Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

200K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 30: Rescue!

4.2K 298 73
By GYJones

Hinding-hindi makakalimutan nina Father Markus, Jules, Hannah, Dean, Tony at Andy ang kanilang nasaksihan nang pasukin nila ang Bahay na Itim upang i-rescue si Lucas sa kamay nina Juan Satan at ng mga Satanista. Doon natunghayan nila ang isang nakahihindik na ritual.

Bago nila mapasok ang Bahay na Itim ay kinailangan muna nilang gawan ng paraan ang dalawang Satanistang nagbabantay sa harapan ng bahay na armado ng mga baril.

"Okay, safety off," sabi ni Andy, at hinanda nilang kanilang mga baril. Sa hudyat ng private investigator ay maingat silang naglakad tungo sa Bahay na Itim. Malayo pa lamang ay dinig na nilang nag-uusap ang dalawang Satanistang bantay sa entrance.

Dapat kasama tayo sa ritual! Kaya nga tayo sumali para doon!
Bakit tayo pa pinagbantay?
Gusto ko ring i-alay ang katawan ko!
Buti pa si Stephen kasama!

Malalakas ang mga boses nila pagka't tulad din ng bantay sa warehouse na ni-raid nina Andy at Tony, ang mga ito'y tila mga sabog at lasing din. Pero hindi mapagkakaila sa mga pangungusap nila, na handa nilang ialay ang sarili para kay Juan Satan at sa kanilang samahan.

"NBI! Taas mga kamay! Raid ito!" sigaw ni Tony na nakatutok ang kanyang shotgun.

Gulat na napataas ng mga kamay ang dalawang mga Satanista nang makita ang mga taong naka-jacket na may tatak na NBI. Yari! Anila. Na-caught-by-surprise sila. Agad na pinagkukuha ni Andy ang kanilang mga baril, at matapos posasan at paluhurin sa lupa ay inutusan ni Andy sina Marissa at Vic na bantayan ang dalawang mga Satanista.

"Kami nina Padre at Hannah sa likuran," sabi ni Andy. Tumango si Tony, sila nina Jules at Dean naman ang papasok sa harapan.

Madilim ang loob pagpasok nila Andy sa back entrance, walang ilaw maliban sa ilang mga sinding kandila na nasa candle holders sa pader.

"Malamang nasa ritual na 'yung iba," aniya ni Andy.

Sa harap, wala ring nadatnan sila Tony.

"Bilisan natin," kabadong sabi ni Dean.

"Sumunod lang kayo," sabi ni Tony na nauuna dalang 12-gauge shotgun niya.

Nasa malaking sala sila na itim ang mga furnitures, carpet at dingding.

"Doon," turo ni Tony sa hallway.

Sa likuran, ang pinasok nina Andy, Father Markus at Hannah ay ang kusina at hapag-kainan.

"Pati tiles itim," pansin ni Hannah, at kay Father Markus. "Father, dapat sinuot mo 'yung itim mo, perfect na camouflage 'yun."

"Dito," senyas ni Andy nang makita ang mahabang hallway.

Nang pasukin nila ang hallway ay nagulat sila't muntik pang magpaputok. Pagka't sa dilim ay nakasalubong nila sina Tony, Jules at Dean.

"Shit, kamuntikan na," iling ni Tony.

"Dapat ata may code signal tayo," sabi ni Jules.

"Saka night vision goggles," sabi naman ni Dean.

"SHHH!" saway ni Andy sa kanila, pagkatapos ay tinignan ang GPS tracker ng kanyang cellphone. Sinundan nila ang P.I. at pinasok nila ang kuwarto kung nagbihis sina Pam at ang mga death metal chicks.

"Hayun ang bag ni Pam," turo ni Hannah.

Dinampot ni Andy ang handbag at kinapa sa ilalim ang nakatagong GPS tracker. Nakita naman ni Dean ang mga damit nina Pam at ng mga death metal chicks sa lamesa, at na-imagine nila na hubo't hubad ang mga ito somewhere sa loob ng bahay.

