Huling Himagsik

By KuyaDitalach

34.2K 2.2K 517

Highest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matali... More

¡Disfruta leyendo! (Enjoy Reading!)
Tenkyu su mats!
Capítulo Uno
Capítulo Dos
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Cinco
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Trece
Capítulo Catorce
Capítulo Quince
Capítulo Dieciséis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Dieciocho
Capítulo Diecinueve
Capìtulo Veinte
Ćapitulo Veinte Dos
Lawa ng Perlas
Author's Note
Author's Note

Ćapitulo Veinte Uno

873 32 16
By KuyaDitalach

[Kabanata 21]

"Lapastangan!" Galit na sigaw ng Heneral nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mamukhaan dahil nandidilim na ang paningin ko.

"H-heneral? M-magkakilala kayo?" Nanginginig na tanong ni Tomaclas. Tahimik pa rin ang paligid, dahil sa tensyon ng bawat isang nandito.
Ang iba ay napaluhod dahil sa sobrang kaba at ang iba ay naiiyak na.

Lumapit sa akin ang heneral at iniharap ako sa kanya. Pinunasan nya ang dugo na lumalabas mula sa labi ko maging ang mga luhang kanina pang pumapatak.

"Bebegerl ipagpaumanhin mo" sambit nung heneral nila at dun ko na napagtanto kung sino ang lalaking iyon.

Tumayo syang muli ang humarap kay Tomaclas, at sa mga kasamahan nyang nambugbog sa akin.
"Hindi ako madaling magalit, ngunit hinding hindi ko hahayaang saktan ninyo ang babaeng iyan!" Galit na sambit ni...

Mateo.

"Ipagpaumanhin mo Heneral. Hindi namin alam, nais lang namin na mahuli ang mga magnanakaw sa San Luis gaya nga ng inutos sa amin ng iyong ama" nagmamakaawang sagot ni Tomaclas kay Mateo.

"Ngunit ang binibining ganiyan kaganda, ay mukha bang magnanakaw?!" Sigaw ni Mateo at sinuntok sa mukha si Tomaclas.

"Ipagpaumanhin mo heneral. Ipagpaumanhin mo!" Pagmamakaawa ni Tomaclas habang nakaluhod sa harap ni Mateo.

"Mula ngayon, ay tinatanggalan na kita ng posisyon bilang taga-pamahala ng mga Guardia Civil dito sa San Sinumpaan!" Sigaw ni Mateo.

"Ngunit heneral, hindi maaring basta-basta mo na lamang tanggalan siya ng posisyon" Pakikisali nung lalaking nasa bandang kanan nya. Sa tingin ko'y mabait ang lalaking iyon.

"Ngunit sinaktan nila si Bebegerl!" Galit na sigaw nya.

Sa gitna ng mainit nilang pagtatalo, ay doon na ako nakaramdam ng matinding pagkahilo at nagsimula ng magdilim ang paligid.

"Bebegerl? Ayos ka lamang ba?"

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at napansin kong wala na ako sa headquarters nila. Nandito ako sa isang maliit ngunit napakalinis na kwarto.

"N-nasaan ako?" Tanong ko kay Mateo at sinubukang bumangon.
"Sandali bebegerl. Wag ka munang bumangon. Hindi pa kaya ng iyong katawan" sagot nya at pinigilan akong bumangon. Napansin ko rin na may mga dahon na nakatapal sa akin. So ibig sabihin nagamot na ako?

"Nandito ka ngayon sa aking maliit na silid Bebegerl. Nandito pa rin tayo sa San Sinumpaan" sagot ni Mateo na ikinagulat ko.
Andito ako ngayon sa kwarto nya? Waaaah! Myghad, ayoko pa! Bata pa ako, marami pang pangarap sa buhay!

"Huwag kang mag-alala bebegerl. Sa papag ako mahihiga" sabay turo doon sa isang sulok na may nakalatag na maliit na tela at isang unan.

Hindi ko inaasahan ngunit natigilan ako ng magtama ang aming mga mata. Kaagad din iniiwas dahil na rin siguro di pa din nya nakakalimutan yung nangyari sa amin.

"Magpahinga ka na bebegerl. Magpapahinga na rin ako" sambit ni Mateo at ngumiti, tatayo na sana pero pinigilan ko sya.

"Anong nangyari kay Tomaclas at sa kasamahan nya?" Tanong ko kay Mateo. Nawalan na ako ng malay kanina at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

"Inalis ko sila sa kanilang posisyon." Diretsong sagot nya.

"Ngunit bakit? Bakit ginagawa mo ito sa'ken sa kabila ng mga hindi magandang nagawa ko sayo? Bakit nananatili kang ganyan saken?" Tanong ko sa kanya. Sandaling tumahimik ang paligid. Humarap sya sa akin at tinitigan ako ng mata sa mata.

