I'm not the only one (ToLine)

By iamcertifiedtorpe

106K 1.7K 136

Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan... More

Note.
Chapter-1
Chapter-2
Chapter-3
Chapter-4
Chapter-5
Chapter-6
Chapter-7
Chapter-8
Chapter-9
Chapter-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter-48
Chapter-49
Chapter-50
Chapter-51
Chapter-52
Chapter-53
Chapter-54
Chapter-55

Chapter-34

1.3K 30 10
By iamcertifiedtorpe


Isabel's POV...

Ring!

Ring!

Ring!

Ugh!

Padabog naman akong bumangon ng kama.

Nauubos na pasensya ko! Sino ba kasi itong caller na to!

Walang gana na kinuha ko ang cellphone ko sa may sidetable para sagutin ang tawag na yun. Actually kanina pa yun tunog ng tunog hindi ko lang pinapansin dahil wala ako sa mood, pero mukhang nasa mood ang caller dahil hindi din tumigil kakatawag.


"Hello Jan?" Walang gana kong bungad.


"Babe, bakit wala kapa sa opisina mo? Natraffic ka ba?" Tanong nito sa kabilang linya.


"Actually hindi ako papasok today, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon" Paliwanag ko sa kanya.


"I see.. Ahmm. Do you need something ba? Dadalhan kita?" Tugon nito.


"Wala naman, I need a lot of rest lang" Saad ko naman.


"Ahh okay, napatawag lang ako kasi unusual na wala ka pa sa opisina mo ng ganitong oras. Sige na pala Babe tatawag nalang ako mamaya may meeting kami ngayon eh. I love you" Paalam niya.


"Yeah.. I love you too..." Sagot ko naman bago binaba ang tawag.


Napahinga nalang ako ng malalim at tahimik na tumitig sa kisame. Hindi kasi naging maganda ang gising ko dahil hindi naging maganda ang panaginip ko, kaya ngayon pakiramdam ko drain lahat ng lakas ko.

Pero ano kayang ibig sabihin nun?

May mensahe ba iyon na nais pinaparating?


Hay.. Mas mabuti pa ata na pumasok nalang ako kesa ganito inooverthink ko lang yung panaginip ko. At napagdesisyonan ko ng simulan ang araw ko para hindi ko na rin maisip ang bagay na yun.


"Oh, Anak bakit ngayon ka lang bumaba, hindi ka ba papasok ngayon?" Bungad sa akin ni Mom, pagkababa ko sa dining.


"Hindi maganda pakiramdam ko Mom, magpapahinga lang ako buong araw" Sagot ko naman.


"Ganun ba, oh siya kumain ka na muna dito para makapagpahinga ka na rin agad" Aya nito.


"Si Dad po?" Tanong ko.


"Maagang pumasok may maagang meeting raw siyang pupuntahan"


"I see.. Mom, did Dad already cheated on you?" Out of nowhere kong tanong. Halatang nagulat nga ito sa tanong ko base na rin sa ekspresyon ng mukha niya pero agad din itong nakabawi.

"Bakit biglaan mo atang natanong, may problema ba?" Tanong niya.

"Wala naman Mom, napa-isip lang ako" Sagot ko naman.

"Okay, and to answer your  question - Yes before, ang Ate Yna mo palang ang anak namin nun that time.. And sobrang nagalit ako sa kanya noong malaman ko yun, plus the fact na tinolerate siya ng friends niya to do that.. Muntikan na rin kaming maghiwalay pero pumagitna ang parents namin especially ang Lolo mo para hindi kami maghiwalay. Sa dulo nakipaghiwalay ang Daddy mo  sa kabit niya and nangakong  hinding hindi na niya iyon gagawin ulit, then dumating ka sa amin" Kwento nito.

Ngayon ko lang nalaman na may ganitong side of the story pala sila Mom.

"After that, wala na pong sumunod?" Follow up question ko.

"Luckily wala naman na, or hindi mas ginalingan ng Dad mo itago ang mga babae niya" Napatigil naman ako sa pagkain nun dahil sa sinabi nito.

"Biro lang.. Sa sobrang sungit at strikto ba naman ng Daddy mo ewan nalang kung may ibang tatagal bukod sa akin" Saad nito.

I agree with that.. Sobrang sungit kasi ni Dad na dinaig pa niya kaming mga babae sa pamilya.

"Pero come to think of it Anak.. most of the relationships dumadaan at dadaan sa ganoong stage. Pero mas better pa rin na stay faithful sa partners natin" Komento pa ni Mom.

Hindi naman na ako nagsalita pa, baka kung saan nanaman kami umabot nito.

"And Isabel.. Naghihintay kami"

"Saan naman po Mom?" Nagtataka kong tanong.

