Secret Love Story

By tctxvsg

85.1K 2.1K 339

⚠️ ALL FICTION ⚠️ More

22nd
JT x JT
Twitterserye
The Truth
Dreams Do Come True
Secret A
#AskAra
Group Chat
Secret AG
PBB
GT
PBB: sa loob ng bahay
PBB: 1st Weekly Task
Secret AGT
Stairs
1st Game
PBB: End of the week
#AskTeamPBB
A Best Friend's Promise
Online Stranger
Online (Boy)friend
Palihim Kang Mamahalin
On Bended Knee
Operation: GET 'A' BACK
I Got 'A' Back
"GIRL"friend
DLSU vs UP
Friend For Hire
Friend For Hire (Part 2)
Friend For Hire (Part 3)
PBB: 1st Eviction Night
Bells Meets Beng
Coldplay
Nobody Said It Was Easy
Back To The Start
Wings Tour
Parody
ANNOUNCEMENT
Unexpected Ride
ANNOUNCEMENT 2
Father
Crush(ed)
Crush(ed) Part 2
PBB SERIES
#AskPBB2
Drunk Text
Drunk Text 2
After All
After All pt. 3
ANNOUNCEMENT
The Truth Untold
My Prince Charming
The Diplomat Hotel: A Home
Direct Message
Omegle: Talk to Strangers
Omegle: A Stranger?

After All pt. 2

810 28 1
By tctxvsg

November 2020

3 months ang nakalipas mula nung nangyari yung gabing yun. 3 months na din nang mag simula kaming maging mag kaibigan ni Thomas.

Alam kong mag kaibigan lang kami pero hindi namin maiiwasan ang maissue dahil may mga shippers kami, kaya napagdesisyunan namin ni Thomas na maging lowkey lang hanggang sa makalimutan na ako ni Bang.

Well, nakalimutan niya na nga ako dahil after 1 month, nagkaroon agad siya ng boyfriend. Amerikano girl! Di ko keri yun.

Nang malaman ito ni Thomas, mas naging madaldal siya at palaging nagyayayang lumabas. Medyo naiilang pa ako sakanya, pero hinayaan ko nalang din.

Sa mga di pa alam, may past kami ni Thomas.

Yep... Thomara Shippers, may past kami.

Pero never naging kami. Never ko siya naging boyfriend at never niya ako naging girlfriend. Hanggang 'more than friends, less than lovers' lang kami umabot.

Mutual decision nung nag hiwalay kami. 2nd year college palang kami so gusto namin mag focus sa mga career namin.

Going back, hindi ko alam kung nag aassume lang ako or yun talaga...

pero feeling ko may gusto ulit sakin si Thomas...

****************

"Ilang months na nga ulit nung nag break kayo?" tanong ni Thomas.

"3 months na. Bakit?"

"Pwede na pala." Sabi ni Thomas at ngumiti.

"Pwedeng ano?"

"Wala wala..." sabi ni Thomas.

Nag taka sa sinabi niya pero nanahimik nalang ako.

"Anong gusto mong panoorin na movie?" tanong ni Thomas na pumutol sa katahimikan namin.

"Aba, akala ko may plano ka na! Dinala dala mo ako dito, di mo pala alam gagawin natin."

"Umm... A quiet place nalang."

"Ay, ayoko. Uwi na tayo." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ara, hanggang ngayon, takot ka parin???" Tanong niya habang tumatawa. Halatang nangaasar ang loko eh.

"Huh? Hindi ah! Tara, panoorin natin yang a quiet place na yan."

Hinila ko na siya papuntang sinehan. Rinig na rinig ko yung pag tawa nya.

Maling desisyon ang ginawa ko.

Ara kasi! Nag tapang tapangan ka pa, alam mo namang takot ka sa mga ganito!

Kasalukuyan kaming nasa loob ng sinehan ni Thomas.

Mag sisimula palang yung palabas pero nakatakip na yung kamay ko sa mga mata ko.

"Ikaw kasi, pinilit mo pa. Alam ko namang takot ka talaga." Sabi ni Thomas.

"Hindi nga kasi ako takot." sabi ko at pinilit na tanggalin ang kamay ko sa mata ko.

"Akin na nga yan." sabi ni Thomas at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sakanya.

