2 in 1 Book Critique

Galing kay 2in1Critique

14.2K 631 2K

A critique hub where critics really mean business. Higit pa

The Critique Hub
Rules to Follow
The Critique Process
Know Your Critics
Payment Terms
Form
Announcement
Target Dates
When Love is Undefined
Wintercearig
Asteria de Arcana - 1
Asteria de Arcana - 2
Deliciously Cursed - 1
Deliciously Cursed - 2
I Have Been Loving You - 1
I Have Been Loving You - 2
The Best of Me - 1
Darkest Regret - 1
Darkest Regret - 2
Announcement
Batch 2
Target Dates - Batch 2
A Mystery of Athena; it's you - 1
A Mystery To Athena: It's You - 2
Hell All Over Again
Hacienda Dela Vega: Natalie - 1
Hacienda Dela Vega: Natalie - 2
Fragment of Memories - 1
Soul Watcher - 1
Prince of Denmark
Thirteen Days of Summer Vacation
The Magical Mermaid - 1
In Between Worlds
Batch 3
The Outcast - 1
The Outcast - 2
Vendetta - 1
Vendetta - 2
Beyond The Midnight Sun - 1
Sands and Sparrow
Warning
Ang Mutya ng Salamin - 1
Ang Mutya ng Salamin - 2
Natalie: The Awakening - 1
Natalie: The Awakening - 2
Pragma
Update
Sixty-Minute Memories of First Love
Tales of Zestaria: Seven Deadly Sins
Draw me closer
Mission 143
Fater lovers - 2
Ang maalamat na reyna ng babaria

Fated Lovers - Kaluawalhatian Chronicles - Book 1

125 5 63
Galing kay 2in1Critique

Author: -IndieWriter-

Critic: charmdiatz

Genre: Fantasy/ Romance

Target: 16 and above

A. OPENING

Prologue

Maganda 'yong pagkakabuo ng mga pangungusap. Nakaka-impress. Komonekta rin kaagad sa akin 'yong mga tauhang nabanggit dahil naramdaman ko 'yong emosyon nila. Nando'n 'yong awa ko kay Amanikable, but at the same time, hindi ko naman makuhang magalit nang tuluyan kay Maganda. Mukhang may rason naman kasi 'yong huli kung bakit gano'n na lang ang galit nito. Hindi binanggit kung ano man iyon. I think, ito 'yong kukuha ng atensyon ng readers.

Tamang-tama lang para sa akin kung saan nagtapos itong prologue. Kung may pupunahin ako, iyong bandang huli lang, mukha itong minadali at parang kidlat sa bilis 'yong mga pangyayari.

Chapter 1

Malaking tulong 'yong prologue kung bakit naging mas interesting itong part ng libro. Maayos din 'yong pasok ng information, pero may mga part lang na vague. I'm not sure kung sinadyang i-withheld iyon, or dahil sa maligoy 'yong ibang pagkaka-narrate kaya naging malabo sa akin iyong information na gustong i-relay.

Peace. I just hope na hindi ikaw iyong klase ng writer na pagsasabihan 'yong reader na hindi inintinding mabuti 'yong binasa kaya hindi nakuha ni reader 'yong daloy ng kuwento. Trabaho po ng writer na ipaunawa sa reader ang kanilang binabasa.

With regards to dialogue, maganda sana, kaya lang nadi-distract ako sa dialogue and action tag. Halos kasi lahat ng dialogue, nilagyan mo nito. Bumagal sa akin 'yong pacing dahil doon. Ang main purpose ng dialogue tag ay para malaman ng reader kung sino 'yong nagsasalita. Kung dalawa lang naman sila, bakit pa kailangan mong lagyan every line?

Kapag strong din 'yong dialogue, mafi-feel ng reader 'yong intensity ng emotion without the tags describing how the characters delivered their dialogue (i.e. sarkastiko niyang sagot, kinikilig nitong sabi). I'm not saying that they're wrong. Bawasan lang o gawin mong action beats para naman maiba.

