Be The Sister Of 4 Mafia Maxw...

By KnightAncient

225K 3K 173

Keisha is a beautiful and cute women who became an adopted sister by the 4 Mafia Maxwell brothers and lived t... More

ABOUT
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20

CHAPTER 7

4.5K 153 7
By KnightAncient

Xyra Charvi Maxwell's POV

"BAKIT po?" Curious kong tanong.

"Oh... Nothing, dear. Don't worry I will still call you Xyra."

"Mom gave us permission to adopt her since she have no one know to be close to." Paliwanag ni Kuya Zavier.

"Then, why did you agree to be their adopted sister? Do you have family don't you?" Tanong ulit ni Mrs. Smith.

"I-I have po, b-but- sila po mismo ang nagtakwil sa akin dahil ampon din po pala ako. Kung sakali pong tatanong kayo kung saan ang totoong mga magulang ko ay hindi ko po alam. Namulat ako sa reyalidad na hindi sila ang kasama kundi ang adopted family ko po." Inunahan ko na ang Chairman sa posibleng bomb questions niya.

Ayoko rin namang pag-usapan kase nasasaktan din ako sa tuwing naaalala 'yon. Hindi na nakapagsalita pa ang Chairman at nakatingin na lang sa'kin.

"Hala, sorry po!" Yumuko agad ako. "Sorry po talaga." She just chuckled.

"It's okay, dear. I understand. Forgive me to open up that part." Sumandal siya ulit sa swevil chair niya saka binalikan ng tingin sila Kuya.

"Again, natutuwa akong dito kayo muli mag-aaral. Perfect moment para makilala niyo sina Red."

Hala, nagtatagalog pala ee. Chamba 'yong tagalog ko. UwU

"Wow, Ninang. So, dito rin nag-aaral 'yong anak mo? Kamusta naman si pareng Red?" Oliver

"Actually, they're four. Nothing to be worried kasi same classroom kayo."

"Nice! After the class yayain ko silang mag-inuman." Xander

"Brilliant idea, Xanxan." Ngising sang-ayon ni Kuya Oli at nag-apiran sila. Naman 'tong dalawang 'to, basta inuman--- hay nako.

"Okay, boys. Go to your assigned classroom now, the first period is about to start."

Yumuko kaming lahat sa kanya at pormal na nagpaalam. "Thank you po. Pleased to meet you again, Mrs. Smith." Paalam ko.

"Goodluck." Sagot niya at muling sumandal sa swevil chair.

Lumabas na kami sa Chairman's Office, pero bago ako tuluyang makalabas ay dinig ko yung paglalim ng hininga niya. Anong problema ni Mrs. Smith?

Pagkarating namin nina Kuya sa nasabing building ay hinatid nila ako sa magiging classroom ko. Luckily nasa ground floor ako, hindi na ako magkakandakubang umakyat sa ibang floors. "Princess, reminder... After class you will stay here. We will pick you up pagkatapos ng klase na'min."

"Okay po, Kuya Geo."

"Don't talk to suspicious people. Don't trust anyone." Paalala rin ni Kuya Zav.

"Opo, Kuya Zav."

"Nasabi na nila ang lahat, kaya magpakabait ka rito ha? Huwag kang makipag-away." Ginulo ni Kuya Oliver ang buhok ko.

Anong akala niya sa akin? Basagulera? Grabe naman siya, nakakaiyak.

"Kapag may nagtangkang pumorma sa'yo. Patay siya sa amin." Nakangiting sabi ni Kuya Xander pero may dark meaning.

Ano ba 'yan, ang possessive nila. Huhuhuhu.

Kumaway ako kina Kuya habang paalis na sila. Hooooo~ kinakabahan na ako. Pambihira lang, kailangan kong palang makipag-communicate in english, oh jusko po--- mahina ako diyan.

Ano kaya kung tahimik lang ako buong klase? Mas mabuti pa siguro kung ganoon.