"Guys, hanapin natin si Pam," may panic na sabi ni Dean at nagmamadaling humakbang palabas ng kuwarto.

"Teka lang!" pagpigil ni Andy. "Hindi natin alam kung nasaan..."

Biglang narinig nila ang malakas na mala-dimonyong ungol.

"Anak ng...ano 'yun?" sabi ni Tony.

"Si Lucas," sabi ni Father Markus.

Umalingawngaw pa ang ungol. Nagsilabasan sila, hinahanap ang pinagmumulan ng ungol. Palabas ng hallway at tungo sa hagdanan na paakyat ng second floor. Dahan-dahan pagka't lumalangitngit ang kahoy nito sa bawat yapak nila. Nang marating nila ang ikalawang palapag ay nakita nila ang kuwarto na may nakasardong pintuang kulay itim na may simbolo.

"Sigil of Baphomet," turo ni Jules. Walang duda na sa loob nagaganap ang ritual.

Nilapat ni Tony ang tenga niya sa dingding at tumango, senyales na sa loob nga nanggagaling ungol. Pero siya'y napakunot-noo pagka't parang kakaiba ang ungol ngayon kaysa sa kaninang narinig nila. Sumenyas si Andy ng kanyang mga daliri, na sa bilang niya ng tatlo, papasukin nila ang kuwarto.

One...two...three...

Tinadyakan ni Tony ang pintuan at ito'y bumukas at nagpasukan silang lahat, ang mga baril nakatutok.

At lumuwa ang kanilang mga mata sa nakita sa loob ng kuwarto.

Orgy.

Ang buong kuwarto ay nasa kalagitnaan ng isang orgy.

***

Isang Satanic Orgy ang ditanan nila sa loob ng ritual room. Na ang ungol palang narinig ni Tony sa dingding ay mula sa mga nagtatalik na mga Satanista at mga death metal chicks. Ang kanilang hubad na mga katawan nagniningning sa liwanag ng mga kandila. Maging ang Reverend ay nasa ibabaw ng babaeng altar, at si Juan Satan ay naka-dog style sa leader ng mga death metal chicks.

"What...the....fuck?" mulat na sabi ni Hannah.

"Shit..." react ni Jules.

Napa-kurus si Father Markus, sina Andy at Dean ay napanganga, at si Tony nama'y napangiti—nguni't agad namang nahimasmasan at sumigaw, "NBI! RAID ITO!" Ang malalim niyang boses ay nag-echo sa buong kuwarto.

"NBI! TAAS MGA KAMAY!" sigaw din ni Andy.

Nguni't tila hindi sila napansin pagka't patuloy pa rin ang pagtatalik. Kung kaya't pinaputok ni Tony ang kanyang shotgun sa kisame. Naglaglagan ang piraso ng kahoy, at saka pa lamang natigilan ang mga nagse-sex. Pero imbes na matakot ay kaswal lamang silang nagsipagtayuan. Hindi sila natakot sa di-sabog na baril pagka't sila mismo'y mga sabog—ecstasy at alak ang nagsilbing matinding aphrodisiac.

Pinalibutan nila Andy ang paligid. Ang mga baril nila'y nakaumang at may warning na papasabugin ang bungo ng sinumang tataliwas ng galaw. Hindi naman nakaporma ang mga Satanista pagka't malayo sila sa kanilang mga baril na nasa sulok ng kuwarto, kasamang kanilang hinubad na mga damit.

"WALANG GAGALAW!" sigaw ni Andy habang humakbang patungo sa altar, at tinutukan ng baril ang Reverend at si Juan Satan.

"Pam! Nasaan si Pam?!" sigaw ni Dean.

Inisa-isa nila ang mga hubad na death metal chicks.

"GIRL! NASAN KA?!" sigaw ni Hannah.

"PAM!" sigaw ni Dean.

Nakita nila si Pam na nakahiga sa gilid ng altar at tila walang malay. Isang sabog na Satanista ang nakahawak sa boobs niya.