B. CONFLICT

From the start, present na 'yong conflict, both internal and external conflict. Thumbs up ako pagdating dito.

Nando'n din 'yong tension. In fact, mahusay 'yong pagkakasulat para ma-feel ng reader 'yong emotion ng mga tauhan. I'm not sure lang kung okay 'yong strategy na ginamit mo sa chapter 6 nang isiningit mo 'yong flashback sa kalagitnaan ng action scene. For me, namatay 'yong excitement (tension) nang ipinasok 'yong flashback at hindi na na-regain 'yon no'ng bumalik uli sa action scene.

C. PLOT

Pinaghalo-halong genre ito – romance, action at fantasy – pero swabe 'yong pasok ng mga eksena. Consistent kasi 'yong tone, kaya feel ko na isang libro lang 'yong binabasa ko.

Nagustuhan ko 'yong plot. Naipakita rito kung gaano tayo kayaman sa literatura. Actually, 'yong ibang characters dito, ngayon ko lang na-encounter.

D. SETTING

Wala akong gaanong issue dito. Na-describe siyang mabuti.

E. CHARACTERIZATION

These are my impressions about the characters based on the six chapters that I'd read.

Henry/ Amanikable – Maganda 'yong characterization ni Henry. Likable yet strong. He has flaws yet perfect. Kumbaga, hero material siya sa isang romance story.

Fate/ Maganda – You need to work more para ma-convince ako sa character niya. Ilang taon ba siya nang ma-in love kay Miguel? Twelve or younger than that? At that age ba, alam na niya ang konsepto ng pag-ibig? Ang intindi ko, hindi typical na attraction lang, kung 'di malalim na pag-iibigan. I hope ma-establish sa kuwento kung bakit ganoon na lang ang pagmamahal ni Fate kay Miguel.

Nakulangan din ako sa consistency ng emotion. By that, I mean, consistency of emotion with regards to the situation she's in.

Example:

Sa chapter 2, nong makita ni Fate si Henry sa gitna ng kalsada (daming sasakyang tumatakbo), nakuha niya pang hangaan ang kakisigan nito? Last time na nagkita sila, tinangka niya itong patayin. Idagdag pa na hindi alam ni Henry na naging imortal siya. Then ang first reaction, natuliro siya dahil subconsciously ay attracted siya sa asawa? Kung nandoon ka sa ganoong sitwasyon, 'yon ba ang initial reaction mo?

Confusing din, lalo pa't binanggit na may feeling pa rin si Fate kay Miguel at may kinikimkim siyang galit sa asawa. I know na sa loob ng limang taong pagsasama nila ni Henry, maaaring nagkaroon din ng pitak si Henry sa puso ni Fate, pero hindi ko na-witness 'yong nangyari sa limang taong pagsasama nila bilang mag-asawa. Dahil d'yan, naging premature 'yong description ng emotion ni Fate sa eksenang 'yan. Iyong dapat sanang makiki-emphatize ako sa internal conflict ni Fate ay hindi ko naramdaman. Kabaligtaran ang nangyari, hindi ako naniwala sa kaniya.

No'ng nabunggo siya at nagkabali-bali 'yong buto niya, tama bang reaction 'yong napahiya lang siya? Hindi naman simpleng pagkatapilok o pagkadapa lang 'yong nangyari.

Eric/ Sitan – flamboyant and care-free 'yong attitude niya rito. Lihis ito sa general perception about demons. I'm not saying that this is wrong. Ang demons naman ay nagtatago sa iba't ibang anyo. But so far, 'yon ang tingin ko sa kanya. Hindi siya maangas.

F. DIALOGUE

1) Pay particular attention to your dialogue and action tags. Nasobrahan 'yong iba, nawawala 'yong concentration ko sa sinasabi ng mga tauhan. May mga time na kailangan kung basahin uli 'yong dialogue (without the tags) para lang makuha ko kung ano 'yong conversation nila

2) Differentiate an action tag from a dialogue tag. Kapag 'di mo alam 'yong pagkakaiba, mali 'yong punctuation na nagagamit at mali rin 'yong pagka-capitalize (o 'di pagka-capitalize) ng dialogue o actiong tags.

