Jigger Hortaleza

Door candiedapple__

3.1K 148 80

Kell, ang tukmol na in love (?) sa babaeng self-proclaimed na retired rakista, magtu-21, Philippines! Jigger... Meer

Synopsis... daw
Panimula--Tristan Kell Sirculo
One: Pika-pika!
Two: Kitchen Knife
Three: Bakit nga ba walang McDo?
Four: Broken Heart, Gitara, Chaise Lounge
Five: Ang Pahamak na ID
Six: Si Orange at si Longgo
Eight: YOU LIKE HER!
Nine: Deadly Weapons: Chains and Frisbee
Ten: Si Ariella at Adrielle
Eleven: Jennifer is the Name
Twelve: Confessions
Thirteen: Picture Perfect
Fourteen: Hugs and Heartbeat
Fifteen: Looking Forward
Interview, Announcement, Recommendation
Special Chapter: Orange Delight
Part 2: Jennifer Hortaleza

Seven: Feeling ng Namboboso

165 5 5
Door candiedapple__

MAGKATABI SI Kell at Jigger na nakaupo sa loob ng 7 Eleven sa may kanto ng Landayan. Nginangata niya ang malaking Asadong siopao na binili niya at panaka-naka ay humihigop sa Slurpee na ipinares niya roon. Si Jigger naman ay tahimik rin lang sa tabi niya habang kumakain ng siopao din, Bola-Bola nga lang ang kinuha nito, habang Gatorade naman ang panulak—iyong kulay yellowish green. Hindi niya kasi alam ang flavor na iyon.

            Tahimik lang silang dalawa habang pinagmamasdan nila ang mga taong naglalakad, tumatakbo, namimili, at nakikipagtawaran sa mga tinderong ayaw magpatawad.

            Biyernes. Iyon ang araw kung saan buhay na buhay ang negosyo ng mga tao sa lugar na iyon. Iyon lang kasi ang araw na malayang nakakapagtinda ang mga tao sa loob ng isang linggo—ayon kay Jigger.

            Katatapos lang ng misa at dumiretso sila ni Jigger sa 7 Eleven dahil una, nagugutom na siya. Pangalawa, nagugutom na si Jigger. At pangatlo, nag-demand ito na manlibre siya. Kawawa talaga ang wallet niya kapag ito ang kasama niya. Ang mamahal ng pinapabili.

            His shoulders sagged as he sighed.

            Ang nakapagtataka ay hindi man lang siya nagreklamo nang magpalibre ito. Siya kasi ang tipo ng tao na hindi mahilig manlibre—si Haru ang palaging nanlilibre—at palaging may plano siya para sa pera niya. Kumbaga, para siyang ekonomista, lahat ay may pinaglalaanan.

            Pero naiiba ang sitwasyon kapag ang babaeng ito ang kasama niya. Nawawalan siya ng pakialam sa ibang bagay at ang mahalaga na lang ay ang ma-please niya ito.

            Did that make him an idiot?

            No, he guessed not.

            A pervert, then?

            No! Dammit. Bakit napasok na pervert siya? Hindi siya pervert!

            Wooo. Hindi raw. Eh, hindi nga matanggal sa isip mo ang katawan ni Jigger na natatakpan lang ng towel, e. Wet look! Wet look, bebe!

            Pinigilan niya ang mapaungol sa inis. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang tainga—mabuti na lang at natatakpan iyon ng medyo mahaba na niyang buhok. Pinigilan niya rin na iuntog ang ulo niya sa mesa sa harap niya para lang matigil sa pag-flash sa utak niya ng eksena kanina.

            Si Jigger… Pababa ng hagdan, nakatapis lang ng tuwalya habang ang mga butil ng tubig ay pumapasada pababa ng katawan nito…

            Tang-ina! Nato-torture ang utak niya!

            This time napaungol na talaga siya sa inis at ibinagsak na niya sa pagkakataong iyon ang kanyang ulo sa mesa. Napaigik siya sa sakit. Pakshet! Napisa ang very lone, very large, at very pink niyang pimple sa noo na nagtatago sa likod ng bangs niya!

            “Hoy, Tristan Kell Sirculo, anong kagaguhan 'yang ginagawa mo?” tanong ni Jigger sa kanyang tabi. Halos hindi niya nga naintindihan ang tanong nito dahil mukhang puno ang bunganga nito nang magtanong ito. “Tigilan mo ang kananasa mo sa katawan ko, tukmol.”

            Maluha-luha siya nang iangat niya ang kanyang ulo. Ang hapdi! Buset!

            Kaysa naman ang itlog mo ang pisain ni Jigger dahil sa pagnanasa mo, tukmol.

            Hindi ko siya pinagnanasaan. Period! No erase!

