Zypher and Gangsters

By senyoritayvi

11.9K 536 301

"Mamahalin pa rin kita. Titiisin ko ang sakit, kahit sobrang sakit, kahit na ikamatay ko pa." [Ghosts and Gan... More

PROLOGUE
#Afraid 1: Love
#Afraid 2: Bestfriend
#Afraid 3: I'm Sorry
#Afraid 4: Stained with Sorrow
#Afraid 4-Pt.2: Stained with Sorrow
#Afraid 5: Party and Pretense
#Afraid 6: Destroy XZ Project
#Afraid 7: Hidden Pain
#Afraid 9: THE PLAY
#Afraid 10: MORE LOVE TEAMS!
#Afraid 11: XENZEL VS. TETRA
#SPECIAL CHAPTER: THE CALM
#Afraid 12: MR. SUITOR
#SPECIAL CHAPTER: VALENTINE'S DAY
#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY
#Afraid 13: FANSCLUB
#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES
#Afraid 15: OUTING
Amazing Announcement!
A Quick Update

#Afraid 8: THE REHEARSAL

322 20 16
By senyoritayvi

#Afraid 8: THE REHEARSAL


Tetra's POV

"Hoy Tetra! Magsisimula na yung rehearsal niyo in 15 minutes and you are still tulala diyan like tanga!" Maarteng puna ng bestfriend kong si Alyssa sa'kin.

Nasa Seriun Grand Theatre kami ngayon dahil final rehearsal na namin for "The Vampire's Princesses" play.

"Wala 'to, friend. Hayaan mo nga ako!" Inangilan ko pa siya gaya ng lagi kong ginagawa.

"Wala? Neknek mo! Lokohin mo lolo mo di ako naniniwala sa'yo!" She crossed her arms na parang inggrata. "Sabihin mo na kasi! Naku-curious pa'ko lalo, eh!"

"Haysh ang kulit mo naman!" Padabog akong umupo sa tabi niya, sa isa sa mga theater seats.


Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Madalang talaga akong natutulala kaya naman siguradong mahahalata agad ni Alyssa na may problema ako.


It won't hurt to share, right?


I sighed heavily to gain more courage...


"So, have you made up your utak?" Conyo niyang tanong sabay lingon ulit sa'kin.

"Oo na..." Matipid kong sagot sabay hingang malalim...NA NAMAN. "Kasi...naaalala mo last time? Yung pinahanap ko si Vain sa inyo for the sake of our Destroy XZ project?"


EHHHH! NAKAKAHIYA TALAGANG AMININ 'TO!


"OMG! Just as I thought! There's something in my utak na nagse-speak out na si Vain nga yung reason!" Pumalakpak pa siya. Halatang natutuwa ang gaga.

"Shut up!" I glared at her before I continued. "So, yun nga... I did a terrible...shameful...mistake!" Yung mukha ko naiiyak pero walang luha.

"WHAT?!" She covered her mouth with bulging eyes. "WHAT MISTAKE?!"


Is it just me or she is really excited?


"He kept insisting that I should stop the project, so I suddenly offered him something...crazy. Ako mismo hindi ko ma-gets kung bakit ko naisip yun!"

"What did you offer him..?" She's anticipating it...

"That I will stop bothering Xenzel and Zypher, but he must date me instead."

"WHAAAT?! OH MY GOSH! I CAN'T EVEN BELIEVE IT!" Muntik na siyang mapatihaya sa kinauupuan niya! Haha!

"Ako nga rin, eh! How stupid of me!"

"OMG, sa tingin ko nagawa mo yun kasi gusto mo si Vain!"

"Tumigil ka nga! Wag kang magconclude agad, noh! Nabigla lang ako nun!" I reasoned out, halos buong mukha ko na nakakunot!

"Wag ka nang mahiya, aminin mo na lang! Bestfriends naman tayo eh! Ayyyiiiiieee~" Sinundut-sundot pa niya tagiliran ko, dahilan para mapabalikwas ako't mahulog sa sahig!

"Ano ba, Alyssa! Alam mo namang hindi ko siya pwedeng magustuhan diba? Si Zypher ang Mr. Right ko kaya tigilan mo na nga 'yang trip mo!"

Nagngingitngit akong bumuntong-hininga at tatayo na sana ako mula sa carpeted floor nang bigla kong naramdamang may lumapit sa likuran ko.

"O-M-G!!!" Alyssa mouthed sabay hawak ng magkabilang pisngi niya sa sobrang kilig.


Napalunok ako't dahan-dahang lumingon... At halos bumulwak mga mata ko sa gulat at ang puso ko sa sobrang kaba nang makita ko si Vain.


"A-Anong..." Shit! Am I losing my mind?!

