Falling into Trouble [Fin]

By YGDara

3.3M 61.9K 4.1K

Barkada Series #4: Mico Illustre Unang tapak palang ng Christian Louboutin Bana pumps ni Ellaine sa malawak n... More

Falling into Trouble
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three

Epilogue

115K 2.2K 267
By YGDara

Dear Diary,
Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine.

"Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito.

Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"

Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito.

Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-isa.

"What can I do? Masyado akong hot para hindian mo."

Napaismid nalang si Ellaine at hinatak nalang ang batok ni Mico at mariing hinalikan ito.

Diary, alam mo bang monthsary namin ni Mico ngayon? Dapat magdedate kami ng kami lang, but we went to Ellaine's school. May play kasi siya kaya sabi ni Mico na panuorin namin at gusto daw niyang makita si Ellaine. Pumayag nalang ako since gusto ko rin naman pero hindi ko maiwasang magselos. Tama ba ito?

"Mico, saan mo ba ako dadalin?" Tanong ni Ellaine habang may nakapiring sa kanyang mga mata, hawak-hawak siya ni Mico sa bewang at ang isa ay sa kanang kamay niya at inaalalayan papunta sa kung saan mang lugar.

Habang papalapit ay may naririnig siyang lagaslas ng tubig, parang nahuhulaan niya na kung saan siya nito dadalin.

"Ready?" Bulong ni Mico sa tenga niya na nagpanginig sakanya.

Hindi nalang siya sumagot at tumango nalang. Excited na siyang makita kung ano ba ang pakulo nitong si Mico. Dalawang araw na sila rito sa rancho ni Mico at masaya siya dahil nakabalik siya ulit rito.

Dahang-dahang tinanggal ni Mico ang nakapiring sa kanyang mata at unti-unting nag-adjust ang paningin niya.

Napasinghap si Ellaine nang makita ang ganda ng paligid. Tama siya ng hula, sa falls siya nito dinala. Pero hindi niya ineexpect na pagagandahin nito ang paligid.

Sa may tila batis ay may mga nakalutang na mga kandila. May mga nakasabit na mga iba't-ibang kulay ng ilaw sa mga sanga ng puno. It was like a magical garden. And Mico made it himself.

Nakangiting binalingan niya si Mico. "Ano ito?" Tanong niya.

Napasinghap siya nang bigla itong lumuhod ulit sa harap niya. "Mico?"

Kinuha ni Mico ang kaliwang kamay niya at hinubad ang suot na singsing at inilipat sa kanang palasingsingan niya. Sunod na ginawa nito ay ang pagdukot ng panibagong singsing sa bulsa nito.

"Sweetie, alam ko corny na itong ginagawa ko pero gusto ko ulit itong gawin. Medyo palpak at kinakabahan kasi ako noong nasa exhibit tayo." Wika nito at hinawakan muli ang kaliwang kamay niya. "Ellaine Manansala, mahal na mahal kita. Siguro tama ang ate mo na matagal na akong may pagtingin sa'yo, iyon nga lang masyado ka pang bata noon. The first time I saw you again with your expensive dirty clothes, sabi ko sa sarili ko na eto na, eto na ang magbibigay sa'kin ng gulo. Totoo naman, dahil ginulo mo ang utak at puso ko. Kaya Ellaine Manansala, panagutan mo ang gulong hatid ko sa'kin at pakasalan mo ako." Wika ni Mico tapos ay sinuot na sa palasingsingan niya ang bagong singsing.

Natawa naman siya sa huling sinabi nito. "Is that even a question?"

Tumayo si Mico at pinagdikit ang mga noo nila. "No, because I will never give you a chance to walk away from me again." Bulong nito sa tapat ng labi niya.

Dear Diary, napapansin ko na talaga ang sobrang closeness nina Mico at Ellaine. Kanina napagalitan kasi si Ellaine nanaman ni Daddy kaya mabilis ko siya hinanap para aluin. I love my sister so much kaya ayoko na nakikita siyang umiyak. Nakita ko siya sa garden, at doon nakita ko yakap siya ni Mico. Then I realized, hindi lang ako ang may mahal kay Ellaine. Pati boyfriend ko ay mahal rin ito. Alam ko naman na mahal rin ako ni Mico, wala akong pagdududa doon pero hindi ko talaga maiwasang mag-isip. Mico has this special affection towards Ellaine. Pero siguro nga, kapatid lang talaga ang tingin nito tulad ng palaging sinasabi sa'kin ni Mico.


