Caput 3

180 9 17
                                    

*The Origins of the Queens: Agent Red, Agent Gray*

-----

Matamang nakatitig si Ken sa screen kung saan nakikita niya ang kanyang pitong Queens na naglalakad sa hallway patungo sa kanyang opisina. Handa na ang mga ito para sa group mission na gagawin nila base sa mga suot ng mga ito.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina at unang pumasok ang assistant niyang si ASO.

"They're here, boss!" anunsyo nito at sunod-sunod na nagsipasok ang pitong agents.

"Good morning boss!"

"Yow!"

"Boss!"

Sabay-sabay na bati ng pitong dalaga sa gwapo nilang lider na nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Good morning again agents! I see you are all prepared." saad ni Ken at pinasadahan ng tingin ang pito.

Nakasuot ang mga ito ng kanilang usual contact lenses, wig at black suit, maliban sa dalawa. Si Agent Red at Agent Gray.

Si Agent Red na seryoso sa kanyang disguise. Mukha itong gangster.

At si Agent Gray na mukhang uneasy sa suot na gray mini-dress na hapit sa katawan. Pasimple kasi nitong hinihila ang laylayan ng suot na damit.

Hindi mapigilang mapailing ni Ken. Naalala niya tuloy ang interview ng dalawa . . .

~~~

"Who's next ASO?" tanong ni Ken.

Napailing na lang si Aldred sa pagkadismaya dahil mukhang mahirap nga para kay KEN na tawagin siyang Aldred kesa ASO. Inilipat na lamang niya ang tingin sa susunod na bio-data at saka nagsalita, "Vanna Jovelle Medrano."

Tiningnan ni KEN ang larawan ng babae na parang hindi nag-ayos ng sarili bago magpakuha ng litrato. Naka-pusod ang kulay amber nitong buhok at may nakatusok pa na lapis.

Hindi na naman maiwasang mapailing ni Ken. Ikaapat na beses na niyang ginagawa ito, at mukhang nagiging habit na niya ang pag-iling.

"Si Vanna ang panganay sa dalawang magkapatid, nag-aaral siya sa SouthWoods University. Mag-isa silang pinalaki ng kanilang ina na isang empleyada sa US Embassy. Here's her interview."pinindot ni Aldred ang View Button sa screen at lumabas ang interview ni Vanna.

Vindicte GratiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon