Be The Sister Of 4 Mafia Maxw...

By KnightAncient

225K 3K 173

Keisha is a beautiful and cute women who became an adopted sister by the 4 Mafia Maxwell brothers and lived t... More

ABOUT
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20

CHAPTER 5

4.9K 154 6
By KnightAncient

Xyra Charvi Maxwell's POV

INAKBAYAN ako ni Kuya Oliver para ipaalala sa'kin na may training kami ngayong araw. Tila pumiko ang tuhod ko sa braso niya. Ang bigat!

"Arghhhh--- alisin mo yang kamay mo kuya ang bigat kaya." Pero tumawa lamang siya at sinunod niya nga ang sinabi ko. "Si Kuya Oli talaga ay--- may kasalanan kapa kaya sa'kin." Nakanguso kong sabi sa kanya. Pero inirapan niya lang ako. Ang sungit eh.

"Whatever. Let's go outside." Sabi niya at naunang naglakad. Bipolar ba'to?

Ilang minuto akong hindi pinansin ni Kuya Oli hanggang sa nakarating kami sa likod ng bahay. Namangha ako dahil hindi ko akalain na ganito pala kalawak ang bahaging likuran ng mansion ng pamilya Maxwell.

Pero... Teka anong ginagawa namin dito sa likod

At saka ang daming mga puno at damo dito ba talaga kami pupunta? Gubat 'to ah?

"Teka lang Kuya--- bakit tayo nandito? Nandyan ba talaga sila Kuya Geo?" Takang tanong ko, tumango naman siya. Mahirap na pagwalang alam.

Hindi naman sa wala akong tiwala, pero guys--- maikling panahon palang ang lumipas para pagkatiwalaan ko sila ng buo. Mga lalake rin sila. Nag-ooverthink na ako.

Nagsimula na kaming pasukin ang gubat. Maigi kong tiningnan ang dinadaanan namin, ako yung sa unahan at si Kuya Oli naman sa likod. Ilang minuto na naman ang lumipas. Kanina pa kami palakad-lakad at niisang hagilap ay hindi ko nakita sina Kuya Geo.

Sabi ko na nga ba. Baka ginugudtaym ako.

Training-training pa ee hide and seek lang pala. Dapat sinabi na lang nila sa'kin ng klaro, maintindihan ko naman kung mga isip bata sila.

Tatanungin ko sana ulit si Kuya Oli nang wala na pala ito sa likuran ko. Just what?

"Kuya?" Hinanap ko siya. Kung saan-saan pa ako luminga pero hindi ko talaga siya makahanap.

Whaaaaaahhh ano 'to? Aabandunahin niya ako dito? As in dito sa gubat? Sira ulo ba siya?

"KUYA!" sigaw ko pero wala paring Oliver Kyle Maxwell na sumagot.

Gusto kong umiyak. Nasa gitna ako ng gubat. At ako pa mag-isa. Nakakainis ka Kuya Oliver, makakatikim ka talaga sa'kin pag nakita kita. Hihilahin ko talaga iyang buhok mo. Huhuhu.

Kinakabahan na ako. Naglakad na lang ako ng mag-isa para hanapin siya baka sakaling makita ko ang loko.

"Kuya! Na saan kana?"

Parang mabibingi ako sa katahimikan ng gubat. Pero napalingon ako nang may marinig akong kaluskos sa damuhan.

"Sino yan?" dahan-dahan akong lumapit sa gawing iyon. "Kuya Oliver?"

Pero may kung anong bagay ang biglang tumalon palapit sakin dahilan napahiga ako sa sahig. Titili sana ako nang makita ko kung ano yun.

RABBIT?

Pero kulay blue ang mga mata nito. Bago 'to ah? May ganun bang rabbit? Umupo ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang rabbit. Tumatalon-talon ito papalayo sa'kin kaya sinundan ko. Sinundan ko ang rabbit hanggang sa napadpad ako sa isang lugar na masyadong malawak at nasa gilid lng nakahelera ang mga puno na para bang isang field?

Teka battle or training field ba'to?

