa mabait eh.

unsolvedestiny
1. Moody ako.. Madalas masaya pero nakakatakot kapag nagalit. Kaunting di ko gusto lalo na kapag malapit na akong datnan grabe na galit ko. In short di ko kaya mag control ng temper.
2. Gusto ko palagi mag-isa. Hindi ko hilig magyaya ng kasama sa bawat galaw ko. Halimbawa punta sa mall,  cr, canteen ng school at etc. Gusto ko parati mag isa dahil ayaw kong pinapakialaman ako.
3. Mas gusto ko ang kaibigan na lalaki kaysa babae. Wala lang. Mas komportable ako kapag lalaki frend ko. Pero naman ako tomboy. Haha
4. Madamot ako. Ang akin ay akin lang. Kapag may gusto akong bagay na wala sakin pagsisikapan kong bilhin. At lahat ng binili kong gamit, akin lang. Ayaw kong nanghihiram dahil di ko gawain yan. Never ako nanghiram ng gamit ng iba. Magtitiis na lang akong walang magamit kaysa manghiram. Sa isip ko kasi, binili ko to. Nag hirap ako dito so maghirap ka din magkaroon.
5. Mahiyain ako. Di naman kasi ako maganda so better manahimik sa isang tabi.
6. Pinipili ko kaibigan ko, nakikipag usap ako sa mga cmate at batchmate ko pero ang friend ko dyan mula elem to college... Mga apat lang. Haha
7. Malihim akong tao. Pwedeng marami akong kinuwento na about sa buhay ko pero hapyaw lang yan. Kapag may kinuwento ka sakin at sjnabi mong wag ko ipagsabi, tandaan mo hanggang kamatayan di makakalabas yan. Pero kung wala kang bilin na itago ko. Kapag may nag tanong sakin about dun, asahan mo sasabihin ko ang totoo. In short honest akong tao.
Isang tanong, isang sagot.
8. Sentimental akong tao. Kung anong binigay sakin ng mga mahahalagang tao sa buhay ko, tinatago ko kahit na taon pa lumipas at walang pwedeng makahiram sakin niyan
9. Palaban, kapag naapi o naapakan ang mga treasured friends ko, kahit na wala ako sa isyu papasukin ko yan mapagtanggol lang sila..usually sinasalo ko lahag minsan wag lang silang masaktan. Hehe
10. Not a good writer. Just having a wild imagination. Char

Striver_Amber
1. Tomboy ako😆 Char. Boyish ako. Mas nakakasundo ko ang mga lalaki kaysa sa mga kapuwa kong babae. Pili lang yung mga nakakasundo ko sa babae, the rest wala na. Ang pogi ko. Char lang😂
2. Palagi akong bigo pagdating sa mga kaibigan. 😂 Minsan ang hirap makisama dahil hindi belong ang ugali ko sa kanila pero kapag may umaway sa kanila, pinaglalaban ko, wala akong pakialam kahit madagdagan ang pagka-negative ko sa tingin ng ibang tao. Marunong akong lumaban basta alam kong tama ang side nila o side ko. Palaging bigo kasi nagtatagal naman ako sa isang grupo ng pagkakaibigan pero lumayo rin ako sa huli, alam kong pagod na sila sa akin. Masakit pero lalayas nalang ako...(Mahabang storya, I'll let you judge me. Ayos lang...Sanay na ako)
3. Gusto ko talaga yung individual performance task na speech or pagtatalumpati.😂
4. Iba akong magalit parang...leon
5. Medyo seryoso ako sa totoong buhay pero kapag sa chat moody, minsan masaya, minsan malungkot, minsan medyo seryoso.
6. Gamer
7. Mahilig akong mag-drawing, painting, photography.
8. Survivor, ilang beses na akong muntik mamatay pero nandiyan pa rin si God. Amen.
9. May problema sa ugali ko kaya medyo ilag ang mga tao sa akin, pati ako ilag sa kanila.
10. Madali akong ma-depress. Three things that I'm doing to fight against depression...Una, nakikinig lang ako sa mga kanta, luma man o bago. Pangalawa, isinusulat ko yung mga nararamdaman ko. Pangatlo, gugumuguhit nalang.

