PABAAAM!
I dedicate this to @HaveYouSeenThisGirl Denny BAVES!! Ang napakabait at napakagaling na author ng Diary ni Eya, Voiceless, She Died.. at maraming marami pang ibaaa! Halos lahat nabasa ko na! Excited na ko sa kwento ni MEMO!! I love you baves!! I super love your works! HAMAZING! HEVERYTHING! GL sayo! Ingat ka lagi diyan sa Italy! UWI NA!!!! FOODTRIP tayo!! libre mo ko!! ^o^ hohoho! sa ngayong tweet tweet muna tayo! Thanks nga pala ulit for fanning! muwahugsss!!
Akira's POV
Miss na miss ko na si Jiyoung. T^T
Simula kasi nung naospital si Jinah, lagi siyang wala dito sa bahay. Siya kasi yung nagbabantay kay Jinah kasi wala dito yung mga parents niya. Parehong nasa abroad.
1 week na rin siyang nagbabantay dun. Minsan di ko na siya nakikitang umuuwi dito. Ang sabi naman nila tita di lang kami nagkakaabot. Pag umaga kasi wala siya, bumabalik lang siya ng super late na pero hinihintay ko naman siya, yun nga lang di na nakakayanan ng powers ko, nakakatulog ako!! Amp! Bwiset na mata to!
AHA!!
Pupunta na lang ako dun sa ospital! Pagdadalhan ko sila ng specialty kong SOPAS! Alam ko magugustuhan nila yun!! :)
..............
I'm here at the hospital na!!
Bilis noh?! Fast forward!
Bubuksan ko na sana yung pinto..
"Don't worry.. Di kita iiwan promise, nandito lang ako. Gagaling ka din."
Magkayakap sila. </3
"Promise mo sakin yan ah. Kahit anong mangyari wag mo ko iiwan. Lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko parang walang pakialam sakin. Si mommy at daddy, kahit alam nila na may sakit ako ni minsan di man lang magpunta dito. Lagi na lang phone call, padala ng pera. Di naman yun ang hinahanap ko eh..*sobs."
Nakakaawa naman si Jinah. :(
Di ko na tinuloy yung pagepal o pagsira sa moment nilang dalawa. </3
I think it's better kung umalis na lang ako dito.
Hallway~
"Ang sweet nung dalawang couples sa room 144 noh?"
"oo nga eh. Laging nandun yung guy. Nakakinggit si ma'am Jinah. Ano nga ulit pangalan nun?"
"Jiyoung yata. Grabe ang swerte ni ma'am dun noh? hayy..hayy..sana ako din."
Naguusap yung dalawang nurse. So akala nila magOn si Jinah at Jiyoung?
"Excuse me. Pwede po makisuyo? Pakiabot po ito kay Jinah at Jiyoung? I heared kilala niyo po sila?"-me
oo. Ipapaabot ko na lang sa mga nurse 'tong niluto ko.
"ahh opo. Kaano ano niyo po silang dalawa?"
chismosang mga nurses! pambihira.
"Friend. ay miss, kamusta na nga po pala ang lagay ni Jinah?"
"Ayaw niyo po bang pumasok sa loob?"
argghh! Susungalngalin ko na tong nurse na to eh! Ang daming tanong!
"Ah. hindi na kailangan. Next time na lang. Nagmamadali na din kasi ako eh."
"ahh okay po. Si miss Jinah po, di pa po siya masyadong okay. Lumala po kasi yung asthma niya, it can lead to heart complications pag di naagapan."
Ahh.. kaya pala di siya maiwan ni Jiyoung. I understand.
"O sige po. Salamat."
Naglalakad lang akong tulala. Nandito na ko sa may kalsada.
Grabe di ko alam kung san ako dadalhin ng paa ko. Gusto ko lang makapagisa.
Bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko? Parang may fear?
