10 Last Months

toriiiyah tarafından

38.9K 555 104

Kysler Natalie Abraliez, despite her boyish first name is actually a soft girly girl who has only cared about... Daha Fazla

10 Last Months
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 2

2.6K 40 0
toriiiyah tarafından

CHAPTER 2

Next day came and here we are again, at school. Free cut namin dahil may biglaang meeting ang professors. I believe, pang buong university 'yung free cut, so I'm expecting that Vinze and his friends are in the cafeteria.

"Hey, Sandra, I'm going to the cafeteria," Paalam ko sa aking best friend.

Tumingin siya sa 'kin, and rolled her eyes at me. Oh, the attitude. "Bakit? Kanila Vinzeler ka na naman sasama? Iniiwan mo 'ko lagi." Lumungkot ang boses niya at ngumuso pa.

I went to her and hugged her really tight. "Aw, nag-iinarte ang best friend ko." I chuckled. "You can come with me, you know." Then wiggled my brows at her.

Nakita kong namula ang pisngi niya dahil doon at bahagyang nautal. "N-no, I'm fine."

Tinawanan ko siya, "Really? Final answer?" Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at lumapit sa desk ko upang ayusin ang gamit ko. Isinukbit ko ang backpack ko sa aking balikat at nilingon siyang muli. "Sure ka talaga, Sis? Hay nako, you know... palaging kasama ni Vinze sila—"

"Fine! Fine!" I shifted on my position, sabi na, eh. "Sasama na ako. Alam mo naman 'pag si Ken na ang inaalas mo." Nakuha niya pang magtaray sa akin. Whatever.

Tinawanan ko na lang siya habang nag-aayos na rin siya ng gamit.

Mabilis din kaming nakarating sa cafeteria. Marami ang tao pero agad din namin silang nakita lalo na nang tawagin ako ni Earl.

"Ayan na pala si Ky, oh!" Sambit ni Earl na napatingin naman sila Kenneth at Russel. Si Vinze lang ang hindi nag-angat ng tingin. Hayaan na, sanay na 'ko.

"Uy, hi!" Bati ko. "Ito nga pala kasama ko, si Sandra, ang best riend ko," pagpapakilala ko. "Pwede rin ba siyang maki-table dito?"

"Yeah, sure." Sagot ng tatlo. Syempre laging silang tatlo lang naman ang may pakialam sa pinagsasabi ko.

"Hi! Nice meeting you all!" Bati naman ni Sandra sa kanila.

Agad naman siyang sinagot ni Earl at Kenneth, tinanguan naman ni Vinze at Russel.

Umupo ako at tumabi kay Kenneth. Pinatabi ko naman si Sandra sa'kin at kaharap niya si Vinze.

Bumulong ako kay Kenneth. 'Di sa nag-aassume ako, pero iba talaga ang tingin niya kay Sandra, eh. "Hoy, base sa nakita kong pagtingin mo sa diyan sa best friend ko, parang type mo siya, ah." Para akong bugaw ngayon pero tinutulungan ko lang naman si Sandra.

Pagkasabi ko noon ay umayos ako ng upo at tumingin na 'ko sa harap. Kita ko naman na ang sama ng tingin sa 'kin ni Vinze.

"Ang sama na naman ng tingin mo. Inaano kita d'yan?" Kung makatingin kasi siya sa akin ay parang napakalaki ng kasalanan ko, hindi ko na nga siya kinukulit na.

"Tss." Nagsungit na naman.

"Tss tss." Panggagaya ko sa kanya. "'Di na nga kita kinukulit diyan, eh. 'Di na nga kita pinapansin, hmp." Kung hindi lang talaga kita mahal, titigilan na kita, bulong ko pero mukhang narinig niya.

"What?" tanong niya sa aking nakakunot ang noo.

"Wala." 'Di naman na siya sumagot pa kaya kumain na 'ko.

Bago ko maisubo ang pagkain ko bumulong si Kenneth sa 'kin. "Palit kayo ni Sandra ng seat, please."

Naiiling ako dahil sa sinabi niya at sumagot, "Tsk. Oo na."

