Their Cold-Hearted Brother [...

By miss_spn

68.9K 2.8K 512

Amanda, Cassandra, Natasha, and Samantha thought that the new part of their family which is the scholar lady... More

TCHB: Prologue
TCHB: Chapter 1
TCHB: Chapter 2
TCHB: Chapter 3
TCHB: Chapter 4
TCHB: Chapter 5
TCHB: Chapter 6
TCHB: Chapter 7
TCHB: Chapter 8
TCHB: Chapter 9
TCHB: Chapter 10
TCHB: Chapter 11
TCHB: Chapter 12
TCHB: Chapter 13
TCHB: Chapter 14
TCHB: Chapter 15
TCHB: Chapter 16
TCHB: Chapter 17
TCHB: Chapter 18
TCHB: Chapter 19
TCHB: Chapter 20
TCHB: Chapter 21
TCHB: Chapter 22
TCHB: Chapter 23
TCHB: Chapter 24
TCHB: Chapter 25
TCHB: Chapter 26
TCHB: Chapter 27
TCHB: Chapter 28
TCHB: Chapter 29
TCHB: Chapter 30
TCHB: Chapter 31
TCHB: Chapter 33
TCHB: Chapter 34
TCHB: Chapter 35

TCHB: Chapter 32

1.5K 61 11
By miss_spn

AVERY'S POV

Nagising ako nang maramdaman ko ang init sa balat ko. Ang panget nung panaginip ko. Siguro kung totoo yon eh sa malamang na hinimatay na ko. Ano ba naman 'to?! Hindi ko gaanong maidilat ang mata ko. Pakiramdam ko eh puro muta na yung mata ko. Agad akong bumangon at nakita ko ang liwanag na galing sa bukas na bintana. Argh! Ang sakit ng ulo ko. Siguro inuntog ko ang ulo ko sa pader ng maraming beses.

Teka, nasaan ako? Sino ako? Ako ba si Padre Damaso? O ako ba si Sisa? Baka naman ako si Crisostomo Ibarra? Wala akong maalala. Charot! Hindi ko lang maalala na iniwan kong bukas ang bintana ng kwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero parang hindi ko naman 'to kwarto.

Natigilan ang mata ko sa paglilibot dito sa kwarto nang makita ko ang isang picture frame sa gilid. Tumayo ako para tignan yung picture frame na nandon sa study table. Si Chase ang nasa picture at may kaakbay siyang babae na sobrang kinis at sobrang ganda. Nag-belo kaya siya? Joke! Siguro eto yung girlfriend ni Chase na namayapa na. Chris nga ba yon? Ayy ewan! Basta ang ganda niya.

"Nasa kwarto lang pala ako ni Chase."bulong ko sa sarili ko

Bumalik ako dun sa kama at humiga ulit ako. Ang kapal ng mukha ko, diba? Bwahahaha! Medyo inaantok pa kasi ako at ang sakit ng mata ko. Napatitig ako saglit sa kisame pero agad din akong napabangon nang ma-realize ko ang sinabi ko kanina. Jusko po naman!

"Anong ginagawa ko dito?!"sigaw ko sa sarili ko

Tinignan ko ang katawan ko at mukhang wala namang nangyaring kakaiba. May damit pa naman ako at kumpleto pa ang bahagi ng katawan ko. Hindi naman siguro ako pinagsamantalahan ni Chase, diba? Baka siya pa nga ang pagsamantalahan ko dyan eh. Rawr!

"Gising ka na pala."

Dahan dahan akong napalingon dun sa lugar kung saan ko narinig yung boses. Agad kong tinakpan ang mukha ko pero hindi ko tinakpan ang mga mata ko. Sayang naman kasi yung magandang tanawin hahaha lol.

Kainis naman kasi 'tong si Chase eh! Bigla biglang magsasalita dun sa sulok pero ang nakakagulat dyan eh yung kakalabas lang niya sa banyo kaya napatakip ako ng mukha. Basang basa pa ang buhok niya at mukhang kakaligo lang niya. Tanging tuwalya lang na nakapulupot sa bewang niya yung suot niya ngayon. Jusko po!

