In Secrets (Montalban Gray...

By DianeJeremiah

926K 34.7K 6.5K

Paano mo sasabihin sa isang tao kung gaano mo siya kamahal at pinapahalagahan kung ang katumbas nito ay ang p... More

Author's Note - Must Read
Introduction - I
Introduction - II
Prologue
Chapter 1 Bestfriends
Chapter 2 Asher's Secret
Chapter 3 Zero Chances
Chapter 4 Easy Target
Chapter 5 Making it Hard
Chapter 6 Stop Falling
Chapter 7 Strange
Chapter 8 Changes
Chapter 9 Pain-less
Chapter 10 Dying Inside
Chapter 11 Rolling in the Deep
Chapter 12 The V-day Fever
Chapter 13 Enlightened
Chapter 14 Just Say It
Chapter 15 BF - BestFriend or BoyFriend?
Chapter 16 Say It Out Loud
Chapter 17 That Hard
Chapter 18 Everything is Gray
Chapter 19 Who?
Chapter 20 Same Old Brand New You
Chapter 21 I Finally Know
Chapter 22 Bitter Sweet
Chapter 23 Lily
Chapter 25 Confused?
Chapter 26 Make Me
Chapter 27 Uncut
Chapter 28 Déjà Vu
Chapter 29 Leave Me Breathless
Chapter 30 Wide Awake
Chapter 31 Awakening
Chapter 32 Vague
Chapter 33 Right or Wrong
Chapter 34 Secretly Yours
Chapter 35 Secret No More

Chapter 24 Divided

14.8K 773 90
By DianeJeremiah

"My only dream is that someday, we could hold hands with each other in the park."


Eira POV


"Come on, Ash." May pag-aalalang sambit niya ng nilapitan niya si Asher. "Calm down."

Ngayon ko lang nakita si Asher na nagalit ng ganito. Para namang stressed na stressed si Clary na napasuklay sa mahaba niyang buhok. Pero sa totoo lang, naguguluhan ako sa kung anong pinag-aawayan nilang magkasintahan at kung bakit ganun na lang ang reaksiyon ni Asher.

"Nakakainis eh!" May kalakasang sabi ni Asher.

Inakbayan agad siya ni Brook at inilayo sa amin. Lihim na din kasi siyang pinagtitinginan ng mga empleyadong dumadaan.

"I get it, okay?" Dinig naming pagpapakalma sa kanya ni Brooklyn habang palayo na sila. "Just take a deep breath..."

Napatingin ako kay Clary na parang maiiyak ng nakatayo dun sa gitna ng hallway habang nakasunod yung tingin sa magpinsan.

"Hey." Sabay sikong bulong sa akin ni Lily kaya naman napabaling agad ako ng tingin sa kanya. "This is your chance."

Napakunot noo ako. "What?" Confused na tanong ko.

Pinandilatan niya ako ng mata dahil sa lakas ng pagkakasambit ko nun. "For a Cervantez, you are so stupid!" Gigil na sabi niya.

Sumeryoso yung mukha ko. "Is that an insult?"

Pero tinaasan lang ako ng kilay. "No." Sarkastikong sagot niya. "Paano kasi, ang slow mo pumick-up. Hayan na nga o! The moment is here, Eira."

Napakunot noo ako at naguguluhang napatitig sa kanya. Mabilis namang gumana yung utak ko sa sitwasyon namin ngayon, especially, kina Asher at Clary.

Napaawang yung labi ko at namilog ang mga mata. "Lily, did you have something to do with this?" Hindi siya sumagot pero napaangat lang yung gilid ng kanyang labi. "Lily!" Sabay hampas sa braso niya.

"Aw!" Sabay himas sa brasong bigkas niya.

"What have you done?!" Mahina ngunit madiing tanong ko.

Pero ngumiti lang siya ng nakakaloko. "Well..." Pambibitin niya. "Ginawa ko lang naman yung alam kong tama."