"Sa totoo lang, nagtatampo talaga ako sa iyo bebegerl. Napakabilis mong magdesisyon ng hindi iniisip ang maaaring mangyari sa hinaharap. Taandaan mo bebegerl, kung ano ka ngayon, bunga iyon ng desisyon mo kahapon. At kung ano ka bukas, bunga iyon ng desisyon mo ngayon" Panimula nya.

"Maaaring may mga pagkakataon na pinag-iisipan mo ako ng masama. Pinipilit kong maging malinis ang pagkakakilala mo sa akin, nang sa gayon ay manatili ka. Manatili sa piling ko"

"May mga pagkakataon na nasasaktan mo ang damdamin ko, ngunit sa tingin mo ba ay sapat na iyong dahilan upang hahayaan ko ang pinaka iingat ingatan kong binibini ay sasaktan lamang nila ng ganun-ganun na lamang?" patuloy pa nya. At tumayo na.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makita kong nahiga na rin sya.
Kailangan ko ng matulog, kailangan kong magkaroon ng lakas para harapin ang bagong hamon sa akin ng buhay.

Kinabukasan, nagising ako ng wala si Mateo sa hinihigaan nya. Teka, saan naman kaya nagpunta yun?
"Magandang umaga po Binibini" masiglang bati sa akin ng isang babae na sa tingin ko'y 38 years old na. Maputi sya kaso medyo pandak.

"Magbihis na daw po kayo binibini, sapagkat ihahatid na raw kayo ni Heneral Mateo sa San Luis" masiglang bati nya at maingat na iniabot sa akin ang isang magarang baro't saya.
"K-kanino ito?" Tanong ko sa kanya.

"Binili po iyan ni Heneral Mateo kanina. Nais daw po niya na maging komportable ka" nakangiting tugon nya sa akin. Teka para nakaka echos naman yung ngiti nya.

"Maraming Salamat" tugon ko sa kanya. Inalalayan naman niya akong tumayo at sinamahan papunta dun sa maliit na parang liguan.
"Ang akin pong ngalan ay Matilda. Kung may kailangan po kayo ay tawagin nyo lamang ako. Narito lamang po ako sa labas" sabi nung babae na Matilda pala ang pangalan.

Napatingin akong muli sa kulay pulang pula na baro't saya. Napakasimple lang pero napakaganda.

Maya maya pa'y natapos na ako sa pagbibihis. Sa totoo lang ayoko pa umuwi, kaso wala akong magagawa, takot na takot na ako dahil baka mabugbog ulit.
Pero paano kung di pa rin ako tanggapin ni ama? Anong gagawin ko?

"Bebegerl Angelita? Tara na, iuuwi na kita sa inyo" bati sa akin ni Mateo na ngayon ay naka barong tagalog na pula rin. Ugh!
Anong meron? Ha?

"Pero di ko alam kung tatanggapin ako ni ama. Pinalayas niya ako at hindi pa ito ang tamang oras para magpakita ka kay ama" tugon ko sa kanya. Napatingin ako sa mata nya at napansin ko ang pagka disappoint.
"Ganoon ba bebegerl? Sige ipapahatid na lang kita sa mga Guardia Civil" tugon nya. Alam kong gusto nya akong ihatid pero bawal talaga e. Hays

Kaso ayaw ko pa talaga umuwi e. Huhu

"Kung gusto mo, mamasyal na lang muna tayo? Ipasyal mo ako dito sa bayang pinamumunuan mo" tugon ko sa kanya sabay ngiti ng malaki. Hihi

Napatigil naman sandali si Mateo at napaisip.
"Ayos lang ba sa iyo?" Tanong nya sa akin.

Tumango ako sa kanya at binigyan ng nagpapacute na look. Mwehehe
"Hmm... Sige bebegerl. Maraming magagandang lugar dito" Masiglang tugon ni Mateo at niyaya na akong lumabas.

Sinabi niya sa akin na dadalhin daw niya ako sa bahay na nasa taas ng puno.
Dahil mula raw doon ay matatanaw ang kabuuan ng San Sinumpaan.

Habang kami ay naglalakad, napansin ko ang mga babae at lalaki na nakapula rin? Hala jusko.

"Mateo? Anong meron? Bat andaming nakapula?" Tanong ko kay Mateo habang patuloy ang paglalakad.
"Sapagkat ito ang araw ng Sumpaan bebegerl" tugon nya sa akin sabay ngiti.

Teka sumpaan? Ha? Di'ko nagets.

"Ang araw na ito, ay ang araw kung saan ang isang Ginoo ay magtatapat ng kanyang pag-ibig sa isang binibini, at susumpang mamahalin siya ng totoo" panimula nya.