"Wag kang matakot, andito lang ako." Sabi niya na nag papula sa mga mata ko. Iniwasan ko siya ng tingin, pero hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Nakahawak lang siya sa kamay ko buong palabas. Siguro papagalitan ako ng mga tao, dahil ang ingay ng tibok ng puso ko.

***************

"So, kamusta?" tanong ni Thomas.

"Hindi naman siya nakakatakot."

"Hawak mo kasi yung kamay ko." sabi ni Thomas at ngumisi. Bigla ko naman siyang tinulak.

"Ikaw ang kapal mo talaga. Di na talaga nawala yung kayabangan mo."

"Grabe ka sakin, Ara." sabi niya at ngumuso.

Nagtatawanan lang kami nang biglang may tumawag samin.

"Kuya Thomas? Ate Ara?"

Napalingon kaming dalawa ni Thomas sa nagsalita. Hindi namin siya kilala.

Baka shipper siya?????

"Oh my god, kayo nga!" sabi niya at napatakip sa mukha niya.

Hala??? Umiiyak ba siya????

"Ate, okay ka lang ba?" tanong ko at nilapitan siya.

"Sorry Ate Ara. Nakakahiya naman." Sabi niya habang pinupunasan niya luha niya.

"Bakit ka po umiiyak?" tanong naman ni Thomas.

"Nagulat lang po ako at sobrang saya ko po. Matagal ko na po iniintay itong pagkakataon na toh. Nagkaanak na nga po ako eh." sabi niya at natawa.

Nagulat naman kami ni Thomas sa sinabi niya.

"Anak??? Grabe, ganun na po kayo katagal na shipper??" tanong ni Thomas.

"Simula nung interview mo about kay 'Aruh Guhlung'" sabi niya at natawa. Natawa din ako sa pag pronounce niya sa pangalan ko.

"Maraming salamat at wala sawa ang pagsupport mo samin ni Thomas. Masaya kami dahil may patuloy na nagmamahal samin."

"Tara picture tayo." Sabi ni Thomas. Napatili naman yung fan.

Pagkatapos namin mag picture, nag paalam na si Nicole, yung fan, at gagala pa daw sila ng anak niya.

Umalis na din kami ni Thomas na may ngiti sa mga mukha namin.

********

December 31, 2020

Nasa roof top kami ngayon ng bahay nila Mika. It's New Year's Eve.

3 minutes nalang bago mag 12am pero lahat na ng tao dito ay puro lasing na.

"Ara!!!! Inom paaaaa!!" Sigaw ni Mika. Lasing na lasing na siya. Buti nalang at nandyan si Jerome para alalayan siya.

"Sige lang." sagot ko nalang. Nginitian ko nalang si Jerome at nag paalam na sila.

"Ara!" tawag sakin. Lumingon ako at nakita si Thomas may dalawang beer na hawak.

"Oh, akala ko di ka makakapunta?"

"Tapos na din kasi yung party sa bahay kaya pinayagan na ako nila Mama. Babalik naman din ako bukas sa bahay." sagot niya at binigay yung isang beer na hawak niya sakin.

"Tara, dun tayo sa gilid." sabi niya.

Pumunta kami sa may railings ng rooftop at nagkwentuhan.

"Grabe, lasing na lasing na talaga sila." sabi ni Thomas at natawa.

"Mukhang matagal na hindi nakapag party."

"Ikaw? Bakit di ka lasing?" tanong niya.

"Ito naman, parang di ako kilala. Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan."

Naputol ang usapan namin nang ianunsyo ng DJ na 10 seconds nalang bako mag 12am.

"10"

"9"

"Alam mo ba yung sinasabi nila pag new year?" tanong ni Thomas

"Ano yun?"

"7"

"6"

"Yung ikikiss mo yung mahal mo pag sapit ng new year."

"3"

"2"

"Huh?"

"1"

"HAPPY NEW YEAR!!"

At sa pag sapit ng new year, naramdaman kong naka lapat ang mga labi namin ni Thomas.

May fireworks na pinasabog, ngunit hindi ko ito marinig. Ang malakas na pagtibok lang ng puso namin ni Thomas ang aking naririnig.

Napapikit na din ako at napahawak sa leeg niya. Mas naramdaman ko ang pagmahahal sa halik na yun.

Napabitaw kami dahil sa kakulangan sa hangin.