"Ready ka na?" Tanong ni Erin sakanya.

Araw na ng kasal niya ngayon at sobrang kinakabahan siya. One month lang nila isinaayos ang kasal nila ni Mico. Paano ba naman, sabi nito na mas maganda ang mas maaga. Buti nalang nandiyan ang barkada para tumulong, pati ang mga parents nila ni Mico ay sobra ang pag-aasikaso sa kasal nilang dalawa.

She's wearing a white long gown that is a little conservative in front but daring at the back which exposes her back. Si Colyn ang nagdesign ng lahat ng gowns ng mga bridesmaid at gown niya. Si Erin naman ang pinili niyang maid of honor.

"Marami bang tao sa labas?" Tanong niya.

Sa green fields sa rancho ng mga Illustre gaganapin ang kasal nila. Doon ang gusto niyang lugar dahil may isang cliff roon kung saan tanaw na tanaw ang magandang langit at araw kaya pinili nila na hapon sila ikasal na sakto sa sunset.

"Oo, at ikaw nalang ang kulang." Nakangiting sagot ni Erin.

Narinig nilang may kumatok at pumasok ang parents niya. Lumabas naman si Erin para bigyan sila ng oras na makapag-isa.

"Ang ganda ng anak ko." Naiiyak na sabi ng Daddy niya.

Natawa sila ng Mommy niya. "Huwag kang umiyak, Daddy." Sabi niya.

"Hayaan mo na iyang Daddy mo. Masaya lang iyan. Teka, isuot mo ito."

May kinuha ang Mommy niya sa purse nito at pumunta sa likod niya. Naramdaman nalang niya na may malamig na dumampi sa may leeg niya. Tinignan niya kung ano iyon at napasinghap siya nang makita na kwintas iyon ng ate niya.

"Elisha would be happy that her sister is now marrying the right man." Naiiyak narin ang Mommy niya.

She held her sister's necklace and closed her eyes.

Thank you,sis. Mahal na mahal kita.

Dear Diary, it's my sister's birthday today. But she's not happy. Even Mico noticed that she's not happy. Kaya naman nag-suggest si Mico na i-surpsrise namin si Ellaine kaya naisip ko na pumunta kami sa gusto nitong puntahan. At sa Tagaytay nga niya napili. Pupunta na kami doon ngayon kaya lang naisipan kong magsulat muna dito. Alam narin pala ni Mico na doon kami pupunta at nagprisinta itong siya nalang daw mag-ayos ng pagse-celebrate-an namin. He really wants to make Ellaine happy. Kaya kung ako papipiliin, if ever na mawala ako, I'll love to see Ellaine and Mico end up together. Oh well, that's just a random thought of mine. Bye Diary! Pupunta kaming Tagaytay!


Pumainlanlang ang magandang tunog ng violin at saxophone nang dumating na si Ellaine. Nagsitayuan ang mga tao para makita ang bride.

Inabutan naman siya ni Vin - na bestman niya - ng panyo. "Oh, maiyak ka pa." Biro nito sakanya.

Siniko niya ito sa tagiliran ng mahina. "Inggit ka lang kasi hindi ka mapansin ni Erin."

Mahinang napadaing si Mico nang kurutin siya ni Vin sa pwet niya. "Ulol ka, sabi na nga ba ako ang gusto mo eh." Sabi niya rito.

Nakita pa ni Mico sina Dylan,Jeremie at Marco na nagtatawanan habang nakatingin sakanila ni Vin.

Hindi na nakasagot si Vin dahil malapit na si Ellaine sakanila. Napangiti siya ng malaki nang matignan ang babaeng mahal niya ng husto.

Napakaganda nito sa suot na gown na gawa ni Colyn. At mas lalo itong gumanda nang ngitian siya nito. Inabot sakanya ng Ninong niya ang kamay ni Ellaine. Inalalayan niya si Ellaine papunta sa harap ng pari na magkakasal sakanila.

"Friends, we are gathered here today to witness the holy matrimony of these two people as they vow to God their love for each other." Pagsasalita ng pari.

Hindi na alam ni Mico kung ano ba ang pinagsasasabi ng pari sa buong seremonya basta hawak niya lang ang kamay ni Ellaine at paminsan-minsan hinahalikan. Nagtuon nalang siya ng atensyon nang tanungin na sila ng pari at sumagot naman sila ng 'I Do'.