Nakaramdam na lamang ako ng pagkayanig ng lupa, agad akong umupo at tinakpan ang ulo saka pinikit ang mga mata. Mga ilang segundo rin yung lindol at hanggang sa matapos na ito.

Marahan kong minulat ang aking mga mata at umawang ang bibig ko sa saking nakita.
Talagang magugulat ka--- pano ba naman kase nasa ring na ako at sa baba naman may mga nakahelerang mga deadly weapons. At nagkaroon pa ng pader sa gilid just--- Woaaaaaahhh!

"Princess!"

Napalingon sa tumawag nun. Sila Kuya Geo--- at kumpleto sila. Teka, kailan at paano sila nandito? Ang gulo. May hidden hideout ba ang lugar na'to?

"K-Kuya—" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita si Kuya Xander.

"Magandang ideya ang pagsunod mo sa rabbit, welcome dito sa training field na'min." Pagbati niya at dinala ako ni Kuya Xander sa ring kung saan may mga iba't-ibang bigat na punching bags. Samantala sa baba naman ay nanonood lang sina Kuya Geo, Zavier at Oliver.

"Okay, princess. We have two punching bags here na gagamitin na'tin sa training. This one is for you and this one is for your worldwide handsome brother like me." Sabi ni Kuya Xander sa'kin matching with taas-taas kilay pa.

Hehehe ang hangin.

"Si Kuya Xander talaga ay napakahangin." Asar ko at lumapit doon sa isang punching bag.

"'Wag ka na ngang umepal--- Ayaw mo nun? Naging Kuya mo yung isa sa mga PINAKAGWAPO sa mundo."

Wow naman, diniinan pa talaga ang PINAKAGWAPO. Oh edi ikaw na--- well totoo naman. Gwapo naman talaga siya e. Hihihi.

"Shall we start?" Tumango ako bilang sagot kay Kuya Xander at sinimulan na niya ang pagtuturo sa akin.

***

ANG LAHAT ng tinuro niya ay related sa physical combat pero minajor na sa'kin ang hand to hand combat. Iba't-ibang klase tulad ng straight punch, side punch, elbow punch, down and upper punch and etc.

Ilang oras niya yung itinuro sa'kin at sa mabuting palad ay nafamiliarize ko ang lahat ng iyon. Nakita ko si Kuya Xander na may kausap sa phone. Nang magtapo ang mga tingin namin ay binaba na niya ang tawag at nginitian ako.

"Bakit Kuya?"

"Wala naman. Si Mom, tumawag. Kinamusta niya tayong lima so I answered we're all fine."

Ahh. So si Mrs. Maxwell pala ang tumawag. Ang bait niya talaga.

"Akin na yang kamay mo princess, aayusin ko yang benda na nilagay ko sayo." Sabi niya at inayos yung benda sa kamay ko. Oo nga pala, nilagay niya ito kanina bago pa niya ako simulang turuan.

Nakatingin lamang ako sa ginagawa ni Kuya Xander. Ang gentle niya umayos, pakiramdam ko para akong isang mamahaling vase na dapat pag-ingatan.

Ganito ba yung feeling kapag close kayo ng kapatid mo?

Or kapag may kapatid?

"Ang sweet mo pala kuya 'no?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang katagang iyon. Kusa na lamang lumabas sa bibig ko.

"Syempre, si Xander James Maxwell na ata 'to." Mayabang niyang sagot na mahina kong ikinatawa.

"Ayieee ilan kaya yung girlfriend mo?" Pang-aasar ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at kinamot na lamang ang pisnge.

"Ahh--- hehehe. Girlprend? Required ba yun?"

Nagulat ako sa sinagot niya. "Hala Kuya Xander. Don't tell me wala kang---" agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ssssh ka lang pwede? Baka isampal mo pa sa'kin."

"So bakit nga wala?"

"Ee--- wala akong makita. Bakit? May kilala ka? May erereto ka?"

"Oh bakit ako ang tinatanong mo mukha ba akong provider?"

"Ayy hindi ba? Siguro nakatadhana na sa'kin na tatanda akong binata."

"Duhh Kuya Xander nag-ooverthink. Ang bata mo pa kaya."

"Tatanda akong binata."