Sumilip ako sa pintuan ng magiging classroom ko, nakita kong kasalukuyang nagdidiscuss 'yong Professor. Natigil naman siya nang makita niya akong nakasilip.

"Yes?" Tanong niya, well infairness. Ang ganda niya. Bakit ang gaganda ng mga taga-rito? T_T

"G-Good morning po." Magalang kong bati at yumuko.

"Transferee?"

"Yes po... S-sorry I'm late."

"No worries, come in. I'm Ms. Alissandra Shin, the adviser in this class." Sinenyasan niya akong pumasok at tumayo sa harapan. "Introduce yourself, darling."

Nakakaumay naman 'to, lahat ng tingin nila na sa akin. Kung sa bagay natural dahil bago lang ako, pero nakakahiya talaga.

"I-i'm Xyra Charvi Maxwell. Nice to meet you classmates."

"What university school did you come from, Ms. Maxwell?" Tanong ni Ms. Shin.

"M-Maxwell University po... from Philippines." Sagot ko.

"Oww, the Maxwell. Are you the daughter of the owner or what?"

"Y-yes?" Naiilang kong sagot. Ano ba 'yan, nakakahiyang i-proclaim. Ampon lang ako ee.

"Alright. Welcome, have a seat Ms. Maxwell." Yumuko ulit ako sa Professor saka naglakad papunta sa magiging upuan ko.

Pinili ko ang upuan na malapit sa bintana. Mas mabuti na ito nang sa gayon ay makita ko agad sina Kuya kapag susunduin na ako.

"Let's continue our discussion."

***

NANG matapos ang morning period ay nanatili pa rin ako sa loob ng classroom tulad ng sinabi nina Kuya. Saktong alas dose na, siguro hindi pa sila tapos.

"Hi! Xyra, right?" Napalingon ako sa nagsalita, 'yong classmate kong babae lang pala. "I'm Charlene Zhang, from now on kaibigan na tayo okay?" Medyo nagulat ako sa sinabi niyang 'yun, ang bilis makastrike. Pero...

Nakafeel ako ng relief dahil sa wakas may nagtatagalog dito. Hay salamat! Umupo siya sa mesa ko at kinuha ang kamay ko para makipag-shakehands.

"In the first place na nalaman kong mula ka sa Pilipinas, I didn't hesitate to approach you. Because in the end, tayo rin ang magkakasundo." Nakangiting sabi niya habang naka-shakehands pa rin.

Grabe, ang daldal niya. Paladesisyon pa.

"Wanna join me to cafeteria?"

Umiling ako. "Sorry, hinihintay ko kase ang mga Kuya ko. Since, first day ko palang dito. Bantay sarado talaga ako."

"Napaka-overprotective naman nila."

Maktol niya. Overprotective ba? Mukhang possessive nga ee.

"Okay, kung 'yan ang gusto mo. Basta kung may kailangan ka don't hesitate to call me, okay?" Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti.

"T-Thank you." Sabi ko. Kinindatan niya ako saka siya naglakad paalis at sumabay sa ibang classmates ko. Ang friendly niya naman, parang si Bianca.

Speaking of Bianca, kamusta na kaya 'yon?

Naputol 'yong moment ko nang may marinig akong ingay sa labas. Hiyawan at iyakan ng mga estudyante.

"Oh gosh!"

"What the hell..."

"Those sisters again."

Kahit nasa loob ako ng classroom ay dinig na dinig ko yung pinagsasabi nila. Lalo na 'yong kalabog--- TEKA ANO?

Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at tumakbo sa labas. Sinundan ko ang ingay na iyon at natagpuan kong nasa quadrangle ng campus.

Nakita kong nakahandusay sa sahig ang tatlong bugbog saradong babae. Anong nangyari? Bakit may ganito rin dito?