"Dito lang sa bayan na ito nagkakaroon ng ganitong pangyayari, kung kaya't tinawag itong San Sinumpaan" patuloy pa nya. So parang Valentines nila dito? Haha ang kyut naman. Naka red talaga silang lahat. Pati yung mga maliit na bata, kahit na ang ilang parte ng damit ay may butas na, ay ayos lang sa kanila.

"Kung gayon ay magtatapat ka rin ng pag-ibig sa iyong minamahal?" Tanong ko kay Mateo. Ngumiti ako sa kanya at napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
"H-hindi pa ito ang tamang oras bebegerl" sagot ni Mateo. Haha #hotseat.

"Pero bakit? Ito ang tamang araw para sa ganiyan" sagot ko naman sa kanya. E kasi naman e, sayang ang oppurtunity.
"Masyadong mabilis ang mga pangyayari bebegerl. Hindi ko rin alam kung magugustuhan rin niya ako" sagot ni Mateo habang nakatanaw sa malayo.

"Sino ba ang iniibig mong iyan?" Tanong ko kay Mateo at mas lalo syang namula. Yyiieee malande.
"Narito na tayo bebegerl" sambit ni Mateo sabay turo dun sa maliit na kubo na nasa taas ng mga puno.

"Kaya mo bang umakyat bebegerl?" Tanong nya sa akin. Aba, ako pa hinamon nito. Kaya ko nga umakyat sa puno ng saging e HAHAHAHA
Tumango na lang ako sa kanya bilang response at ilang sandali pa ay nakaakyat na kaming parehas

"Bebegerl? Tumingin ka sa dakong iyon" sambit ni Mateo.

Waaaah!. Myghad!
And shiiiiiit! Sobrang ganda ng vieeeeew! Kitang kita mula rito ang dalawang naglalahikang mga lawa ng San Luis. Ang lawa ng luha at lawa mg Perlas. Myghad! I can't believe I'm seeing this!

"Napakagandang tanawin!" Masiglang tugon ko kay Mateo. Nilalanghap ko ang sariwang hangin at tila niyayakap ito.
"Magandang tanawin, kasing ganda ng binibing kasama ko ngayon" sagot ni Mateo. Mwehehe enekebenemen. Di keye.

Ikaw talaga Mateo ha. Wag kang ganyan. Marupok si Angelita, este si Angela!

"Mateo? May tanong ako" pag-iiba ko ng usapan. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakaupo sa pintuan ng maliit na kubo.
"Ano iyon bebegerl?"

"Bakit mo iniba ang usapan kanina?" Tanong ko sa kanya at tiningnan sya nga nakaka echos na look.
"Sapagkat ayaw ko munang pag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon" Tugon nya sa akin at ibinaling muli ang tingin sa labas.

"Bakit naman?" Kasi curious talaga ang lola nyo e.
"Sapagkat hindi pa ako handa." Sagot ni Mateo.
"Ikaw? Sino ang Ginoong iyong nagugustuhan?" Tanong nya sabay ngiti. Waaaah! Yung dimples kyah!

"Hmm...wala" sagot ko sa kanya. Tumayo sya mula sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.
Dug Dug! Dug Dug!

"Talaga? Wala?" Tanong nya sabay ngiti ng super nakaka echos hahahaha.
Wag mo akong pilitin Mateo. Baka madulas tong dila ko at ikaw ang masabi ko. Mwehehe

"Wala naman talaga e." Sabay tulak sa kanya ng bahagya para lumayo sa akin.
Shit napahawak ako sa may tyan. Ugh may abs.
"Hindi ako naniniwalang wala kang nagugustuhan bebegerl. Ikaw pa ba?" Biro sa akin ni Mateo. Haha baliw talaga sya.

"Meron, pero sa akin na lang muna iyon" sagot ko sa kanya. Teka, bat parang hapon na agad? Ang bilis naman.
"Mateo? Anong oras na?"

"Alas tres na ng hapon bebegerl" sagot ni Mateo na talaga namang ikinagulat ko. Alas tres na agad? Bat feeling ko wala pang isang mimuto kami nag-uusap.
"Bat ang bilis naman?" Tanong ko sa kanya.

"Sapagkat alas dos na ng hapon ka na po nagising kanina bebegerl" Sagot nya sa akin at napatakip sa bibig para pigilan ang pagtawa.
Aba parang luko haha

Sinamaan ko na lang sya ng tingin dahil alam kong malakas talaga sayad neto sa ulo. Hihi
"Oo nga pala bebegerl. Ipakikilala kita sa aking Lola Guadalupe. Marami kang matututunan roon" masayang sambit ni Mateo. Hays namiss ko tuloy si Lola Anusencion.

Ilang saglit pa ay nakababa na rin kami sa tree house ni Mateo. Nilibot namin ang San Luis. Napakarami naming kulitan at talagang di sya mauubusan ng pang-asar.

