Forgetting Samuel

By adamantanne

54.2K 1.8K 151

There is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit k... More

For(getting) Samuel
Dedikasyon
Simula
Part 1
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Part 2
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Special Chapter
Special Chapter
One Roof Lovers Universe

Kabanata 19

693 40 0
By adamantanne

Kabanata 19
Okasyon

There is an unknown rage surging in Samuel’s whole being.

Hinawakan ng binata ang pisngi ni Ady at saka hinaplos.

“Why would they do this to you?” aniya. Inabot niya ang kaniyang bulsa at saka ay kinuha ang kaniyang panyo.

“You can’t bring me home, not like this. Na parang sinabugan ‘tong mukha ko. Malalaman ito nila Mama... at baka sumugod pa sila sa school.”

Kumunod ang noo ni Samuel. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang panyo, “They should know of this. Binubully ka ng mga estudyanteng ‘yon, Adelaide. They should pay. Malala pa ang mukha mo sa boxers ng Octagon!”

Napapikit si Ady sa lumalakas na boses ni Samuel. Hindi na napigilan pa ng kaniyang luha na tumulo.

“Do’n na lang tahimik ang buhay ko. Ayaw ko namang sirain pa ‘yun nila Mama.” sambit niya sa kabila ng panginginig ng kaniyang boses.

Napabuntong hininga si Samuel at saka binitawan ang panyo. Inilagay niya sa maglabilang pisngi ng dalaga ang kaniyang dalawang kamay at saka pinunasan ang mga luha nito.

“Stop crying, please.” mahinang bulong ni Samuel at saka pinagpatuloy ang pagpunas sa hindi na yata titigil sa pag-agos na mga luha ni Ady. “I hate seeing you like this.”

There is a certain remorse in Samuel’s voice that caught Adelaide off guard. Her heart slammed against her rib cage trying to process his words. He cares genuinely for her—iyon lamang ang tanging rason na naiisip niya sa tono ng boses ng Samuel.

Napatitig si Ady kay Samuel. Puno ng lungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Nasasaktan siyang nakikitang pati si Samuel ay naaapektuhan sa nangyari. Hindo niya gustong nakikita ang ganitong lungkot sa mga mata ng binata—at hindi na rin niya mapigilan ang nararamdaman niya para dito.

Pumikit si Adelaide at tinanggal ang kamay ni Samuel sa kaniyang pisngi. Hinawakan niya ito ng mahigpit, at saka hinayaan na lamang ang kaniyang ulo na magland sa balikat ni Samuel.

“Sorry.” mahina niyang bulong.

Napabuntong hininga na lamang si Samuel bago binitawan ang dalawang kamay ng dalaga. Inilapag niya sa kaniyang lap ang panyo at saka niyakap ang dalaga.

“You shouldn’t say sorry.” bulong lamang ni Samuel pabalik.

They’ve been hugging for solid minutes, nang kumalas si Samuel sa yakap.

“Come on, let’s try to fix your face first.” aniya at inilayo muli ang katawan ni Ady sa kaniya. Naghintay lamang ang dalaga sa susunod nitong gagawin.

Inabot ni Samuel ang kaniyang bag, at doon kinuha ang kaniyang tumbler. Binasa niya ang hawak na panyo at saka idinampi sa mukha ni Ady.

“Bibigyan ko sila ng punishment sa Monday, first thing in the morning. Walang matinong tao ang gagawa ng ganito kasama. Your face won’t stop bleeding.” aniya habang nakatitig sa pisngi ni Ady na namamaga. Dinampian niya ang bandang may graze sa pisngi ng dalaga. “How did you get this scratch?”

Napakurap si Ady. She was so immersed in staring at Samuel’s lashes. Napaka lapit ng mukha nito sa kaniya, and everything felt like a high definition movie. She was so focused on how his thick lashes curl every time he was dampening her cheek. His thick brows were so defined as they furrow together. Ady can’t help thinking na sobrang biniyayaan ang lalaki sa ganitong bagay. Ito na lamang yata ang tanging bagay na wala si Maxelle Delara— a thickness of natural eyebrows and lashes.

