Not Like The Movies

By Invalidatedman

4K 83 36

It was like a move scene the way I fell for you Only you didn't fall Now it's not like the movies at all. - N... More

Copyright Infringement
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten
Eleven
Twelve

Nine

129 5 1
By Invalidatedman


A/n: Dahil ginaganahan na ulit akong sumulat :)



---



Naramdaman ni Axel ang dampi ng init ng umaga sa kanyang mukha na dahilan upang siya'y maalimpungatan. Kasalukuyan siyang nakayakap sa isang unan sa kanyang hinihigaan. Ngunit ng medyo naka-adjust na ang kanyang pag-iisip, kinapa niya ang kanyang niyayakap. Sa pagkakatanda niya kasi'y walang ganito kahabang unan sa kwarto ni Caleb. At ng kanyang igala pa ang kanyang mga kamay, bigla siyang napatanong kung unan nga ba talaga ang kanyang niyayakap, dahil kung unan nga ito, bakit ang titigas? Para mga muscle?



May hinala na siya kung saan siya nakayakap kaya naman unti-unti, dahan-dahan ay idinalat niya ang kanyang mga mata. At doo'y nakita niya si Caleb. Oo, si Caleb. Nakasandal sa headboard ng kama at nagpipigil ng tawa. Doon niya rin napagtanto na doon na pala siya halos mahiga sa dibdib nito kaya naman agad siyang kumalas na parang walang nangyari.



"Yaa. Ba't... ba't di mo naman sa'kin sinabi?" mejo nahihiya pang sabi ni Axel.



"Na ano?" mejo natatawa pa ring wika ni Caleb.



"Na... ano... sa'yo na pala ako ano... nakahiga. Baka kasi hindi ka masyadong nakatulog kasi 'yun nga. Nakakahiya naman." Hindi pa rin makatingin hanggang ngayon si Axel.



"Ano ka ba. HAHA. Okay lang. Hindi ka naman masyadong kabigatan. Kayang kaya ng mga muscles ko oh." Sabay flex ng kanyang mga braso. "Ano? Gutom ka na ba? May pagkain na sa labas. Nakapagluto na ako."



"Weh? Nakapagluto ka agad?" di makapaniwalang tanong ni Axel.



"Oo. Bakit?"



"Eh diba..." sabay turo sa pwesto nila kanina.



"Ah. Maaga akong nagising. Mga around 5:30 AM. Tulo pa laway mo nun." Napatakip naman ng mukha si Axel na siyang ikinatawa naman ni Caleb. "HAHA Joke lang. Basta, tulog na tulog ka pa nun. Nagluto na ako. Tapos bumalik ako dito sa kama para may kunin sana kaso ayun, bigla mo na lang akong nilingkis jan. Hindi na ako nakaalis."



Mas lalo namang nahiya si Axel. Parang gusto na niyang lamunin ng lupa. Paniguradong mukha na siyang kamatis sa pula ngayon.



"Ikaw talaga pahamak ka kahit kailan. Sabi ko behave eh behave." Mahinang usal ni Axel sa kanyang sarili.



"May sinasabi ka?" tanong naman ni Caleb.



"Ahh ehh ano... wala. Sabi ko, sorry ulit. Hehe." Medyo awkward na sagot ni Axel.



"Okay nga lang sinabi. Isa pa, ang cute mo pala pag tulog ka." Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ni Axel. Lately, hindi niya talaga alam kung bakit para siyang bago ng bago pagdating dito kay Caleb at sa mga sinasabi nito. Lately, nagiging big deal lahat para sa kanya basta galing kay Caleb. Kapag pinupuri siya nito dati, wala lang. Ngayon, akala mo butiki siyang inaasinan sa kilig. Dati, kapag magkikita sila, hindi naman siya masyadong conscious. Ngayon, nakakailang palit siya masigurado lang na gwapo siya sa paningin ng kapareha.



Napailing na lang siya. Bakit ba palakas ng palakas ang tama ko sa lalaking 'to? Nawika niya sa kanyang sarili.



"Huy. Tara na. Kain na tayo."




***




Hindi naman mapatid ang ngiti ni Caleb sa sitwasyon nila ngayon. Wala lang, para lang naman kasi silang mag-asawa sa set up nila ngayon. Ang sarap sa feeling na sarap na sarap si Axel sa mga niluto niya kahit pritong hotdog at itlog lang 'yun. Ang sarap pala sa feeling nan a-appreciate ka ng taong pinaglaanan mo ng effort.



"Para kang baliw jan." komento ni Axel. "Kumain ka na."



"Sarap na sarap ka sa... hotdog at itlog ko ah." Nakangising wika ni Caleb.



"Hmmm. Pwede na ring pagtiyagaan." Pang-aalaska naman ni Axel.



"Ahh ganun. May isa pa akong ditong hotdog tsaka dalawang itlog. Mas masarap 'to kesa jan. Gusto mo i-try?" mapanuksong tugon naman ni Caleb.



"Sorry.  Not interested." Natatawang wika ni Axel.



At nagpatuloy silang kumaing dalawa. Kapwa nag-uumapaw sa saya ang puso nila. Ang oras na kanilang pinagsasaluhan ngayon ay hindi matatawaran ng kahit anong kasikatan o pera. Mas masarap pa ring ma-solo ang minamahal mo at nagagawa mo ang kahit na anong gusto mo, nasasabi mo ang kahit na anong gusto mo ng walang script.