"Sa magiging desisyon mo.. Hindi mo sila pwedeng ikeep parehas, gaya ng ginawa ng Dad mo, niletgo niya yung kabit niya and chooses us. Kelangan mo rin pumili kung sino ang gusto mo magstay" Saad nito.

Once in blue moon lang talaga ako makakaiwas sa mga ganitong sermon ni Mom. Hay.

"Saglit lang Mom.. Kukunin ko lang mga vitamins ko sa taas" Paalam ko naman bago mabilis na uminom ng tubig.

Napansin ko naman ang unting pag-iling nito.

"Oh sya, sige pupunta na rin muna ako sa gardeen at aayusin ang bagong bili kong halaman" Saad nito.

Good thing hindi na pinilit ni Mom ang conversation na yun.

Hay.. hindi ko rin alam sasabihin ko.

Naiiling naman ako habang papaakyat sa kwarto ko.

Mukhang handa na silang lahat sa maaring desisyon ko... Ako nalang itong hindi.

.
.
.


"Isabel, Anak gising ka ba?" Tanong ni Mom sa labas ng kwarto ko.


"Yes Mom, bukas yang pinto" Sagot ko naman.


Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto pero si Jan ang inuluwa nun.


"Babe.. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Jan bago inilapag ang dala nitong bulaklak sa side table at tinignan ang aking temperature.


"So far medyo umookay na, sana sinabihan mo man lang ako na pupunta ka pala dito" Tugon ko.


Hindi ko alam na pupunta pala siya dito, sana sinabihan man lang niya ako.


"Hindi ko na nasabi sayo kasi gusto kitang isuprise.. And hindi na rin muna ako papasok ngayon" Suggest nito.

"What? Pumasok ka.. Pahinga lang ang katapat nitong sama ng pakimdam ko" Pilit ko naman.

"But.. Gusto kitang maalagaan ngayon" Nakanguso pa nitong sabi.

"Gaya ng sabi ko kanina, Pagod lang ito at kelangan ko lang ng maraming pahinga" Nagpapasensyang paliwanag ko.

Gusto ko talagang mapag-isa ngayon. Bakit ba ayaw nanaman nilang ibigay sa akin yun?

"Isabel lumabas ka dyan!"

Napatigil ako duon, hindi ako pwedeng magkamali boses yun ni Diana.

"Isabel!"


Agad naman akong napadungaw sa bintana, at hindi nga ako nagkakamali nasa labas si Diana.

Anong ginagawa niya rito?

"Anak si Diana nag-eeskandalo sa labas nakakahiya sa mga kapit-bahay" Sulpot ni Mom.


"Tumawag na tayo sa security ng subdivision Tita" Saad naman ni Jan, at akmang kukuhain nito ang kanyang cellphone ng mabilis kong hinawakan ang kamay niya.


"Huwag, kelangan rin naming mag-usap" Pigil ko naman sa kanya.


Baka ito ang gustong iparating ng panaginip ko.


"Sigurado ka ba dyan? Baka saktan ka lang niya" Paninigurado ni Jan.


"What the hell!  Jan ano kaba, asawa ko si Diana,  kaya sigurado akong hindi niya ako sasaktan" Depensa ko naman.


"Naninigurado lang" Mabilis na tugon nito.


"Naninigurado lang?  Sa sinasabi mong yan you're trying to point out something" Naiinis kong sagot naman.

Kung maka asta siya parang mas kilala pa niya si Diana kesa sa akin.


"Okay.. Chill Im sorry"


"Please, Jan huwag ka nalang muna mangialam. At hayaan mo muna akong magasikaso nito" Mapagpasensya kong saad bago lumabas ng kwarto.

Sana naman nagkakaintindihan kami.


"Anak, labasin mo na si Diana duon" Singit naman ni Mom.

Muli, humugot ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang lumabas.

Sakto namang nagtama ang mga mata  ni Diana paglabas ko ng gate, para itong mabuhayan ng makita ako at nagulat nalang ako nang bigla na itong natumba sa kalsada. Sinuntok siya ni Jan na hindi ko namalayan sa kabilang gate ito dumaan.

Agad ko namang hinila si Jan nang makabawi ako.

"What the hell, why did you do that!?" Nanggagalaiti kong tanong.


Akala ko ba nagkaintindihan na kami kanina?

"Nakita mo naman yung ginawa niya sa akin diba? Kulang pa yan Isabel!" Katwiran naman ni Jan.


Fck! Jan ano ba! bakit ang hilig mong makisawsaw. Pinapalala mo lang ang sitwasyon!

"Leave!" Utos ko.

Sasagot pa sana ito nang magsalita ako ulit.

"I said leave!"


"Fck this! Hindi pa tayo tapos Diana" Pagbabanta ni Jan bago mabilis na sumakay sasakayan nito at umalis.

