Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

199K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 26: Game Time!

4.1K 285 8
By GYJones


Palubog na ang araw nang lisanin nila ang bahay ni Andy. Convoy ng dalawang sasakyan—ang Revo at isang kulay maroon na 90s Pajero na pagmamay-ari ni Tony. Ayon sa tumawag kay Pam na death metal chick, na siyang nakilala niya noong nasa Black Nativity concert sila ni Dean, ay magkikita-kita raw muna sila sa tapat ng club sa Cubao bago pumunta sa pangyayarihan ng "eternal beauty" ritual. Dahil Pasko ay maluwag ang E. Rodriguez Avenue patungo ng Cubao. May ilang pampasaherong mga jeepney ang bumiyahe para sa ekstrang kita at kadalasang naisasakay ay buong pamilyang galing sa pamamasko suot kanilang pinakamagarang mga damit.

"Kinakabahan ako, Dean," sabi ni Pam. Sakay siya sa Pajero kasama ang drummer, Marissa, Vic, at Tony.

"Don't worry, may GPS tracker naman, alam namin lagi kung nasaan ka," hawak ni Dean sa kanyang kamay.

"Basta, act naturally lang," sabi ni Tony na siyang nagmamaneho. "'Pag sa tingin mo'y nabisto ang cover mo, sabihin mo lang "SOS" sa mic nung GPS."

"Kaya mo 'yan," sabi naman ni Marissa mula sa harapang upuan. "Ginawa ko na rin 'yan dati nung bata-bata pa ko, nagpanggap akong ago-go dancer para matiklo ang mga illegal sex traders."

"T-talaga po?" sabi ni Pam. "Ano po 'yung ago-go?"

"Basta, dancer," sabi ni Marissa. "Biruin mo wala pang GPS nun ha. Hinubad kong stockings ko at winagayway sa labas ng bintana para i-signal ang mga pulis."

Si Marissa ay dating nagtatrabaho sa police station bago maging sekretarya sa private investigating company nina Andy at Tony, habang si Vic ay matagal ng messenger na palipat-lipat ng kumpanya.

"Kaya n'yo 'yan, miss!" hudyat ni Vic mula sa pinakalikurang upuan.

"O-oo, kaya ko 'to, keribels lang ito," pang-build ng confidence ni Pam sa sarili.

Kasunod ng van nila sa likuran ang kulay puti na Revong pagmamayari ni Bishop Israel at maneho naman ni Hannah. Kasama niya sina Jules sa passenger side, at sina Andy at Father Markus sa likuran. Mukhang kabado rin sila maliban kay:

"Relax lang kayo, sisiw lang ito," sabi ni Andy sa kanila.

"Baka alam ng mga Satanista na paparating tayo," concern ni Jules.

Umiling si Andy. Nakasisiguro raw siya na walang alam ang mga Satanista sa mga kilos nila. Unless na lang kung sinabihan sila ni Satanas, aniya na pabiro.

"I don't think so," sabi naman ni Father Markus.

Nang makarating sa Cubao ay ibinaba nila si Pam mga dalawang kanto mula sa club. Maglalakad na lamang siya papunta roon para hindi maispatan ang mga sasakyan nila na nagsipagparkingan sa gilid ng daan. Sarado ang karamihan ng mga establisyamento sa paligid, bukod sa ilang mga restaurant at convenience stores.

Pinanood nila si Pam na naglakad patungo ng club, nakapang-groupie outfit at sukbit kanyang handbag sa balikat. Sinundan siya ni Andy sa may distansya habang dinial ang numero ng GPS tracking device na nakakubli sa bag ni Pam. Maya-maya'y nakita ang "dot" na ilaw sa mapa ng kanyang cellphone. On track sila. Pumuwesto si Andy sa kabilang kanto ng club habang patuloy si Pam sa paglalakad.

"Hi! Dito!" sigaw ng death metal chick nang makita si Pam. Naghihintay na ang grupo nila sa tapat ng entrance ng club at nagyoyosi. Sarado ang club at walang ibang tao sa paligid. "Ready ka na bang maging maganda forever?" anila paglapit ni Pam. Anim silang lahat at pampito si Pam. Mga sobrang excited na pagka't ang pangakong "eternal beauty" ay dinescribe sa kanila bilang habambuhay na kagandahan. Hindi hamak na may mga hitsura sila at sa kanilang vanity ay ayaw nilang tumanda o pumangit.

Bagama't kabado, ay nagawang ipakita ni Pam na in na in siya.

"R...ready na ako. Saan ba tayo?" tanong ni Pam na sinadyang lakasan ang kanyang boses para marinig sa mic ng GPS tracker.

"Hindi rin namin alam," sabi ng death metal chick. "Basta, dadalhin tayo doon."

Maya-maya'y may dumaang grupo ng mga lalaki na pawang mga gangsters at huminto at tinignan sila ng malagkit. Limang kalalakihan na na may mga tattoo, bagama't mukhang mumurahin lang, masabi lang na meron.

"Miss, baka gusto n'yo ng date?" sabi ng gangster na pawang leader nila.

"No, thanks," sabi ng death metal chick.

"Sige na."

"Sinabing ayaw namin eh!"

Kinabahan si Pam, lalo na't siya'ng next na pinagdiskitahan ng mga gangsters.