Yun bang takot na baka sa isang iglap lang,
makalimutan ni Jiyoung na I exist.
hayy.. masyadong madrama.
....
*BEEP *BEEP!!
O___________O
"Akira!!!!"
>.< Napapikit lang ako.. Ano na nangyari?
Tuluyan na ba kong namatay?
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko... At nakakita ko ng liwanag.
Tama nga kayo. Patay na siguro ako. May anghel kasi sa harapan ko ngayon.
"Akira! Okay ka lang ba?!"
"J-Jason?!"
"Hoy Miss!!! Magpapakamatay ka ba?! Kung oo wag dito! Mangdadamay ka pa!!!!"-driver
"Ano ba kasing nangyayari sayo? Bakit tulala ka kanina? Muntik ka pa tuloy masagasaan!!! Tara nga dun tayo."
My Angel. Siya nanaman ang nagligtas sakin.
Worried na worried siya. Inakay niya ko papunta dun sa may gilid ng daan.
"oh ano? Explain!" galit din siya. Siguro nga dahil sa sobrang pagaalala.
"Galing kasi ako sa ospital. Dadalhan ko sana sila ng pagkain si Jinah at Jiyoung. Tapos ano..."
Tiningnan niya lang ako na parang sinasabi na. tuloy lang....
"My angel...natatakot kasi ako na baka sa isang iglap lang, makalimutan na ko ni Jiyoung eh..Lagi kasing di na kami nagkakausap. Di na din kami nagkikita dahil lagi siyang nagbabantay kay Jinah.."
*Pak!
hmp. Batukan daw ba ko?!
"Aray! Bakit mo ko binatukan?!"
"Eh kasi naman di ako sanay na nagkakaganyan ka! Halika nga rito."
Mas lumapit ako sa kanya then....he hugged me.
"Wag ka ngang magisip ng ganyan. Pag nangyari man yun, ako na mismo ang bubugbog kay Jiyoung! Never ko pa siyang patulan sa mga kasungitan niya sakin noon pero pag ginawa niya yun sayo, manghihiram siya ng mukha sa kabayo!"
Hahaha! Natawa naman ako dun sa kabayo!!
"Oo na! Ikaw na sweet na bestfriend! Pero naisip ko din na di dapat ako nagkakaganito. Wala kasi akong karapatan. Di niya naman ako girlfriend."
Biglang humigpit ang pagkakayakap niya sakin.
"Mahal mo ba talaga si Jiyoung?"
"oo..."
Nagbuntong hininga siya.
"Kung ganon...Bigyan mo ng karapatan ang sarili mo."
"huh? paano?"
"Sabihin mo na sa kanya na mahal mo na siya.....sagutin mo na."
That strucked me. Oo nga naman. Nagiinarte ako dito pero di naman kami. Beyond mutual undertstanding na kami ni Jiyoung, so I guess tama si Jason.
Then bumitaw na siya sakin. He looked at me and I smiled at him.
"Thank you! Siguro nga tama ka. I'll say that to him on our birthday."
Sinabi ko na ba yun? May 8. Birthday namin pareho ni Jiyoung. Yun yung nasa Lotte World kami dati. Narinig niyo ba yung sinabi ko? Mukhang hindi eh. So that's it. Nagulat nga din ako nun eh. Pareho pa pala kami.
Next week na yun.
"Basta My Angel.. I'm always here for you. Lagi mong tandaan yan."
After our dramatization! lol.
Namasyal kami ni My angel!! Sabi niya para daw makalimutan ko yung kaEmohan ko.
Sana tama ang desisyon ko.
--------------------------------
TADAAA!!
Last update bago ko hawakan ulit ang mga libro ko.. hayy apat na subjects pa ang exam sa Monday. Wish me luck!! Lalo na sa Economics.. mahh gawd!
VOTE! VOTE! COMMENT! COMMENT!! ^___^ v
Ppuing~ Ppuing~
SweetestGongju^^