MISSION: BREAK THE PRINCE RULE

By humpyducknie

68K 3K 693

Five young successors ruled the famous University in town, Kingscotte University. The only University that ha... More

MISSION: BREAK THE PRINCE RULE
CHARACTERS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
EPILOGUE
UNTOLD

Chapter 33

1.1K 53 18
By humpyducknie

Chapter 33

Kelvin's POV.

“Fuck! I'm going to kill that fucking psycho!” ang aga-aga nagwawala na si Kiel habang nandito kami sa van kasama yung Z.A brothers, Kelsey, Pierrine, Arisa pati Spogifys. Papunta kami kung nasaan si Zico ngayon dahil iisa lang naman lagi ang pinupuntahan non. Simula nang mabasa namin yung note na pinakita ni Eros yesterday, we decided to go where Zico is.

“I don't care if he's your brother, Kelvin. I'm going to kill him when something bad happened to Elle!” sigaw ni Kiel pero hindi ko siya masisisi kung bakit siya nagkakaganiyan pero mas lalong hindi ko masisisi kung bakit nagawa 'to ng kapatid ko.

“I'm just confused.” napatingin kami sa gawi nung Kelsey nang magsalita siya. “Why Chanelle? Bakit hindi si Pierrine or isa sa inyo diba? Pero the real question is... bakit galit si Zico sa inyo? Eh, diba brother mo yun, Kelvin?” tanong niya sa'kin kaya tinignan ko na lang si Thief para siya na ang magsabi dahil ayokong mag-kwento.

“May obsessed fan girl kasi yang si Kiel na unluckily, girlfriend ni Zico. Childhood best friends sila hanggang sa ayun nga, naging sila. Nang tumungtong sila sa University, naging obsessed fan girl yung girlfriend ni Zico until she commits suicide and took her own baby's life.”

“Wait.” napaligon ako kay Pierrine. “Is that...Is that Nikka Moretz?! Soigné's cousin?!” tumango naman si Thief bilang sagot kaya napabuga na lang ako ng hininga. “Oh my gosh... I thought sa'yo talaga yung baby kuya! Akala ko naging girlfriend mo talaga yang si Nikka girl na yan!”

Nakita ko namang napairap si Kiel habang nakatingin sa bintana. “I never had a serious relationship before, tapos sa tingin mo mambubuntis na lang ako ng kung sinu-sino? Are you nuts, Pierrine Venice?”

“So, if that's the case...” Zyrium interjected. “Anong kinalaman ni Chanelle dito?” napasulyap ako kay Kiel na napalunok.

Oh, I got you boy.

“Oo nga, Kiel. Bakit nga ba si Chanelle yung kinuha niya to take a revenge on you?” tanong ko na ikinaaligaga niya. Sana pala ni-record ko yung sinabi niya nung lasing siya.

“Seriously, guys? Kiel is so transparent, it's obvious that she likes Chanelle.” sagot nung Kelsey kaya napahalakhak ako.

“Who the fuck are you? Shut up!” sigaw ni Kiel kaya mas lalo akong natawa. Halata naman kasi talaga yang gagong yan, torpe kasi.

“Uy, tol. Gusto daw niya si Reese? Payag ka non?” tanong nung Zyro sa kapatid niya kaya biglang natawa si Eros. May hindi ata ako alam?

Biglang tinapik ni Zyrium si Eros. “Rigel, pano ba yan? Papakasalan ko pa naman si Reese tapos may nagkakagusto?”

“What?” nilingon sila ni Kiel. Oh, napaghahalataan ka talaga boy. “Who said she's going to marry you?” halata sa boses niya ang inis.

Ngumisi si Eros na mas lalong ikinatawa ako. Pati sila Pierrine natawa na rin dahil halata namang pinagt-tripan nila si Kiel. “He's right, Kiel. It's already planned, when Chanelle turns 18, she'll going to marry Alexander, I mean Zyrium.”