Lumapit 'yong babaeng blondina sa babaeng may pasa sa gilid ng pisngi, hinila niya ang buhok nito. Napadaing 'yong babae sa sobrang sakit. Sh*t.

How come niisang estudyante rito ay walang nagtangkang sumumbong sa Chairman? Takot ba sila?

"I'm asking you nicely earlier— are you deaf or a fvcker one?"

Nilapitan pa nila ang dalawa pang babae saka sabay na sinabunutan at inuntog ang ulo.

F*ck, halatang walang kalaban-laban ang mga babae dahil sa dami ng pasa sa mukha. Napayukom ako ng kamao, hindi ko natitiis ang ganito. Napakawalang hiya pa rin nila.

Oo, kilala ko ang dalawang bruhildang 'to. Magkapatid sila at kabilang sa isang gang. Ang magkapatid na GOMEZ sina Amanda at Andrea. Kung ganoon, dito pala sila nag-aaral.

Pwersang pinatayo ni Amanda ang babaeng sinabunutan niya.

"A deaf-dumb scholar girl like you doesn't belong this school. You better f*cking go back to your country!"

Itinaas niya ang kamay niya at sasampalin na sana 'yong babae nang agad akong pumagitna at sinalo ang kamay niya.

Nagsinghapan ang mga estudyante sa paligid sa ginawa ko.

"Enough." Tanging sabi ko habang nakapigil sa kamay niya. Pilit niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko pero hindi niya magawa.

Hindi lang siya ang may pwersa rito.

"G-Get off!" Pagpupumiglas niya pero hindi ko siya sinunod. "I said get off your hands you b*tch-"

Bigla kong binitawan ang kamay niya kaya natumba siya sa mismong pwersa niya. Napatingin siya sa kamay niyang may gasgas mula sa concrete floor.

"Y-You b*tch- you gonna pay for this! Andrea!"

Naramdaman ko na lang ang biglang pagdating ni Andrea sa likod ko at parehong hinawakan ang kamay ko patalikod.

"How dare you, where's your audacity to interfere? You don't know us, don't you?"

Ano namang pakealam ko sa kanila? Atsaka, wala nabang mas ikalalakas iyang pwersa mo, Andrea? Kung ganyan lang naman, madali lang kitang balibagin.

Nakita kong bumangon iyong isang bugbog na babae, akmang lalapit siya sa gawi ko nang sinenyasan ko siyang 'huwag'.

Ngumisi si Amanda sa akin at naglakad palapit. Hinilot-hilot niya pa ang kamao niya. Ano? Sasaktan niya ako?

Pasalamat siya at crowded kami. Kung liblib lang ito, hindi ako magdadalawang-isip na...

Kinuwelyuhan ako ni Amanda na halos masakal ang leeg ko. Niyukom ko ang aking kamao, isang urog pa. Babasagin ko iyang mukha mo, sinasabi ko sa'yo.

Napansin ko ang pag-aalangan sa mga mata ni Amanda nang makita niya ang kamay at ang maliit kong ngisi. Mukhang nainsulto ko siya.

"Y-You d*mn b*tch!" Tinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako nang...

May sumalag sa kamay niya.

Sino 'to?

Agad akong napatingin kung kaninong kamay 'yon. At laking gulat kong- siya!

Teka siya?

Anong ginagawa niya rito?

"Stop." Cold niyang sabi. Grabe, ang lakas ng awra niya at ang lamig.

Padabog na inalis ni Amanda ang kamay niya, si Andrea naman ay binitawan ako at tinabihan ang kapatid.

"And who the hell are you?" Amanda

"Another attention seeker?" Sagot ni Andrea.

Napatingin ako sa babaeng nakilala na'min nina Kuya Geo sa mall, siya iyong 'Lady In Red'. Pareho kami ng uniporme, kung ganoon dito rin siya nag-aaral?

"Take your break time and leave this place now!" Anunsiyo niya sa mga estudyante na agad namang nagsialisan, maliban sa dalawang nasa harapan na'min at 'yong tatlong babaeng binugbog nila. Just wow, kung ganun siya ang boss dito?