"Are you okay now?"tanong niya at lumapit pa talaga siya sa akin

"Pwede bang magbihis ka muna? Hindi ba talaga uso sa'yo minsan ang magdamit?"naiilang kong tanong sa kanya

Bigla siyang napatingin sa sarili niya at agad siya umiwas ng tingin sa akin. Pansin ko rin na namumula ang tenga niya. Nako po naman! Wala ba siyang balak umalis sa harapan ko? Kakagatin ko na 'to hahaha joke!

"Sorry! Nakalimutan ko kasi na nandito ka sa kwarto ko."nahihiyang sabi niya habang nakaiwas pa rin ng tingin sa akin

"Lalabas na lang--"

"No! I mean, I'll just get my clothes at sa banyo na ako magbibihis. Wait me there. Saglit lang ako."sabi niya

Hindi na ako sumagot at kumuha na siya ng mga damit niya. Nang makapasok na siya sa banyo eh bigla tuloy akong napaisip kung paano ako napunta dito. Nagpunta ba siya sa kwarto ko at binitbit niya ko dito sa kwarto niya para tabi kaming matulog? Charot! Asa naman ako. Ang naalala ko lang eh nagpunta ako dito sa kwarto ni Chase habang umiiyak ako kasi tinawagan ako ni Van at sinabi niya sa akin na--Teka?! Ibig bang sabihin nun eh hindi yun panaginip?

Bigla akong natulala at naalala ko yung mga sinabi sa akin ni Van kagabi. Parang huminto na naman ang mundo ko. Bumibigat na ang pakiramdam ko ngayon. Akala ko binibiro lang ako ni Van at ang akala ko eh panaginip lang yon. Pesteng akala yan! Ang sakit sakit. Nanlalambot na ako.

Narinig kong bumukas yung pinto sa banyo pero hindi ko yun pinansin. Agad kong pinunasan yung mga luha ko na di ko namalayang tumutulo na pala. Argh! Ang iyakin ko talaga. Dapat maging malakas ako ngayon eh.

"Ayos n--Wait, are you crying?"narinig kong sabi ni Chase at nilapitan niya ako agad dito sa may kama niya

Nakatingin siya sa akin pero nginitian ko lang siya. Alam kong kahit anong gawin kong ngiti sa kanya eh nakikita niya pa rin yung lungkot sa mukha ko. Ayokong makita niya na nasasaktan ako. Ayokong maawa siya sa akin. Ayokong ipakita sa iba na ang hina hina ko pagdating sa mga ganto.

"You can cry."sabi niya habang nakatingin siya sa mga mata ko

"Hindi ah hehe. Ayos lang ako! Ayokong maging malungkot. Hindi naman ako mahina. Hindi ako iiyak 'no."natatawang sabi ko sa kanya

"Ayos lang kahit malungkot o mahina ka minsan. You don't need to be happy or smile everyday."sabi pa ni Chase sa akin habang nakatitig sa mga mata ko

"Argh! Nakakainis ka naman. Pinapaiyak mo talaga ko."sabi ko sa kanya at bigla ng tumulo yung mga luha ko na pinipigilan ko kanina

Pinupunasan ko ang mga luha ko at pilit kong nginingitian si Chase. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Kainis naman eh! Hindi ko mapigilan yung paglabas ng mga luha ko. Nanlalabo na naman ang paningin ko.

"Sh*t! I hate to see you crying."bulong ni Chase sa sarili niya at agad niya akong niyakap

Lalo akong umiyak ng umiyak nung niyakap niya ko. Ang init ng katawan ni Chase. Pakiramdam ko hindi niya ko iiwan. Argh! Pesteng mga luha 'to! Ang sakit na ng mata ko ah. Lalong mamamaga 'to eh. Hindi pa naman ako naghihilamos ngayon.

