Chapter 14:Back to C. A.
***
Ezra Pov
Nagre-ready na kami ngayon para umalis. Marami rin ang nangyari kasama 'yung sinabi niya kagabi, ihhh ang husky! Parang ang dami kong di alam...
Yung sinabi ni Micketah about Auntie. What does he supposed to say?
Tyaka ayaw parin nila ipaalam saakin kung bakit nga ba sumugod yung mga men in black.
"Salamat ho sa pagpapatuloy sa amin."
Pagpapasalamat ni Deralm. May manners din pala ito.
"Walang anuman ho."
Tapos narin kaming mag-agahan kaya dali-dali kaming umalis.
Pumunta kami sa gubat para makapasok at makalusot sa portal na ginawa ni Aqua.
Pero agad akong kinutuban at nilabas ko agad ang LG scythe ko.
Bwiset naman oh, walang katapusang lecheng men in black.
Minabuti ko nalang na lagyan ng kapangyarihan 'yung scythe.
May lumusob saakin kaya agad ko itong sinaksak sa puso nilang hindi nila ginagamit.
Eh mga walang puso e! Patay nang patay di na naawa.
Sipa.
Tira.
Boogsh!
"Wala na." Ani Airox at natawa pa ang tukmol.
"Are you okay?"
Tanong ni Chase.
Tumango naman ako at ngumiti kaya nginitian niya rin ako.
"TAKTE NAMAN OH KAMBAL! DI MO SINABING PAG NGINGITI AKO SA'YO NGINGITI KARIN EDI SANA AKO---- HUWAA! PUTA WAG YANG ICE BALL! AY, TANGINA! TAMA NA! HUHU!"
Natawa na lamang kami sa inasal ni Charles sa kambal niya.
"Tama ba 'yung nakita namin? Ngumiti siya?"
"Ang isang cold prince ay ngumiti?"
"Holy mother fucker? Ang gwapo mo pag nakangiti pare pero mas gwa--- oo na! Titigil na! HUWAA! Wag 'yang ice blast. Nakakamatay 'yan huta. Ajujuju. "
"Since 5 years dun nung ngumiti ka ulit ah."
Weh? 5 years?
"How about Cake?" Natanong ko na lang.
"Who's cake Ezra?"
"Ah, I-i mean Axcel. How about him?"
Eh ano ba. Curious ako e.
"Tw-two years." Tila nag-aalangan pang sabi ni Aqua.
I nod. 2 years and 5 years?
Why did they became cold?
Nevermind.
Pumasok nanga kami sa portal and broom.
Hello Cleytara Academy!
"Nag-enjoy ba kayo?"
Nakangiting bungad ni HM Irine, tumango naman kami except sa dalawa na blanko ang mukha.
"Good. Go to your dorm now, I know you're tired of being enjoy." We chuckled.
Pumunta na kami sa kaniya-kaniyang dorm namin.
Naglakad na ako sa Hallway pero walang mga estudyante kasi nag-ka-klase.
Pero may naramdaman akong matulis na patama na sa likod ko.
Sword.
Matulis ito, dahil sa sobrang bilis ay 'di ko na ito naiwasan, napa-pikit na lamang ako.
Inaasahan kong lalabas na ang dugo at mamatay na ako pero bigla akong napunta dito sa may Hall.
Huh? Anong ginagawa ko dito?
Diba Patay na ako?
Nagha-hallucinate lang siguro?
Or did I just teleport? New ability, shit.
Sinubukan kong mag teleport ulit, heaven yeah. Nagteteleport nga ako!
New ability.
Thyl POV (short)
Do you still remember me, magicians? If not then matanda kana. Ano yan? Makakalimutin? Uliyanin?
Makahula kung sino ako at ano ang role ko dito iki-kiss ko at bibigyan ng suntok. Dejk. I'll give you a hug and a kiss from my liver, dejk. From my heart.
Baka may chance din na ma-de-dicate ito sa'yo o di kaya Special Mention.
Bad luck. Joke. Good luck.
I'm now following Princess Thalia, yes. I know her. I created a Cleytarian Clown to throw a sword and kill Ezra.
Uhum. Not bad as you think.
Trabaho lang ito para sakanila.
Ezra POV
Wuah! Nakakapag teleport ako?
Ghad. Nagteleport na ako papuntang dorm and yes! Wala pa sila Bubbles and Luna kaya naligo na ako at kumain ng Red Velvet.
Shaaraaap!
After ay humiga ako sa kama at nagmuni-mini.
Sino ba ang sumaksak dapat saakin? Pag nakita ko siya papatayin ko rin talaga siya. Ayh stupid. Eh 'di ko nga nakita yung Face niya, paano ko magagantihan? Ay, bahala na.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Zzzzzz..
"Bernard, walang magulang si Baby."