Panay ito make-up. Paglalagay ng sticker eyebrows na naglalast for a week. She kind of knew about that because of that time Daiah pointed it out (she sometimes use the same thing) and a magnetic eye lashes na inilalagay niya as extension sa kaniyang maninipis at kakarampot na lashes. Kung tutuusin, every single thing about Maxelle is fake, kumpara na lamang siguro sa hubad niyang katauhan. Even her attitude is fake, dahil napaka pakitang tao talaga especially sa mga instructors ng school. Ipinapakita niya lamang ang totoong kulay niya sa mga taong alam niyang mas mababa sa kaniya at hindi magsasalita laban sa kaniya.

“What are you thinking about?” tanong ni Samuel sa dalaga. He was watching her watch him. He was watching her intently.

Agad napaiwas ng tingin ang dalaga. She was caught staring. Halos maghuramentado ang puso ng dalaga.

“Some... things." she hesitated answering.

“What things?” tanong naman agad ni Samuel.

Pakiramdam ng dalaga ay sinilaban ang kaniyang mukha. Bakit ba siya binobombahan ni Samuel ng mga tanong gayong wala siyang kalaban-laban dahil lumilipad ang isip niya?

“Elias... and how he should have been there to help me instead of you.”

It was the wrong choice of answer. Napaigting ni Samuel ang kaniya panga ng marinig ang sagot ng dalaga.

“Of course. He’s your boyfriend.” sambit ni Samuel ng may pagkunot ng noo bago dumistansya sa dalaga. “Are you uncomfortable with me?” bigla ay tanong ni Samuel at saka tinignan ang dalaga.

Iniwas ni Ady ang kaniyang tingin kay Samuel at saka nagfocus sa kalye sa labas. “No.” tipid niyang sagot at hindi na muli pang nagtanong ang binata.

“Saan po tayo, Sir Samuel?” tanong ni Mang Dom na patuloy pa rin sa pagdadrive. Napansin ni Ady na wala sila sa daan patungo sa kanilang village.

“Nearest hospital—”

“No!” bigla ay sigaw ni Ady sa gulat sabat lingon sa binata. Kumunot ang noo ni Samuel.

“Why?”

“Malalaman ni Mama na nasa hospital ako.” nahihiyang sagot ni Ady at saka ay umiwas muli ng tingin sa binata.

Napabuntong hininga na lamang si Samuel at saka nilingon muli ang driver, “Nearest pharmacy na lang, Mang Dom. Bili ka ng peroxide at bulak, tas gauze at medical tape.”

“Doon lang po, Sir? Next stop po?”

“Pinaka malapit na makakainan. Drive thru is fine.” sagot agad ni Samuel at saka nilingon si Ady, “Are you hungry?”

Tumango na lamang dalaga at tipid na ngumiti. After all that happened, she needed strength para masikmura ang lahat. “Thank you, Samuel.”

Uminsan-tango lang si Samuel sa dalaga at saka ay lumingon na lang rin sa katapat nitong bintana.

***

“So, susunduin ba kita?” tanong ni Elias kay Ady kinabukasan ng hapon.

Nasa harap na ng vanity table ang dalaga at narolyo na rin sa curlers ang buhok nito. She asked for a lighter make-up from Hera. Nagpahinga lang siya saglit from taking care of her look dahil tumawag si Elias.

She was sitting on the couch at the other side of Ady’s room, while Ady was sitting on the swivel chair.

“I was thinking about it, Ellie... Samuel kind of told me na sabay kami...” sagot naman ni Ady.

“Sabay kayo?” tumawa si Elias, “Like he will fetch you?”

Napapikit ang dalaga. Hindi nga pala alam ni Elias ang sitwasyon nila. Pero hindi naman niya puwedeng sabihin na lamang ito sa lalaki.

“Basta, just wait for me there. Okay?” she ended the call bago pa man makapagreply si Elias. Agad na inilapag ni Ady ang kaniyang cellphone sa vanity table.