"Fuck!" sigaw ni Dean at itinutok ang baril niya doon sa Satanista. "Anong ginawa mo kay Pam?"

Ngumiti lang ang sabog na Satanista kung kaya't sinapak siya ni Dean. Inalalayan nila si Pam na suot pa ang kanyang nightgown at hindi hubad tulad ng lahat. Nagkaroon na siya ng malay.

"B...bakit ngayon lang kayo?" mahinang sabi ni Pam na mapungay pang mga mata.

"Anong nangyari, Pam? May ginawa ba sa 'yo?" tanong ni Dean.

"Relax, long hair," sabi ni Juan Satan. "Hindi siya nagalaw."

Kinumpronta ni Andy si Juan Satan. "Ikaw," sabi ng P.I. "Nasaan si Lucas?"

Ngumiti lang si Juan Satan at sinabi, "Kilala kita. Nagkita na tayo." At sa lahat sinabi, "Hindi kayo tunay na mga pulis...mga hinire kayo ng Don."

Tinutok ni Andy ang barrel ng kanyang kalibre .38 sa mukha ni Juan Satan. "Uulitin ko," mas matigas niyang hayag. "Nasaan si Lucas?"

Katabi ni Juan Satan ang Reverend na kaswal na dinampot ang kanyang red robe sa sahig at isinuot. "Ibaba ninyong mga baril ninyo," sabi ng matanda. "Wala kaming ginagawang masama dito. Ito'y lahat sa katungkulan ng aming paniniwala. Ayon sa aming bibliya ang pagtatalik ay naayon..."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin pagka't sinampal siya ng baril sa mukha ni Andy.

"Ang masasabi ko lang sa 'yo," sabi ni Andy. "Fuck you, pervert."

Pumutok ang noo ng matandang Reverend at umagos ang dugo. Na-shock siya. Hindi niya akalaing gagawin sa kanya iyon. Ganoon din ang gulat ng mga Satanista na nawala ang mga tama nila. Namula sa galit si Juan Satan nang makita ang ginawa sa kanilang pinuno. Nanlilisik niyang hinarap si Andy at itinutok ang dalawang mga kamay sa simbolo ng "horns" kung saan ang hintuturo at hinliliit ay nakaporma na parang sungay.

"Anong ginagawa mo?" pagtataka ni Andy.

"Hex symbol! Binibigyan ka ng curse!" may alarmang sabi ni Jules.

Pero hindi natakot ang private investigator, bagkus, ginaya pa niya ang pormang "horns" sa kanyang mga kamay at itinutok iyon kay Juan Satan. "Curse mo? Binabalik ko sa 'yo! Gago!" sigaw ni Andy.

At ito ang nakapagtatakang sumunod na nangyari. Nang ginawa iyon ni Andy ay napaatras si Juan Satan. May naramdaman siya. Na parang tumalab ang counter-hex na iyon. Nakita sa mukha niya ang takot, at ang tila nakapansin lang noon ay sina Jules, Hannah at Father Markus. Tinutok muli ni Andy ang baril sa ulo ni Juan Satan.

"Si Lucas. Nasaan si Lucas?!"

"Sinong Lucas? Walang Lucas dito," sabi ni Juan Satan.

Pero may na-sense si Hannah. "Nandito siya. Nandito siya kuwarto!"

"Lucas!" sigaw ni Father Markus. "Pinapunta kami ni Don Carlos. Ng papa mo! Pinapunta kami ni Miguel!"

At narinig nila ang mahinang boses.

"Miguel?"

Mula sa likuran ng itim na kurtina sa sulok ay lumabas si Lucas. And for the first time, nakita nila ang kambal ni Miguel. Bagama't maputla ito at bakas ang mga natuyong sugat sa katawan, ay mukha siyang normal at hindi possessed.

"N...nasaan si Miguel?" tanong niya.

"Dadalhin ka namin sa kanya," paglapit ni Father Markus sa binata at hinawakan sa balikat, at naramdaman niyang kasalukuyang wala nga si Satanas sa katawan niya.

