Bad Clandestine

Por Essecura

1.8K 33 0

Cruelia Valdeabella is the secret daughter and heiress of the Valdeabella but when she was saved by their riv... Más

Bad Clandestine
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Simula

153 6 0
Por Essecura

Simula

"Dad, handa na po ang lahat." Nakatingin lamang ako kay Dad na humihithit ng sigarilyo niya. Nakatingin siya sa labas at hindi ko mabasa kung ano nga ba ang nasa isip niya ngayon. Hindi ko na rin gugustuhing malaman pa dahil paniguradong hindi iyon maganda.

"Then let's go," aniya bago itinapon ang upos ng sigarilyo sa balkonahe. Yumuko ako at sumunod sa kaniya.

Pagbaba namin ng mansyon ay sumalubong sa amin ang mga armadong lalaki. Kasamahan namin sila. They bow their head when they see us. They're calling my father, 'Master'. While they call me Ms. Lia. Simple as that, they got it from Cruelia, my name, it's my father's choice.

We didn't greet them back.

"Axcel?" Tawag ni Dad kay Axcel na magalang ding nakayuko.

Banggit palang ng pangalan ay alam na ni Axcel ang nais iparating ni Dad.

"Yes Master, it's done."

Axcel secretly put guns inside the ship. Marami silang itinagong baril doon. Hindi kami maaring pumasok ng barko kung may mga baril kami dahil paniguradong makakahalata sila.

How did they put those guns? May mga kasapi kaming hindi kilala ng mga tauhan ng Elizondos, simple as that. They are traitors.

Kasama ni Axcel sina Via at Tifer. They are both son and daughter of my father's friends.

Sumakay na kami sa isang full size luxury car. Si Tifer ang magmamaneho. He used to be a racer kaya naman may tiwala si Dad sa kaniya pagdating sa pagpapatakbo ng kotse. Lalo na't tila lagi kaming nasa isang karera.

"I'll let them taste their own blood." Napatingin ako kay Dad, too serious. He's different in terms of being a mafia boss, a father, and a husband. Kapag oras ng trabaho ay oras ng trabaho lamang. He's sweet and caring to my mother, hindi mo malalaman na may ganito siyang ugali kung hindi mo siya kilala ng lubusan. Elizondo is my family's enemy. The've been competitors and a threat to each other since then. Napakatagal na. Not just in business.

Itinago ako ni Dad bilang anak niya dahil ayaw niyang mapahamak ako. Hindi nila alam na may anak ang Valdeabella kaya kahit sumama ako sa mga laban ay hindi nila ako kilala. Ang mga pinagkakatiwalaan lamang ni Dad ang nakakaalam sa totoo kong pagkatao. Even my Dad's underlings, Tifer, Via, Axcel didn't know that I'm the Valdeabella's heiress. They think I'm just the daughter of Dad's very important friend Tito Hidalyo, he always visit my father for business purposes. Minsan ay kunwaring ako ang binibisita niya rito sa mansyon. Ang ilang mga tauhan ay nakatira na rin rito pero alam nila ang mga limitasyon nila.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. I am not anxious anymore. Sanay na rin ako sa mga ganitong pangyayari. Since I'm seven they already trained me to become like them. Like what? A killer, devil or anything you want to called it. I already killed someone when I'm nine.
They teach me how to use a bow and arrow and make that person as my target. Oh, anyway, it's been years at hindi ko na dapat pang isipin ang mga nakaraan.

I'm already twenty-two and never been in a relationship. It's forbidden. I can't even marry anyone unless chosen by my dad. He doesn't want someone who's too innocent and weak. He wants someone who's stronger than him to replace his position someday, and also someone who can protect me. That's what he said.

My dad become the Valdeabella's mafia boss when he was twenty-six. He told me na hindi ko man gusto ang taong ipapakasal niya sa akin ay wala akong magagawa. Anyway, hindi naman taliwas sa akin ang gusto ni Dad dahil hindi ko alam ang salitang love, pagmamahal para sa iba maliban sa pagmamahal sa pamilya. I was taught to focus on the mafia's world not in the world that's full of love.