"Alam mo bebegerl. Si Lola Guadalupe ang nilalapitan ng mga tao rito maging sa karatig bayan kapag nais nilang malaman ang kanilang hinaharap" pagbasag ni Mateo sa katahimikan. Alas syete na kasi ng gabi at papunta na kami sa sinasabing bahay ni Lola Guadalupe.

"Kung gayon ay malalaman niya ang hinaharap ko?" Excited na tanong ko kay Mateo. Nakooo baka matutulungan nya akong malaman ang mangyayari sa misyon ko. Myghad. Dis is it!

"Hindi ko alam bebegerl e. Hindi ko pa nasusubukang itanong sa kanya kung anong hinaharap ko" sagot ni Mateo.

"Kung gayon ay bilisan na natin ang pagpunta roon." Sabi ko sa kanya at hinawakan sya sa wrist. Hinila ko sya para mabilis kaming makarating.

Sa isang maliit na bahay kubo, ay may isang matandang matanda na babae akong natatanaw. Sa tingin ko'y 92 years old na sya. Halata kasi dahil puting puti na ang buhok at nalalagas na.

"Magandang gabi po Lola Guadalupe" masayang bati ni Mateo sabay bless. So ako naman, ganun din ginawa ko.

"Mabuti naman at nabisita ninyo ako apo" sambit ni Lola Guadalupe. So ayun pala ang lolang tinutukoy ni Mateo.

"Nais ko pong ipakilala sa inyo ang magandang binibini na kasama ko ngayon" sabay tingin sa akin ni Mateo.

"Iyan ba ang kasintahan mo?" Biro ni Lola Guadalupe. Natawa naman sila parehas kaso ako hindi. Nagulat ako na kinilig mwehehe.

"Kaibigan ko lamang siya Lola." Sagot ni Mateo at tumingin sa akin.
"Ako nga po pala si Angelita hehe" bati ko kay Lola Guadalupe at ngumiti kahit napipilitan.

"Maupo na muna kayo mga apo" anyaya ni Lola Guadalupe at pinaupo kami sa papag.
Gawa lang sa kawayan ang kanilang papag at napansin kong wala ring mga upuan sa paligid. Tanging lamesa at higaan na nasa sulok lang ang nakikita ko ngayon.

"Mag-iingat kayong dalawa ha" bilin ni Lola Guadalupe. What? Diko gets haha

"Mag-iingat po saan?" Natatawang tanong ni Mateo kay Lola.

"Naniniwala kami sa matandang kasabihan, na kapag nahalikan ng lalaki ang babae ng hindi sinasadya, ay mabubuntis ito"  diretsong tugon ni Lola Guadalupe   na naging dahilan para mapatakip ako ng aking mukha.

Napatingin ako kay Mateo na ngayon ay bigla na lang namula ang tainga.

Hindi naman ako agad nakapagsalita, ganun din si Mateo. Na para bang pinipigilan kami na magsalita. Hindi ko maibuka ang aking bibig dahil sa hiya ko sa nangyari sa amin ni Mateo.

"Bakit ganiyan ang inyong mga reaksyon? Wag ninyong sabihin na..." Hindi na natapos ni Lola Guadalupe ang sasabihin nya.ng biglang nagsalita si Mateo.

"Hilig ko po ang pagpipinta!"

"Opo! Hilig po niya ang pagpipinta" pakikisali ko. Sa pamamagitan noon ay maiiba ang topic. Jusko! Di'ko pa keri ang buntisan moment na ito. Ano na lang ang sasabihin ng totoong Angelita? Na malandi ang kaluluwang pumalit sa kanya? Ganun? Nako nako.

"Alam ko iyon apo. Hindi ba't ako ang nagsanay sa iyo noon" sagot ni Lola Guadalupe.

"Masyado na pong malalim ang gabi. Kailangan na po naming umuwi ni binibining Angelita" sagot ni Mateo na namumula pa rin hanggang ngayon. Napansin kong hindi siya makangiti gaya ko.

"Kung gayon ay naiintindihan ko. Babae si Angelita at delikadong magpagabi" tugon ni Lola.

Nagbless na kami at umalis dahil baka mabuking pa kami ni Lola Guadalupe.

Habang nasa kalesa kaming dalawa ni Mateo, pabalik sa kanyang tinutuluyan dito sa San Sinumpaan, ay wala kaming imikan. Alam kong katulad ko, ay naiilang siya. Hindi siya sanay sa mga ganung pangyayari lalo na at lalaki sya.

Alas dyis na ng gabi, nang kami ay makauwi.
Hindi na kami nag dinner dahil busog pa kami sa kinain namin kanina noong nagpunta kami sa maliit na palengke ng San Sinumpaan. Marami kaming pagkakatulad ni Mateo, kahit na mayaman si Mateo, ay mas pinipili pa rin niya ang mga pagkaing simple lang.