Example:

Nakangiti is not used as an action word, but an adverb. Dini-describe kung paano niya sinabi 'yong dialogue. That example is a dialogue tag, so it should be:

"Nagpalayo-layo siya kasama ng lalaking mahal niya at namuhay sila nang maligaya," nakangiti niyang sagot bagama't parang tinutusok ng mga mumunting karayom ang kanyang puso.

If it's an action tag, it should have been written this way:

"Nagpalayo-layo siya kasama ng lalaking mahal niya at namuhay sila nang maligaya." Nakangiti siya bagama't parang tinutusok ng mga mumunting karayom ang kanyang puso.

Or,

"Nagpalayo-layo siya kasama ng lalaking mahal niya at namuhay sila nang maligaya." Ngumiti siya bagama't parang tinutusok ng mga mumunting karayom ang kanyang puso.

**

Here are other tags na dapat sana ay dialogue tags (lower case):

mulagat niyang tanong

nagniningning ang mga matang sagot ni Ms. Caticlan

kumurap-kurap ang mga matang tanong niya

And, these are the action tags na dapat naka-upper case:

Natatawang natampal niya ang noo. (C5)

Alanganing itinuro ni Arabella ang mga kulisap na nakapalibot sa kanila. (C6)

3) Separate narrative sentences that do not belong to the person who spoke the line of dialogue.

Example:

Underlined sentences should be written in a separate paragraph.

➡Iyong conversation ni Henry at Fate sa chapter 4 ang best dialogue na nabasa ko. Buhay na buhay 'yong mga characters dahil sa delivery ng dialogue. Mapapansin mo rin na walang masyadong interruption sa dialogue dito compared sa naunang chapter. At kung mayroon man, maikli lang. Kung hindi ako nagkakamali, dito nag-umpisang nag-improve 'yong dialogue.

E. POINT OF VIEW

TPP – Omniscient. Ang isang challenge ng TPP-omniscient kapag Filipino ang language na gagamitin ay kung sino 'yong tinutukoy ng panghalip na 'siya'. Mahusay 'yong pagkakasulat nito kaya madaling kong nasundan kung sino 'yong gumagalaw.

Isa lang ang concern ko (see image below).

Since third person ito, 'di ba dapat doon/roon imbes na rito/dito ang gagamitin dahil iyong narrator ay hindi bahagi ng kuwento? Sa tingin ko, ang dito/rito ay mas applicable kapag first person POV. Anyway, this is just my opinion.

H. SHOW VS TELL

Generally, it's okay. May mga part lang na nasobrahan 'yong pagdi-describe. Medyo wordy 'yong sentence kaya nahati 'yong atensyon ko. Hindi ko alam kung anong uunahing i-assimilate ng isip ko.

Example:

Natutulirong marahas niyang ipinilig ang ulo.

Ba't 'di mo paghiwalayin para mas madaling ma-absorb ng reader 'yong binabasa niya? Like:

Natutuliro siya. Marahas niyang ipinilig ang ulo.

Something like that, but I'm sure mas mapapaganda mo pa ito.

**

Napapangiwing hindi magkandaugaga na mabilis niyang isinuot muli ang hospital gown upang takpan ang sarili.

Bukod sa dalawa 'yong predicate dito, nasobrahan din 'yong descriptive words na ginamit. Para sa akin mas malinaw kung isa lang 'yong gagamitin. Mas maganda rin kung may connecting words.

Example:

Napapangiwi siya habang hindi magkandaugagang isinuot niyang muli ang hospital gown upang takpan ang sarili.

Or,

Napapangiwi siya habang mabilis niyang isinusuot ang hospital gown upang takpan ang sarili.