"Dominico Illustre. My Mico.Matagal ko nang pinangarap ang maikasal sa'yo. Akala ko nga nakalimutan na kita, pero hindi pala. Hinding-hindi dahil nang mapadpad ako dito sa lupain mo alam ko na susuungin ko ang malaking gulo na dadating sa'kin at iyon nga ang mahalin kang uli. Salamat dahil hindi ka sumuko sa kaartehan ko, sa kamalditahan ko, sa insecurities ko. Salamat dahil minahal mo parin ako sa kabila ng lahat ng nasabi ko. Salamat dahil hinintay mo ako. At salamat dahil nandito ka ngayon at makakasama ko habang buhay. Mahal na mahal kita, sweetie. Kahit ang corny ng tawag mo sa'kin ayos lang basta maiparating ko lang sa'yo na mahal kita."

Nagsimula nang magtubig ang mga maya niya dahil sa sayang bumabalot sa buong pagkatao niya. He held Ellaine's hands.

"Ellaine Manansala. Sweetie ko. Nasabi ko na nga ata ang lahat sa'yo. Kilalang-kilala mo na ako. Stalker ata kita noon pa eh." Biro niya na ikinatawa ng mga tao. "Pero, ang totoo ako ang stalker mo. Lagi kong alam ang mga ginagawa mo noong mga bata pa tayo, lagi akong naroon kung nasaan ka. At nang magkita ulit tayo, tulad nga ng sabi ko nagdala ka rin ng gulo sa buhay ko. Sorry dahil iniwan kita sa panahong kailangan mo ako, sorry dahil nasaktan kita. Salamat dahil dumating ka muli sa buhay ko at pinarealize sa'kin na patuloy parin ang buhay. At pangako na mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay."


They exchanged their wedding rings and faced the priest.

"You may now kiss the bride."

Iyon lang talaga ang hinintay niya sa buong seremonyas.

Dear Diary, ako ito si Mico. Last entry na ito. Nabasa ko lahat ng laman mo, nalulungkot ako dahil wala na ang may-ari sa'yo. Pero alam ko na masaya na siya kasama ang Diyos. Mabait na tao si Elisha. Kaya nga minahal ko siya. Totoong minahal ko siya. At hindi ko alam na nagseselos na pala siya sa tuwing malapit ako kay Ellaine. Pero hindi siya nagsalita. Dito niya pala sinasabi lahat ng hindi niya masabi. Siguro nga, tama si Elisha. I have this special affection kay Ellaine na sakanya ko lang talaga naipapakita. Maybe because I'm more comfortable when I'm with her. I don"t know. Hindi ko na matandaan. Matagal na iyon kasi.

Elisha, kung binabasa mo ngayon ito gusto ko lang mag-sorry kung nasaktan man kita noon. Gusto ko lang sabihin na minahal talaga kita. Salamat dahil hindi ka nagtanim ng galit sa'kin. Salamat dahil alam ko na masaya ka para sa'kin, sa kapatid mo. Bantayan mo siya lagi ha? At pangako, aalagaan ko si Ellaine.

At ikaw Ellaine! Kung binabasa mo ito, hayan na ah. Nagpaalam na ako sa Ate mo. At binigyan naman na pala niya tayo ng basbas. Kaya pwede bang pakasalan mo ako?


Nagsindi ng kandila si Ellaine at inalayan ng munting dasal ang Ate niya.

Ate, kamusta ka na? Namimiss na kita. Alam ko na lagi mo kaming binabantayan. Pasensya ka na kung hindi kami nakadalaw nung death anniversary mo last week ah? Pero narecieve mo ba yung prayers namin? Kakauwi lang kasi namin galing rancho. Ate, bantayan mo ako ah. Lalo na ngayon kailangan ko ng lakas. Mahal na mahal kita Ate.


"Halika na?" Tanong sakanya ni Mico.

Tumango siya. Inalalayan naman siya ni Mico tumayo dahil hirap na siya dahil sa sitwasyon niya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Mico sakanya.

Tumango siya at hinalikan ng magaan si Mico sa labi. Nginitian siya ni Mico at hinaplos ang malaking tiyan niya.

Kabuwanan na niya ngayon at isa sa mga araw na ito ay manganganak na siya. Excited na nga sila ni Mico eh. Noong isang araw lang ay dinalaw nila si Adie na kapapanganak lang sakanilang anak na babae na si Ailee Dane Montello.

Pabalik na sila sa kotse nang bigla siyang makaramdam ng pagkirot sa tiyan niya.