Maya-maya pa ay natapos rin sila sa pagkain, nagpahinga ng kaunti at saka nagpasya si Axel na maligo.



Habang nasa C.R. napapatitig na lang si Axel sa kanyang repleksyon sa salamin. Masaya siya. Ngayon niya ulit nakita ang kanyang sarili na sumaya. Na ang ngiti'y umaabot hanggang sa kanyang mga mata. Ngunit nasa ganoong sitwasyon siya ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Nang tingnan niya kung sino, si Top pala. Nawala ang ngiti sa kanyang labi.



"Saan ka? Bakit wala ka dito sa unit mo? 'Di ka ba dito natulog?"



Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi naman siya tanga para hindi maramdaman na may kakaibang nararamdaman sa kanya ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya iyon inaasahan dahil noon, noong sila'y nagsisimula pa lamang, nasabi nito sa kanya na hinding hindi siya magkakagusto sa kapareha niya ng kasarian...




*Flashback...




"Congrats buddy. Balita ko ikaw nakuha na lead role dun sa pinag-auditionan mo." Wika nito sa kanya.



"Uy buddy. Salamat. Oo nga eh. Hindi ko rin inexpect." Wika nito at saka ininom ang wine na kanina pa niya hawak hawak.



"Ano bang project 'yan? Tsaka anong title? Sinu-sino pating makakasama mo?" dagdag na tanong pa nito.



"Ah Not Like The Movies. Bale makakasama ko sina..." at dinetalye niya kung sinu-sinong makakasama niya.



"Ahh. Okay naman pala eh. Mukhang exciting, okay 'yung casts eh. Pero bakit ganun? Puro lalaki? Konti lang babae. Sinong magiging leading lady mo?" inosenteng tanong nito.



"Ahh ano... ganun talaga. Ano 'to eh... Man to man relationship. Bale si Caleb Saavedra 'yung partner ko dito." Medyo awkward pero sinabi na niya. Useless naman kung ililihim pa niya, isa pa bestrfriend naman niya 'to eh.



Sa gulat ay naibuga ni Top ang kanyang iniinom at medyo napatawa.



"Tang-ina. Seryoso ka pare?" nang ma-realize niya na seryoso ang kaibigan ay nag-seryoso na rin siya. "Sa bagay, sa trabaho natin, kailangan talaga nating maging crafty 'no para mag-grow lalo. Pero ako, sa totoong buhay, parang hindi ako papatol sa kapwa ko lalaki. Ewan ko, no offense sa show mo ha, pero parang 'di ko kayang... basta. Pareho kaming may lawit tapos... haha. Ewan ko. Basta."




*End of flashback...




"Haaaaay. Ewan." Nasabi na lang niya sa sarili nung makabalik na siya sa katinuan at saka nagpatuloy ng pagliligo.



Mga ilang minuto rin siyang nasa C.R. at pagkatapos ay lumabas din siya. Pagkalabas pa lamang niya ng C.R. ay nakarinig na kaagad siya ng tugtog ng gitara, at sinundan ito ng isang tinig na humaplos sa kanyang puso...


  (A/n: Imagine niyo si Caleb ito. Moving Closer cover by TJ Monterde)  



♪ ♫ When you smile, everything's in place

I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move

While we're young, come away with me
Keep me close and don't let go. ♪ ♫




Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Hindi ito 'yung first time na nakinig ko 'yung pagkanta niya. Alam ko naman na kumakanta talaga siya at naggigitara kaya nga nagkakatugma mga trip naming sa buhay nun dahil hilig ko rin 'yung mga hilig niya, pero ewan ko, andito ako sa likod niya, sapat para makita ko 'yung mukha niya habang kumakanta, at hindi ko mapigilang... mapangiti? Parang lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Parang lumiliwanag ang paligid lalo, 'yung parang sa mga pelikula... kapag nakikita nila 'yung mga taong nagpapasaya sa kanila. Ganun.



♪ ♫ Inch by inch, we're moving closer

Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you

Who'd have thought that I'd breathe the air
Spinning 'round your atmosphere

I'll hold my breath, falling into you
Break my fall and don't let go
. ♪ ♫




Hindi ko napansin na kakatitig ko sa kanya, nakatingin na rin pala siya sa'kin. May kakaiba sa mga titig niya habang umaawit, parang nakakalunog. Para bang sa pagkakaintindi ko, parang sinasabi niyasa'kin mismo 'yung mga lyrics nung kanta?




♪ ♫ Inch by inch, we're moving closer

Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you

Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you

Moving closer...
Closer to you...
Moving closer...
♪ ♫




Dahil sa sobra akong nababalot ng kung ano mang nararamdaman ko ngayon, hindi ko namalayan na papalapit na pala siya sa'kin. Suot pa rin niya 'yung ngiting nakakahumaling. Ako naman, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nang magkaharap na kami, bahagyang bumaba ang ulo niya lumapit sa may tenga ko at saka bumulong...




I'm moving closer to you ♪ ♫




At tuluyan na siyang pumasok ng C.R habang ako'y naiwang tila pinanawan ng lakas sa aking kinatatayuan.




ANO NA BANG NAGYAYARI SA'KIN?!

Continue Reading

You'll Also Like

868K 19.8K 48
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
127K 4.5K 39
โ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. โž She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...
688K 25.1K 100
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...