Humarap naman ako kay Sandra, "Sandra, let's exchange seats daw."

"Uy, Ky!" Pasigaw na tawag ni Kenneth sa 'kin, tila pinipigilan ako, pero 'yung hininaan niya lang ganoon. Besides, nasabi ko na rin naman.

"H-huh?" Bahagya namang nagulat ang best friend ko.

"'Wag ka nang mag-inarte riyan. Come on, let's exchange seats, si Ken kasi, eh." May lakas na akong ganyanin sila dahil matagal-tagal na rin akong nakakasabay sa kanila tuwing lunch, kaya medyo comfortable na ako. And they're good guys naman.

"Ah, sige." Tumayo na siya pero dama kong 'di pa yan nakaka-get over sa pagkagulat. Nakakatawa talaga 'tong best friend ko, for sure, aasarin ko 'to mamaya.

Lumipat na ako at ngayon ay si Earl na ang katabi ko at nasa harap ko si Vinze. Nakatingin na naman nang masama 'tong lalaking 'to sa akin. Kung hindi lang ako badtrip ngayon, kikiligin ako kasi lagi siyang nakatingin sa 'kin, kahit masama pa iyon.

"Ano?" Tinanong ko na siya. Grabe makatingin, eh. Umiling lang naman siya at bumalik na sa pagkain. Bumalik na rin ako.

Maya-maya ay may dumikit sa pisngi ko na medyo malamig at alam kong kadiri. Nakita ko pa na kulay pula iyon. Ketchup. Tumingin ako nang masama kay Earl. Nakangiti naman siya ngayon na tuwang-tuwa pa sa ginawa.

'Wag niyo 'kong inaano ngayon, badtrip ako, ha.

"Bwisit ka." At kumuha ako ng ketchup. Nilagay ko sa hintuturo ko at pinunas naman sa pisngi niya. Syempre hindi siya nagpatalo kaya nilagyan niya ulit ako. At nilagyan ko rin siya. Ang lagkit sa mukha! And it's messy.

"Natalie." Tinawag ako ni Vinze. May kalakasang ang boses kaya lahat kami sa table ay napatingin sa kaniya.

Ako naman, tumigil ang mundo ko. Nagsasayawan ang mga baboy sa tyan. At ngayon, feeling ko may nagaganap na party sa kanila.

Maganda ang boses niya pero mas maganda ito kapag binabanggit niya ang pangalan ko.

Habang nagpa-party ang buong katauhan ko, biglang naalala ko na badtrip nga pala ako.

Kinilig ako pero ngayon naiirita na naman ako. Lalo na sa tono ng pagtawag niya sa 'kin. Parang nagbababala or kung ano man.

"Ano na naman ba? Hindi na nga kita pinapansin, oh! Para kang laging nire-regla, actually daig mo pa nga 'yung nireregla, parang menopause na nga!" Bahagyang hiningal ako sa litanya. OMG! Ano ba 'yung nasabi ko?!

Natatawa naman sila Kenneth nang mahina na halatang pinipigilan na lang nila.

"Aish!" Ang sungit na naman. He brushed his hair up due to frustration. Takte, ang gwapo talaga.

Nabalik ako sa reyalidad ng padabog na itinulak niya ang kaniyang upuan at umalis ng cafeteria.

Hays. Problema n'un? Nasobrahan ako sa sinabi ko? Shit.

Pagkaalis ni Vinze ay tahimik naman kaming nagtitigan ng mga kasama ko sa table.

"Problema nu'n?" Tanong ko sakanila, pero pagkatanong kong iyon ay nagtawanan ang tatlong mga ugok. Nagkatingin kami ni Sandra at parehong may clueless look sa mga mata namin.

Hanggang ngayon ay tumatawa pa rin sila. Alam kong wala akong makukuhang matinong sagot sa kanila kaya tumayo na lang ako para sundan si Vinze.

Aish, saan ba nagpunta ang lalaking 'yon at ano na namang problema niya?

Kung kailan ba naman ako bad trip ay sumabay pa siya, huhu.

Nakakainis, siya na nga 'tong laging sinusupladuhan ako dahil sa kakalapit ko sa kaniya tapos ngayon namang binibigyan ko na siya ng panandaliang kalayaan, mag-iinarte naman.