PrincessMela
1. Short tempered person. Still trying to control my temper and I'm on a getting to know with the word patience.
2. Ayoko sa pabida. Kung ayaw mo sa ginagawa ko, sige ikaw na dito, palit tayo.
3. Madalas ako mag doubt sa sarili ko. Reklamador na tao at mabagal kumilos. PERO PAG SINABI KONG GAGAWIN KO, GAGAWIN KO. MAGHINTAY KA LANG, DAHIL PAG AKO GUMAWA, TAPOS YAN LAHAT NG MAAYOS.
4. Moody ako. Kapag may PMS.
5. Fave ko mcdo fries, kahit araw arawin ko pa yan. Fave ko rin ang mango, mapa shake, mapa juice, mapa fresh fruit. Basta hinog na mangga. Okay din ang indian manggo masarap sa alamang. Fave ko rin chocolate. Wag lang dark chocolate. Mapait. Gusto ko matatamis. Para akong bata sa mga pagkain. Gusto ko pa rin ang mga stick o, hello, nips. Hilig ko coke float saka mga frappe.
6. Kapag ginusto ko, gagawin ko. Malakas ang motivation ko na abutin ang goals ko or pangarap ko. Malakas loob ko, pero kapag pinanghinaan ako ng loob, mas malakas yan.
7. Ayoko ng inuutusan ako. Ewan ko. Sa ayoko eh. Ayoko rin na pinagsasabihan ako.
Ayoko kasi ng nagmamagaling. Minsan pag nasa mood ako, tinatanggap ko sinasabi sakin. Pero pag ayoko, ayoko.
8. Ayokong pinagiintay ako. Sa 4 yrs namin ng bf ko, yan ang madalas rason ng pangaaway ko sakanya. Talagang inaaway ko.
9. Ayoko rin naman sa taong di makapag antay. Di lang ako nakasagot anu ano na sasabihin. Like duhh? May buhay din kaya ako. May ginagawa. Dati kasi ugali ko magpapaalam na brb ganun, lahat sasabihin ko muna reason. Pero ngayon hindi, dahil tinatamad ako. Basta nalang ako mawawala kasi pinapahalagahan ko rin ung sarili ko. Iniiwasan ko na mapuyat at mas iniintindi ko ano ung nasa harapan ko sa real world.
10. Mabilis ako magtiwala. Once naging kaibigan kita. Hindi kita ile-let go. Clingy akong kaibigan at selosa lalo na sa boy bestfriend ko. Maarte din ako pag minsan at makwento. Gusto ko nasakin atensyon or gusto ko palagi akong may kausap. Di ako natatahimik ng walang kausap. Heart to heart talk palagi ang gusto ko at advices. Kaya naiinis ako pag hindi nakikinig sa sinasabi ko. Ako bilang kaibigan, once pinaramdam mo sakin na may halaga ako sa buhay mo, I'll keep that until forever. Ipaparamdam ko rin sayo gaano ka kahalaga through efforts. Thoughtful kasi ako. Pero once pinaramdam mo sa akin na wala lang ako sa buhay mo, iiyak ako kasi sensitive akong tao. Madali akong masaktan simpleng salita lang. Pero after that, dahil wala akong halaga sayo, hu u ka na sa akin. FO na tayo. Para saan pa? Kung ako lang naman pala ung nagpapahalaga dba???
Madrama ako sobra. I feel unimportant pag hindi pinansin kadramahan ko. 🙄 Madalas madrama ako kapag pms. Iiyakan ko lahat ng bagay. Lahat kainisan ko. Kahit ung simpleng di pag reply sakin ng barkada ko kung san sila part ng school inis na inis na ako. kasi alam mo un? Pag ako tinetext ko sila I update them pero pag ako????? Parang wala silang pake?????

msAtura
1. Mahiyain sa personal. Wala kasing kumpyansa sa sarili. (Shytype)
2. Hindi madaling magalit pero mahaba ang pasensiya. Pero once na nasagad....boom warla ang ganap sakin. Kaso kung gano ako katagal magalit, ganun naman kabilis mawala yung galit o hinanakit ko. Dunno kung anong meron sakin, muntanga eh. Minsan kahit sobrang laki ng kasalanan ng isang tao sakin magugugulat na lang ako na nakakausap ko na siya na alam niyo yun, parang walang warla na naganap. Basta ganun.
3. Trying hard magpataba. (Payatot kasi)
4. Hindi  ganun ka friendly. Bilang sa kamay yung mga kaibigan ko, yung iba pinlastic pa ako. (Sad) kaya sobra ako magpahalaga sa 'iilang' kaibigan ko.
5. Ayaw ko ng maingay saka magulong place. Unless kung nageenjoy ko yung place na yun.  (Nu daw?😂)
6. Kung gaano kamahiyain at katahimik sa ibang tao, ganun naman ako kaingay sa mga friendship ko.
7. Adik sa Exo.
8. Kulang sa focus. Madaling maagaw ang attention ko.
9. Mahilig ako magtry ng mga bagay na di ko pa nagagawa.
10. Madali akong mapatawa. Ganun ata kababaw yung tawa ko ey. Kahit minsan ang corny tinatawanan ko pa. Hirap din ako magmove on pag may joke na talagang super havey saken.