"Tama?!" Di makapaniwalang ulit ko. Napabaling ako ng tingin kay Clary na nakaupo na pala sa may waiting lounge. Bigla akong nakaramdam ng awa dito dahil sa itsura niyang parang maiiyak na. "Sa tingin mo ba Lily tama yung ginawa mo?"

Hindi ko na hinintay pa yung sasabihin niya. Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya at nilapitan si Clary.

"Clary?" May pananantyang tawag ko ng nasa harapan na niya ako.

Nag-angat siya ng tingin at gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa kanyang labi. "Ikaw pala." Matamlay na tugon niya.

"May I?" May nakikisimpatyang ngiti sa labi na paalam ko sabay turo sa tabi niya.

Tumango siya. "Oo naman."

Naupo ako sa tabi niya. Ilang sandaling walang kumibo sa aming dalawa. Sumenyas sa akin si Lily na para bang tinatanong kung ano bang ginagawa ko doon. Umiling lang ako sa kanya saka nagbaling na ulit ng tingin kay Clary.

"Ano ba kasing problema?" Tanong ko sa kanya.

Napailing si Clary, pansin ko ang pangingilid ng kanyang mga luha pero kita ko din yung pagpapakatatag niya at pagpipigil para wag tuluyang maiyak.

"Malapit na kasi yung engagement party namin, at ngayon yung schedule para sana sa food tasting." Kuwento niya. "Pero hindi ako masasamahan ni Asher dahil nga daw naka-schedule din ngayon yung photoshoot nila para sa company nila."

Napailing ako sa loob-loob ko at lihim na sinisisi si Lily. So ito yung sinasabi niyang plano niya ngayong araw na 'to?

Mabagal akong napabuntong hininga. "Eh bakit nagalit si Asher?"

"Kinukulit ko nga kasi kailangan na naming asikasuhin yung para sa engagement party." Problemadong sagot niya. "Next month na yun pero parang wala pa ring nasisimulan. Kailangan ko nang sumakay ulit next week. Hindi kami magkatugma ng schedule. Yung pagdarausan ng party di pa rin yata maayos."

Napangiwi ako. Hindi pa man ako nakaranas ng mag-plano ng mga events, pero yung kwento ni Clary, parang nakaka-stress na at nakakapagod pa.

Nakaramdam ako ng awa at nakokonsensya ako sa nangyayare sa kanilang dalawa ni Asher, though wala naman akong kinalaman sa kinakaharap nilang problema ngayon. Pero knowing na napa-oo ako kay Lily kanina na tulungan siya sa plano niyang paghiwalayin sina Asher at Clary, I feel bad already.

She blackmailed me. Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Paano pa pag kasal na namin yung pa-planuhin namin? Ako lang mag-isa gagawa?" Malungkot na malungkot na patuloy niya.

Napatingin ako kina Asher at Brook na nag-uusap pa din. Para pa ngang ayaw makinig ni Asher kay Brook. Awang-awa naman ako kay Clary. Alam ko kasi yung story behind kung bakit hindi siya masasamahan ni Asher. Kagagawan ni Lily!

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Saan ba idaraos yung engagement party ninyo?" Tanong ko.

"Sa Batangas." Tugon niya. "Sa hacienda nina lola Alexandra."

"Eh yung food tasting saan yun?" Tanong ko pa.

"Random yun. Kasi nga mamimili pa lang kami kung kanino at kung anong menu ang ihahanda." Sagot niya.

"What?" Nabibiglang bulalas ko. "Next month na yung party tapos hindi pa pala na-finalize yung menu?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yun na nga eh!" Parang maiiyak na siya talaga. "Next month na pero parang wala pa ring nasisimulan."

"Eira." Makahulugang tawag sa akin ni Lily.

Napabaling ako ng tingin sa kanya, sinesenyasan niya akong pumunta dun sa kinatatayuan niya. Buti na lang nakatingin si Clary kina Asher at Brooklyn na hindi pa rin tapos sa pag-uusap sa bandang gilid, may kalayuan ng konti sa kinauupuan namin ni Clary. Umiling ako bilang tugon kay Lily.