Napaatras si Amanda at Andrea kay Lady In Red. "Sh*t."

Nakita ko si Ms. Lady In Red na minasid ang paligid.

"Don't worry, Sis. There's no students left, just us." Napatingin naman ako sa isa pang nagsalita.

Si Ms. Lady In Blue? At kasama pa niya 'yong dalawa pang mahilig sa berde at puti?

Kung ganoon silang apat ay dito nag-aaral sa school na ito?

Magsasalita pa sana ulit si Amanda nang biglang hulihin ni Ms. Lady In Red 'yong mukha niya at binagsak sa sahig.

*BLAAAG!*

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang ginawa niya, 'yong tatlong babaeng bugbog sarado naman ay napatakip ng bibig. Sinunod niya naman si Andrea na hinila ang uniporme na halos mapunit at binagsak din sa sahig sabay tadyak sa tiyan nito.

Grabe! Ang lakas niya at ang bilis!

"Our school is not for bullying or exposing underground fighting activities. We do not condone this behavior especially the persecution of the vulnerable. Know your place and limitations, understood?" Seryoso niyang sabi kina Amanda at Andrea na ikinatango agad ng mga ito.

Grabe, mas cold pa siya kaysa kay Kuya George ee. Para siyang hindi ordinaryong estudyante lang.

"M-Ms. President." Sambit 'nong isang binully.

"Ms. President?" Kaya naman pala Boss ee.

"Proceed to the detention office otherwise-" hindi natapos si Ms. Lady In Red nang tumayo agad sina Amanda at Andrea.

"Okay, okay." Sagot nila at nagsitakbuhan.

She's totally badass!

"Blue, Green, White... Take them to infirmary." Utos niya sa kaniyang mga kapatid. Wait— what?

Anong klaseng mga pangalan iyon? Jinojoke ba sila ng Nanay nila?

"Okay, Sis."

Wow, kung ganoon. Itong si Ms. Lady In Red ang SSG President ng Smith University? Kaya pala agad nagsisunuran 'yong mga estudyante sa mga sinasabi niya.

Pero 'yong mga pangalan talaga ee— iyong mga pangalan. Huhuhuhu.

Ngayon, kaming dalawa nalang ni Ms. President ang naiwan. Nakatingin siya ng direkta sa akin na parang nirerecognize ako.

"A-ahh... Thank you po, Ms. Lady In Red." Yumuko ako bilang pasasalamat.

Tumaas naman ang isang kilay niya. Naman oh, mukhang maldita 'to ah. "Its Red, not 'Lady In Red'."

Nako po, ehe.

"I'm Red Velvet Smith. The eldest daughter of the Chairman and the Supreme Student Government President of Smith University." Pakilala niya at naglahad ng kamay. Laglag panga akong napayuko ulit.

Umay, ang taas naman pala ng image niya. Panganay na anak ng Chairman at SSG President pa. Teka wait lang— kung ganoon, itong Red ba ang tinutukoy ni Mrs. Smith kanina?

Aba naman talaga, napagkamalan pang lalake nina Kuya.

"Ehem?"

"N-Nice to meet you po, hello! Ako pala si Xyra!" Kinakabahan kong bati, hindi ko na naisip na tinanggap ko na pala ang kamay niya para i-shakehands. Umay, ang lakas niyang magpakaba. Bahala na, nakakahiya!

"Hey, calm down."

"S-Sorry po!" Yumuko ulit ako. Narinig kong natawa siya ng mahina.

"Naghihintay na sa'yo ang mga Kuya mo." Natigilan ako sa sinabi niya. Nagtatagalog siya? Muli akong napatingin sa kanya pero naglakad na siya paalis.

Napapikit na lang ako, kung may nagtatagalog pala rito dapat sabihin nila. Hindi iyong maubusan pa ako ng english saka sila magsilantaran.