"Hindi yan."

"Tatanda akong gwapo."

"Hin---"

"Ang gwapo ko talaga 'tas cute pa, sheyt! Natatakot na ako sa sarili ko."

Hindi na ako nagmaktol pa. Grabe talaga 'to. Hinakot na niya lahat. Hindi lang basta hangin ang dala nito kundi bagyo.

***

PINAGPATULOY na namin ang training. Pagkatapos ni Kuya Xander ay sumunod naman si Kuya Oliver which is expert when it comes to foot to foot combat. Iba't-ibang klaseng kicking style ang tinuro niya at sa pagpapabagsak sa kalaban. Si Kuya Zavier naman ay both styles, hand and kick. Tinuro niya sa'kin ang pagcocorner at paano ilagan ang bawat atake.

Samantala si Kuya George naman ay ituturo kung paano gumamit ng baril which is ikinapalag naman nina Kuya Zavier, Oliver at Xander. Talagang nagdebate pa sila kung ituturo sa akin o hindi. At ang nanaig naman ay yung tatlong nagreklamo. Kaya no choice na si Kuya George kundi wag na lang ituloy.

Buong araw ay ginugol nila ang oras sa akin sa pagtatraining. Talagang pinaglaanan nila ako ng oras. Saka, lahat ng weapons na nakahelera dito sa training field ay nilegal sa'kin para alam ko at hindi na magulat kung sakaling may mga dala silang ganito.

Well, hindi naman nakakatakot eh. May tiwala naman ako kila Kuya na mababait sila. At basang-basa sa kanilang mga mata na manilis ang bawat intensyon nito. Hindi sila mananakit na kung sino-sino, sibilyan at mga inosenteng tao.

***

(Door knocking...)

"HEY PRINCESS, are you awake?"

"Opo, p-pasok!" Sagot ko saka agad kong inayos ang aking sarili. Sheems. Tulo laway pa akong natulog siguro dahil sa pagod. Grabe ang dugyot!

"Let's go downstairs. The breakfast is ready." Sabi nito sakin at umupo sa dulo ng kama. Si Kuya Oliver.

"Oo nga pala, Kuya Oli. Anong oras na ba? Mukhang maaga pa ah?" Tanong ko. Kase naman eh, nung makita ko ang labas ng bintana madilim pa.

"It's already 4:20 in the dawn." Sagot nito habang nakatingin sa relo. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at agad na bumalik sa pagkahiga.

Huhuhu ano 'to? Masyado atang maaga? Madaling araw pa! Kulang na kulang yung tulog ko umay!

*Boooooog!*

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko nang hagisan ako ni Kuya Oli ng unan. "Kuya naman ee!" Kuntya ko sa halip ay tumawa lang ito. Pasalamat ka gwapo ka.

"Bumangon kana kase dyan--- ay hindi. Gusto mo atang buhatin pa kita?" Nakaismid na tanong ni Kuya Oli na nagpatayo ng balahibo ko.

Bumalikwas agad ako ng bangon. "Oo na, oo na babangon na."

"Okay, magbihis kana. Dalian mo ah?" Nakaismid niya paring sabi sa'kin at tumayo. Ngiti ng playboy eh.

"Oo na po." Pantataray ko. Pagkaalis ko sa aking kumot ay may napagtanto akong isang bagay.

"Uy flat." Biglang sabi ni Kuya Oliver. Agad akong napatakip sa dibdib ko. Sh*t! Hindi pala ako nagba-bra kapag natutulog. Whaaaaaah nakakahiya!

"Whaaaaaah lumabas kana Kuya!" Agad kong tinaklubong ulit yung kumot.

Nakakahiya talaga grabe! Gusto kong magpalamon sa lupa. Bwisit ka Kuya Oliver! Huhuhu.

"Ayy tinakpan pa, flat naman."

"Aba--- Hoy Kuya Oli, for your information hin--- labas na kase!" Lintya ko sa sobrang hiya sabay turo sa pinto.

"Oh bakit ka nagagalit? Eh totoo—"

"LABAS NA!" Sabi ko agad na ikinahagalpak niya ng tawa.

