University of Twins (COMPLETE...

By nrizyap

324K 5.6K 284

University of Twins - Eksklusibo ang unibersidad na ito para sa mga kambal. Lahat din ng mga bagay dito, gina... More

TEASER
AN ALMOST ETERNAL STORY [FIRST STORY]
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17: THE STORY'S ENDING
SPECIAL CHAPTER (part 1): AIDAN'S TESTIMONY
SPECIAL CHAPTER (part 2): AIDAN'S TESTIMONY
THE NEXT GENERATION [SECOND STORY]
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE

CHAPTER 8

8.9K 170 10
By nrizyap



Mahigit dalawang linggo ring nanligaw sa akin noon si Aidan... este si Matthew pala. Pagkatapos niyon, hindi ko na rin pinatagal dahil ayaw ko na rin naman siyang pahirapan sa paghihintay. Sinagot ko na rin siya. Isa pa, siya naman talaga ang nagustuhan ko at hindi ang kakambal niyang nagpanggap bilang siya.


Isang linggo matapos iyon, naging busy kami sa pagrereview ng mga leksyon namin sa mga subject namin. Sinimulan na rin namin ang mga final paper na kailangang ipasa. Nang sumunod na linggo kasi, final exams na namin. Nang sumunod na linggo naman pagkatapos ng final exams, pasahan na rin ng final requirements namin. Iyon din ang dahilan kung bakit tuwing uwian na lang kami nagkikita nila Vogurt at Yogurt.


Si Matt naman, nagmistulang anino ko na laging nakabuntot sa akin sa halos lahat ng pinupuntahan ko. Sa totoo lang, balak sanang "pumetiks" ni Matt sa pagrereview niya at sa paggawa niya ng requirements noon. Mabuti na lang at hinikayat ko siyang mag-review na ng maaga para hindi na niya kailangang mag-cram. Ayaw niya noong una pero pumayag din siya nang sinabi kong sasamahan ko siya sa pagrereview at tutulungan ko na rin siya sa paggawa ng mga paper niya. Isang linggo pagkatapos ng pasahan, wala na kaming pasok.


Hanggang sa araw na ito, wala na kaming pasok sa university. Malamang, ang mga nagpupunta na lang doon ngayon ay ang mga professor, mga instructor, staff, at ang mga estudyanteng kumukumpleto pa ng requirements nila. Dahil maaga naming naipasa ni Matt ang requirements namin, hindi na namin kailangang pumunta sa university. Aabangan na lang namin ang paglabas ng grades namin sa official website ng University of Twins at sa pagkakaalam ko, ngayon din nila i-uupdate ang website sa grades namin.


"Rainie, hindi ba talaga strikto 'yung parents niyo ni Raina?"


"Magpapaulit-ulit na lang tayo dito? Haha. Hindi nga eh! Ano ka ba? Huwag ka nga kasing kabahan."


Kanina pa magkahawak ang kamay namin ni Matt at kanina ko pa nararamdamang nanlalamig ang kamay niya. Ipapakilala ko kasi siya sa mga magulang ko bilang boyfriend ko. Sabi niya sa akin, kinakabahan daw siya dahil ngayon lang niya ma-eexperience ang ganito. Sa totoo lang, kanina pa niya tinatanong sa akin kung hindi ba talaga strikto ang mga magulang ko. Ang totoo, may pagka-strikto rin naman sila pagdating sa ibang bagay pero hindi naman sila strikto kung pansariling kalayaan na namin ang pinag-uusapan.


Nasabi ko na sa kanila ang tungkol dito. Gusto daw nila siyang makilala kaya naman dinala ko si Matt dito. Noong isang araw lang, ipinakilala ako ni Matt sa mga magulang niya at ako naman ang kinabahan noon. Nang umpisa lang naman ako kinabahan dahil nang tumagal na ang pag-uusap namin ng mga magulang niya, naging kumportable na rin naman ako.


"You must be our daughter's boyfriend."


Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Matt nang nagsalita si daddy. Nagulat din siguro siya dahil sa biglaang pagsulpot nila ni mommy. Dahil sila na mismo ang lumapit sa inuupuan namin, tumayo na kami at ngumiti naman ako kila mommy at daddy.


"Ma, dad, this is Mattew... boyfriend ko po."


Lumapit si Matt sa kanila at nakipag-shake hands siya sa kanila. Natawa na lang ako dahil medyo weird ang pakiramdam nang tinawag niya ang mommy kong "ma'am" at ang daddy kong "sir." Siguro nga iyon na ang paraan niya ng paggalang sa mga magulang ko.