I closed my eyes for a second. We're already here. Lumabas kami ng kotse ng tahimik. Ang lahat ng taong nakikita ko ay pare-pareho. No one even dare to smile. No one shows their true emotion. No one is allowed to have mercy. Lastly, you should hide your fear 'cause you'll only get attention—maaring maging rason para pagtripan ka at patayin.

Halos lahat ay nakamaskara na, including us, dahil isa itong masquerade party.

Napakalaki ng barko. It was just like on the titanic but this is more elegant since we are now in a modern time.

There will be a huge celebration because it's the Elizondo Company's 50th anniversary, golden anniversary. Some who'll attend the celebration are part of the mafia world while some are innocent and will attend the party for pure business.

Of course, we are not invited. We are not welcome here anyway.

Ngunit dahil may sikretong talento si Via ay nagawa naming gayahin ang invitation card nila. It was not easy as you think it is. Hindi lang ito basta papel na nilagyan ng mga disenyo. The invitation is made of thin silver and it was same as the size of a credit card. At may mga kung anong nakaukit dito. The cost of each invitation was thousands. The Elizondo are hell rich, invitation is only a coin for them.

I'm wearing a red dress. Fit na fit ito sa aking katawan. Mabuti nalang at hindi gaanong kita ang dibdib ko ngunit kabalikataran naman ang tabas nito sa likod.

Elegante ang lahat kaya naman maski kami ay nakikisabay sa mga ito.

"In ten minutes the party will start. Then let's wait until it's exactly twelve," ani ng boses mula maliit na device na nasa tenga ko.

"Copy," I said whispering.

Naglibot-libot muna ako. Ten-fifty na ng gabi at saktong alas onse magsisimula ang selebrasyon.

May mga guwardiyang nagmamasid kaya minabuti kong umaktong inosente.

Nasaan kaya si Elizondo at ang mga kasama niya? Ilang minuto lang ay narinig ko na ang maingay na hiyawan sa paggaganapan ng party.
Ang mga guwardiyang naglilibot kanina ay umunti. Baka nanood na sila sa kanilang amo.

Pagdating ko ay nagsasalita na ang isang babae. I don't really understand what she's saying because I'm busy looking around the main hall. Sobrang lawak. Mayamaya pa ay naagaw ang atensyon ko nang maghiyawan ulit ang mga bisita.

It's Mr. Elizondo! Ang nag-iisang Jackson Elizondo. Narito na siya.

"Oh my gosh, he's so handsome right?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. She's asking the other girl on her right side. They are both wearing a not so nice dress. It's like their boobs wants to go out. Kalahati lang ng dibdib nila ang natatakpan. Tila isang pitik mo lang ay lalabas na ang nipples nila. Tsk, why do I care? Waste of time.

"Ohh fuck he looks so good. Can't wait to talk to him! Baka mahimatay pa ako mamaya because just by looking at him I'm already wet." This time ay napakunot ang noo ko. Paniguradong walang alam ang dalawang 'yon kung sino ang pinupuri nila.

I look at the stage na kinaroroon ni Jackson Elizondo. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang magtama ang mga mata namin. No, he's not looking at me dahil mabilis rin itong lumipat ng tingin sa iba. We're wearing a mask so I should calm down!

Women appreciates his face and his body. But in my case, I don't.

Elizondo is just Elizondo.

Hearing his voice irritates me. It must be really in our blood to hate them. His voice is too manly and full of authority. As if all his commands should be followed by everyone.

Ilang minuto nalang ay sisimulan na namin ang pagsira sa selebrasyong ito. I look at Jackson Elizondo one last time before leaving the main hall. Minabuti ko ng umalis na para kunin ang mga baril na nilagay ng grupo ni Tifer.

''Ms. Lia your guns are located at the girls restroom. Sa tiles na tapat ng ilalim ng lababo.''

"Okay, got it."

Mabilis akong nagtungo sa girls restroom. Sa bandang kaliwa ay naro'n ang lababo.

Nanatili akong tahimik at nang masiguradong nag-iisa lang ako ay agad ko itong nilapitan. Lumuhod ako para maabot ang tiles at dahan-dahan ko itong inangat.

"Yes. Got you baby," I whispered.