Kita sa mukha ng ugok ang pamumutla. Ayaw pa kasing umamin, naturingang leader namin pero saksakan naman ng torpe. “S–she's too young to get married, Eros.” at tumingin na lang sa bintana.

“That's our parents decision, Kiel. But pwede namang hindi matuloy yun if—

Mabilis pa sa alas-kwatro na lumingon si Kiel kaya napangisi ako. “If ano? If it's about business, I can help you. Hindi na kailangan may ikakasal, that's too old style for business.”

“Why are you so determined ba kuya na hindi matuloy yung kasal na magaganap between Z.A and Chanelle?” tanong ni Pierrine pero hindi siya sinagot ni Kiel kaya she started nagging like a child hanggang sa mapahinto kaming lahat nang sumigaw si Kiel.

“Because I love her! Okay na? Damn it!” at nagsuot na siya ng earphones at di na kami pinansin pa.

Puta, in love nga ang gago.

Chanelle's POV.

Simula nang mabasa ko yung note na yun, hindi ko na magawang magalit o kamuhian si Zico. Nagmahal lang siya and he doesn't deserve all the things that happened to him.

Pero I didn't let him to sleep beside me kagabi. Hindi sana siya papayag pero nakagawa ako ng pinaka-nakakakilabot na excuse na ginawa ko sa buong buhay ko.

“Buntis ako, Zico. Baka madaganan mo yung baby natin, gusto mo ba yun?”

At dahil alam nga niyang ako si Nikka, pumayag naman siyang hindi tumabi sa'kin. Kita sa mukha ni Zico na sobrang saya niya and I really don't know what to feel. Awang-awa ako sa kalagayan niya.

Muntik na 'kong mapatayo sa gulat nang kumalabog ang pinto at biglang pumasok si Zico na tarantang-taranta. “What happened? Why ar—OUCH! ZICO!” bigla na lang niya akong hinila palabas habang may sukbit-sukbit siyang malaking bag.

“Zico, ano ba! Masakit yung hawak mo!” napalingon siya sa'kin at biglang niluwagan ang pagkakahawak niya sa'kin pero patuloy pa rin niya 'kong kinakaladkad. “Where are we going?”

Paglabas namin, duon ko lang nalaman na nasa tabing dagat pala kami. Never kasi akong sumilip sa maliit na bintana sa kwarto ko dahil nasa bandang itaas iyon at hindi ko naman abot. “They're on the way here, we need to hurry! Ilalayo ka nanaman nila sa'kin!” tarantang-taranta siya habang tinatahak namin ang garahe ng bahay.

“They? Sino?” nang makita niya ang van na ginamit namin sa pagpunta dito, marahas niya 'kong hinila at tinulak sa loob.

Pumasok naman siya agad sa driver seat at pinaandar ang kotse. Papaliko na sana kami nang isang van ang humarang saamin kaya muntik na kong sumubsob sa harapan dahil sa lakas ng preno. Pagtingala ko, may isang lalaking lumabas sa van na matagal ko nang gustong makita.

It's Kiel. Kitang-kita sa mukha niya ang galit. Dahil hindi naman heavy tinted itong kotse, kitang-kita niya ko. His face became soft nang makita niya ko at feeling ko gusto nang umiyak anytime.

Damn. I missed him so much.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Zico kasabay nang pagbukas ni Kiel ng pintuan ng kotse sa side ko. “No! No! She's mine! Ilalayo mo nanaman sa'kin si Nikka and our baby! Ayaw ko! Ayaw! Go away!” my eyes started to fall seeing Zico nagging like a baby again. Nasasaktan ako para sa kaniya dahil alam kong hindi niya tanggap ang pagkawala ng mag-ina niya.