"Shhhhh! Everything will be fine."pagpapakalma niya sa akin pero lalo lang akong naiiyak

"Pinapaiyak naman kasi ako ni nanay eh. Bakit ganon, Chase? Bakit yung nanay ko pa? Siya na lang yung meron ako pero parang pati siya iiwan na rin ako."sabi ko at pilit akong tumatawa kahit wala namang nakakatawa

"Don't force yourself to smile or laugh. Mas nahihirapan ka lang sa ginagawa mo. I know that your mother is a strong woman like you. Trust me, Sync. She will be fine."sabi niya sa akin kaya naman hindi na ako nagsalita at umiyak na lang ako ng umiyak.

Flashback...

Itinabi ko na ang sulat sa drawer ko at bumalik na ako sa kama ko. Hihiga na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko 'tong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag. Gabing gabi na kasi at istorbo pa siya hahaha joke!

[ Van calling... ]

Si Van lang pala. Bakit siya napatawag ng ganitong oras? Siguro miss na ako ng hambog na 'to. Busy rin kasi siya nitong mga nakakaraang araw kaya hindi siya nakakatawag. Hindi ko rin naman siya matawagan dahil hindi pa ko nakakapagpaload. Nakakatamad eh hahaha lol. Masagot na nga!

"Hello Van! Kamusta ka na?"masayang bati ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag

(Sync, mabuti naman at gising ka pa.)

Nawala ang ngiti sa mukha ko sa hindi ko malamang dahilan. Bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Van. Alam kong pilit lang niyang pinagsigla ang boses niya. Hindi niya ako maloloko 'no. Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga sa kabilang linya na para bang sumali siya sa karera.

"May problema ba?"kinakabahan kong tanong

(Promise me that you will calm down.)

Lalo akong kinabahan dahil sa narinig ko. Bakit ganon ang tono ng boses ni Van? Ibig sabihin may problema nga. Malala ba ang problema? Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"Sabihin mo na."mahinahon kong sabi sa kanya kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa kaba

(Yung nanay mo...)

"Anong meron kay nanay?"tanong ko sa kanya at umaasa ako na walang masamang nangyari

(Nasaksak siya, Sync. Tumama pa ang ulo niya sa bato. Nasa ospital ako at nasa operating room si tita ngayon. Ang sabi ng doktor eh kritikal ang lagay niya.)

Nabitiwan ko ang cellphone ko kaya bumagsak ito sa kama ko. Na-blangko ang utak ko dahil sa sinabi ni Van. Naririnig ko rin na napapamura siya sa kabilang linya dahil naka-loud speaker ako pero hindi ko yun pinapansin. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Walang pumapasok sa isip ko ngayon.

Sinabunutan ko ang sarili ko at napapikit na lang ako. Unti unti ko na namang nararamdaman ang pag-agos ng mga luha ko. Bakit ang nanay ko pa? Bakit ngayon pa nangyari sa akin 'to kung kelan wala ako sa tabi niya?

"Van..."pagtawag ko sa kanya kahit nanghihina ako sa mga narinig ko

(Don't cry, Sync. I know that you're crying right now. Magiging ayos din ang lahat. Ipinapangako ko sa'yo yan.)

"Uuwi ako dyan..."mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya

Hindi ko na narinig si Van na nagsalita. Kailangan kong makita si nanay. Kailangan kong umuwi ng Cebu. Siya na lang ang meron ako at hindi ko hahayaan na pati siya eh mawala sa akin. Hintayin mo ako dyan nanay. Wag kang bibitaw, pakiusap.

---End of Flashback---

"K-kailangan kong umuwi ng Cebu, Chase."sabi ko at agad niyang inalis ang pagkakayakap niya sa akin

Tumigil na ako sa pag-iyak at sinisinghot ko na lang yung sipon ko ngayon dahil baka matuluan si Chase. Hawak niya ang balikat ko at seryoso lang siyang nakatingin sa mukha ko. Malinaw ko pa ring nakikita ang gwapo niyang mukha kahit umiiyak at nanlalabo na ang paningin ko. Wala akong makitang ibang emosyon sa mukha niya. 