Isa-isa ko ng inayos ang mga baril. Una kong gagamitin ay ang silencer na ito. I smile devilishly and wait at exactly twelve. After hearing some gunshots I leave the girls restroom.

Binaril ko lahat ng bantay na nakita ko. I heard a lot of noises. Sigawan, palitan ng bala, bomb explosions.

How can someone be calm when the ship is sinking?

I chuckled.

Can you still keep calm Elizondo?

Mabilis akong nagtago sa gilid nang may magpaputok sa direksyon ko.

"Shit," mahina kong mura. They have a lot of underlings!

Ilang putok ng baril ang narinig ko. Mukhang pinupuntirya nila ako.

Mabilis akong kumilos at pinaputukan din sila. Kinuha ko ang maliit na smoke screen na inipit ko sa kasuotan. Hinagis ko ito sa direksyon nila.

How I hate this long gown! Nahihirapan akong kumilos dahil dito. Mapapagalitan ko talaga kung sinong pumili nito.

Nang masiguradong wala ng bumabaril ay tumakbo ako patungo sa pinanggagalingan ng maraming ingay. Lahat ng nadaanan ko ay puno ng dugo. Napangisi ako nang makitang pinapasok na ng tubig ang barko. I saw Elizondo. Kung seryoso na ang mukha niya kanina kahit kalahati ng mukha niya ang may takip, ngayong wala na ang maskara niya ay mas nagmukha itong seryoso at walang kaekspre-ekspresyon. Blangko, iyon ang tangi kong nakikita. Mabilis ang pakikipagpalitan niya ng tira, pakiramdam ko ay walang palya ang mga iyon. Tumingin ako sa silencers ko at ngumisi.

I pointed my silencer towards his direction. Be ready to die Elizondo.

I saw how his face changes for a second then immediately back with his blank expression again, as fast as how he manage to point his gun towards me.

Oh shit!

Mabilis akong nagtago at tumakbo papunta sa girls restroom habang pinapaputukan ang sino mang makakasalubong ko.

"Ah! Fuck!" sigaw ko sa loob ng banyo.

It's a silencer! How come he knows?! May sa demonyo ata talaga ang lalaking iyon! Natamaan niya ako! Ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi ng tinamo sa kaniya. Magaling nga talaga ang lalaking 'yon. Alam niya agad kung saang direksyon nanggaling ang bumabaril sa kaniya.

Mabuti nalang at nakamaskara parin ako. Hindi niya nakita ang mukha ko at tanging damit ko ang matatandaan niya. Masakit man ang naging tama ko ay mabilis ko paring tinanggal ang suot kong gown at tinago ito sa ilalim ng tiles na pinagkuhanan ko ng mga baril kanina.

I am just wearing my shorts and my silicon bra. Mas lalo akong nainis at walang nagawa kung hindi ang iikot ang mga mata.

Nanghihina akong tumayo at maingat na sumilip sa pintuan ng banyo. Nang may makita akong babae ay agad ko itong hinila.

"Give me what you're wearing or I'll kill you," pagbabanta ko.

I saw how scared she was. Walang sabi sabing tinanggal niya ang suot niyang dress.

Muli kong kinuha ang long gown ko at binigay ito sa babae. I still have mercy for this girl.

"W-wear that," nanghihina kong sabi. Sumakto pa na ang gown niya ay kita ang tiyan kaya malaya kong nakikita kung saan ako tinamaan.

Nanginginig nitong kinuha ang gown ko.

Lumabas na ako na iba na ang damit. Tinanggal ko na rin ang maliit na device na kumukonekta sa iba kong kasamahan. Sa dulong parte ng barko ay darating ang mga chopper namin. Ramdam ko ang panghihina, pakiramdam ko ay sobrang putla ko na.

This can't be happening...

Hanggang tuhod ko na ang tubig. May ibang patay na rin na lumulutang.

Nakakapit lamang ako sa gilid at pinapakiramdaman ang sarili ko.

I know that I am still weak. Am I going to die today?

Mabilis ang mga naging paghinga ko.

"N-no."

Nang may makita akong hagdan ay pinilit kong umakyat para hindi abutan ng tubig. But still, I'm too weak to do another step. Napaluhod ako at napahiga sa hagdan. Isang bala lang pala ang katapat mo Cruelia! I told myself.