Kumunot ang noo ni Hera na hinila ang kaniyang katawan patayo mula sa malambot na couch.

“Hindi ka magpapasundo sa boyfriend mo, Miss Ady?” gulat na tanong ni Hera sa dalaga.

Pakiramdam ni Ady ay may masama siyang ginagawa sa suspicious na tono ng boses nito. Alam kasi ng katulong na boyfriend talaga ng dalaga si Elias kaya ganoon na lamang ang impact ng information sa dalaga.

“It wasn’t like that.” ani Ady, “It’s just more convenient na magsabay kami ni Samuel... since he’s living here. Iisa rin ang kotseng ginagamit namin.”

Nakakunot pa rin ang noo ni Hera na binuksan ang make-up kit ng dalaga.

“Hindi ba magseselos ang boyfriend mo niyan, Miss Ady?” tanong ni Hera.

Napakagat ng kaniyang ibabang labi ang dalaga. It was the question she was avoiding to answer. Hindi magseselos si Elias dahil pretend lang naman ang lahat. But she can’t just say na hindi ito magseselos dahil ang alam ng mga ito ay mag-on sila.

“It seems—”

Ady’s phone chimed. She immediately swiped it off the table and checked the message, silently thanking it for saving her from her most dreaded conversation topic ever.

Daiah: Are you going sa bday ng halimaw?

It was a message on Facebook Messenger from Daiah. Napabuntong hininga ang dalaga. Isa pa ito sa kaniyang problema. She was up last night thinking if itutuloy pa rin niya ang pagpunta sa most awaited birthday celebration ng babaing tila mortal enemy na yata niya.

But thinking about Elias going there without him, to think na alam ng lahat na nobya siya nito... It disturbs her.

Isa pa’t wala pa silang proper conversation ni Elias sa break up na gusto niyang mangyari for Daiah’s sake. And to think na nasa same party si Samuel, hindi siya makatulog sa ideyang hindi siya makapupunta sa event na iyon.

She finally decided na pupunta siya. Isa pa’t mukhang malaki ang event at hindi na naman siguro siya mapapansin ng ibang tao.

Adelaide: Oo, why?

Daiah: Okay... I’ll be out here waiting...

Adelaide: Don’t make it a big deal, Day, pls?

Daiah: Too late. Already a big deal.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka ay tinurn off na ang kaniyang cellphone. Mamaya na lamang siya makikipag-ayos sa kaibigan.

“Ano daw ang problema ni Daiah?” usisa naman ni Hera na halatang nakikibasa sa text ng kaniyang alaga. Napapikit na lamang ang dalaga.

“Hindi kasi siya kasama sa party. Circle of friends lang no’ng may debutant.” sagot naman ni Ady at saka inilapag muli sa table ang kaniyang cellphone.

“Gano’n? So ka-friends mo rin yung debutante?” tanong pa ni Hera habang naglalagay na ng primer sa mukha ng dalaga.

“Hindi... Ininvite niya lang ako kasi kasama ang boyfriend ko...”

Napangiwi si Hera, “Gano’n? Baka nagseselos na ‘yang si Daiah, ha? Na ikaw ang pupunta do’n hindi siya. Bigatin ba ‘yang magdedebut?”

Napabuntong-hininga na lamang si Ady, “Sobrang popular niya sa school, Hera.”

Kumunot ang noo ng katulong, “Ayan ang sinasabi ko. Inggit na itong si Daiah sa privilege na nakukuha mo. Dapat daw kasi siya iyon!”

Napailing si Ady, “Hindi naman po gano’n si Daiah.” sagot ng dalaga, determinadong nasa tama siya.

“Talaga lang ha?”

Tumungo si Ady at saka ngumiti sa dalaga.

Bumaba ng grand stairs si Ady suot ang isang flowing dress in Salmon Orange color. Cinched ang back straps nito on a metal beaded with diamonds. It was sleeveless for all Ady could care; Hera’s choice.The dress’ length was above her knee at medyo cut long sa likod.


She was wearing a nude stiletto na beaded din ng sparkling diamonds sa straps nito. Her long hair cascaded down her back. It was curly and perfect the way it is.