Marahas akong hinila ni Kiel palabas ng kotse dahilan para kumalas si Zico sa yakap niya sa'kin. “You fucking psycho! This girl is not Nikka, you idiot!” sigaw ni Kiel at nilagay niya ko sa likod niya. “And to remind you, she's not yours because she's fucking mine! Baliw!” sabay sara niya ng malakas ng pinto kaya napatalon ako sa gulat.

Hinarap ako ni Kiel sa kaniya at nagtama ang mata namin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon, miss na miss ko na siya.

Hinaplos ni Kiel ang pisngi ko dahilan para mas lalo akong maiyak. “I fucking missed you so much, baby.” napapikit ako ng ilang segundo nang halikan niya ako sa noo. “Let's talk later, lagot ka talaga sa'kin.” sabay hawak niya sa kamay ko at hinila papunta kila kuya Eros na nakababa na ng van.

Papalapit na sana kami sa pwesto nila kuya Eros nang may humila sa'kin at kasunod nun ay ang pagtutok ni Zico ng baril kay Kiel. “Z–zico...”

“You stay there, Kingscotte! Hindi na 'ko papayag na kuhanin mo pa sa'kin si Nikka! Akin siya! Akin!” ang higpit ng yakap sa'kin ni Zico. Napalingon ako kila Pierrine na aligaga at parang may tinatawagan.

Tinignan ko si Kiel na walang emosyon ang mukha na nasa harapan ko ngayon. How can he stay calm gayong may nakatutok sa kaniyang baril?!

“Fuck! Zico! She's not Nikka!” sigaw ni Kelvin sa di kalayuan pero hindi siya pinansin ni Zico at mas lalong hinigpitan ang hawak niyang baril na nakatutok kay Kiel.

“Z–zico... stop doing this. Hi–hindi ako si Nikka. Please, stop.” pagmamakaawa ko pero wala siyang pinapakinggan niisa saamin.

“Zico Cray Fournier.” tawag ni Kiel sa kaniya. “Do you really think that Nikka really took her own life and the baby?” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kiel.

Napanood ko yung video and its really clear na nagpaka— What the hell.

Hindi ko nga pala tinapos ang video. Ibig sabihin...

Before I even utter a word, biglang may dumating na itim na SUV. Nagulat ako nang biglang lumabas si Soigné. Nagtama ang mata namin at nanlaki ang mata niya nang makita niya ang sitwasyon namin ngayon.

“What the hell, Zico?!” sigaw niya at lumapit saamin. “Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?!”

Hinila ako paatras ni Zico. “What are you doing here, Soigné? Nandito ka rin ba para kunin sa'kin si Nikka?” ramdam na ramdan ko ang higpit ng hawak ni Zico sa baril na hawak niya. “Pwes, di ako papayag! Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha sa'kin!”

“Nikka... Ano?” naguguluhang tanong ni Soigné. “What the fuck, Zico? She's not Nikka! Nababaliw ka na talaga!”

“Stop saying that she's not Nikka because she's Nikka! She's pregnant and we will going to have a baby!”

“What the fuck?! Tarant—” lalapit na sana si Kiel nang lahat kami ay napahinto sa isang maliit na boses na sumisigaw papalapit saamin.

“Papa! Papa!” nanlaki ang mata ko nang bigla lumapit ito kay Zico at niyakap ito. Nawala ang pagkakayakap sa'kin ni Zico kaya mabilis ako nahila ni Kiel at niyakap.

Lumingon ako kung sa direksyon kung saan nanggaling ang bata at nanlaki ang mata ko sa mga pares ng mga mata na nakatingin sa'kin ngayon.

“Nikka... buhay ka?”

humpyducknie.

Continue Reading

You'll Also Like

41.6K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
1.1K 71 33
Hello Guys so! Pinaltan ko ung (My 1 year with BTS) naging (Love At First Site) Hahahahha gagawin ko po itong Short Story.. Pero wag kayong mag aalal...
71.2K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
1.1K 134 60
A love story that started with the innocent falling of the gloxinia flower and made two completely different people's paths cross for the first time...