Tiningnan ko siya sa mga mata. Kitang kita ang mga emosyon niya.

"Mahal kita, Ara."

"Mahal din kita, Thomas."

************

Year 2022

Isang taon na. Isang taon na ang nakalipas mula nang maging kami ulit ni Thomas.

This time official na.

Puro pagmamahal at saya ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. May mga panahon na nag aaway kami pero normal naman yun sa magkasintahan.

Papunta kami ngayon ni Thomas sa Korea. Gusto niya daw doon icelebrate ang 1st year anniversary namin at isasabay na din ang birthday ko.

Nang maglanding kami, inayos na muna namin yung tutulugan namin tapos nagikot ikot kami ni Thomas. Bumili kami ng mga pagkain at mga pasalubong sa pamilya at kaibigan namin.

"WAAAAH!!! BTS!!!" sigaw ko.

Nakita ko kasi yung shop na puro albums and iba oang merch nila.

"Ayan nanaman po tayo sa mga oppa mo." Sabi ni Thomas at umirap.

"For your information, si Yoongi at Jin lang ang oppa ko."

Napabuntong hininga nalang si Thomas at sinundan ako sa loob ng shop.

Lumabas kami ng shop na may apat na plastic akong dala plus dalawang plastic pa na dala ni Thomas na puro BTS merch. Since nandito na, I'll make the most out if it diba.

6pm na mag decide kami ni Thomas na bumalik na ng hotel. Medyo nakakapagod nadin mag lakad lalo na't ang bigat ng mga dala.

"Love, labas tayo later ng 10pm. Maganda daw ang street foods dito lalo na pag gabi." Sabi ni Thomas.

"Okay, love. Idlip muna ako ah."

9:30pm na ako nagising. Di ko namalayan ang oras. Kaya nag madali agad akong mag ayos.

Nag suot nalang ako ng white longsleeves na top tapos tinuck in ko siya sa grey na skirt. Nag patong na din ako ng pink na coat dahil malamig pag gabi.

(A/N: Ara's outfit.)

After kong mag ayos, lumabas na ako ng hotel. Nakita ko si Thomas sa labas na nag iintay. Si Thomas naman ay naka all-black outfit.

(A/N: Thomas's outfit. That's Jungkook from BTS btw. Hehehe)

"Thomas" Lumingon siya sakin at ngumiti.

Lumkad na ako papunta sakanya at hinawakan ang kamay niya.

Nag simula na kaming mag lakad.

***************

Napag desisyunan namin ni Thomas na kumain sa restaurant. Anditi kami sa may rooftop. Over looking namin ang buong Seoul.

"Ang ganda talaga."

"Mas maganda ka." Sabi ni Thomas at kumindat. Namula naman ako.

"Alam mo, first time kong nakita kang nakaskirt. Bagay sayo, love." sabi ni Thomas.

"Nasa Korea tayo. We should also be fashionable noh." sabi ko.

Pagkatapos namin kumain, nagkwentuhan lang kami.

"Ara.." sabi ni Thomas at hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong isang taon palang tayo, pero ang pagmamahal ko sayo ang higit pa dun. Alam kong magugulat ka, pero I just really hope for the best. Just always remember na hindi nasusukat ng kahabaan ng relasyon ang pagmamahal mo sa isang tao."

Natahimik lang ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi toh.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Ara, will you marry me?"

Napapikit ako at napaluha.

Nakakagulat? Oo. Mabilis? Oo.

"Thomas.."

Pero mahal ko si Thomas, at sapat na yun.

"Yes, I will marry you."

Napangiti si Thomas at sinuot ang singsing sakin. Niyakap niya ako nang mahigpit at binalik ko yun sakanya.

Nakarinig ako ng mga palakpakan at napansin ko na lahat ng tao sa restaurant ay naghihiyawan.

Hinalikan ko si Thomas sa labi at niyakap siya ulit.

Mrs. Torres is on her way.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

284K 8.5K 93
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
1.1M 30.2K 37
After the passing of Abigail Bentley's mother, she is now the only one responsible for her family's well-being. Her father, often too drunk to stand...
1.3M 57.8K 104
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
142K 6.5K 36
"I can never see you as my wife. This marriage is merely a formality, a sham, a marriage on paper only." . . . . . . She was 10 years younger than hi...