Pagkaalis nito ay mabilis akong lumapit kay Diana na parang hindi pa nakabawi sa nangyari.

"Diana.. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang ko, habang tinitignan ko yung natamo nitong galos sa mukha.

Napatitig lang ito sa akin, parang hindi makapaniwala na nasa harap na niya ako.


"Isabel.. Bakit nagawa mo sakin to?" Naluluha nitong tanong.

Nalunok naman ako, dahil kitang kita ko naman sa mga mata nito ang sakit.

Dumating na ang araw na kinakatakot ko, hindi pa ako handa at kailanman hindi ako magiging handa.  Alam kong may idea na siya, kilala si Diana hindi ito basta basta susugod sa bahay namin kung wala itong nalaman na sobrang ikakagalit niya.

"I-- Im Sorry Diana.. Hindi ko sinasadya" Nauutal kong sagot.

Kelangan ko na ring aminin sa kanya ang totoo. Hindi ko na kayang itago pa ito, habang tumatagal mas lalong bumibigat ang dinadala ko.


"It's okay Hon.. Magbabago ka naman diba? Itatama mo lahat ng pagkakamali mo para samin ni Ysabelle at sa pinagbubuntis mo diba?" Tanong nito, kung may natitira pang pag-asa para isalba ang relasyon naming dalawa ito na yung sinusugal na niya.

Nahihiyang yumuko naman ako. Hindi ko kayang tignan ng direkta si Diana.

Natutunaw ako.

"So--sorry Diana.. Hin-- Hindi sa atin itong batang dinadala ko" Buong pag-amin ko.

This is a torture... A pure torture para sa aming dalawa.

"Kahit hindi sa atin yan, tatanggapin ko pa rin ang responsibilidad sa kanya Isabel.. Huwag mo lang kaming iwan.. Kaya please umuwi na tayo" Paki-usap nito. Bago hinawakan ang magkabila kong kamay para iparamdam na seryoso ito.

"I--- I cant" Nahihirapang saad ko at kasabay nun ang pagbitaw niya sa mga kamay ko.


"So.. Mas pinili mo yung lalaking yun kesa sa amin ng Anak mo?" Hindi makapaniwala nitong tanong.

Bigla akong nakaramdam ng takot sa aura niya ngayon, ibang-iba ito sa kanina. Mukhang nag sisink in na sa kanya ang mga sinabi ko.

Hindi naman ako naka-sagot sa tanong niya. Ganito rin ang sinabi sa akin ni Jus nung malaman niya ang bagay na to.

"Hindi naman sa ganun Diana" Depensa ko.

"Then what!? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Isabel? Mas gusto mo makasama ang lalaki mo kesa sa amin ng Anak mo, -- nga naman magkasama nga kayo kanina habang kami ng anak ko nangungulila sayo!" Sigaw nito.


"Hindi mo ako naiintindihan Diana" Mahinang bulong ko.

"What? Gusto mo intindihin ko ang ginagawa mong pag-ipot sa ulo ko Isabel? I'm giving you a chance na mabago pa ito.. But ayaw mo, anong gusto mong maging reaksyon ko, Matuwa? " Sumbat nito.


"Hindi mo talaga ako naiintindihan Diana, kayong lahat hindi niyo ako naiintindihan! --Gusto ko lang naman tanggapin ako ulit ng mga magulang ko lalong lalo na ni Dad bilang ako si Isabel ang bunsong anak nila.. Alam mo namang matagal ko ng hinagangad yun diba, at narealize ko na hindi ko makukuha yun hanggat hindi tayo naghihiwalay" Buong lakas kong sagot.

Nadadala na rin ako ng emosyon kong hindi ko na rin maintindihan.


"Fck! Ahahaha! So ako--- kami pa ng anak mo ang may kasalanan, kami pa ang balakid kung bakit hindi ka matanggap tanggap ulit ng pamilya mo?"


Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"I---I guess so"


"Fck! Ahahahaha!" Naiiling nalang nitong sabi.


"I hope masaya ka sa mga desisyon mo" Malaman nitong saad bago ako tinalikuran at mabilis na sumakay ng kotse.

Nanghihina naman akong napaupo sa kalsada.

What I have done...

______________________________...

Payag ka nun? Na to achieve something kelangan kang hiwalayan.

Tagal ko ng nasulat to, sobrang wala lang akong maisulat duon sa unang pa gitnang part. Ahahahha!

Thank you for reading..

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25K 57
What can be more painful than watching the person you love, fall in love with someone else and there is nothing you can do? Hanggang saan pa ba ang k...
21.7K 1.1K 51
Based on the song "Sweet Memory" by MACO.
6.4K 157 67
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
38.2K 1.8K 27
In the shadows where you feel safe.....lurking in the night amidst of danger. Knowing that someone or somebody watching over you. Dehydrated by warmt...