"Kahit pakiss na lang, miss, pamasko n'yo na sa amin," sabi sa kanya at hinawakan pang buhok niya. Pinaligiran ng mga gangsters ang mga death metal chicks, at hinipuan pa.

"Tangina, ang babastos n'yo a!" angal ng mga babae.

"Kunwari pa kayo, eh mga pokpok naman kayo!" tawa ng mga gangster.

Sa may kanto, kita ni Andy ang nangyayari. Napahawak na siya sa loob ng kanyang leather jacket kung saan naroon ang kanyang gun holster. Nang maglabas ng balisong ang gangster leader ay agad siyang umaksyon at naglakad patungo sa club.

"What the fuck? Anong ginagawa ni Mang Andy?" sabi ni Hannah pagka't tanaw nila ang P.I. mula sa van.

Nakatutok ang balisong ng gangster leader sa leader ng death metal chick, na kahit may patalim sa mukha ay matapang pa rin. "Parating na mga kasama namin," aniya. "Kaibigan namin si Juan Satan."

Nang madinig ang pangalang iyon ay nagkatinginan ang mga gangsters. Alam nilang reputasyon ni Juan Satan kaya't sila'y kinabahan.

"Mga chong, mga bebot ni Juan Satan pala'ng mga ito. Sibat na tayo!" takot na sabi ng isang gangster.

Sa may kalayuan, palapit na si Andy sa kanila nguni't siya'y napahinto, pagka't may biglang dumating na itim na van at pumarada sa tapat ng club. Napaatras si Andy at umiwas ng direksyon, ingat na hindi siya makita. Kilala niya ang van—iyon ay kina Juan Satan.

Nagulat ang mga gangsters nang makita ang itim na van. Bumukas ang pinto nito at nagbabaan ang mga lulan—si Juan Satan kasamang tatlong mga Satanista. ShetI sabi ng mga gangster. Magtatakbuhan na sana sila pero naharangan sila ng mga Satanista, na mas malalaki't matatanda sa kanila.

"Patay kayo," ngiti ng death metal chick. Sa likuran niya, kumakalabog ang dibdib ni Pam.

Hinarap ni Juan Satan ang gangster leader na may hawak na balisong. Pinagpapawisan ang leader, pero dahil ayaw mapahiya sa mga kasama'y nagtapang-tapangan.

"Hindi ako takot sa iyo," sabi niya. "Hindi ako—"

Sa isang mabilis na galaw ay hawak agad ni Juan Satan ang braso ng gangster leader at kaniyang pinilipit ito. Maririnig ang pag-crack ng buto. Humihiyaw na nabitawan ng leader ang kanyang balisong—na dinampot ni Juan Satan at walang anu-ano'y inukitan niya ng ekis ang noo ng leader. Pagkatapos ay tinadyakan niya ito at siya'y bumalandra sa mga basura sa kalsada.

"Markado ka na," sabi ni Juan Satan sa gangster leader. "Takbo!"

Takot na nagsipagtakbuhan ang mga gangsters. Ang mga death metal chicks nama'y gulat pa rin sa nasaksihan, lalo na si Pam.

"Tara na, naghihintay na siya," sabi ni Juan Satan sa kanila.

Pinanood ni Andy ang papaalis na itim na van ng mga Satanista, sakay sa loob ang mga death metal chicks at si Pam. Pagkatapos ay naglakad siya pabalik sa naghihintay niyang mga kasama.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong agad ni Jules sa kanya.

"Let's go. Sundan natin sila, pero distansya lang tayo," sabi ni Andy.

Kinambyo ni Hannah ang Revo at umandar ito paalis, kasunod nila sa likuran ang Pajero na sakay ang grupo ni Tony. Nakaramdam sila ng excitement at kaba na nagaganap na ang plano nila.

"Wait, may bagay na tugtog para dito," sabi ni Hannah at kumuha ng CD mula sa glove compartment at sinaksak iyon sa car stereo. Sa speakers, bumulahaw ang mabigat na kaskas ng electric guitar at tumugtog ang "Sabotage" ng Beastie Boys. "Yeah, JHS! WHOOO!!!!" sigaw ng psychic.

Nakakahawa ang tugtog, kung kaya't napasigaw na rin si Jules. Si Father Markus ay napahawak sa kanyang upuan. Pumped-up na rin si Andy bagama't tila may bumabagabag sa kanyang isipan. Nakita niya kasi ang nangyari sa tapat ng club—ang ginawa ni Juan Satan sa gangster leader, ang pagukit ng marka sa noo, at naramdaman niyang hindi basta-basta ang mga Satanista. Lalo na't nakita niyang armado sila ng baril. Alam ni Andy na mapapalaban sila.

NEXT CHAPTER: "Pasko sa Mansyon"

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
986K 8.6K 14
May maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya...
56.9K 2.1K 11
Katulad ng kwento ni Cinderella ay ganoon din ang buhay ni CINDY. May evil stepmother at evil stepsister din siya. Meron din siyang prinsepe. Ngunit...
20K 494 12
Rank #1 MULTO. Huwag magbasa kung mahina ang loob. Koleksyon ng mga orihinal na kuwentong multo sa probinsya at siyudad. #Featured #Multo #Tagalog #P...