Vindicte Gratia

By ___LISA___

1.8K 66 163

No one remembers the SECOND BEST. More

Prologus
Caput 1
Caput 2
Caput 4
Caput 5

Caput 3

180 9 17
By ___LISA___

*The Origins of the Queens: Agent Red, Agent Gray*

-----

Matamang nakatitig si Ken sa screen kung saan nakikita niya ang kanyang pitong Queens na naglalakad sa hallway patungo sa kanyang opisina. Handa na ang mga ito para sa group mission na gagawin nila base sa mga suot ng mga ito.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina at unang pumasok ang assistant niyang si ASO.

"They're here, boss!" anunsyo nito at sunod-sunod na nagsipasok ang pitong agents.

"Good morning boss!"

"Yow!"

"Boss!"

Sabay-sabay na bati ng pitong dalaga sa gwapo nilang lider na nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Good morning again agents! I see you are all prepared." saad ni Ken at pinasadahan ng tingin ang pito.

Nakasuot ang mga ito ng kanilang usual contact lenses, wig at black suit, maliban sa dalawa. Si Agent Red at Agent Gray.

Si Agent Red na seryoso sa kanyang disguise. Mukha itong gangster.

At si Agent Gray na mukhang uneasy sa suot na gray mini-dress na hapit sa katawan. Pasimple kasi nitong hinihila ang laylayan ng suot na damit.

