The Man Hater vs. The Womaniz...

By sjmcarmenta

664K 10.2K 908

Meet Kathryn Valdez. A normal teenage girl na may pagka-man hater. Maalis kaya ng gwapong-gwapong captain bal... More

1] The Deal (Kathryn's POV)
2] The Deal (Daniel's POV)
3] She Hates Him
4] He Just Likes Her
5] She's a Man Hater
6] Ouch!
7] Rumors??!!
8] The Ranking (Kathryn's POV)
9] The Ranking (Daniel's POV)
10] The Semi-Finals
11] Good luck!
12] The Real Game
13] First Date
14] Mahal Kita
15] First Move
16] Can't Help Falling Inlove With You
17] Victory Party
18] Can I court you?
19] The Real Him
20] Her Decision
21] Preparation + Flying Kiss
22] The Plan
24] JS Prom
25] The Antagonist
26] Carmela's Evil Plan
27] >.<
28] He's Here
29] I'm Dead!
30] Vacation Blues
31] Unexpected News
32] Saviour
33] Misunderstanding
34] Bestfriend to the Rescue
35] Jealousy
36] Barkada
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
37] Special Day
38] Game of Fate
39] Unbelievable
40] A Big Joke
41] Help!
42] Rescue
43] The Hidden Secret of the Past
44] The Ending
Epilogue
Important Announcement for Book 2
Update

23] Mr. Seloso

13K 217 13
By sjmcarmenta

A/N: Ei guys, remember yung pakulo ni Author sa 'Chapter 18 - Can I court you'? Na-post ko na po yung story nung nag-pm sa'kin... It's a KathNiel fanfic din and OneShot lang sya... Pakibasa if you have time. Entitled 'First Love Never Dies'. Please click the external link sa dulo to read it... :)

Cholomot... Masaya ako na 20k+ reads na ang TMH vs. TW... ^________^

 

- Sarrah ♥


>>>♥<<<


23


Kathryn's POV

Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nung maging kami ni DJ. Ang saya nga eh, kasi kahit na kami na, lagi pa rin nya akong pinapakilig. Ginanap yung victory party nila sa isang five star hotel kinabukasan after nung championship game. As usual invited ako. At alam nyo ba? Sobrang haba ng hair ko nung gabing yun. Eh pa'no ba naman? Inannounce lang naman ni DJ sa lahat ng taong nandun na kami na. At hindi lang yun! Hinarana pa nya ako! O diba? Ako ng maganda. Hahaha...

Anyway, ayun nga. Habang mas tumatagal, mas lalo ko din syang minamahal. Eh kasi naman, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, halos wala ng ibang ginawa si DJ kundi ang patunayan kung ga'no nya ako kamahal. Hayy DJ... Bakit ba kasi ang sweet-sweet mo?

"Hi Miss, pwede maki-share ng table?" nasira yung pagmumuni-muni ko ng biglang may lumapit sa'king lalaki. Gwapo sya, pero syempre, mas gwapo pa rin ang boyfriend ko. Hahaha.

Andito nga pala ako ngayon sa Starbucks at inaantay si DJ. Umuwi kasi bigla yung Daddy nya galing States kaya umuwi din muna sya sa Bulacan. Tumingin ako sa paligid bago sagutin yung lalaki. Wala na ngang vacant table. Palibhasa Linggo kaya maraming tao. Tiningnan ko uli yung lalaki.

 "Yeah sure..." tipid kong sagot.

Pagkasabi ko nun, umupo na rin naman agad sya. Mukhang inaantay tawagin yung pangalan nya para kunin yung inorder nyang coffee. After ng ilang sandali, napansin kong patingin-tingin sya sa'kin. Hinayaan ko na lang. Hanggang sa siguro hindi na nakatiis, nagsalita uli sya.

"Alam mo Miss, you look familiar. Nagkita na ba tayo before?"

Napaisip naman ako. Mukha nga ding familiar yung face nya sa'kin. Hindi ko nga lang din maalala kung sa'n ko sya nakita. Bago pa man ako makasagot, biglang dumating si DJ.

"Kath..."

Awtomatikong napatingin kami sa kanya nung lalaki. Nakakunot yung noo nya.

"Oh, so you're Daniel's girlfriend... No wonder, you look familiar..."

Wait?!

Kilala nya si DJ?!

Oh.My.Gulay!

Naaalala ko na kung sino sya!

He's Enrique of Black Hawks! Yung nakalaban nina DJ nung championship.

Ay hala! Nakakahiya! Naalala ko kasi nung sumigaw ako nun nung game nila na mas gwapo si DJ. Pero kasi, totoo naman di'ba? Mas gwapo ang aking labidabs. Hahaha... 