yannaselene
10 facts about Yanna Pizza
1. God-fearing lady—aba siyempre! Di lang halata but I oftentimes talk to God
2. happy-go-lucky—di lang halata but I really am
3. oftentimes lazy—Kahit sa bahay namin ganyan ako except sa panonood😂
4. fangirl—super obvious naman
5. jolly—hence, my name
6. behaving and acting childishly—Di bagay sa guro na tulad ko
7. pessimistic outside, optimistic inside
8. not showy/not expressive person—Lagi ko kasing iniisip kung makakasakit ba ang sasabihin o ipapakita ko.
9. gusto ko laging gumala
10. maingay at madaldal ako—I can't last a day w/o talking.

mystshade
1.Shy type.  Hindi ako palakibo at madalas ako ang laging nakikinig kaysa ako ang nagkukwento.

2. Pessimistic.  Lahat sa akin negative.  Madalang lang talaga na nasasabi ko ang mga bagay in positive way.

3. Niyerbosa, hahaha.  Fan kasi ako ng kape.  Hindi kumpleto ang araw ko nang hindi nakakainom ng kape.  Pakiramdam ko may kulang sa akin.

4.Mukhang masungit.  Oo masungit ako minsan. Ayoko ng tinitingnan ako ng matagal, talagang tititigan kita ng mataman kapag ginawa mo sa akin yan hanggang sa magbitaw ka ng tingin.

4. Weird daw ako.  Ang weird diba? 

5. Pinahahalagahan ko lahat ng taong nakikilala ko pero hindi ko pinahahalata.  Kapag may problema sila, parang problema ko na rin kaya tutulungan ko siya lagi.  Kahit in return, they will just turn their back on me.  Okay lang, atleast kapag sinukuan ka na ng iba, nandito pa rin ako sayo.  🙂🙂🙂

6.Kapag nag effort ako sa isang bagay, effort talaga.  Ayoko ng nasasayang.  Sino ba'ng gusto na mabalewala ang effort nila?

7. Dream ko noong maging musician.   Pero ngayon pakanta-kanta na lang.  Hindi ko na rin pinagkaabahalan pang ayusin ang gitara ko.  Hindi sa ayoko na maggitara kundi nakuntento na lang ako at tinanggap na hindi ko pa panahon para diyan.  Hahaha.  Akala mo talaga eh,

8. Mahilig ako sa basketball.  Hindi ako naglalaro, kasi tamad akong pumunta ng court sa amin.  Mahilig lang akong manood tsaka mahilig ako sa basketball players.  Lols. 😂😂

9.I'm a BTS fan.  Bakit?  Kasi noong panahon na depress na ako, tsaka ko sila nakilala.  Yung songs nila, I mean.  Napaka-silly mang isipin pero noong time na nadedepress ako,  narinig ko ang kanta nilang NOT TODAY.  it tells about surviving. Sinasabi sa kwento na 'wag kang susuko, hindi ito ang tamang panahon para sumuko ka,  you can't die, not today.  Meron pa doong lyrics na kung hindi ka makalipad, tumakbo ka. Kung di ka makatakbo, lumakad ka.  Kung di ka makalakad, gumapang ka.  Basta ganun yung message.  Sobra akong nainspire, naisip ko na hindi ito yung panahon para sumuko ako sa problema.  Hindi pa dapat dito nagtatapos ang lahat. Kapag may gusto kang i-achieve, gawin mo, ang pagkatalo ay para lamang sa mga sumusuko.

10. Wala akong natatawag na tunay na kaibigan. Gusto ko sana pero sila ang lumalayo tsaka pakiramdam ko gusto lang nila ako kapag may kailangan sila.  Natest ko na iyan sa bestfriend ko noong high school.  Walang nagiging totoo sa akin.  Open naman akong makipagkaibigan, pero dahil weird ako  walang nakikipagkaibigan sa akin.  Baka naiintimidate?  Ewan.

cutterpillow19
1. Fave ko si Anne Rice.
2. Boyish ako. Daw sabi nila
3. May girl crush ako dati.
4. Pikonin ako minsan.
5. Mahilig ako sa tula.
6. Madalas bitter kinalalabasan ng tulang sinusulat ko
7. Wala akong fave color.
8. Ayaw ko sa matamis na pagkain.
9. Marunong ako magluto.
10. Friend Zoned ako ni Crush hahahahaha

LovelyEljey
10 Paks!