Pinulong nila sa isang sulok sina Juan Satan, ang Reverend at ang mga Satanista, kanilang mga kamay nakatakip sa kanilang mga ari. Mga hitsura'y tila mga na-raid sa casa. Pinalabas nila ng kuwarto ang mga death metal chicks na nagtakip ng kanilang mga katawan gamit ang hinubad nilang mga nightgown. Diretso sila sa ibaba—sa kuwarto kung saan naroon ang kanilang mga damit at bag. Kasunod nila sina Father Markus, Jules, Hannah, Dean, Pam at Lucas.

"Anong nangyari? Nagblackout ata ako," tuliro pa si Pam habang pababa ng hagdan.

"Oo, girl," sagot ni Hannah. "Nag-black out ka sa Bahay na Itim."

"Hindi ka tuloy nakasama sa orgy!" sigaw ng leader ng mga death metal chicks. "Hinimatay ka bago mo mainom 'yung alak!"

"Hindi ka tuloy nabiyayaan ng eternal beauty! 'Di tulad namin!" sabi ng isa pa. At sa kanyang mga kasama, sinabi, "'Di ba, mga biatch?"

Nagsigawan ang ibang death metal chicks, "Yeah, we party! We party! 'Til eternity, baby!

We party. Biatch. At nabuko na hindi talaga sila mga death metal groupie kundi ay mga hip-hop bitches. Turns out, nagpanggap lamang sila para ma-meet si Juan Satan. Nakahinga naman ng maluwag si Dean na malamang hindi na-rape si Pam.

"Thank you, God Jesus," aniya.

Matapos makapagbihis at makuha ng mga babae ang kanilang mga bag, lahat sila'y daliang lumabas ng Bahay na Itim. Sa kuwarto sa itaas, dinig nina Andy at Tony ang pagtawag sa kanila nila Jules at nagsimula silang humakbang palabas ng kuwarto.

"Magkikita uli tayo..." matigas na sabi ni Juan Satan kay Andy. "Ninanakaw n'yo ang hindi sa inyo. Si Lucas ay pagmamay-ari ng aming panginoon!"

Ngumiti lang si Andy at sinabi, "Sure."

Pagkatapos ay lumabas sina Andy at Tony ng kuwarto. Gamit ang butt ng shotgun ay winasak ni Tony ang doorknob para hindi agad makalabas ang mga Satanista. Sa labas naroon na ang iba na naghihintay.

"Let's go!" hudyat ni Andy.

"Tapos na?" sabi ni Hannah. "Olats naman palang mga Satanista na 'yan eh. Nasayang lang training namin sa baril. Ni hindi kami nakapagpaputok."

Nang marinig iyon ay may naisip si Andy. Nakita niya ang itim na Ford van ng mga Satanista. "Yun!" turo niya. "Pagpraktisan n'yo 'yun!"

Nagulat si Father Markus sa hayag na iyon pero bago pa niya sila mapigilan ay nauna nang ikinasa ni Tony ang kanyang shotgun at pinasabog ang windshield ng van. Sa gulat, ang dalawang bantay na mga Satanista na nabihag nila kanina ay biglang kumaripas ng takbo papunta sa madilim na talahiban. Nakaposas pang mga kamay nila.

"Bayaan n'yo na sila!" sabi ni Tony kina Marissa at Vic.

Excited na ikinasa nina Hannah, Jules, Dean at Pam ang kanilang mga baril at pinaputukan ang itim na van. Nakisali rin sina Marissa at Vic. Inaya pa nila si Father Markus nguni't tumanggi ang pari. Natuwa naman ang mga death metal chicks sa anila'y fireworks, at nagsipagdiwang muli. We party, we party 'til eternity! kanilang sigaw. Nang matapos ang putukan ay butas-butas ang itim na van ng mga Satanista, sabog ang mga gulong nito, basag ang mga salamin, at nagsilaglagan ang mga side mirror.

Pagkatapos ay nagtakbuhan sila papaalis, pabalik ng maputik na daan patungo kung saan nakaparada ang Revo at Pajero. Paalis, may pahabol pa si Dean. Lumingon siya sa Bahay na Itim, ngumarat at sumigaw.