"Kath, halika na..." sabi ni DJ sa mukhang badtrip na tono sabay lahad ng kamay nya sa'kin na inabot ko naman. Hinila nya ako palabas ng Starbucks hanggang sa makasakay kami sa kotse nya.

"DJ, may problema ba?" tanong ko. Nag-start na kasi sya mag-drive ng hindi man lang nagsasalita.

"Wala..." matipid nyang sagot.

"Sus! Wala daw... Eh ba't ang tahimik mo?" tanong ko uli.

"Wala nga sabi..." mukhang galit na sya.

"Ok... Sabi mo eh..."

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa apartment nya. Ganun rin naman sya. Problema ng isang 'to? Kainis ah?!

Pagkapasok namin sa apartment nya, pinaupo nya lang ako sa sala, tapos ay dumiretso na sya sa kwarto nya. Pagbalik nya, dala-dala na nya yung laptop. Gagawa kasi kami ngayon ng program para sa JS namin. Next week na kasi yun. At every year, yung star section ng third year ang naka-assign na mag-organize ng event. Kasama na rin kasi dun yung kick-off party para sa mga 4th year students kaya 3rd year ang pinag-oorganize. At dahil nga sa ako ang Presidente ng class namin at VP ko naman si DJ, kaming dalawa ang mag-aayos ng program. Binigyan na rin namin yung classmates namin ng kanya-kanyang assignments.

Binigay nya sa'kin yung laptop at sinet-up ko naman ito, habang sya naman ay pumunta sa kusina. Pagbalik ulit nya, may dala syang isang baso ng juice.

"Dyan ka muna. Bibili lang ako ng makakain." He said in a cold tone sabay lapag ng juice sa center table.

Hindi pa man ako nakakasagot ay lumabas na agad sya ng apartment. Ano ba kasi talaga problema ng lalaking 'to? Nabibwisit na ako. Ano? Galit ba sya? May nagawa ba akong hindi nya gusto? Nakakainis na kasi eh! Kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko pa rin maintindihan kung anong problema nya!

Argh!

Hanggang sa hindi ko na nakayanan. In-off ko uli yung laptop at ibinalik ito sa kwarto nya, pagkatapos ay kumuha ng papel sa bag nya na nakapatong sa kama nya at gumawa ng note.


Ako na lang gagawa ng program sa bahay. Wag mo na akong tulungan.

Kath

Iniwan ko yung note sa center table ng sala at umalis na. Nag-jeep na lang ako pauwi. Bahala sya! Hindi ko sya papansinin!

***

Wala si Mama nung umuwi ako sa bahay kaya nagdire-diretso na lang ako sa kwarto ko. Kinuha ko agad yung bag ko at inis na inilabas yung papel at ballpen ko, pagkatapos ay pabagsak na dumapa sa kama kahit hindi pa man ako nakakabihis. Sinimulan ko ng gawin yung program, pero after 2 minutes...

"Argh! Bwisit!" sigaw ko sabay tapon ng pen ko sa may pinto ng kwarto ko. Umupo ako at niyakap ang mga tuhod ko.

Nakakainis naman kasi sya eh! Bakit ba sya ganun?! Wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanya ah?! Tapos bigla na lang syang magiging cold sa'kin. Kakairita lang!

After ng ilang saglit, tumayo ako at lumabas uli ng kwarto. Wala pa rin si Mama kaya nag-decide ako na lumabas na lang muna ng bahay. Dumiretso ako sa park na malapit sa bahay namin at umupo sa swing doon. Dahil siguro sa sobrang inis, hindi ko namalayan na may pumapatak na palang mga luha sa pisngi ko.

Ilang minuto na rin akong nage-emote ng biglang may lumapit sa'king batang babae.

"Ate, ate..." sabi nya sa'kin.

Tumingin lang ako sa kanya.

"May nagpapabigay po sa inyo..." patuloy nya sabay abot sa'kin ng isang piraso ng red rose.

"Salamat..." sabi ko sa kanya sabay ngiti ng bahagya.

With that, tumakbo na sya palayo sa'kin. Well actually, I have the idea kung kanino galing ang rose na 'to. Hindi naman nagtagal, lumapit na nga sa'kin si DJ. Pumwesto sya sa harapan ko and cupped my face.

"Baby Labs, sorry na..." sabi nya habang nakatayo pa rin at nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang sya with a nagtatampo-ako look. With that, umupo sya sa katabing kong swing.

"Nagselos lang naman kasi ako eh..." sabi nya pagkaupo.

Awtomatikong napatingin ako sa kanya na nakataas ang kilay. Sinalubong nya rin naman yung tingin ko.

"Eh bakit mo ba kasi kasama yung Enrique na 'yun?"