Katulad na lang ng inihaw na saging, at ginataang ube. Grabe, kahit walang asukal na inilagay sa mga pagkaing iyon, ay talagang napakasarap at tamang tama sa panlasa. At syempre, hindi nawala ang kwentuhan namin ni Mateo. Doon ko siya mas nakilala lalo.

Hindi rin mawawala ang paghampas ko sa kanya sa tuwing natatawa ako sa mga joke nya.

Wag kayo dyan. Close na kami ni Mateo. Mwehehe dahil na rin siguro palabiro at mabait siya kung kaya't hindi siya mahirap na pakisamahan.

"Bebegerl, ayos ka lamang ba?" Tanong ni Mateo sa akin.
Eto na naman yung favorite line nya. Parang araw-araw lagi niyang tinatanong kung ayos lamang ba ako.

"Oo ayos lang ako. Ikaw ba? Ayos ka lamang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang, hindi ako ayos bebegerl. Kinakabahan ako" Tugon ni Mateo sa akin.

"Kinakabahan saan?" Tanong ko kay Mateo. Sa pagkakataong iyon ay napansin kong muli ang pamumula ng kanyang tainga. Iniwas niya ang tingin nya sa akin at ibinaling sa bintana.

"Wala bebegerl." Matipid na tugon nya.
"Sabihin mo na sa akin. Kaibigan mo ako diba?" Tugon ko sa kanya at nilapitan siya. Umupo ako sa tabi niya para makausap ko sya ng mas maayos.

"Bebegerl? Nais mo na bang magkaroon ng asawa?" Seryosong tanong nya sa akin. HAHAHAHAHA anong ibig niyang sabihin?

"Bakit mo naman naitanong iyon?" Tanong ko sa kanya at pinigilan ang sarili sa pagtawa.
"Sagutin mo na lamang ang tanong ko bebegerl. Pakiusap"
At napansin ko ko ang pamumuo ng kanyang mga luha.

"Hmmm. Hindi ko alam" sagot ko sa kanya. "Bakit mo ba kasi naitanong? Yayayain mo akong magpakasal?" Biro ko sabay tawa sa kanya. Pero sa halip na tumawa ay mas lalo lang naging seryoso ang mukha ni Mateo.

"Sige, simulan natin bilang isang magkasintahan" sagot ni Mateo.
Aba! At sineryoso ang joke ko hahahahaha
"Seryoso ka sa sinasabi mo Mateo?" Tanong ko sa kanya habang natatawa pa rin.

"Pakiusap bebegerl. Magseryoso ka muna" tugon nya. At doon na ako tumigil sa pagtawa. So seryoso nga talaga sya sa sinasabi nya.

"Natatakot lang ako dahil baka...
baka nabuntis kita bebegerl" seryosong sagot nya.
So naniniwala sya sa sinabi ni Lola Guadalupe? Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi basta-basta mabubuntis ang isang babae ng dahil sa isang halik lang.
Pero sa bagay, kasabihan iyon, kung kaya't di na ako magtataka kung bakit ganun na lang mag react si Mateo.

"E anong gusto mong mangyari?" Tanong ko naman.
"Papanindigan ko ang batang dinadala mo bebegerl. Ayokong mawalan siya ng ama" sagot nya.

"Pero paano natin sasabihin sa mga magulang natin?" Alam kong hindi ako buntis pero kailangan kong respetohin ang paniniwala ni Mateo.

"Hindi ko rin alam. Ngunit huwag kang mag-alala. Gagawan ko ng paraan" tugon nya pero seryoso pa din ang mukha.
"Ngumiti ka na Mateo, maaayos din ang lahat" sagot ko at ngumiti sa kanya ng sincere. Ang pang ngiti ay nakakapag pagaan ng loob kung kaya't mahalaga ito lalo na sa mga taong nagmomroblema.

1am na ng matulog kami ni Mateo.

Kinabukasan, maaga na naman akong ginising ni Matilda dahil uuwi na daw kami ni Mateo sa San Luis.
Nakatanggap daw kasi si Mateo ng sulat galing kay ama. At hinihiling na iuwi na ako sa hacienda.

"Bebegerl? Kamusta naman ang iyong tulog? Mahimbing naman ba?" Tanong ni Mateo. Kasalukuyan kaming bumabyahe ngayon papunta sa San Luis.

"Maayos naman. Dala na rin siguro ng matinding pagod kung kaya't nakatulog ako agad" sagot ko sa kanya. Aba aba. Ang galing ko na magtagalog ah. Hahaha

"Mabuti naman kung ganoon" tugon nya sabay tingin sa labas.
Napakalapit lang ng San Sinumpaan sa San Luis at pagkalipas ng sampung minuto ay nakarating na kami.