"HAHAHAHA! By the way joke lang yun."

Syempre alam ko. Sadyang mapang-asar ka lang.

"Pero hindi yung flat." Dagdag pa niya.

Tiningnan ko siya ng masama pero dali-dali na siyang lumabas ng pinto. Napahilamos na lang ako. Hayssss sa kanya ata sasakit yung ulo ko.

***

PAGKATAPOS kong ayusan ang sarili ko ay bumaba na ako. Habang pababa ako sa hagdan ay nakita ko sila Kuya na may inaabalahan kahit madaling araw pa. Napatingin si Kuya Zavier sa'kin.

"Oh, princess. Buti naman at gising kana." Sabi nito habang nakaupo saka humigop ng kape.

"Good morning po, Kuya Zavier, Kuya George, Kuya Oliver at Kuya Xander."

"Good morning." Sabay nilang bati pabalik sa'kin.

"Talaga po bang maaga ang oras ng gising niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, like we used to." Sagot ni Kuya Xander habang inaayos niya yung RABBIT?

Teka yan yung rabbit na nakita ko yung blue ang mata. Yung time na biglang nawala si Kuya Oliver.

"Teka Kuya--- Robot ba yan?"

"Yup."

"Woah! Mukha siyang tunay Kuya. Napagkamalan ko nga yang totoo ee, pero napansin ko yung mata--- bakit blue?"

"Ahh this? Itong mata niya is a camera. Ang ROB-BIT nato ito ang nagsisilbing mata naman dun sa HQ kung saan tayo nagtraining."

"HQ pala yun? At anong ROBBIT?" Naguguluhan kong tanong.

"That's a combination name of Robbot and Rabbit." Sagot ulit niya.

"Wooah ang cool talaga!"

Grabe ang talino ni Kuya Xander pagdating sa technology. Now I know kung bakit Computer Science and Technology ang kurso niya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pumunta na ako sa mesa para kainin yung nakahandang breakfast.

***

ISANG linggo na ang nakalipas ng natapos ko na ang training. Kasalukuyan akong narito sa kwarto nakaduyo, nagmumukmok at nag-iisip. Iniisip ko kung may pag-asa pa ba akong makita ko ang tunay kong mga magulang. Kung may Mama pa ba ako, Papa o kapatid.

(Phone ringing...)

Bumalik ako sa wisyo nang mag ring ang phone ko. Sino kaya 'to?

Si Bianca! Agad ko tong sinagot.

"Hello, Bia?" Sagot ko at dumapa sa higaan. Gosh! Miss ko na ang gagang 'to. Hahahaha.

["Kyaaaaah--- Kei! I MISS YOU SUPER!"]

Halos mabingi ako sasobrang lakas ng sigaw niya sa kabilang linya. "Hoy, hindi ako bingi! Grabe, ang sakit sa tenga."

["Miss na kita eh! Kaiyak, seryoso next year kapa babalik?"]

"Siguro. Ewan. 'Di ko alam. Hahahaha."

["Oh siya, basta always remember na mag-ingat ka palagi dyan ah? Pansamantala lang tong tawag ko sayo, nasa school pa kase ako. Mahirap na pag mahuli ako."]

"Okay sige, salamat sa pagtawag. Ikaw din Bia, take care."

["Sigeeeee mwuah mwuah!"] Pinatay ko na agad ang tawag. Hahahaha gaga talaga.

(Door knocking...)

"Po?" Sagot ko.

"Xyra, Hija. Pinapatawag ka ng mga Kuya mo sa baba. May pag-uusapan daw kayo." Ay, si Nanay Esel pala ang nasa pinto. Agad akong pumaroon at binuksan 'yon.

"Opo, pakisabi po na bababa na ako." Sagot ko.

"Sige, Hija. Makakarating."

May pag-uusapan daw kami nina Kuya? Ano kaya yun? Hayss makapunta na nga ng banyo. Pagkatapos kong maligo ay sandali kong inayos ang aking sarili bago lumabas. Pagkababa ko sa hagdan ay ganun parin. Abala na naman ang apat kong Kuya.