"Naku, iho. Call me tita Remy. Masyado kang magalang. Nahihiya na tuloy kami. Haha."


"Oo nga naman. Just call me Tito Hubert. Sandali. I have a feeling na nakita na kita dati. Iho, have we met before?"


"Naku, hindi pa po yata."


"Diba ikaw 'yung boyfriend ni Raina na ipinakilala rin niya sa amin last month? Huwag mong sabihing..."


"Ay, hindi po. Hindi po ako 'yun. Si Aidan po 'yun, kakambal ko po."


"Ang natatandaan ko kasi, noong ipinakilala ni Raina sa amin 'yung boyfriend niya, Matthew din ang sinabi niyang pangalan."


Oo nga pala. Hindi pa alam ni ate ang tungkol sa pagpapanggap nila Matthew at Aidan. Hindi pa niya alam na si Aidan ang kasama niya kaya naman Matthew ang sinabi niyang pangalan ni Aidan noong dinala rin niya siya dito at ipinakilala ng pormal sa mga magulang namin. Bukod sa amin nila Matt at Aidan, sila Vogurt at Yogurt pa lang ang nakakaalam ng tungkol dito. Noong nalaman nga nila ito, gulat na gulat din sila at hindi makapaniwala. Paano ngayon namin lulusutan ito? Napansin kong medyo pinagpapawisan na si Matt kaya naman ako na ang gumawa ng paraan.


"Dad, baka naman... mali 'yung naaalala niyo? Nandoon din ako noong ipinakilala ni ate sa atin 'yung boyfriend niya, remember? Sabi niya, Aidan ang pangalan ng boyfriend niya at may kakambal si Aidan na Matthew ang pangalan."


"Nalito lang siguro kami ng mommy mo. Sorry. Ang hirap naman nito. Magkakambal na nga kayo ng ate mo, magkakambal pa rin ang nagustuhan niyo. Haha! Tara na nga, naka-prepare na daw 'yung lunch natin."


Pumunta na kaming lahat sa dining area. Kahit aapat lang kami (dahil wala si ate ngayon), napakarami pa ring mga pagkaing nakahanda. Ang iba, niluto pa ni mommy. Gusto daw kasi niyang makita ang reaksyon ni Matt pag natikman niya ang luto niya. Iniabot ni mommy kay Matt ang isang ulam na niluto niya. Nang sinubo ni Matt ang pagkaing nasa kutsara niya, napatingin naman ako kay mommy. Aba, nakangiti pa siya habang nakatingin kay Matt. Inaabangan niya siguro kung anong magiging reaksyon niya.


"Tita, guess lang po. Kayo pong nagluto nito 'no?"


"Oo, tama ka diyan. So, what do you think?"


"Sobrang sarap po."


"Naku ha. Baka naman binobola mo lang ako. Pero sa bagay, sa reaksyon mo pa lang kanina, convinced na ako. Haha."


Habang kumakain, nagpatuloy ang pagkukuwentuhan namin at tinanong din nila si Matt ng mga bagay na tungkol sa kanya. Kasama na doon ang business, sports, family, at pati ang educational background nila. Pagkatapos naman naming kumain, nawala na rin lahat ng kaba ni Matt dahil hinayaan na nila kaming makapagsarili. Iniwan ko sandali sa living room si Matt para kunin ang laptop ko. Gusto ko rin kasing tignan kung lumabas na ang grades namin. Pagbalik ko naman, binuksan ko kaagad ang official website ng university.


"Ayan. Umiiral na naman 'yung pagiging GC mo."


"Grade-conscious agad? Hindi ba puwedeng excited lang na makita 'yung grades?"


"Ganun din naman 'yun."


Pagbukas ko ng account ko at pagkakita ko sa grades ko, hindi ako nakatiis at nayakap ko na lang bigla si Matt. Nakaka-overwhelm nang nakita ko ang grades ko. Na-maintain ko kasi ito at may kataasan din katulad ng grades ko noong unang sem. Sobrang saya ko lalo na't nagkaroon din ng saysay ang paghihirap ko sa pag-aaral.


Tinanong ko si Matt kung gusto na rin niyang tignan ang grades niya. Nang i-aabot ko na sana ang laptop ko sa kanya, nagulat na lang ako nang hinalikan niya ako sa pisngi. Sabi naman niya, tsaka na lang daw niya titignan pagbalik niya sa bahay nila. Sigurado akong nahihiya siyang ipakita ang grades niya sa akin kaya naman hindi ko na siya pinilit.


"Maaaaa! Daaaaad!"


Nang tinawag ko sila, agad naman silang lumapit sa kinaroroonan namin.