Nakakaloka kung 'di ko lang talaga siya mahal, hindi ko na siya sinundan pa.

Mula sa first floor kung saan ang cafeteria, umakyat ako sa fourth floor. Nandito kasi ang laboratories kaya kaunti lang ang mga tao lalo pa't free cut ngayon. Sumilip ako sa hallway, madilim dito dahil nga wala pa namang nagamit. Pinili ko na lang na pumunta rito.

Kung tutuusin ay dapat inuna kong hanapin siya sa Engineering Building, pero dito ko napagpasyahang pumunta dahil isa ito sa mga lugar na ginagamit ng lahat para sa basic science units nila.

'Pag punta ko roon ay sana hindi ko na lang ginawa.

May dalawang tao roon. Ang isa ay nakasandal sa pader at ang isang mas matangkad naman ay nakaharap sa taong nakasandal sa pader, nakaharang pa ang kaniyang mga braso sa magkabilang gilid ng babae.

Ang sakit. Sobrang sakit. Mas masakit pala 'pag nakikita mo na nang personal kaysa sa mga bali-balita lang.

And there... I saw the love of my life for seven years, kissing a girl, on her lips.

Dahan-dahan akong tumalikod para hindi nila ako mapansin. Baka makaistorbo pa 'ko. Masokista ba? Martyr? Wala, mahal ko kasi. Baka mas lumayo pa ang loob niya sa 'kin 'pag 'naistorbo' ko sila.

Mahal lang kita, pero ang sakit sakit na. Pitong taon na kitang mahal at ngayong nagkaroon na 'ko ng lakas ng loob na ipakita at iparamdam 'yon sa'yo, saka naman naging ganito.

Am I too late for you?

Nagsisimula pa nga lang ako, actually, pero bakit ganito na? Sobrang wala ka ba talagang pakialam sa akin kaya lalo mo pa 'kong sinasaktan? Sampung buwan lang naman at titigil na 'ko pero siyam na buwan pa ang natitira pero sobra sobra mo na 'kong nasasaktan.

Tumulo na ang mga luha ko. Nang nasa tapat na ako ng hagdan ay tumakbo na ako. Bumaba ako at pumunta sa likod ng building. Maraming puno rito at may ilang mga bench.

Kaunti lang ang mga nagpupunta rito dahil 'yung iba ay hindi nila alam at 'yung iba naman ay alam nilang mahina ang signal dito. Parang gubat na kasi ito at sabi sabing para lang daw ang lugar na ito sa mga nagsesenti o nagd-drama. What a perfect place for me and my feelings.

Umupo ako sa isa sa mga benches, 'yung sa pinakamalayo pa. Itinaas ko pa ang mga hita ko sa bench at niyakap ang tuhod ko, mabuti naka-jeans ako ngayon.

Doon ay lalo pa akong humagulgol. Pabilis nang pabilis na rin ang paghulog ng mga luha ko habang inaalala ko 'yung sitwasyong nadatnan ko kanina.

Buti pa ang mga luha ko nahuhulog, siya kaya kailan siya mahuhulog? O nahulog na siya? Hindi nga lang sa'kin...

Shit, Kysler Natalie, wala ka pang dalang panyo. Kung alam lang ni Mama 'to, for sure sasabihan na naman niya ako na para akong hindi babae dahil lang sa isang araw na hindi ako nakapagdala ng panyo.

Siguro isa rin iyon kung bakit ayaw niya sa akin. I may dress girly, look pretty, has a body of a lady, but still too childish.

As a teenager that I am, I act so much like a teenager, 'yung teenager na childish at immature sa ganito. Because for sure he'd date other girls who are more lady-like and mature. I wouldn't even be surprised if he dates older women than him. I sighed. Masyado ko na bang binababa ang sarili ko?

Habang nagd-drama ako ay akita kong may panyong tumapat sa mukha ko. Oh, kita mo 'to, Ky! Buti pa 'tong lalaking 'to may panyo! Teka, lalaki?