Samuel was sitting on the sofa sa living room noong magclick ang heels ni Ady sa wooden steps ng grand staircase. Kumunot ang noo ng binata ng makita ang suot ni Ady.

Adelaide on the other hand was too confident with her looks. She knew to herself the moment she saw her outfit and her whole self wearing it, na napaka ganda niya ngayong gabi.

“Isn’t that a little bit too much?” may inis sa tono ni Samuel nang makadating na ang dalaga sa kaniyang kinaroroonan.

Nakasuot si Samuel ang itim na tux, habang ang loob na polo niya ay salmon orange din.

“Bakit? Si Hera naman ang pumili nito ‘a.” aniya at saka nilingon si Hera na nakangiti sa dalaga.

“You’re showing way too much skin.” madiing sambit ni Samuel at muli ay tinignan ang hitsura ng dalaga. Agad pumagitna si Hera bago pa madiscourage ang kaniyang alaga.

“Teka nga,” sambit ng katulong, “Sir Samuel, itong damit na ito, isa ito sa mga regalo ng Ma’am Sophia kay Ady. Ibig sabihin lang no’n, pinapayagan siyang magsuot ng ganito. Wala hong problema doon.”

Napaigting ni Samuel ang kaniyang mga bagang at hindi na nagsalita pa. Tumalikod ito at saka na nagmartsa palabas ng mansyon, at patungo sa parking lot.

Lihim na napangiti ang katulong. Kitang-kita naman sa mga mata ni Samuel ang admiration sa kagandahan ng dalaga. Ang hindi lamang maintindihan ni Hera ay kung bakit pilit nitong itinatago ang nararamdaman para sa kaniyang alaga.

***

Tahimik ang naging biyahe patungo sa venue ng party ni Maxelle. Hindi siya kinibo ni Samuel buong trip, pero una at nagmamadali itong bumaba upang pagbuksan siya ng kaniyang pinto.

Lihim na napangiti na lamang ang dalaga. Pakiramdam niya ay sasabog ang kaniyang dibdib sa kilig na nararamdaman sa maliit na bagay na ginawa ni Samuel.

“Babe!” bigla ay sigaw ng boses.

Agad na binitawan ni Samuel ang kamay ng dalagang hawak pa rin niya dahil sa pag-alalay dito sa pagbaba ng kotse.

“Why are you wearing this?” tanong agad ni Elias ng mapansin ang suot ni Ady.

Kumunot na ang noo ng dalaga. Ganoon ba karevealing ang damit niya? Nanatili si Samuel sa kaniyang tabi na tila ba nakikinig sa pag-uusapan ng dalawa.

“May mali ba sa suot ko? Super inappropriate ba? Revealing too much... skin?” naparanoid nang tanong ng dalaga.

Samuel’s jaw clenched just hearing the words from Ady. Na para bang may importansiya lamang ang comments regarding her clothes if kay Elias galing ang pagtutol.

“No, you look gorgeous, babe.” complement ni Elias sabay wink sa kaniyang pretend na kasintahan, “I was only thinking that you weren’t wearing the respective color. Anyway, it’s fine. Nobody would mind as long as you look this pretty.”

“Mauna na ako.” sambit na lamang ni Samuel at agad nang naglaho sa kanilang puwesto. Tinignan pa niya ang binatang madaling naglalakad bago niya ibinalik ang atensyon kay Elias.

“Shall we?” tanong ng binata.

Tumango si Ady at saka ngumiti ng tipid sa binata. Hinawakan niya ang kamay ni Elias na nakalahad na sa kaniya.

“Let’s go.”

Continue Reading

You'll Also Like

289K 6.9K 35
After three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat...
24.6K 986 19
http://www.ebookware.ph/product/the-rightful-mr-right Kung kailan nagdesisyon si Karina na hanapan ng direksyon ang magulo niyang buhay, saka naman m...
1.1M 29.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
898 99 16
Karen's life was suspended for the past six years. Upholding a memory of a youngman who instilled love in her heart---the purest one. Until Frances c...