Sinalubong ako ng maraming yakap at halik ni Almira, ganun na rin si ate Antonia at ina. Habang si kuya Antonio ay masayang nakatingin sa amin.
"Maraming salamat amigo sa pag-iingat sa aming kapatid" sabi ni kuya Antonio sabay tapik sa balikat ni Mateo.

"Walang anuman iyon, ayaw kong mapahamak si bebegerl" tugon nya sabay ngiti at tumingin sa akin. Yyiiee kilig naman ako sa part na yun. Enebe, merepek eke.

"Heneral? Sa aming hacienda ka na mag tanghalian" natigilan ako ng marinig mula kay ama ang salitang iyon.
Teka? Bat parang biglang nagbago ang ihip ng hangin? Na brainwash ba si ama? Parang kailan lang, galit na galit siya ah.

"Naku Don Romulo, napakalaking karangalan iyon para sa akin." Sagot naman ni Mateo kay ama at nagtawanan sila.

"Kung gayon ay tara nang umuwi." Anyaya ni ama at pinasakay na kami sa kalesa. Sa kasamaang palad ay hindi ko katabi si Mateo dahil kasama sya nina ama. Aba, at nagsasanay na sya ha. Nakikipag close amp.

Makalipas ang 30minutes ay nakarating na kami sa hacienda. Napansin ko na napakaraming pagkain na nakahain. May selebrasyon ba? Anong meron? Teka naguguluhan na talaga ako ha.
Maging si Mateo ay naguguluhan rin. Isa-isa na kaming umupo, ngunit bakit di pa rin nag aanunsyo si ama na kumain na kami?

"Narito na po sila" sabi ni Aling Merlita. Napatingin ako sa labas at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa bahay namin ngayon.

Sina Gobernador Lorenzo at si Karlos. Waaaaah! Wats hapining in dis kantry.
Emegesh naguguluhan na talaga ako.

Teka...baka alam na nila yung plano namin ni Mateo na magpapakasal kami soon.

"Ikinagagalak kong ianunsyo ang isang napakagandang balita" sabi ni ama habang nakatingin sa aming lahat. Nasa magkabilang dulo nakaupo sina Gonernador Lorenzo at ama. Habang magkaharap si Karlos at Almira. Yiieee.

At syempre hindi kami magpapakabog dahil magkaharap din kami ni Mateo ng upuan. Oh diba?

Samantalang si kuya Antonio at ate Antonia naman ang magkaharap.

Pero wait. Anong magandang balita ang tinutukoy ni ama?

"Sapagkat nagkasundo kami ng aking kaibigan na Gobernador Lorenzo, na tutulungan nya ako sa negosyo ng ating pamilya. At mas lalong papalawigin ito." Masayang anunsyo ni ama at bakas sa kanyang mga ngiti na talagang masaya sya. So ibig-sabihin mag jo-join force ang family Lorenzo at Family Anastacio?

Napansin kong tumayo si Mateo na tila may i-aanunsyo rin.
"May nais rin po akong sabihin sa inyong lahat." Panimula nya at tumingin sa akin.

Nginitian ko sya na para bang nagsasabing susuportahan ko sa lahat ng sasabihin nya.

"Don Romulo, Donya Josefa, Amigo Antonio, Binibing Antonia at Binibining Almira. Nais ko po sanang ligawa..." Hindi natapos ni Mateo ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Aling Merlita.
Nu ba yan! Panira ka ng moment e. Yun na e! Konting kembot na lang. Huhuhu sabunutan kita dyan aling Merlita e. Jk

"Ipagpaumanhin po ninyo ang aking paggambala, ngunit nariyan na po sina Padre Cabrestante.
(Oo nakagambala ka nga. Qiqil mo c aqouh)

"Kung gayon, ay papasukin mo na siya. Mabuti na lamang at nakarating siya" masayang tugon ni ama.
Maya-maya pa'y nakita ko na si Padre na nakasuot ng kulay puting barong.

"Ipagpaumanhin ninyo kung hindi ako nakarating sa tamang oras. Sadyang napakarami ko lamang ginagawa" sabi ni Padre Cabrestante at naupo na sa tabi ni Gobernador Lorenzo.
Kaya pala sya nandito dahil ipagdadasal ang negosyo at layunin ng aming pamilya.

Inanunsyo na ni ama na simulan na ang pagdadasal at pagkatapos noon ay kumain na kami. Halos 20minutes din ang itinagal bago kami nakakakain.

Mabilis kong naubos ang aking kinakain dahil wala akong ganang kumain. Ewan ko ba, pero ako lang ba? Yung pag maraming pagkain, parang nakakatamad na kumain.

Lumabas na ako at nagtungo na sa lawa ng perlas. Napakasarap ng simoy ng hangin dito at talagang nakakaginhawa ng pakiramdam.