"Alright! We'll go to Cebu."sabi niya at nginitian niya ako ng konti

"We? As in tayong dalawa? Ikaw at ako lang. Wala namang tayo."biro ko pero mukhang hindi niya na-gets

"I'll go with you in Cebu."sabi pa niya ulit at pinunasan niya yung mga luha sa mata ko

Bigla akong tumawa dahil sa sinabi niya. Ang corny ng joke niya pero tinawanan ko pa rin. Tawanan niyo rin para mag-joke ulit siya sa susunod. May tinatago rin palang kakulitan 'tong si Chase eh 'no. Nahahawa na siya sa pagiging joker ko. Nababaliw na siya siguro.

"Why are you laughing?"taas kilay niyang tanong sa akin kaya naman tumigil ako sa pagtawa

"Biro lang yon, diba? Ikaw? Sasama ka sa akin sa Cebu? Imposible!"natatawang sabi ko pero ibinaba niya ang kilay niya at kumunot naman ang noo niya

"I'm serious."sabi niya at dumiretso siya sa isang lamesa para ilabas ang isang maleta

Hindi ako nakapagsalita at natulala lang ako sa kanya habang kumukuha siya ng damit sa cabinet niya. Ang sexy ng likod niya. Punyemas! Seryoso talaga siya?!

"Get yourself ready. Aalis tayo mamayang hapon."sabi ni Chase habang patuloy na nag-aayos ng gamit niya

"Pero may pasok pa tayo bukas, diba? Tapos hindi pa tayo nakakapag-book ng flight--"

"Don't worry about that stuffs. I fixed everything yesterday."sabi pa niya kaya naman natahimik na lang ako

Napailing at napakurap na lang ako ng ilang beses. Sinampal ko na rin ang sarili ko dahil baka sakaling namali lang ako ng rinig o nananaginip lang ulit ako pero nasasaktan lang ako eh. Ibig sabihin ba non eh totoo talaga 'to?

"This is real, Sync. You're really crazy."narinig kong sabi niya dun sa sulok

Itinigil ko na ang ginagawa kong pananakit sa sarili ko dahil baka mukha na kong tanga. Tinignan ko na lang ulit si Chase dun sa tapat ng cabinet niya. Seryoso lang siyang nagtitiklop pero mukhang mas excited pa siya sa akin na umuwi ng Cebu.

Fast Forward...

Papaalis na kami ngayon. Ang galing nga dahil naayos na agad ni Chase ang flight namin papunta sa Cebu kagabi. Iba talaga kapag may connections hahaha lol.

"Mag-iingat kayo!"sabi ni tito at nginitian niya kaming dalawa

"Take care of her, Zero."sabi ni tita habang nakatingin kay Chase

Tinignan ko naman si Chase sa tabi ko na tinanguan lang si tita. Bitbit niya yung maleta ko at yung maleta niya. Sabi ko kasi sa kanya eh siya na ang magbibitbit dahil pinaiyak niya ako kanina bwahahaha!

"Salamat po sa pagpayag niyong umuwi ako ng Cebu. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo."sabi ko at pinipigilan ko na naman ang mga luha ko

"No problem, Avery! Sana gumaling na agad ang mommy mo."sabi ni tita

"Sana nga po."mahinang sabi ko at napangiti na lang ako ng mapait

Napatingin naman ako kila ate na mukha na namang nakagat ng mga zombie. Parang may sayad na naman silang apat. Simula kasi nung sinabi ni Chase sa kanila na sasamahan niya ko sa Cebu eh hindi na nawala ang mga ngiti nila.

"Wag mong papabayaan si Avery. Malalagot ka sa amin."nakangiting sabi ni Ate Amanda

"Oo nga! Iligaw mo si Zero sa Cebu kapag inaway ka."sabi ni Ate Cass sa akin

"That thing will never happen."nakangising sabi ni Chase sa kanila

"Psh! Ang yabang talaga. Paki-kamusta na lang kami sa family mo sa Cebu, Avery."sabi ni Ate Natasha sa akin kaya naman tumango na lang ako

"Wag mo akong kakalimutang uwian ng souvenir from Cebu hihi."paalala ulit ni Ate Sam sa amin

Magsasalita pa lang sana ako pero biglang may bumusina sa loob ng sasakyan. Napatingin kaming lahat at agad na sumilip sila Nathan at Kyle sa bintana. Ayy! Oo nga pala. Kasama rin silang dalawa hehe.