            Humigop siya ng Slurpee. Walang hinga-hinga. At ang kinalabasan nasamid siya nang huminga na siya. Double kill! Woo-hoo! Ikamamatay niya nang wala sa oras ang babaeng ito!

            Umubo-ubo siya. Peste! Ni hindi man lang siya tinulungan ni Jigger! Tinawanan pa siya! Dinagukan pa siya ng malakas! Aba’y hanep!

            “Ayos ka lang?” natatawa pa rin nitong tanong.

            Tiningnan niya ito ng masama, may tambay pang Slurpee sa kaloob-looban ng ilong niya. “Mukha ba akong okay?”

            “Hindi. Namumula ka nga ng todo, e.” Amused na amused na usal nito. “Pamumula ba 'yan dahil sa pagkapahiya o sa pag-ubo? O baka naman nakikita mo pa rin ang katawan ko sa isip mo?”

            Naiinis na binatukan niya ito. Bakit ganito ang babaeng ito, Lord? Bakit wala siyang awkward bone? O awkward nerve man lang? Bakeeeeet?

            “Aray! Sadista ka! Child abuse! Tatawag ako sa Bantay-Bata one-six-three!”

            “Edi, tumawag ka, bwisit ka. Ako pa ang tinakot mo. Hindi ka na bata!”

            Pinagtaasan siya nito ng kilay. Eleganteng nag-cross legs at nag-cross arms. Nag-chin up pa! “Ako pa ngayon ang bwisit?” mahinang singhal nito sa kanya. “Dapat ka ngang magpasalamat sa akin dahil pinakitaan kita ng balat ko, e. Ikaw pa lang ang napakitaan ko ng itinatago kong alindog. At saka, saan ka ba nakakakita ng babaeng ma-wet look? Sa TV? Sa mga porn sites?” Pinatirik nito ang mga mata. “Real thing is always the best, you know? Nakatatak pa sa isip mo.”

            Kinakapos yata siya ng hininga at inilibot ang tingin sa paligid in case na baka may makarinig sa mga sinasabi nito. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang ang mga taong kasama nila sa loob ay may kanya-kanyang daldal.

            Ang gusto lang naman niya ay mawala na sa memory niya ang imahe nitong nakatuwalya lang pero bakit ito ganoon? Bakit kailangan pa ni Jigger na magsalita ng mga ganoong bagay para lalo siyang ma-torture? Bakit wala itong kakurap-kurap habang pinahihirapan nito ang puso, isip, at ang “ibaba” niya? Lalaki siya at mahina siya sa tukso kaya ang ipaalala nito ang isang erotic scene ay talagang makapagpapakulo sa kanyang dugo—in a very sensual way.

            Ang sama niyang bata. Kalalabas pa lang niya ng simbahan kung ano-ano na ang iniisip niya.

            “Shut up.” Mariing usal niya. Matalas na tiningnan niya ito at ganoon din ito sa kanya. Disregarded were the foods as they stared at each other. No one was backing down. Kulang na lang ay magbugahan sila ng apoy.

            Jigger scowled at him. “You’re shutting me up?”

            Hindi siya umimik.

            “Very well. All I want to say to you was you forget everything you saw. As in everything. At kapag nalaman kapag nalaman ko na iniisip mo ang eksenang iyon, puputulin ko ang kaligayahan mo.”

            He cringed at the thought. Ayaw niyang maputulan ng kaligayahan! Pero paano naman niya makakalimutan ang bagay na iyon? Sabihin niyo nga! Paano?!

            Shit. Kung makapag-utos naman itong si Jigger na kalimutan iyon, akala mo naman ganoon iyon kadali. Like, duh? Ang sinasabi nitong paglimot niya sa bagay na iyon ay parang pag-utos sa kanya na huwag mag-Tumblr tuwing gabi! Napakahirap!

            Pero kung ayaw mong maputulan ng kaligayahan, kakalimutan mo ang kanyang wet look. Whether you did not like it or… you did not like it.

            “I’m waiting for your answer.”

            Nagbuga siya ng hangin. O-oo na lang siya para tumigil na ito. Syempre nga naman, naiintindihan niya si Jigger. Babae ito at awkward—hindi lang halata—para rito ang makita niya ito sa ganoong sitwasyon. She must me feeling… vulnerable.

            Tse. Vulnerable mo mukha mo. Puputulin na nga ang kaligayahan mo, vulnerable pa rin? Shunga lang?

            “Oo na, kakalimutan na.”

            She leaned forward, still having her legs and arms crossed. “Labas sa ilong.”

            Pinilit niyang mapangiti at saka matamis na sinabing, “oo na, kakalimutan na po.”

            Malawak ang ngiting lumayo ito sa kanya. “Very good.” Tumingin ito sa cell phone. “Five thirty na pala. Uwi na tayo.”

            “Okay.”