***

"WE'RE going to the mall to buy our school stuff. Sa lunes na yung pasok na'tin." Sagot ni Kuya George.

"Ahh--- sige po. Ngayon na po ba? Agad-agad?" Tanong ko sa sobrang excite. First time makakapunta ako ng mall dito sa amerika.

"Yes, so change your clothes and we will wait you here." Kuya George

"Sige sige po Kuya, sandali lang'to." Sagot ko at kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ko. Simpleng damit lang ang sinuot ko. Hindi ako mahilig sa mga casual-casual na yan. Nakaripped black jeans lang ako at oversized white shirt matching with white shoes at white cap. Ganun lang.

***

PAGPASOK namin sa loob ng mall. Ang tinginan ng mga tao ay nakatutok sa aming lima. Bakit? May mali ba sa suot ko? Tiningnan ko sina Kuya, wala din naman. Simpleng attire lang ang suot nila, naka black jeans at red shirt si Kuya Geo. Si Kuya Zavier naka black jogging pants at blue jubos shirt. Si Kuya Oliver naka terno sports attire na dark algae at si Kuya Xander naman ay nakapedal na itim at black and white jacket. Simple lang naman ah?

Grabe, rinig na rinig ko yung mga bulungan nila kahit nasa malayo sila. Huminto kami sa harapan ng Mcdo. Palinga-linga sina Kuya Xander at Oliver na parang may gustong puntahan.

"Kuya Geo, dun lang ako sa shoe section." Paalam ni Kuya Xander sa kanya.

"Ako din, doon muna ako sa arcade." Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Kuya Oliver.

"What?" Kuya George

"And what the heck will you doing there? You're an adult. Sheems. What a childish." Suway ni Kuya Zavier. "Narito tayo para bumili ng gamit na'tin sa eskwela."

'Yan sermonan niyo.

"Ano bang pakealam niyo? Kung gusto niyo kayo na lang ang bumili para sa'kin o hindi kaya sumama pa kayo para lahat tayo maglaro doon. Mas marami, mas masaya." Maktol ni Kuya Oliver sa kanila.

"Whatever, basta huwag ko lang malaman na nanggugulo ka na naman." Sa tonong yun ni Kuya George parang binabantaan niya si Kuya Oliver.

Umay, basagulero pala ee.

Umalis na nga sina Kuya Oliver at Xander. At this moment kaming tatlo na lang. Nilinga ko ang aking paningin at may nakita akong book section.

"Kuya, doon lang ako sa book section. Maghahanap ako ng books na kakatulong sa english vocabulary ko." Paalam ko sa kanila. Pareho silang tumango sa'kin.

"Okay, princess. Don't go far okay?" Bilin sa'kin ni Kuya George.

"Tawagan mo lang kami kapag natapos ka. Susunduin ka na'min." Kuya Zavier.

"Opo, Kuya." Ngumiti ako sa kanila. Akmang aalis na ako nang hapitin ni Kuya Geo ang braso ko.

"And by the way— don't talk to strangers, princess. Baka may mga random scumbag dito. If may nasesense kang masama, don't hesitate to call us. Okay?" Paalala nito sa'kin parang nag-aalala.

Tumango ako. "Opo, Kuya. Gagawin ko po." Sagot ko at naglakad na. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan ang mapaismid. Kalaban pala ah.

Hindi sila uubra sa'kin.

KnightAncient | Ms. X

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 100 9
Denim is a badboy na matagal ng in love kay Lavi. But unfortunately, sa kakambal nito siya ikinasal. Iritang-irita siya sa childish na asawa na maram...
182K 3K 25
Fianna Montecillo ang isang nerd na walang ibang gusto kundi makahanap ng totoong magmamahal sa kaniya. Ngunit paano kung ang paghahanap niya ay ang...
341K 4.1K 16
She is Celestine Emphrain Lee the one and only heiress of LEE and EMPHRAIN GROUP OF COMPANIES. Her family is the most richest, famous, influential an...
28.8K 899 49
Mystical Regal Academy Book 1 Kaithlyn Ezra Jones Transferre Student of Mystical Regal Academy Hindi tulad nang iba lumaki siya sa mundo nang mga tao...