"Bilisan niyo!"sigaw ni Nathan

"Baka ma-late na tayo sa flight natin."sigaw naman ni Kyle

Bakas sa mukha nilang dalawa na sobrang excited silang makapunta sa Cebu. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Chase at sinama niya ang dalawang 'to. Siguro pinilit siya nung dalawa at pinagbantaan siya na ipagkakalat ang mga sikreto niya hahaha joke! Sa totoo lang eh ayos lang naman na kasama sila dahil hindi magiging malungkot at tahimik ang byahe.

"Sige na! Mukhang naaatat na yung dalawa."natatawang sabi ni tito

"Have a safe flight."sabi naman ni tita

"Salamat po! Mag-iingat po kayo."sabi ko

Nagpaalam na kami sa kanila sa huling pagkakataon at matapos nun eh agad akong hinila ni Chase papunta sa sasakyan. Ihahatid kami nung driver nila sa airport para hindi na kami mag-commute hehe. Nang makasakay na kami eh agad na umandar ang kotse nila. Excited rin ata si manong driver na ilayo kami sa mansion hahaha joke!

Nung medyo makalayo na kami sa bahay nila eh sumilip ako sa bintana. Nakita ko sila ate na kumakaway mula dun sa malayo kaya naman napangiti na lang ako. Ipinasok ko na ulit ang ulo ko sa loob ng sasakyan dahil baka may dumaang truck ng basura at masama pa nila ko. Charot!

Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at tinignan ko si Chase na tahimik lang at nakatingin sa labas. Sila Nathan at Kyle naman na nakaupo sa harapan namin eh mukhang pinag-uusapan na ang una nilang gagawin kapag nakarating na kami sa amin. Excited much?

Tinignan ko ang cellphone ko dahil nag-iintay ako ng update mula kay Van. Tinawagan niya kasi ako kaninang tanghali at sinabi niya na natapos na ang operasyon ni nanay pero nasa recovery room pa daw ito at hindi pa nagigising. Sabi daw ng doktor eh malalim ang pagkakasaksak sa tagiliran ni nanay at malala rin ang pagkakatama ng ulo niya sa bato kaya maraming dugo ang nawala sa kanya.

Wala akong ginawa magdamag kundi tumulala, umiyak at mag-isip ng mga bagay bagay. Minsan eh nagugulat na lang ako kapag sinasabi ni Chase sa akin na tumutulo na pala ang luha ko. Eto ang unang beses na uuwi ako ng Cebu na sobrang lungkot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nanlalambot pa rin ang tuhod ko hanggang ngayon. Nakakapanghina ang mga nangyayari.

Napatingin na lang ako sa labas at nagdasal na lang ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ako dapat umiyak. Dapat maging malakas ako para kay nanay. Alam kong kaya niya yon. Tama si Chase! Malakas si nanay. Alam kong malalampasan din namin 'to.

"She will be fine."

Agad kong nilingon si Chase sa tabi ko. Alam kong nag-aalala siya sa akin at alam kong ginagawa niya ang lahat para pagaanin ang loob ko. Napangiti na lang ako ng mapait. Argh! Ampalaya na naman kasi ang ulam namin kanina. Hindi na naman kasi nakapag-grocery si Manang Linda.

"Salamat, Chase."sabi ko at agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil tutulo na naman ang mga luha ko

Hindi ko ipinahalata sa kanila na umiyak ako dahil ayoko talagang maging mahina ngayon. Pinunasan ko ang mukha ko ng palihim. Bahala na kayong isipin kung pano ko yon ginawa. Basta napunasan ko hahaha!

TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

694K 7.9K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
550K 28.3K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...