Masayang sabi ni Freya sa asawa.
"Oo Frey."
Sagot ni Bernardo.
Lumawak ang ngiti ni Freya at naluluhang niyakap ang asawa sabay bulong nito ng, "Salamat."
Simula noon ay inampon na nila ang sanggol. Lumipat sila sa Bayan para sa kabutihan ng sanggol at sakanila bilang isang Pamilya... pero akala lang pala nila 'yun kas----
Threa POV
Pumasok kami ngayon sa klase. Lahat ng estudyante ay pumasok, pero si Ezra wala siya dito.
Naglel-esson ngayon si Sir Jett.
Note, Jett and Jeff were different.
Kambal sila.
"Huwaaa!"
Tilian ng mga kaklase namin dito dahil sa biglang pagpaparamdam ng malakas na lindol.
"What's happening?"
Tanong ni Sir Jett.
"Princess Threa?"
Umiling naman ako.
"Not me."
Hindi ako 'yung nagpapalindol at hindi ko rin ito mapigilan dahil sobrang lakas.
"Luna?"
Umuling naman siya. Earth Manipulator rin siya kaya natanong ko. Pero hindi daw siya.
Edi sino?
Sumabay naman yung kulog at kidlat.
"Prince Deralm?!"
Umiling naman si Deralm. Thunder is his power kaya baka siya yung dahilan ng kulog at kindlat. But hindi daw!
Lumakas ang hangin kaya napaharap kami kay Airox.
Umiling naman siya.
Ugh, kanino galing ito? Bakit ang lakas?
Hinawakan ko 'yung sahig para malaman kung saan ito nangagaling.
"In Girls Dormitory, Sir."
Aniko.
"How? Diba lahat ng Cleytarians ay pumasok?"
"Yes. Except for Zeyih. I mean, Ezra." Sabi ni Axcel
Kaya sumigaw si Bubble, "Si Ezra!"
Kaya kahit ang lakas ng lindol, kulog at kidlat ay sinikap naming pumunta sa Girls Dormitory.
Hindi nagigiba 'yung mga gusali dito because of some powerful formula and its high Quality.
Hinawakan ko ulit 'yung sahig.
"I'm sure na nandito 'yun."
Sabi ko nang nakarating kami sa harap ng Room nina Luna.
Pinihit nila 'yung doorknob but it's locked.
"Fuckingshit. Bakit hindi ito ma open?!" Sigaw ni Chase.
Si Axcel naman ay blanko ang mukha, kahit kailan hindi mo talaga mababasa ang emotion niya.
"Zeyih.." Mahinang sambit ni Axcel.
Nakaramdaman naman ako ng matinding init at lamig. Holeh fak!
"A-axcel C-chase, calm please."
"T-the temperature. Calm down!" Sabi ni Sir Jett dahilan para bumalik sa normal ang temperatura.
Hindi talaga bagay na pag-isahin ang Apoy at Lamig. Nakakamatay. Grabe.
Kumuha naman ng bottled water si Charles at binigay ito sa kambal niya. Si Axcel naman ay tumangging magbigay ng pahayag. Joke. Di niya tinanggap 'yung tubig. Sabagay, calm na calm nga siya e. Kaya nga sobrang init at lamig ng temperature kanina, kasi sobrang calm sila. [Note the sarcasm]-.-
Bigla namang bumukas 'yung pinto at lumabas si Ezra, bagama't wala nang pakialam si Ezra kung sino 'yung yayakapin niya ay nagdire-diretso lang siya hanggang sa mayakap niya si Axcel and Chase kasi nasa harap sila ng pinto.
I was like "owmgiii! Haba ng hair, kinikilig ako!"
Napansin ko rin na 'yung kulay ng buhok at mata ni Ezra ay nagi-iba-iba.
Color of elements.
Hanggang sa nawalan na siya ng malay.
Secret na muna kung sino 'yung sumalo. Hihi.
-/*/-
Ezra POV
"Malapit... malapit na."
"Anong malapit?"
"Malapit na---"
Bigla na lamang akong nahilo't nawalan ng malay.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ito sa paligid.
"Where am I?" I asked while roaming my eyes around.
"How do you feel?/Are you ok?"
Sabay na tanong nina Axcel at Chase.
Pero iba nga lang ang tono. Kay Chase, halatang nag-aalala at kay Axcel? Yung nakasanayan, malamig.
Ngumiti na lamang ako sakanila para iparating na Ok Lang Ako.
"Wala kang naalala?"
Tanong ni Threa.
Nag-isip naman ako. Huh? Wala e. Wala talaga.
Umiling ako bilang sagot.
Pinalabas na kami sa clinic at dumiretso ako sa dorm
2:21 p.m palang naman e. I'm still sleepy kaya agad akong natulog ulit.