Puwede pa rin namang gamitin 'yong hindi magkandaugaga pero mas madaling intindihin kung isusulat ito sa isa pang pangungusap.

**

Hinding-hindi niya makakalimutan ang matinding galit na nakabalatay sa mga enigmatiko nitong mata habang puno ng desperasyong nakatitig sa kanya.

Na-overwhelm ako. Wala tuloy image na nabuo sa isip ko. Mas maganda kung i-expound mo 'yong desperasyon at isulat iyon sa ibang sentence.

I. FORMAT OF THE TEXT

Malinis. Na-distract lang ako dito:

Mas maganda siguro kung instead of numbers, ibahin mo na lang 'yong font (normal text). P You're basically telling your readers that those are words not common to everyone and they need to research them. Since mabait ka naman at ayaw mo silang pahirapan, then ilagay mo na lang sa bottom 'yong meaning ng mga term na 'yon. But be careful sa pagbigay ng information. Dapat, fact and well-researched talaga iyon. Like itong information (see below), mukhang mali ito.

Shaytan refers to an entity that is rebellious - irrespective of whether it is of the humans, jinn or animals. It is also said to mean 'a nefarious soul, who is distanced from Allah (s.w.t.) and Truth'.

From the usage of this word in the Qur'an, it can also be inferred that Shaytan is used to denote a harmful being - one who has deviated from the right path and has embarked upon a mission of distressing others; an entity that attempts to create division, discord and corruption.

J. GRAMMAR AND SPELLING

Tulad ng nauna ko nang sinabi, maganda 'yong pagkaka-construct ng sentences, pero may ilan akong nakitang dapat bantayan. Tulad ng:

1) Pagbabaybay

nagpalayu-layo (nagpalayo-layo)

liguy-ligoy (ligoy-ligoy)

napatangu-tango (napatango-tango)

buntung-hininga (buntong-hininga, pero ang dapat talaga ay buntonghininga)

Ayon sa Manwal ng Masinop na Pagsusulat, hindi na kailangang palitan ng u ang o kapag inuulit ang salitang ugat. Kung gusto mong malaman 'yong explanation nito, paki-download mo na lang 'yong manwal sa internet.

**

aliping sa gigilid (aliping saguiguilid o aliping sagigilid)

2) Ng vs Nang

Tama naman 'yong paggamit mo nito. Pero napansin ko lang na may isang rule na hindi ka aware. Iyong tuntunin na nang ang ginagamit sa pagsasabi ng paraan o sukat.

Example:

namuhay sila ng (nang) maligaya

mabuhay ng (nang) walang hanggan

kailangan kong manamit ng (nang) ganito

kumuyon ng mahigpit (kumuyom nang mahigpit)

ngumiti ng matamis (ngumiti nang matamis)

3) Punctuation mark

Walang bantas o maling bantas ang ginamit.

Example:

"Okay, we'll stop the discussion here(.) (A)s for your assignment, write a two-page reaction about this story."

Complete stop after the word here. Magkaiba na kasi 'yong diwa na sinasabi sa una at pangalawang pangungusap.

**

Bagama't matagal na panahon na ang lumipas(,) hanggang ngayon tila sariwa pa rin sa kanyang alaala ang nakaraan.

Ang totoo(,) halos makalimutan niya na nga 'yon.

Kapalit ng tinanggal na ay iyong comma.

**

Ano ba'ng sinasabi mo,(?) Eric ang pangalan – "

Patanong 'yong sentence, kaya dapat question mark.

4) Gitling

limampu't-lima (limampu't lima)

Wala nang gitling dahil mayroon nang kudlit.

**

pagkaka-upo (pagkakaupo)

ka-imik-imik (kaimik-imik)

pang-sagwan (pangsagwan)

nag-a-anyo (nag-aanyo)

Ginagamit ang gitling upang paghiwalayin ang pantig na nagtatapos sa katinig at ang sumusunod na pantig na nagsisimula sa patinig. Halimbawa: pang-upo.