"Ehem" may isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.
Si kuya Antonio, kasama sina ate Antonia at si...
Mateo. Mwehehe

"Anong ginagawa mo rito? Bakit nag-iisa ka?" Tanong sa akin ni ate Antonia.
"May iniisip iyan" biro ni kuya Antonio. Aba. Yan na naman sya.

"Hmm...sino naman kaya iyon?" Pakikisali ni Mateo sa usapan.

"Teka lang! Teka lang. Hindi ba pwedeng gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin?" Tugon ko sa kanila at sinamaan ng tingin. Natawa naman silang tatlo at naupo sa tabi ko.

"Kamusta naman ang dalawang gabing magkasama kayo ni Mateo?" Diretsong tanong ni kuya Antonio at ngumiti ng sobrang nakaka echos sa amin.

"Yaaaak! Ang libog mo kuya!" Sigaw ko sa kanya at hinampas siya sa balikat.
"Ha? Anong yak? Anong libog? Anong mga salita iyon?" Nagtatakang tanong nya sa akin.
Teka? Hindi pa ba uso ang mga salitang iyon dito?

"Ah wala iyon. Huwag mo na lamang intindihin" sagot ko na lang at tumalikod na sa kanila.
"Oh bakit mo tinatalikuran si Heneral Mateo? Hindi mo ba siya nais na makausap?" Isa pa tong si ate Antonia e. Magkapatid nga talaga sila ni kuya. Ang kukulit juskoooo.

"Amigo? Binibining Antonia? May nais akong hilingin sa inyo" pag-iiba ni Mateo ng usapan.
"Ano iyon Amigo? Umasa kang tutulungan ka namin sa iyong nais" tugon naman ni kuya Antonio at ngumiti kay Mateo.

"Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari at alam kong hindi ninyo inaasahan ito. Ngunit nais ko sanang suportahan ninyo ako." Sagot ni Mateo.

"Suportahan naman saan?" Tanong ni ate Antonia habang ako naman ay nakatalikod pa rin sa kanila.

"Sa panliligaw sa binibining aking iniingatan. Kay bebegerl Angelita"  tugon ni Mateo at dahil doon ay napaharap na ako sa kanila.
Napatingin naman ako kay ate na ngayon ay napatakip ng bibig habang si kuya naman ay nakangiti ng nakakaloko sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba eh, at sa pagliligawan rin hahantong ang lahat" kinikilig na sambit ni ate Antonia. Habang si kuya ay nakatingin pa rin sa akin.

"May ligawan na palang mangyayari" nagulat ako ng biglang may lalaking nagsalita sa likuran namin.

Napalingon ako at laking gulat ng makita kung sino iyon.




Si Albertong bastos.



"Ikaw pala iyan Ginoong Alberto" bati ni ate Antonia sa kanya. Napatingin ako kay Mateo na ngayon ay namula na naman ang tainga.
Oo nga pala, magkaibigan sila at alam ni Mateo ang tungkol sa amin ni Alberto.
No. I mean, tungkol sa kanila ni Alberto at totoong Angelita.

Duh, ayokong pumatol sa manyakis. Mas alam kong safe ako sa piling ni Mateo at alam kong wala siyang gagawing masama sa akin. Hindi katulad ni Alberto.

"B-bakit ka pala narito amigo?" Tanong ni Mateo kay Alberto.

"Sapagkat susunduin ko si Binibining Angelita. Mamamasyal kami" diretsong sagot ni Alberto kay Mateo. Teka, wala naman kaming napag-usapan na papasyal kami ah. Aba

"Ganoon ba?" Tugon ni Mateo at tumingin sa akin.
"Wala tayong napag-usapan Alberto, kaya makakaalis ka na." Sambit ko kay Alberto at tumayo na. Jusko ayoko talangang sumama sa bastos na yan. Di'ko keri.

"Teka? Bakit ka pala narito?" Pagtataray ko sa kanya. Kasi bakit nga ba sya nandito? E hindi naman sya belong. Duh

"Sapagkat inimbitahan ang aming pamilya ng iyong ama" sagot nya.

"Kung gayon ay maaari na kayong umuwi" tugon ko na hindi naman pinaboran ni ate Antonia.
"Angelita. Huwag kang ganiyan kay Ginoong Alberto. Hindi ganiyan ang ugaling itinuro sa atin ni ina"

"Oo nga Angelita. Wala naman siyang ginagawang masama ngunit pinagsusungitan mo agad" pakikisali ni kuya Antonio sa usapan.

"Talaga? Walang ginagawang masama?" Tanong ko sa kanila at tumingin kay Alberto ng sarcastic. Ngayon, makikita nyo ang maldita side ko.

"Inimbitahan lang naman kita na mamasyal eh. Nagagalit ka agad" sagot ni Alberto. Yung totoo Alberto? Yung totoo? Akala mo ba madadala mo ako sa mga ganyan?