"Fuckyou all! CHRISTIAN METAL PA RIN!"

Pasado alas-dose na ng madaling araw. Madilim ang daan pabalik ng Manila. Naka-bright ang headlights ng kanilang mga sasakyan. Sina Father Markus, Dean, Pam, at Andy sa Revo na maneho ni Hannah. Driver naman si Tony ng kanyang Pajero at sakay sina Vic, Marissa at ang anim na mga death metal chicks—na ihahatid nila pabalik ng Cubao. Balak pa ng mga death metal chicks na mag-party kung saang may bukas pa na club. High pa sila na nagce-celebrate sa anila'y natamong "eternal beauty."

"Mr. Tony! Patugtog naman kayo ng hip-hop!" request ng mga death metal chicks, correction, ng mga hip-hop biatches na pala.

"Hiphop? Ang meron lang ako eh Elvis," sabi ni Tony, at kanyang sinaksak sa car stereo ang CD, at bumulaga sa car speakers ang kantang "Hound Dog."

Na pinatulan na rin ng mga hiphop biatches. Nahawa na rin sa saya nila sina Tony, Marissa, at Vic, at nagsipag-sing-along.

Samantala, sina Dean at Pam ay ihahatid naman nina Jules, Hannah, Father Markus, at Andy sa apartment bago tumuloy ng Forbes Park para iuwi si Lucas sa mansion ng mga Villaromano.

"Mission accomplished! Yeah JHS!" masayang sigaw ni Hannah habang maneho ang Revo at nagyoyosi.

"Wagi, girl! At hindi ako na-rape!" masayang sigaw ni Pam mula sa likuran.

"Thank you, Jesus!" mas masayang sigaw ni Dean na katabi niya.

"At salamat kay Mang Andy! At kay Mang Tony at doon pa sa dalawa!" hudyat pa ni Hannah.

Nagsipag-cheer uli sila, at panay ang tapik ng pasasalamat sa balikat ni Andy na nasa gitang upuan ng Revo katabi si Father Markus.

"Ayos ba, Padre?" ngiti ng private investigator sa pari. "Panalo ang good sa evil."

"At ina-assume ko na kaya ka sa amin sumakay ay maniningil ka sa Don," sabi ni Father Markus.

Lumawak ang ngiti ni Andy. "Syempre naman, Padre."

"'Di pa tayo tapos, may exorcism pa tayong gagawin," paalala ni Jules na nasa passenger side katabi ni Hannah.

Ngayong na-rescue na nga nila si Lucas, ay magagawa na nila ang Double Exorcism nila ni Miguel, at mapatalsik na nang tuluyan si Satanas sa katawan ng mga kambal.

"Kayang-kaya na natin 'yan, Jules!" sabi ni Hannah. "Nasa atin na si Lucas, ano pa bang problema natin?"

Para kay Andy, pakiramdam niya'y hindi pa tapos ang problema nila.

Sa Bahay na Itim, nang maglabasan sina Juan Satan at mga kasama niya ay nagulat silang makita ang kanilang van na tadtad ng bala. Nanggigilait si Juan Satan. Nilapitan siya ng Reverend na namumula pa ang mukha sa pagkakasampal sa kanya ng baril ni Andy.

"Alam mo na ang gagawin mo," sabi ng Reverend.

Tumango si Juan Satan at hinarap ang mga Satanista.

"Maghanda kayo," aniya. "Dadanak ang dugo!"



NEXT CHAPTER: "Reunion"

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 30K 6
[COMPLETED] Tagalog Vampire Story. PHYSCIAL BOOK IS NOW AVAILABLE ON SHOPEEEE. please search IMMAC or Magical Vampire Academy. Thank you to all MVA...
203K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...
17K 1.4K 34
Cursed Stories #1 | A lie will cause harm, so is the truth. *** A novelette. "Rain, rain, go away. Come again another day." There's a curse in Lorrai...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...