5) Redundant/ Unnecessary words

Example:

Humantad ang tunay niyang anyo bilang ang kinatatakutang bathala ng karagatan na si Aminakable.

Namilipit 'yong dila ko no'ng binasa ko 'yong bilang ang kinatatakutang. I dunno kung dahil iyon sa magkakasunod-sunod na nagtapos sa 'g' 'yong words na ginamit. O, dahil wordy 'yong sentence.

**

Napasigaw siya sa sobrang sakit nang tila parang sinisilaban ang buo niyang katawan at parang natutunaw sa nagbabagang apoy ang kanyang mga kalamnan.

Twice na ginamit 'yong parang sa loob ng isang pangungusap. Tapos may parang na nga, may tila pa.

**

Napapantastikuhang animo'y hindi makapaniwala na pinasadahan niya ito ng tinging mula ulo hanggang paa.

Humina 'yong impact ng sentence dahil sa issue ng redundant terms. Pareho lang ang ibig sabihin ng napapantastikuhan at hindi makapaniwala.

**

Weak 'yong sentence dahil sa sunod-sunod na gamit ng salitang laro.

6) Awkward sentences

Example:

Maya-maya pa'y unti-unting humaba ang maitim nitong buhok at naging kulay pilak.

Hindi parallel 'yong sentence kaya awkward itong basahin. Length 'yong pinag-uusapan tapos napunta sa kulay. I think it's better if you'll write it this way:

Maya-maya pa'y unti-unting nagbago ang maitim nitong buhok at naging kulay pilak. Humaba rin ang maikli nitong buhok.

Or,

Maya-maya pa'y unti-unting humaba ang maikli nitong buhok at ang dating itim na kulay nito ay naging pilak.

7) Petsa/ Araw

Days and months are always capitalized.

Example:

lunes (Lunes)

OVERALL IMPRESSION:

It's impressive. You have a unique way of crafting sentences. You also have a great plot and at the very start, conflict is already there. I just hope that you'll not sacrifice a good story for the sake of a twist.  Being vague also leads to confusion.

Example:

From Chapter 1

Kulang ang impormasyon. Hindi binanggit kung bakit nawala na ang pagmamahal nito at kung kailan nangyari iyon.  

Itong passage ba sa ibaba ang katuloy ng nasa taas?

From Chapter 7:

Kung 'yan nga, sa tingin ko, mahihirapang i-connect ng reader 'yan. Nagtataka rin ako kung bakit kailangan mo pang paghiwalayin 'yang information. Connected sila, so I don't think na matatawag siyang info dump.

Make your narrative tighter, para hindi paulit-ulit ang pagkukuwento. I also suggest na basahin mo 'yong buong narration ng dalawang example sa taas. Makikita mo 'yong inconsistencies sa mga statement. Like, sa Chapter 1, binanggit na nagkakaroon na si Amanikable ng pitak sa puso ni Maganda, pero sa Chapter 7, sinabi namang wala siyang kakayahang magmahal pa ng iba.

Mahusay 'yong pag-describe ng emotion. Ang kailangan lang siguro, kung papaano mo ibi-build up 'yong sexual tension at kung paano mo paiigtingin 'yong feelings nila (internal conflict) sa isa't isa.

Good luck sa story mo and I hope marami pang magbasa nito. Isa ito sa mga nabasa ko na masasabi kong may potential.

Cheers!

charmdiatz

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

317K 12.3K 44
Rival Series 1 -Completed-
57.7K 210 16
This story is not mine credits to the rightful owner 🔞
3.7K 216 18
Mature content | R -🔞 | SPG "REINCARNATION SERIES 1" Ang kwentong ito ay tungkol kay Sage Axis Ferrer Arseo, isang mabangis na killer machine na na...
3.6K 213 11
Welcome to Captain's book awards: Break Your Record! Sa mga gustong sumali, maaaring bisitahin ang libro para sa mga karagdagang impormasyon. Ito ay...