            Tumayo na ito at nang magtangka siyang tumayo ay pinigilan siya nito sa braso. “Teka lang, wait. Bibili muna 'ko ng pocketbook. May SF novels sila rito. Ang saya.” Nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa istante ng mga dyaryo at pocketbooks—particularly sa mga pocketbooks.

            “SF?”

            “Yeah.” Naka-squat na ito ngayon sa harap ng istante at may tatlo nang hawak na libro. “SF. Sonia Francesca, my favorite writer. Locally.”

            “So may internationally pa?”

            “Yes.” Nilingon siya nito. This time, nadagdagan ng dalawa pa ang hawak nitong libro. “Si John Green. Si Maya Banks. Ah, basta, marami pa.”

            He shrugged.

            Nang makabayad na si Jigger sa cashier ay agad itong bumalik sa pwesto nila at saka dinampot ang siopao at Gatorade. “Tara na.”

            Ganoon din ang ginawa niya. Sayang naman kasi ang pagkain kung iiwan lang nila doon.

            “Maglakad na rin lang tayo pauwi.”

            “Okay.”

            Nang makalabas sila ng 7 Eleven. “Masama yata ang loob mo, e.” mapang-asar na usal nito.

            Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Nag-eenjoy ang bruha sa sitwasyon niya. “Shut up.”

            Humalakhak lang ito.

NGAYON, ALAM KO NA ANG FEELING NG NAMBOBOSO.

            Hindi alam ni Kell kung nang-aasar ba ang pagkakataon o sadyang alam lang ng Tumblrista na si “grayinkedpen” ang mga nangyayari sa buhay niya. Ilang beses na kasing tumatama at sumasapul sa kanya ang mga post nito. Kung noon ay ikinatutuwa niya iyon ngayon ay hindi na. Lahat na lang ba ng bagay na makikita, mababasa at maririnig niya ay magpapaalala sa kanya sa mga nangyari kanina lang?

            Sigurado siya. Hindi na talaga siya makakatulog mamaya. Magkakaapo na naman ang mga eye bags niya. Apo na sa talampakan. Hayup.

            Anyway, ang term na “tumblrista” ay ang tawag sa mga taong gumagamit ng networking site na Tumblr. Blog site iyon na sadyang hindi niya pinagsasawaan.

            “‘Ngayon, alam ko na ang feeling ng namboboso.’” He quoted and then he scowled at his laptop screen. “Bwisit na Gray-inked-pen 'to. Ma-PM nga.”

            Kasalukuyan siyang nasa teresa ng kanyang kwarto and as you can see, nagta-Tumblr nga siya. At ang quoted words na sinabi niya ay ang title ng text post ni “grayinkedpen.” At kahit naiinis siya, at kahit alas dose na at kinakailangan na niyang matulog ay hindi niya magawa. Mahal na mahal niya ang Tumblr para tulugan niya.

            Sinimulan niyang basahin ang post ni “grayinkedpen”.

            Bakit gano’n ang title ng post kong 'to? HAHA! Pakshet kasi. Hayup pa. HAHAHA! Ano kaya ang sasabihin sa akin ng kaibigan ko kung ipaalam ko sa kanya na nakita ko ang kababalaghang ginagawa nila ng syota niya kanina? Petengene. :3 Sarap na sarap sila sa halikan nila nang mapatingin ako sa labas ng bintana ng sala namin kanina. Gusto kong umeksena kanina at tanungin sila kung “mesherep? Mesherep?” Ang romantic pa ng setting mga, fre! Sa ilalim ng puno ng Malunggay! Hindi ba nila afford ang mag-motel at talagang sa may Malunggayan pa nila napiling mag-torrid kiss? French kiss? Vacuum kiss? Luh? :o

            Isumbong ko kaya siya kay Kap? Say ‘no’ to ka-L-an 'yon, e. HAHAHA! Bitter kasi si Kap sa mga magsyota. Metendeng delege keshe sye. Hehehe.

            Eniwey. Ang payo ko kay fren, eh, 'wag muna siyang kakaka (sa mga hindi alam ang term na 'to, bukaka ho! Eksdi!) dahil hindi pa 'ko handang maging ninang. Wala akong maibibigay sa binyag no’n at sa mga paskong darating! Mahirap lang ako at naghihingalo na ang PC ko! Kailangan ko nang maka-afford ng laptop!

            PS. ALAM MO NA BA ANG FEELING NG NAMBOBOSO? HINDI PA?ANO PANG HINIHINTAY MO? MAMBOSO NA!

            PPS. How do I forget that scene? Do we have a delete button in our mind? Chenes mga bh3! Naeskandalo ang virgin eyes ko!

            Kung hindi lang siya aware sa oras ay humagalpak na sana siya ng tawa. Walanghiyang blogger! Pati ba naman kababalaghan ng kaibigan nito ay ipino-post? Ha-ha-ha. Ayos lang naman iyon, anonymous blogger kasi si “grayinkedpen.” But at least, alam na niya ang gender nito. Babae. “Ninang” kasi ang tukoy nito sa sarili nito sa isang bahagi ng text post.