"Grabe ka naman, anak. Akala tuloy namin ng mommy mo, may nangyari nang masama. Bakit mo nga ba kami tinawag?"


"Lumabas na po 'yung grades ko!"


Nang nakita naman nila ang grades ko, nakita ko silang ngumiti. Siguradong tuwang-tuwa na naman sila. Ganun din kasi ang naging reaksyon nila nang nakita nila ang grades ko noong nakaraang sem at pati na rin noong nakaraang school year.


"We're so proud of you, anak! Keep it up!"


"Thank you po!"


"Dahil diyan, may house party tayo sa Saturday. Be sure to invite your friends and classmates. Matthew, required kang pumunta doon. Can we count on you?"


"Opo naman. Syempre naman po pupunta ako lalo na't party 'yun para kay Rainie."


Sabi naman ni mommy, hindi ko na kailangang alalahanin ang menu at decorations para sa house party dahil siya na daw ang bahala sa mga iyon. Pagkatapos niyon, nagpaalam na rin muna kami ni Matt sa kanila. Niyaya niya kasi akong maglakad-lakad muna sa labas habang wala kaming ginagawa. Habang magkahawak pa rin ang kamay namin, nagsimula na kaming maglakad.


"Oh. Sabi ni mommy, required ka daw na pumunta sa house party sa Saturday ha?"


"Syempre naman. Hindi ako mawawala doon. Party pa naman ng girlfriend ko 'yun."


Napag-usapan din namin ang nangyari kanina lalo na ang kamuntik nang mai-siwalat na pagpapanggap ni Matt at Aidan. Sabi ni Matt, nabigla daw siya at kinabahan kaya naman wala na siyang naisagot. Sobra rin akong na-pressure sa pag-iisip kanina. Buti na lang may naisip akong palusot kahit pinangunahan na ako ng kaba.


Tumigil siya sa paglalakad kaya naman napatigil din ako. Nagulat na lang ako nang hinalikan niya ulit ako sa pisngi at inakbayan. Pagkatapos niyon, nagpatuloy na kami sa paglalakad. Naka-dalawa na 'to ah. Tinanong ko kung para saan iyon. Sabi naman niya, nagpapasalamat siya sa akin dahil pinagtakpan kong pansamantala ang tungkol sa pagpapanggap nila ni Aidan. Dahil doon, natanong ko na rin sa kanya kung kailan nila balak sabihin kay ate ang tungkol doon. Sabi naman niya, tsaka na lang daw pag handa na rin si Aidan.


"Teka. Bigla kong naalala eh. Paano mo nga pala napapayag si Aidan na magpanggap bilang ikaw? At bakit siya pumayag?"


"Alam mo 'yung si Aidan, suplado 'yun. Hindi siya basta-basta pumapayag sa mga bagay-bagay unless may kapalit na malaki. Simple lang naman ang ginawa ko para mapapayag siya. Sinabi ko sa kanyang ako ang gagawa ng final requirements niya ngayong sem. Haha! Syempre, pumayag siya kaagad. Petiks na rin ang katumbas niyon eh. Pagrereview na lang din ang inatupag niya."


"Kaya naman pala napakarami ng mga paper na ginawa natin! Akala ko naman sa'yo lang 'yun. Sandali... Ibig sabihin, hindi niya talaga mahal si ate?!"


"Ano ka ba? Syempre mahal niya 'yung ate mo. Noong mga unang araw nga lang, nagrereklamo siya sa akin at halos umayaw na siya sa kasunduan namin dahil napaka-arte daw ng ate mo. Hahaha. Pero nang nagtagal, umamin din siya sa aking gusto na rin niya ang ate mo. Maiba tayo. Anong gusto mong gawin next week?"


"Huh? Bakit?"


"1st monthsary pa naman natin sa Sunday tapos nakalimutan mo na pala. Ouch, Rainie. Ouch."


"Loko! Haha! Syempre hindi ko puwedeng makalimutan 'yun 'no. Malay ko naman kung ibang araw sa susunod na linggo 'yung tinutukoy mo. Wala pa naman akong naiisip na gagawin. Basta ang idea ko lang, simple pero memorable."



Continue Reading

You'll Also Like

8.9M 223K 65
Campus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY T...
164K 779 24
Best stories in Wattpad that I wanted you to check out.
4.9M 96.8K 64
[Tagalog Story][R-13] The idea of having them both in one place would be impossible. They simply clashed. She hates his guts. He hates her guts too...
871K 4.3K 9
Si Hannah ay isang leader ng sorority na nabigyan ng isang misyon na patinuin ang baklang si Christian na mas maarte pa sa babae na sobrang nagaganda...