Hindi mapigilang mapailing ni Ken. Naalala niya tuloy ang interview ng dalawa . . .

~~~

"Who's next ASO?" tanong ni Ken.

Napailing na lang si Aldred sa pagkadismaya dahil mukhang mahirap nga para kay KEN na tawagin siyang Aldred kesa ASO. Inilipat na lamang niya ang tingin sa susunod na bio-data at saka nagsalita, "Vanna Jovelle Medrano."

Tiningnan ni KEN ang larawan ng babae na parang hindi nag-ayos ng sarili bago magpakuha ng litrato. Naka-pusod ang kulay amber nitong buhok at may nakatusok pa na lapis.

Hindi na naman maiwasang mapailing ni Ken. Ikaapat na beses na niyang ginagawa ito, at mukhang nagiging habit na niya ang pag-iling.

"Si Vanna ang panganay sa dalawang magkapatid, nag-aaral siya sa SouthWoods University. Mag-isa silang pinalaki ng kanilang ina na isang empleyada sa US Embassy. Here's her interview."pinindot ni Aldred ang View Button sa screen at lumabas ang interview ni Vanna.

"Vanna Jovelle Medrano." umpisa ng interviewer.

"Hannah nalang po, matagal ko ng gustong maging nickname yun eh; "flower" ang  meaning nun sa Nihongo. Hihi!", wika ni Vanna with matching smile at peace sign.

"Oh, okay. So Hannah nalang."

Tumango-tango si Hannah bilang pagsang-ayon sa interviewer.

"Ok. So, tell me Hannah, sino si Vanna Jovelle Medrano sayo?"

"Para sakin si Vanna Jovelle Medrano ay may dalawang pagkatao. Si Nana at si Vhanz to be exact, depende pa kung madadagdagan ang nicknames ko. Hihi!"

Natigilan ang interviewer sa pagbrowse ng profile ni Hannah at napatingin siya rito, "What do you mean by that? You have a personality disorder? In addition to that question, what do you mean depende pa kung madadagdagan ang nickname mo? So by creating another nickname, nag-iiba ka ng personality?"

Lumingon si KEN kay Aldred, "Ano ito ASO? Hindi lang E.T. ang hinire nyo pati na bipolar? Schizoprenic?"

Napakamot ng ulo si Aldred, "Aba malay ko sa tatay mo!"

"Anak ng—" hindi naituloy ni Ken ang sasabihin ng magsalita ulit si Hannah.

"Ay naku! Wala po akong personality disorder! Knock on wood!" sabi ni Hannah sabay tuktok sa lamesa, "Ay di pala wood ang mesa nyo, metal pala! Let me rephrase. Knock on metal pala dapat!"

Napa-face palm si Ken. Wala na syang masabi. Lahat ba ng hinire ng kanyang ama ay mga out of this world?

"Kung ganun Hannah, maari mo bang ipaliwanag kung papaano mo na-mamanage ang dalawang personality mo?" tanong ulit ng interviewer.

"Ehem. Ganito po kasi yun. Si Nana po ang personality ni Vanna kapag she's being herself, may pagkaweird slash childish po kasi si Nana sa harap ng ibang tao kaya ayun, may mga oras na namimisunderstod siya. Si Vhanz naman po yung facade niya sa ibang tao na di niya feel. Aware naman po ako sa dalawang personality kong iyun, it's not that bad. Hindi po ako rumo-Rhodora X. Hoho!"

"Eh ngayon at nadagdagan ang nickname mo bilang Hannah, sino naman yun, if I may ask?"

Napangiti ng malawak si Hannah sabay suot ng weird eye glasses niya na katulad ng napapanuod niya sa anime series kapag nagdidisguise, "Hannah will be one mischievious hot chick na habulin ng boys mala-Rias Gremory ng HighSchool DXD lang ang peg ko . . . para naman cool diba? Aba'y need yun sa ganitong trabaho, para sa fan service . Hihi!"

"Wala akong masabi!" bulalas ni Ken nang matapos panoorin ang pang-apat na interview. Napasandal sya sa kanyang swivel chair at hinilot ang sentido. Apat palang iyon! Pero pakiramdam ko mahigit isang daan na ang pinanood ko!, angal niya sa kanyang isip.

"Oy boss! Ok ka lang? May tatlong interview pa kayong dapat panoorin, mamaya na kayo mahimatay!"

Sinamaan ni Ken ng tingin si Aldred na nakangisi, "Baka gusto mong ikaw ang himatayin?"

Ngumiti si Aldred at nag-peace sign, "Peace tayo boss! Ang gwapo mo talaga! Wabsyu!"

"Tumigil ka ASO kung ayaw mong ipatawag ko si PUSA at ipa-hunting kita."

Namutla si Aldred nang marinig ang initials na PUSA, "W-wag naman boss.", pagsusumamo niya sa amo. Ayaw pa naman niyang makaharap ang babaeng iyon dahil masyado itong amasona.

"Tss . . sino na susunod?"

Napa-pout na lang si Aldred at inilipat sa ika-limang bio-data ang kanyang paningin.

Lumabas sa screen ang full-body picture ng isang batang babae na naka-eyeglasses.

"Ano yan! Teens ang mga agents na kailangan natin hindi paslit!" bulalas ni Ken.

"Eh? Teen naman na talaga yang si Louise Shanize Asuncion! Fifteen years old na kaya yan!"

Binagyan ngpinagloloko-mo-ba-ako look ni Ken si Aldred.

"Boss naman! Promise! Siya si Louise Shanize Asuncion, kasalukuyang Grade 10 sa Vellarde College. Nag-iisang anak at ang parents ay parehong nurse sa London." paliwanag ni Aldred. "Mukhang paslit lang yan dahil sa cute size."

Hindi pa rin kumbinsidong humarap muli si Ken sa screen upang panoorin ang interview ng 'paslit'.

"Louise Shanize Asuncion, you have a nice name."panimula ng interviewer.

"Salamat po."

"So Ms. Asuncion, can you tell me about yourself?"

"Actually Nize nalang po.", panimula ng dalaga.

Hindi mapigilang ikumpara ni KEN ang mukhang paslit na si Nize sa weird bipolar homo sapien na si Hannah. Well, sana naman matino tino itong si Nize, she looks nice and cute for her age., sambit ni Ken sa isipan.

"And about myself po? Uhm. Isa lang po akong simpleng teenager. Na may pagka-immature, childish, topakin minsan at mahilig maki-FC. Pumi-PMS din kapag full moon lalo na kapag may eclipse. At isa po akong dyosa na galing Mt. Olympus na nag-aaral din ng Witchcraft and Wizardly sa Hogwarts. I thank you! Bow!" sagot ng dalaga.

Kumunot ang noo ni KEN. I think I'll quit on this job, di pa ako nagsisimula, sumasakit na ang ulo ko sa kanila. Kapag full moon or eclipse—Twilight fan ba ito? Mt. Olympus, like some sort of Demigod?! Hogwarts—half Blood lang?! Damn this."I quit!", sigaw ni KEN sabay tayo sa kanyang swivel chair.

"Ang mana mo Kaiser . . . baka nakakalimutan mo."

Bumalik sa pagkakaupo si KEN nang marinig ang sinabi ni ASO, "Damn it."

Natatawa na lamang si Aldred sa inasal ng amo.

"Hahaha! Nakakatuwa ka hija. I really like you, ang cute mo talaga!"

Nag-iba bigla ang aura ni Louise nang marinig ang salitang cute, "Anong cute? Iniinsulto niyo ba ang height ko?"

Bigla namang kinabahan ang interviewer sa madilim na aura na ng babae, "N-naku h-hija h-hindi! What I mean is napakamasayahin mong bata—"

"BATA?!" sambit ng dalaga at napatayo sa kinauupuan niya habang nakatingin sa kanyang interviewer na para bang handa niya na ito lamunin ng buhay.

"N-naku! Teenager! Napaka-masayahin mong teenager! I-iyon! Iyon ang ibig kong sabihin!" kinakabahang paliwanag ng kanyang interviewer habang ramdam nito ang unti unting paglapit sa kanya ng dalaga.

Lumiwanag namang bigla ang mukha ni Louise at matamis na ngumiti, "Ganun po ba, dapat po kasi gumagamit tayo ng tamang words." tinapik ng dalaga ang nanginginig niyang interviewer sabay kinindatan with peace sign, "Anyway, maraming salamat po!"

Nakanganga si Ken at Aldred na nakatingin sa screen. Hindi sila makapaniwala sa napanood.

"Parang hindi ata iyong Hannah ang may dual personality, parang yung Nize ata, boss!", komento ni Aldred.

"Wala na bang normal dito sa mundo!" tanging naibulalas ni Ken habang hawak hawak ang kanyang sentido. Lima na. Limang tao na ang magpapasakit ng ulo ko. Parang mas maaga pa akong mamamatay kay papa., komento niya sa kanyang isipan.