Seconds passed and I can't feel myself anymore. Tila nangimi at namanhid ang buong katawan ko. Lumalabo narin ang paningin ko. Everything was blurred.

Hindi ko narin maramdaman ang sakit na dulot ng tama ng baril sa akin. People were running with their life vest at wala na silang pakialam sa iba. I know that they're now panicking. I can still hear a loud explosions and gunshots.

I think my life will end here.

Alam kong unti-unti ng lumulubog ang barkong sinasakyan namin. I wish that this is just like the titanic and I have my Jack to save me—but it's not. This is the life of a mafia... Hindi mo masasabi kung hanggang saan o kailan ang buhay mo.

Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Sumisigaw silang lahat. Nagsisimula ng mapuno ng tubig ang buong loob ng barko. I can hear the water that keeps on destroying the glass windows. I can't feel it because of numbness but I know that I'm already soak in water.

It's all the Elizondo's fault. I will hate them 'till death.

Pinakiramdaman ko ang paligid, malamig ang paglapat ng bawat hangin sa aking katawan. May kumot na nakapatong na siguro'y hanggang dibdib ko at unti-unti ko ring nararamdaman ang sakit.

Mahina akong dumaing.

"She's awake!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Ginalaw-galaw ko ang daliri dahil tila nangingimi ito.

I'm still alive. I thought I'm a cold corpse now.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nadagdagan ng mga yabag ng paa. Nasan ba ako? Hospital? Sa amin?

May kung sinong nagbukas ng mata ko at inilawan.

"Can you open your eyes?" tanong nito sa akin.

Sinubukan kong imulat ang mata ko. I successfully open it but it was blurred at first.

"I-Its...B-blurred, " putol-putol ang naging pagsabi ko niyon. Ilang araw ba akong nakahiga?

Nauuhaw ako. Ramdam ko rin ang gutom. Can someone just give me water?!

"Don't you worry. It's still adjusting."

Isang minuto ang lumipas nang magsimulang umayos ang paningin ko. Nakapag-adjust na ito sa ilaw.

I tried to move my feet and arms. Thank God! I can move it. I slowly moved to sit.

Mariin kong naipikit ang mata nang makaramdam ng sakit.

"You lost consciousness because of the wound on your stomach, you got shot."

Who saved me? Where's Dad and the others?

Napakaraming tanong sa isip ko ngayon. Tumingin ako sa nagsalita.

"W-water." tanging naibulalas ko. The heck! Just give me some water first! Nanunuyo ang lalamunan ko.

"Nakainom ka rin ng tubig. Muntik na ring maging dahilan ng pagkamatay mo ay ang pagkalunod. Mabuti nalang at nakita ka kaagad," ani ng isa pang lalaki na kasabayan dumating ng doctor. His height are almost 6ft, may hikaw rin siya sa labi. The other man who called the Doctor doesn't even look familiar to me. He's hair was a bit long. Hindi sobrang haba at hindi rin sobrang iksi. Well it's like a korean hair cut.

Napamura ako sa isip nang mapansing wala pala ako sa hospital. I don't even know them! Safe kaya sina Dad? Napabagsak ba nila ang Elizondo?

Who the hell are they?

"Maraming nadamay na inosente. At isa ka na roon." Napatingin ako sa lalaking may hikaw ang labi.

What are you talking about?

Hindi ko masabi ang mga nais kong itanong.

"Madaming inosenteng nadamay two days ago at isa ka na roon. It's a battle between the mafias."

What the... May biglang pumasok sa isip ko. Shit! Wala nga palang nakakakilala sa akin bilang anak ni Dad. Anak ng isang mafioso, anak ng namumuno sa Valdeabella.

At—two days na akong tulog?!

Nakailang ubo ako at lunok ng laway bago makapagsalita.

"S-sinong nagdala... sa'kin dito?"

Katahimikan ang namutawi sa kanila nang may isang baritonong boses ang nagsalita.

"It's me." Awtomaktikong napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Fuck. It's Elizondo! Jackson Elizondo!

Seguir leyendo

También te gustarán

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
527K 23.4K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...