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Malay ko naman kung rapist pala 'to at may halong kemikal ang panyong inaabot niya at kapag nawalan ako ng malay ay saka na niya ako dadakpin. Ano ba yan, ang layo na naman ng imagination ko.

Pero totoo ba ito? 'Yung lalaking nagpaiyak sa 'kin minutes ago is the same guy that's reaching me a handkerchief? Seriously?

Ano ba namang buhay 'to? Kung kailan medyo kinokonsidera ko na ang pag-move on sa kanya ay siya pa itong lalong lumalapit?

Pero syempre, biro lang iyon. Hindi ko pa ginawang option ang pag-move on sa kanya kahit pa ganito siya.

"Tsk. Stop crying." Sa kanina pa palang pagtunganga namin dito ay nagsalita na siya, finally.

"Psh." Sagot ko lang at tumungo ulit sa mga tuhod ko. Ano ba 'yan, naiirita na naman ako. Grabe, mood swings? Hindi pa rin ako nakaka-get over sa kissing scene nila kanina, ha. Tagos sa puso.

"Paano?"

"Ha?" Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakakunot na naman ang noo niya, kailan ba hindi 'pag kausap niya ako?

"Paano mo nagawa sa'kin 'to?" Naiiyak na naman ako.

"What the hell are you talking about?"

"Watdahel watdahel ka pa riyan! Pinagtaksilan mo 'ko!" Ngumawa na ako. "K-Kanina... may kahalikan ka!" Sagot na may pagsinghot sa pagitan ng mga salita. At lalo pa akong napangawa noong naalala ko na naman ang pangyayaring iyon. I probably look like a kid right now. Napaka-childish! Huhu.

"Ugh! Stop it, kid!" I can feel frustration in his voice.

"Hindi na ako bata! Eighteen years old na ako, so technically, hindi na talaga ako bata! Mahal na nga kita eh diba?!"

Kahit todo ngawa pa 'ko, naramdaman kong medyo natigilan siya na kalaunan din ay nakabalik sa reyalidad kaya't nakasagot pa siya sa akin.

"Yeah yeah, but you still act like one."

"Niaaway mo kas—" Feeling ko gawa talaga ng PMS 'tong pagiging childish ko ngayon. O talagang childish lang ako?

"It's probably my brother she's seen," bulong niya na hindi nakatingin sa akin. Pinagsasabi nito? "And by the way, hindi kita pinagtaksilan, okay? Kasi hindi naman tayo." Foul 'yon,ah! Di na nga 'ko pinatapos sa sasabihin ko ta's pinamukha pang hindi kami?

Mabilis namang bumalik ang gulat sa akin nang maalala ang sinabi niya. He has a brother?!

"What?!"

"You're so loud!" Halos takpan niya na rin ang tenga niya at bahagyang lumayo sa akin. "You were saying you love me for how many years again...?"

"Seven." Tapos singhot ulit.

"Yeah, seven. Then you didn't know that I have a younger brother?"

"Hindi naman kasi ako stalker mo!"

"Ugh, can you at least lower down your voice?!" Nakakunot pa rin ang noo niya at dama ko ang iritasyon niya sa pagpapatahimik sa akin.

Nahihiya at awkward akong tumawa para maibsan ang tensyon. "Sorry."

"Dito ba siya nag-aaral? Bakit hindi ko naman siya nakikita?" I asked.

"No. He's been living with our grandparents since he's 3 or 4. I don't really know."

"Ah..." Hindi kasi kasama iyon tuwing may family gathering sa amin o kanila Vinze. Laging siya at parents niya lang ang kasama namin.

"Ayusin mo na 'yang mukha mo at pumunta na tayo sa classrooms natin, it's almost time."

"Ah, oo nga baka ma-late pa tayo." Hindi ko namalayan ang oras. Gan'to pala talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo, ano? Feeling ko parang huminto ang mundo.

Nagsimula na kaming maglakad nang maalala ko ang panyo niya. "Ito nga pala. Salamat, ha, akala ko talaga pinagtaksilan mo na 'ko."

"Pagtapos mong singahan 'yan? No, keep that." At umiling pa siya. Hala, oo nga pala nakakadiri ka, Ky!