"Angelita, maging mabait ka. Kaibigan natin si Alberto" sambit ni ate Antonia. Wala bang nakakaintindi saken dito? Ha?

"Kaibigan ninyo. Hindi kaibigan ko." Diretsong sagot ko sa kanila at nag walk out.
Pero hinawakan ako ni Alberto sa aking bisig at hinila ako.

"Teka! Bitawan mo si bebegerl!" Sigaw ni Mateo at inalis ang kamay ni Alberto na nakahawak sa akin.

"Ano bang problema mo Alberto? Gusto mong sabihin ko sa kanila ang ginawa mo sa akin?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Teka anong ibig mong sabihin Angelita?" Gulat na tanong ni kuya Antonio.
"Bebegerl? Anong ginawa niya sa iyo?" Tanong ni Mateo at bakas sa mukha nya na kinakabahan sya.

"Noong una ay ayaw ko itong sabihin, ngunit sumosobra ka na Alberto.
Ate Antonia, Kuya Antonio at Mateo. Hindi niyan iginalang ang pagkababae ko! Binastos ako at tinangkang gahasain!" Sigaw ko sa kanila at ang lahat ay natahimik.

Galit na lumapit si Mateo kay Alberto at hinawakan siya sa kanyang kuwelyo.
"Totoo ba ang sinabi ni bebegerl?!" Sigaw ni Mateo.
Ngunit hindi naman sumagot si Alberto.

"Sumagot ka!" Sigaw ulit ni Mateo na umalingawngaw sa paligid dahil sa katahimikan ng mga naririto.
Nilapitan ako ni ate Antonia at niyakap ako ng mahigpit.

"Oo! Totoo ang sinabi nya. Bakit? May magagawa ka pa ba?!" Sigaw ni Alberto. Galit na lumapit si kuya Antonio sa kanya at sinuntok sa mukha.

"Walang hiya ka!" Sigaw ni kuya Antonio at pinagtulungan nila si Alberto.
Hindi ko sila pipigilan dahil nararapat iyon kay Albertong bastos. Tiningnan ko ang galit na mukha ni Mateo at napansin ko ang pamumula na kanyang tainga habang umiiyak.

"Napakabastos mong tao!" Sigaw ni Mateo at pinaulanan si Alberto ng suntok.

"Teka! Teka! Anong kaguluhan ito?!" Sigaw ni ama at tumakbo papalapit kina kuya. Kasunod naman nya sina Gobernador Lorenzo at ama ni Alberto.

"Tigilan ninyo iyan! Pakiusap!" Sigaw ni Gobernador Lorenzo at inawat sila.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Nakasulat ba ito sa tadhana? Nangyayari ang lahat ng ito ng dahil sa akin. Maraming taong nasasaktan at nadadamay ng dahil sa misyon kong ito.

Ilang minuto rin ang itinagal bago natigil ang away sa pagitan ni kuya Antonio, Mateo at Alberto.
"Ano bang problema ninyo? Ha?! Lalo ka na Antonio. Ikaw pa naman ang panganay!" Galit na sigaw ni ama sa kanila. Habang kami naman ni ate Antonia ay narito sa isang tabi at umiiyak.

"Sapagkat binastos niyan si Angelita!" Nang gigigil na sagot ni kuya.
"Kaibigan kita, ngunit hindi ko hahayaang gawin mo iyon sa babaeng aking iniingatan!" Sigaw ni Mateo at akmang susugudin ulit niya si Alberto pero pinigilan siya ng kanyan ama.

"Lapastangan!" Sigaw ni ama.
At sinugod si Alberto ngunit hindi natuloy dahil pinigilan siya ng ama ni Alberto.

"Josefa! Dalhin mo na si Angelita at Antonia sa loob!" Utos ni ama at kaagad kaming nilapitan ni ina. Kahit ayaw kong pumasok sa loob, ay wala akong magagawa dahil na rin di ko na kaya ang mga pangyayari. Bago ako umalis ay tiningnan ko ang umiiyak na mukha ni Mateo. Sandaling nagtama ang mga mata namin ngunit kaagad naman niya iyong iniiwas.

Ang sakit sakit. Ang sakit na makita silang nagkakaganun ng dahil sa akin.

Nasa pintuan na kami ng aming hacienda at wala na akong balak na lingunin sila.

Ang tahimik, payapa at maaliwalas na paligid ay napalitan ng sigawan ng makarinig ng dalawang putok ng baril.


"Antonio!"

"Mateo!"

"Hindi maaari!"

****************

Reminder: Wag nyo pong kalilimutan na i-vote at magcomment. Salamat!

Continue Reading

You'll Also Like

213K 12.4K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
792K 34.7K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
729K 29.3K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
1.7M 90.1K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...