Tinignan ko ulit si Ms. Red pero nawala na siya agad. Nasaan na iyon? Masyadong malawak ang quadrangle, ang bilis niyang nawala.

Tumakbo na lang ako pabalik sa room, at pagdating ko naroon na pala sila Kuya. Oh patay!

"Saan ka galing?" Salubong ni Kuya Geo ng direkta. Nako, lagot.

"A-ano... Kasi, Kuya—may gulo kasi kanina kaya pinuntahan ko."

Ano ba iyan, nakakabulol kapag direktahan nang magtanong si Kuya Geo, nakakatakot.

"Aysus, gulo lang naman pala. Come on, let's eat. I'm starving." Singit ni Kuya Oliver sabay sipol.

Bumuntong hininga na lang si Kuya Geo at ginulo ang buhok ko. "Kung may gulo ulit, huwag mo nang puntahan. Baka madamay kapa."

Hehehe, kung alam mo lang Kuya.

***

"HAY~ PRINCESS, bakit ka pa kasi pumunta roon?" Saway ni Kuya Xander.

Hindi ako makaayos ng kain dahil sa sermon nila. Sana pala hindi ko na lang sinabi ang totoo.

"Gladly at hindi ka nasaktan. Next time, just stay inside the classroom. You're not a hero." Sermon din ni Kuya Zavier bago uminom ng coke.

Hindi naman ako nagpakabayani ee, tumulong lang ako. Si Kuya Zav talaga.

"If I caught you interfering again, makukutusan talaga kita. Pinapahamak mo lang ang sarili mo." Bumusangot ang mukha ko sa sinabi ni Kuya Oli habang kumakain siya ng spaghetti.

Kukutusan niya ako, ano 'yan? Babae lang. Pagkain mo nga pambata ee, sos Kuya Oliver.

"Hindi naman ako napahamak kanina ee, kasi..." Tinigil ko sandali ang sasabihin ko sa tinignan ko sila isa-isa.

"Because what?" Kuya Geo

"Kase dumating si Ms. Lady In Red at tinulungan ako. Nagulat nga ako dahil hindi lang pala siya ang naroon kundi pati rin iyong tatlo pa niyang kapatid na sina Ate Blue, Green at White." Sagot ko at ngumisi. "Ang apat na babaeng nakilala na'tin sa mall ay dito nag-aaral sa school na ito. Ang galing hindi ba?"

Naubo si Kuya Zav sa iniinom niyang coke, si Kuya Oli nabulunan sa spaghetti niya. Si Kuya Xander naman nakagat 'yong dila, agad naman siyang inabutan ng tubig ni Kuya Geo.

Buti nga sa inyo, mga OA.

"What?! 'Yong puting Amasona?" Kuya Xander

"How come? So, ibig sabihin niyan ay makikita ko ulit iyong berdeng babaeng 'yon?" Kuya Oli

"Mukhang makikita ko ulit si Ms. Sungit." Kuya Zav

"Lady In Red, huh..." Uminom ulit ng coke si Kuya Geo.

Napairap na lang ako, kung makainom ng coke si Kuya parang wine ah? May pa serious glare pa. Hindi ba niya napapansin na nagmumukha siyang sira-ulo sa ginagawa niya?

I mean, lahat sila. Silang magkapatid puro mga sira-ulo.

KnightAncient | Ms. X

Continue Reading

You'll Also Like

182K 3K 25
Fianna Montecillo ang isang nerd na walang ibang gusto kundi makahanap ng totoong magmamahal sa kaniya. Ngunit paano kung ang paghahanap niya ay ang...
2.8M 72.7K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
8.8K 519 55
[Completed] This is part 2 of The Unexpected President of Section Humility. Andrea Ryleigh studied States with his brother and Kieran. Art studied in...
6.7K 337 3
Too much of anything is the beginning of a mess