"Ah... Sorry, hehe." Nakakahiya naman, bawas ganda points na naman 'to! Tsk tsk.

"Kapatid mo nga 'yun? Ilang taon na siya? Bakit ngayon lang siya pumunta dito sa Pilipinas? Grabe, kamukhang kamukha mo siya kaya akala ko talaga ikaw 'yun. Gwapo rin ha, per—"

"Ang daldal mo 'no." Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin. Sunod-sunod kasi 'yung pagsasalita ko kanina habang naglalakad kami kaya syempre ito nagsusungit na naman siya.

Tumigil din ako sa paglalakad at tumingala sa kaniya. Angtangkad naman kasi hanggang balikat lang ako musta naman.

"Lagi na lang nakakunot 'yang noo mo kapag kausap mo 'ko." Bahagya kong nginuso ang bibig ko. "Do you hate talking to me that much?"

"Stop pouting." Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Eh, anghaba ng biyas niya. E 'di mas nauuna siya.

"Uy, hintayin mo 'ko!" Tumakbo na 'ko papunta sa kaniya. Hihi. Ang cute namin para kaming mag-jowa. Hihi.

Nakarating na ako (well, nag-CR raw muna 'yung kasama ko kanina kaya pinauna na 'ko rito) ng classroom and luckily, wala pa 'yung teacher namin. Pagkaupo ko sa pwesto ko na agad namang napansin ni Earl ay agad din siyang tumabi sa akin.

Yes, magkakaklase kami. Character Development ang subject namin dito. Exclusive from the Campus Administration kasi na kailangan ay magkaroon ng isang subject ang Grade 12 Students and College Freshmen nang magkasama. Ang objective daw nito ay para ma-experience ng bawat isa ang makasalamuha ang higher level (for Grade 12) and lower level (for College Freshmen), and from that ay mas mag-improve ang personalities ng lahat. Good for a month lang naman itong klase namin at next month ay balik na kami sa kaniya-kaniya at magkakahiwalay na klase.

At dahil alam kong mahal ako ni Lord at talagang nakatadhana kami ni Vinze, ang sections namin ang napag-collaborate. Wow, 'di ba? Hihi.

"Anong nangyari? Nakita mo?" Napaka-chismoso talaga ng nilalang na 'to. Sasagot pa lang sana ako nang...

"Layas." Matigas at madiin ang pagkakabigkas doon at lahat kami ay napatingin kung kanino man iyon nanggaling. Nakatingin siya nang masama kay Earl na sa kaniya pala sinabi ang puno ng awtoratibang salita. Grabe bad mood na naman 'to, kailan ba hindi?

"Huh?" Takang tanong naman ni Earl na tulad din ng iba niyang mga kaibigan ay talagang naguguluhan.

"That's my seat." At bahagyang tinulak si Earl paalis doon. Oha, syempre magka-section na lang din kami sa subject na 'to, lulubusin ko na. And yes guys, ako ang tumabi sa kaniya.

Tinaas naman ni Earl ang dalawang kamay as a sign of defeat. "Chill, pare. Ito na nga aalis na para ma-enjoy mo nang makatabi si Natalie." Talagang ginamitan niya pa ng mapang-asar na tono 'yung pagkakasabi mo ng Natalie.

Umalis naman siya at bumalik na sa totoo niyang pwesto, which is behind my seat. And right as he got there, chinika na naman niya ako. Kinwento ko naman sa kaniya ang ilang ganap dahil napaka-epal niya at walang makakapigil sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng pagkukwento ko ay si Vinze naman ang um-epal. "Ang ingay!" Na alam ko namang para sa akin dahil ako ang malapit sa kaniya na salita nang salita.

Kung kailan nagpapapansin sa kaniya, 'di niya ako pinapansin , kung kailan naman pansamantala ko muna siyang 'di pinapansin ay saka siya naman ang nagpapapansin. Ang labo.

Sasagot pa sana 'ko sa kaniya nang biglang dumating na ang teacher namin kaya lahat na kami ang natahimik.

Hmp.

---

please vote, comment, and share! thank you for reading ❣

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.9M 49.4K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
24.6K 528 38
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...