~~~

Hindi naiwasang mapangiti at mapailing nang maalala ni KEN ang interview ng dalawa pa niyang Queens; Ang Agent Red na si Hannah at Agent Gray na si Nize.

"Agent Red, bagay sayo yang disguise mo! Gangster na gangster ang dating!" komento ni Aldred.

"Naman! Ako yata ang pumili ng susuotin ko!" proud na sabi ni Agent Red at nakipag-apir kay Aldred.

"Agent Gray, puwede bang tigilan mo yang kahahatak sa laylayan ng damit mo!" natatawang saway nina Agent Plum at Agent Sky Blue sa kaibigan.

"Sabihin niyo nga bakit ako ang kailangan magsuot nito?" naiiritang wika ni Agent Gray.

"Bagay naman sayo ah!" wika ni Agent White.

"Agree kami kay Agent White!" magkapanabay nasang-ayon nina Agent Violet at Agent Black sabay apir.

"Cute ka kasi." biglang singit ni Aldred.

Natigilan ang lahat na nasa loob ng opisina at napatinging kay Aldred nang tingnan ni Agent Gray ang binata ng What-the-hell-did-you-say-to-me look.

"What?" clueless na tanong ng binata.

Hindi sila sumagot bagkus ay binaling nila ang tingin kay Agent Gray.

Nanlaki ang mata ni Aldred ng marealize nya kung ano ang nagawa niya, "N-nize. A-agent Gray! A-ano kasi . . . h-hindi—"

"ASO! Gagawin kitang asocena!"

Walang naging reaksyon si Ken habang nakaupo sa kanyang swivel chair sabay, tanging sambit lang nito ay ang salitang, "Lively."

"What's lively boss?" biglaang tanong naman ni Agent Violet sa kanya sabay abot ng coffee nito, nakaleather V-cut dress attire si Agent Violet, sa kanyang damit.

kitang kita ni Ken ang hugis ng katawan nito, specially her flawless skin na ikinabahala naman niya kaya, "Thank you for the coffee Violet.", tanging sambit niya sa dalaga.

Kinindatan ni Agent Violet ang kanilang boss as a sign of 'your welcome'.

"Okay ladies, maupo na kayo." panimula ni Aldred sa kanila, "As you see, may tatlong mission tayo, so hahatiin natin ang grupo sa tatlo. Ang Alpha, Beta at Delta team."

"Okay, so what, we will chose ba kung sino ang makakasama namin?" tanong ni Agent White kay Aldred.

"No." sagot ni Ken na tilang may magnet na nakatingin kay Agent Violet. That woman. Bakit kasi siya yung tumanggap ng mission na yun dapat si Black nalang ang kasama ni Red., tila na-trauma na ang binata sa ginawa ni Agent Violet kaya napagdesisyunan niyang siya na lamang ang magrupo-grupo sa kanila.

Sabay sabay binuksan ng dalaga ang files na dinistribute ni Aldred sa kanila habang inaanunsyo  niya ang magkakasama sa team, "Ang Alpha Team ay sina Agent Blue and Plum; Beta team sina Agent Sky, Gray and White; Delta team sina Agent Black, Red, and Violet. Hmmnn . . . handa na ba kayo ladies?" tanong ni Aldred sa kanyang mga agents.

"Game on." tanging sambit ng dalaga na sinagot din agad ni Aldred.

"Okay it seems fired up na kayo, good luck queens."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 70K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
2.1M 96.7K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1M 31.1K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
292K 8.4K 47
Hanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin a...