Isang desisyon ang nabuo ko. "Clary." Tawag ko. Mabilis naman siyang nagbaling ng tingin sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. "Kung okay lang sayo, ako na lang ang sasama sayo sa food tasting na sinasabi mo."

"Ha?" Naguguluhang sambit niya.

"Sabi ko, kung okay lang sayo, ako na lang ang sasama sayo sa food tasting na sinasabi mo." Ulit ko.

Namilog yung mga mata niya. "Really?" Di makapaniwalang tanong niya. Nawala na din yung lungkot sa mga mata niya at napalitan iyon ng pagkasorpresa. "I mean, okay lang ba yun sayo?"

Napangiti ako ng bahagya sa kanya. "Oo naman." Sagot ko.

"Hindi ba yun makakaabala sayo?" May alinlangang tanong niya.

"Hindi." Mabilis na sagot ko. "Isa pa, wala din naman akong gagawin."

Napangiti na siya sa wakas. "Oo. Okay lang sa akin na ikaw ang kasama ko."

Mas lumawak naman yung ngiti ko. "Pero ang tanong, marunong ka bang mag-drive?" Di naman na lihim sa kanya na hindi ako marunong magmaneho.

Natawa siya ng bahagya. "Oo. Wag kang mag-alala."

Siya namang paglapit sa amin nung magpinsan. Napakunot noo pa sila ng mapansing parang masaya na kaming nag-uusap ni Clary.

"What's going on here?" Takang tanong ni Brook.

"Nagpresenta si Eira na samahan ako for food tasting." Masayang balita ni Clary.

Nagkatinginan yung magpinsan. "Well," Mukhang kumalma na si Asher. "It's settled then."

"Yes." Medyo pomormal yung mukha ni Clary ng tumingin sa kanya. Nagtatampo pa siguro siya marahil dahil sa kawalan ng oras ni Asher sa pag-asikaso sa nalalapit nilang engagement party.

Nagkatinginan kami ni Brook at napakibit balikat na lang siya. Nakasimangot naman na lumapit sa amin si Lily.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Bored na tanong niya kay Asher.

"I have to go." Paalam ni Asher sa amin.

"Okay." Tugon namin ni Brook, hindi naman sumagot si Clary sa kanya.

"Bye." Asher bid under her breath. Lumapit siya kay Clary at hinalikan ito sa ulo bago naglakad papuntang elevator.

"Eira." Makahulugang bigkas naman ni Lily sa pangalan ko bago siya tumalikod at sumunod kay Asher.

"What's wrong with her?" Nawe-werduhang bigkas ni Brooklyn ng sumara na yung elevator at naiwan kaming tatlo doon.

"Ewan ko." Clueless na tanong ko. "Yun nga din sana ang gusto kong itanong sayo eh." Naalala kong sabi. "Bakit ba parang ang init ng dugo sayo ni Lily? Ano bang kasalanan mo sa kanya?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know." Sagot niya. "Malay ko ba dun. Kailan pa kayo naging close?" Tanong naman niya sa akin.

"Di ko din alam." Sagot ko.

"Anyways," Sabay nameywang na bigkas ni Brook. "Anong oras niyo balak umalis na dalawa?"

Nagkatinginan kami ni Clary saka bahagyang natawa sa itsura ni Brooklyn. Paano naman kasi para siyang nanay namin kung makapagtanong.

"Let's go?" Tanong ko kay Clary.

Nakangiting tumango naman siya. "Tara!"

At sabay na kaming nagtungo sa elevator.

To be honest? Medyo may awkwardness akong nararamdaman ngayong kaming dalawa lang ni Clary ang magkasama. I don't know why. Pero ganun yung nararamdaman ko. Siguro dahil na rin sa ngayon ko lang siya nakilala at nakasama. At dapat lang na pakisamahan ko siya ng maayos dahil girlfriend siya ni Asher... her future bride to be exact.

---------------------------

"Nagkakilala kami noon sa bar na pag-aari ni Kreme." Kwento ni Clary habang magkaharap kaming kumakain ng lunch dito sa isang Filipino resto na pinuntahan namin.

Tapos na kasi kami sa food tasting at may napili na siya. Yung iba nga ako ang pinapili niya kung gusto ko ba yun o hindi.