1. Nangongolekta ako ng magagandang notebooks.

2. Meron akong kabinet ng books (secret lang.😂)

3. Nagse-self study ng Spanish (wala eh nahawa ako 😂)

4. Hindi pa pala ako nakakabayad sa wifi namen. Due date na pala noong May 16 rakenrol 😂😂😂

5. Katabi ko matulog ung iba kong books. Yung mga favorite books kobung katabi ko matulog hahahaha xD

6. License Teacher (alam na ito ng iba sa inyo.👍👍)

7. Meron akong mild scolio kaya minsan nananakit ang likod. (Shucks! Sign na nga to ng pagtanda 😂😭😭😭)

8. Malabo po mata ko kaya meron akong suot2 na eyeglass at minsan nagko-contact lens.

9. I love violet coz Yuya bebe loves it 😍😍😍

10. May stage fright ako. Takot akong i-express ang ideas ko verbally. Kaya dinadaan ko na lang sa pagsusulat.

Pahabol: ginagawa kong kontrabida ang mga taong kinaiinisan ko HAHAHAHAHA! 😂😂😂😂😂😂

QueenDollybird
1. ayaw ko sa mayonnaise
2. ayaw ko sa masyadong sweet na pusa at yung "meow" nila ayaw ko hahah
3. ayaw ko sa kulog pero namamangha ako sa kidlat na gumuguhit sa langit
4. mahilig ako sa anime, paggawa ng tula, magbasa ng libro
5. grabe yung anxieties ko hahha
6. malihim ako
7. ayos na ko sa onting kaibigan
8. sobrang hindi ako nagtitiwala ng 100% sa mga tao
9. mahilig ako sa mga bata pangtanggal stress
10. gusto ko maging vet

Jaycematic
10 facts about me

1. Takot sa palaka at sa masisikip na lugar

2. Walang best friend- tinuturing kong friend lahat ng tao pero wala akong kasundo talaga sa school.

3. Multi-talented daw ako, Sabi ng mga taong kilala ko. Marunong kasi akong sumayaw, kumanta, gumamit ng mga instruments, magbalagtas, tumula, magdrawing, painting, photographing, photo editing, Mag-choreograph, etc.

4. Fast learner- madali akong matuto pero kapag hindi ako interested sa isang bagay, wala akong paki kung matuto man ako hindi.

5. Malakas ang sense ko- alam ko kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi, alam ko kung mayroong something na nangyayari, kung may relasyon ba ang dalawang tao, kung may crush ba ang isang tao at kung sino ito. Alam ko kung sinong plastik/backstabber. At naprove ko iyon several times.

6. Makakalimutin- Alam niyo na naman siguro iyon diba? At para sa hindi pa. Naoperahan na kasi ako, inenjectionan na ako sa backbone ng napakalaking karayum. Epekto kasi to ng anestisha. (Nakalimutan ko spelling) LOL.

7. Pangarap kong maging doctor noon, pero nang maoperahan ako ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik sa ospital, napakadami kasing nangyayari talaga sa ospital, may umiiyak, humahagulhol, nagsisisigaw, nawawalan ng mahal sa buhay. napakalungkot ng atmosphere talaga kasi doon. Kaya kung magmemedicine ako (dahil iyon ang gusto ng mga magulang ko) gusto kong maging pharmacist nalang or dentist,  huwag lang doctor.

8. Masayahing tao pero madaling masaktan. Hindi lang halata.

9. Maraming nagkakagusto pero laging sawi sa lovelife.

10. Have faith in God

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 45 22
This is the second instalment to my 3 Part series of Books about a Young Blonde Teen Girl who suddenly starts to loose control of her bladder and bow...
15.1K 1.5K 17
" ඇයි අයියෙ ඔයා කොයි වෙලෙත් මාව සුදු අරලිය මලකට සමාන කරන්නෙ.." මං අයියගෙ මූන දිහා බලන් අහනකොට එයා මගෙ ඇස් දෙක දිහා බැලුවා.. මගෙ අයියගෙ මූනෙ ඇඳිලා තිබ...
12.6K 355 13
"𝑪𝒂𝒖𝒈𝒉𝒕 𝒎𝒚 𝒆𝒚𝒆, 𝑰 𝒂𝒊𝒏'𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒏 𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒑𝒐𝒕 𝒄𝒖𝒛 𝑰 𝒃𝒆 𝒐𝒏𝒕𝒐 𝒚𝒐𝒖"
6.5K 151 23
It's classification day for Riley. he is finally 18 but when he gets his results things turn for the worst quickly when he has to stay with his broth...