"Aray!" Hawak niya sa tiyan niya. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Mico at inalalayan.

"What? Masakit ba?" Tanong ni Mico.

"Aray!" He held Mico's arm for support habang ang isang kamay ay sapo ang tiyan. Napatingin siya sa kanyang ibaba nang maramdaman na may likido na bumababa sa hita niya.

"Mico! Manganganak na ako!" Tili niya nang makitang pumutok na ang patubigan niya.

Mabilis na binuhat siya ni Mico at isinakay sa kotse. Nilagyan siya nito ng seatbelt at mabilis na nag-drive. May tinawagan ito sa telepono at nilagay sa tenga ang earphone.

"Hello! Mama! Si Ellaine po manganganak na. Papunta na kami sa ospital niya. Pakidala nalang po yung mga gamit niya."

Mama ang tawag ni Mico sa Mommy niya.

"Aray! Oh my God!" Daing ulit niya.

"Malapit na tayo, sweetie." Sabi ni Mico.

Halos sampung oras ang nakalipas at nakapanganak siya ng malusog na baby girl.

"Hi, how are you feeling?" Malambing na tanong ni Mico nang makitang gising na siya. Nakita niyang ganoon parin ang suot nito.

"Great. I'm feeling great. Where's our baby?"

Ngumiti naman ito at umalis muna sa harap niya. Maya-maya lang ay may dala na itong malusog at cute na baby. Inilapag ni Mico ang baby nila sa tabi niya at umupo naman ito sa silya sa gilid ng kama niya.

"Elisha Min." Sambit niya.

Napagkasunduan nila ni Mico na ipangalan ang anak nila sa Ate niya, dahil tulad ng ate niya, anghel nila ang baby nila.

"She's pretty like her mother." Puri ni Mico.

Napaluha siya habang tinitignan ang anak.

"Ellaine.." Tawag sakanya ni Mico.

Tinignan niya ito. "Hmm?"

Hinalikan siya nito sa noo. "Thank you for coming into my life. And thank you for bringing baby Elisha to us." Sabi ni Mico habang naluluha narin.

Nginitian niya ito. "I love you, Mico. Kayo ni Baby Elisha. Mahal na mahal ko kayo."

Hinaplos ni Mico ang buhok niya. At hinaplos rin nito ang pisngi ni Baby Elisha gamit ang daliri nito. "I love you too, sweetie. Kayo ni Baby Elisha ang buhay ko."

Tinitigan siya ni Mico sa mata. "I'm willing to face any trouble as long as you're by my side."

Tumawa siya ng mahina dahil medyo pagod parin siya. "Just like the trouble I gave you?"

Tumawa rin si Mico sa sinabi niya at hinalikan ulit siya ngayon sa labi. "Kung ikaw ang magbibigay ulit sa'kin nun. I'm willing to fall again."

Hahalikan sana siya ni Mico sa labi nang biglang umiyak si Elisha Min.

Sabay silang napatawa ni Mico.

"Looks like Elisha's giving us the new kind of trouble." Komento ni Mico.

Napailing nalang si Ellaine at masayang pinagmasdan ang mag-ama niya.

This is the kind of life she wanted. Sana nga lang nandito ang Ate niya, pero siguro nga talagang mangyayari iyon. Hindi natin masasabi kung ano ang plano ng Diyos sa buhay ng isang tao. Basta siya, hangga't may lakas pa siya ay gagawin niyang masaya at puno ng pagmamahal ang bawat araw nila ni Mico kasama ang kanilang anghel na si Baby Elisha Min Illustre.

END

-------


Special Chapter is posted under "A Promise 'Til Infinity". This is PRIVATE, so you have to follow me for you to be able to read it. This is a treat for my followers. Thanks!  

VOTE AND COMMENT.
FOLLOW ME ON TWITTER AND INSTAGRAM @kendeyss

Continue Reading

You'll Also Like

603K 26K 18
"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My F...
4.1M 117K 38
ZERO DEGREE SERIES 1: THEO MONTREAL Liberty Parreño has proven that women really could do more than dancing in a 10-inch high heels. She can run down...
1.9K 152 19
"He likes Aya. I like him. And I was never going to tell him. Until that one fateful night." Celine or C for her friends, knows Miko for as long as s...
3.3M 102K 44
Kailanman ay hindi inisip ni Ellie ang magseryoso sa pag-ibig. Binibitawan niya lamang iyon pagkatapos ng pintong araw. But when she met Ridge Castil...