"Hindi na kami nagkita simula noon. Tapos a year ago, aksidente lang na nagkita ulit kami sa eroplano. Passenger siya noon, papunta yata siya sa Canada that time, tapos nagkataong ako naman yung flight attendant. Hayun..." Patuloy niya.

Tinanong ko kasi siya kung paano sila nagkakilala ni Asher. Wala naman kasi akong alam na girlfriend niya noong umalis ako. At ang naalala ko, sinabi niya sa akin noon na mahal niya ako ng higit pa sa pagiging kaibigan. Hinalikan pa nga niya ako noon, di ba?

Noon. Past tense. Tuya ng aking isipan. Things have already changed.

"Parang..." May alinlangang bigkas ko. "Ang b-bilis naman yata." Curious lang kasi talaga ako. "Last year lang kayo nagkakilala and then after a year, ngayon ikakasal na kayo?" Naguguluhang saad ko. "I didn't mean anything, I just ---"

"I get it." Nakangiting tumango-tango naman siya. "I understand your confusion. Isa pa, hindi lang naman ikaw yung kauna-unahang nagtanong niyan sa amin." Patuloy niya. "Maybe it's a whirlwind romance. That's what happened to us." Dagdag niya. "Sabi ni Asher, kung sa tingin mo at pakiramdam mo, siya na nga, wag mo ng pakawalan pa. Dahil ang totoong pag-ibig, bihira lang daw yun dumating sa buhay ng isang tao. At yung connection or spark na nararamdaman mo para sa kanya, hindi mo yun mahahanap sa iba. And I guess, she's right. The feeling is right, the timing is right. Kaya bakit pakakawalan mo pa di ba? So I grabbed it. I said yes to her when she proposed to me. Dahil pag pinakawalan mo pa, baka magsisi ka kapag nakita mo na siyang may kasama ng iba."

Lihim akong napasinghap at napakurap. Bakit ganun? Pakiramdam ko may kung anong tumusok sa puso ko pagkasabi niya nung huli.

That's weird.

"Are you okay?" Concern na tanong sa akin ni Clary.

"Huh?" Awtomatikong nagbaling ako ng tingin sa kanya. "Y-yes. Yes, I'm okay." Saka ngumiti ng bahagya sa kanya.

Hindi siya sumagot pero ginantihan naman niya ako ng ngiti. "Thank you nga pala."

"Saan?" Tanong ko pagkainom ko ng tubig. Pakiramdam ko kasi parang may bumara sa dibdib ko.

"Sa pagsama mo sa akin ngayon." Sabi niya.

"Ano ka ba?" Bulalas ko. "Wala yun. Asher's my best friend. You're a family now."

Ngumiti siya at inabot yung kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. "Pero malaking bagay 'to para sa akin. Ang makasama ko at makilala ko pa ng lubusan yung best friend ni Asher."

Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya.

Hindi naman mahirap pakisamahan si Clary, sa totoo lang. Ang bait nga niya at halatang friendly din. Mararamdaman mo din yung sincerity niya. Sa ikli ng panahong nakilala ko siya, two meetings to be exact, masasabi kong totoo siyang tao. Hindi siya plastik. Hindi siya yung pilit kang pakikisamahan dahil sa pamilya ka o kaibigan nung mapapangasawa niya, pero dahil gusto niya. She's a genuine person. And I must say, Asher is lucky to have her. They're perfect for each other.

"Uhm..." Biglang napatayong sabi ko sabay bawi sa kamay kong hawak pa rin niya. "C-cr lang muna ako."

"Sige." May pagtataka man, hindi na siya nagtanong pa.

Mabilis akong naglakad patungo sa comfort room. Hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko ngayon. Pero isa lang yung naiintindihan ko sa lahat ng nangyayare ngayon... parang may gusto akong pagsisihan.




-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
347K 7.3K 54
Summer Rain Canda the youngest daughter of the famous family of Canda. The richest in town, and Ranked 2nd richest family in the philippines. She's t...
354K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
166K 3K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...