            “‘How do I forget that scene?’” Again, he quoted. Napatingala siya sa starless na langit saka bumuntong-hininga. “Paano nga ba?”

            “Paano ang ano?”

            Kell whipped his head to his right. There standing was his brother looking at him like he lost his mind. “Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?”

            Naupo ito sa balustrahe saka sinindihan ang hawak na yosi. Humithit ito saka bumuga bago sinagot ang tanong niya. Ah, hindi pala sinagot. Sinalungat nito ang tanong niya.

            “Wala tayo sa loob ng kwarto mo. Terrace 'to, Kell. Hindi mo alam?”

            Pinaikot niya ang mga mata saka ibinaling muli ang tingin sa screen. Magpi-PM nga kasi siya kay “grayinkedpen”.

            He typed. Paano nga ba makakalimutan ang mga gano’ng eksena? Sent.

            “May ka-chat ka?”

            “Wala.”

            “Eh, ano 'yang ginagawa mo?”

            “Nagta-type lang.”

            “May pasok ka pa bukas, ah.”

            “Sabado bukas.”

            Natawa ito. “Oo nga pala. Nakalimutan ko.”

            He tapped his finger to his laptop. Ang tagal namang mag-reply.

            “May ka-date ka raw kanina sabi ni Mama.”

            Iyon ang nakakuha ng reaksyon niya. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang kuya na naninigarilyo pa rin. “Hindi 'yon date.”

            “Date nang matatawag 'yon kasi kayong dalawa lang.”

            “Nagsimba lang kami.”

            “Oh? Edi ‘church date’ ang tawag doon.”

            Muli niyang pinaikot ang mga mata.

            “Maganda ba?”

            “Sino?”

            “'Yong ka-date mo.”

            “Get lost, Kier.”

            He chuckled. “Edi maganda nga siya! Ito talaga, hindi ko naman aagawin sa 'yo. Dito siya sa kabilang bahay 'no?”

            Tumango siya.

            “Gusto mo siya?”

            Tumango siya. Gusto naman talaga niya si Jigger. Gusto niya ang personality nito. Gusto niya ang tawa nito. Gusto niya ang ilong nito. Gusto niya ang ngiti nito. Kaya bakit niya itatanggi?

            Ngumisi ang kuya niya. “Gusto mo siya na mauuwi sa love o gusto mo siya bilang kaibigan lang?”

            “Kaibigan lang, syempre.”

            “Liar.”

            Napakurap-kurap siya. “Anong sabi mo?”

            “You’re a liar.”

            “Amalayer?

            “Yes.” Kier waved the hand holding the cigarette dismissively. “I saw the way you look at her. Iyong parang siya lang ang babaeng nakikita mo. Iyong tipong siya lang ang pinakamagandang babae para sa 'yo. You even smiled at her in which, let me remind you, you rarely smile at girls. Suplado ka kaya. Kaya alam ko, hindi mo palang nari-realize, kaya ipinare-realize ko sa 'yo ngayon, na nahuhulog ka na sa babaeng 'yon. Whatever her name is.”

            “Jigger.”

            Sa gitna ng dilim ay nakita niya ang pag-angat ng kilay ng kuya niya. “Huh?”

            “Iyon ang pangalan niya.”

            “For real? Cool.” Kasabay niyon ay ang pagbuga nito ng usok.

            “Yeah.”

            “Sige. Good night. Nakisigarilyo lang naman ako dito.” Inihagis nito ang upos ng sigarilyo sa kalsada at saka tumayo. “Take it from me, Kell. Don’t get confuse with all that I have said. Just… Uh… Take it from me. I know the feeling because that is how I look at—” Tumikhim ito saka muling ikinumpas ang mga kamay sa ere. “Nakita ko lang ang sarili ko sa 'yo no’ng panahon na in love pa 'ko.”

            Ngumisi siya. “In love ka pa rin naman kay Ate Dice hanggang ngayon.”

            Mabilis na na-headlock siya nito. Nahirapan tuloy siyang huminga. At muntik pang mag-dive ang laptop niya! “May sinasabi ka?”

            “W-wala! Ar—”

            Pinakawalan na siya nito. “Wala akong kilalang Dice.” Saka siya nito iniwan.

            Umubo-ubo siya para luminis ang lalamunan niya. Bwisit ang kuya niya! Hindi maka-move on!

            Pero iyong sinabi nito… Ganoon ba talaga ang paraan ng pagtitig niya kay Jigger? Iyong titig na parang may gusto talaga siya rito?

            Umiling-iling siya. “Nah,” nang-aasar lang ang kuya niyang walang love life.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