O_o

Say whaaaaatttt??!!

So 'yun pala 'yun?!

Tsk tsk tsk... Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o lalong maiinis eh... Hayy naku talaga 'tong boyfriend ko...

"Eh nagkataon lang naman na nagkita kami dun eh... Ni hindi ko nga sya natatandaan. Kung hindi nya lang sinabi na ako pala yung girlfriend mo, hindi ko maaalala na sya pala yung Enrique ng Black Hawks..." sabi ko with a nagtatampo-pa-rin-ako-sa'yo tone. Pero syempre, arte ko na lang yun. Gusto ko lang na amuhin nya ako. Bwahahaha...

"Kaya nga sorry na... Please..." sabi ulit nya with matching puppy eyes sabay kuha sa mga kamay ko.

"Hmp! Ayan kasi, hilig kasi mag-conclude... Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko diba?"


"Syempre, natatakot lng ako na maagaw ka ng iba sa'kin..."

"And you think naman magpapa-agaw ako?"

"Hmmm... hindi... Kaya nga bati na tayo... Sige na, please?" sabay puppy eyes ulit.

"DJ, sabihin mo nga sa'kin... Tao ka ba talaga o tuta?" sabi ko na nakapag-pakunot ng noo nya.

"Kanina ka pa kasi puppy eyes ng puppy eyes dyan, hindi naman bagay sa'yo..."

Pagkasabi ko nun, sukat ba namang bitawan yung mga kamay ko sabay tayo at lakad palayo sa'kin?

Ay hala! Napikon ang mahal ko. Bwahahahaha....

At syempre, dahil hindi ko naman matitiis ang unggoy na 'yun, tumayo na rin ako at hinabol sya.

"Ui, napikon ang Mr. Seloso... Wag ka na mapikon... I love you..." sabi ko pagkahabol ko sa kanya sabay yakap sa braso nya.

Tumingin sya sa'kin sabay ngiti, pagkatapos ay inalis nya yung pagkakayakap ko sa braso nya then wrap my neck with his right arm na para bang sinasakal ako.

"Ui DJ, ano ba? Aray ko..." sabi ko na medyo natatawa.

"Anong tinawag mo sa'kin ah? Anong tinawag mo?"

"Mr. Seloso..." pang-aasar ko pa.

"Mr. Seloso pala ah?" inalis nya yung right arm nya sa neck ko pagkatapos ay binuhat ako ng bridal style.

"Ui! DJ! Bitiwan mo ako! Ano ba? Oi!" pilit akong kumakawala sa pagkakabuhat nya sa'kin pero hindi nya ako pinapansin. Tawa lang sya ng tawa hanggang sa makarating kami sa kotse nya.

Ibinaba nya ako sa passenger seat. After nun, akala ko sasakay na sya sa kabilang side pero nanatili syang naka-lean sa'kin.

"Ui ano na? Bilisan mo na... Sumakay ka na dun sa kabilang side..." mahina kong sabi. Ang lapit-lapit kasi ng mukha namin sa isa't-isa. Pag sumigaw ako baka masira pa eardrums nito. Hahaha...

"Kiss muna..." sabi nya sabay nguso.

"Hmf! Ayoko nga!" sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Dali na... Sige na... Tutal pinagselos mo naman ako eh..." napatingin uli ako sa kanya.

"So inaamin mo na ngang seloso ka?"

"Hindi ah?! Dali na, kiss na..." pagdedeny ulit nya sabay nguso ulit.

"Ayoko... Aminin mo muna na seloso ka..." I told him with a teasing smile.

"Nakakainis naman to oh... Oo na, sige na... Seloso na ako, kaya 'wag mo akong pinapagselos..."


"Hmm... Sa susunod 'wag ka na magseselos ah? Tandaan mo ikaw ang mahal ko, at ikaw ang pinaka-gwapong lalaki para sa'kin okay?" I cupped his face sabay halik sa kanya sa lips.

>>>♥<<<

Continue Reading

You'll Also Like

62.8K 2.1K 28
Eto ay sa kwento ng APAT na DYOSA na si 👇👇 Krishna Audrey Lee ♥ Daisy Vergara 💕 Erica Cubero ♥ Grace Ann Tolentino 💕 at APAT na BADBOY na si 👇...
1.1K 84 10
Alam natin na araw araw ay may namamatay. Natsusugi kahit tulog, nadidisgrasya ng hindi alam kaya ayan, sakit ang kinalabasan. Iba si Eric. Ilang bes...
32.4K 654 32
Ano ang kaya mong gawin matupad lamang ang iyong pangarap? Maabot mo lang ang tagumpay na matagal mo nang inaasam. Makita ang taong iyong pinakamamah...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...