"Kanina ka pa tinatawag ni direk. Magre-rehearse na daw." Tipikal niyang tugon sabay lahad ng kamay niya para tulungan sana akong tumayo.


Pero dahil isa siyang malaking issue sa buhay ko ngayon, hindi ko tinanggap ang tulong niya at tumayo na lang akong mag-isa.


Walang lingun-lingon akong dumiretso sa stage kung saan naghahanda na ang co-actors ko para sa rehearsal.










-----------

"OKAY! LISTEN, GUYS!" Malakas na tawag-atensiyon ng direktor namin gamit ang isang lapel. "This is our final rehearsal, so you all better perform like you are already in the play. I will be very, very strict with you, so do your best!"

"YES SIR!" Sabay-sabay naming sagot and we went to our first formations.











----------------

Nagsimula nang maganda at maayos yung rehearsal namin. Magagaling yung mga co-actors ko (of course ako na din) kaya madali lang para sa'ming gawin yung nasa script.

Buti na lang talaga at hindi mabait yung role ko kaya hindi ako nahihirapan. Ayon na ayon kasi talaga sa personality ko yung personality ng princess na ipo-portray ko.


Sa kasamaang palad, ako nga yung partner ng Vampire na main character, pero yung vampire naman ay walang iba kundi si Vain! And here we are na sa scenes kung saan mag-i-interact na kami sa isa't isa!


NOOOOO!


Lumapit sa'kin si Vain dala-dala ang isang duguang koronang syempre props lang. May suot na siyang mga pekeng pangil at bagay na bagay din sa kanya ang natural niyang buhok na ngayo'y itim na itim ang kulay. Maputla din yung kulay ng balat niya kaya kahit wala pa siyang makeup ay mukha na siyang real-life vampire. Talbog pa niya si Edward Cullen sa kagwapuhan at sa ka-astigan niya.


Sa sobrang pagbigay ko ng atensiyon sa bawat detalye ng pagkatao niya ay hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya. Nailagay na din pala niya yung duguang korona sa ulo ko.



At napakatahimik ng lahat... Ng buot set...



Bakit kaya..?



Wala namang ganito katagal na katahimikan sa script, eh.



"TETRA MORALEZ, FOR PETE'S SAKE!" Biglang bulyaw ng direktor namin na ikinalundag ko naman!


WAH?! WHAT'S THAT FOR?!


"B-Bakit po, d-direk?" Nahihiya ko siyang hinarap sabay kagat ng ibaba kong labi.

"ANONG BAKIT PO DIREK?! We've been waiting for you say your lines! Jusko naman Tetra! Leading lady ka dito kaya wag kang magpalutang-lutang diyan!" Halatang gigil na gigil talaga siya sa'kin.


Ako kasi ang pinakaunang nagkamali sa'ming lahat...


"S-Sorry po, direk."

"BUMAWI KA!" Pahabol niyang sigaw sabay talikod.


Napalunok ako sa kahihiyan...


Ano na ba kasi ang nangyayari sa'yo, Tetra?! Ano ba! Tanga ka ba! Kailan ka pa ba magigising sa bago mong ilusyon!


Gusto mo na naman bang masaktan?!


Iwinasik ko ang malalim kong pag-iisip nang sumigaw ng "Action!" si direk.


Ginawa ko nang maayos pa sa maayos yung part ko para makabawi kay direk, pero mukhang hindi pa rin sapat yun. Naiilang kasi ako kay Vain kaya may mga interactions kaming hindi ko nagawa nang maayos, gaya ng pagyakap ko sa kanya sabay bulung-bulong sa kanyang tenga, pagsabi ng "Mahal kita" habang nakatitig sa mga mata niya, at lalung-lalo na nung naghawak-kamay kaming dalawa.


Paulit-ulit kong naaalala yung nangyari nung nakaraang araw. Yung offer ko sa kanya...


SO STUPID, TETRA!


Ilang beses na rin akong napapagalitan ni direk.


"Pasalamat ka talaga at final rehearsal na 'to, Tetra! Kung hindi, malamang pinalitan na kita!" Inis na bulyaw ni direk na mukhang gusto na akong tirisin sa kinatatayuan ko. "EVERYBODY, TAKE A BREAK! AT SANA PAGKATAPOS NG BREAK AY UMAYOS KA NA RIN, TETRA!" Huling mga katagang sinabi ni direk bago siya tuluyang nawala sa stage.


Wala namang sinabing masama yung mga kasama ko. Ininspire pa nga nila akong kaya kong gawin lahat mamaya. Syempre, siguradong ibu-bully ko lang sila kapag pinaringgan nila ako.


Laylay-balikat akong tumungo sa front row ng theater seats, at dun ko napansing wala na pala si Alyssa. May klase nga pala kasi kami at kaming actors lang yung excused.


I sighed heavily as I sat down on one of the seats. Nagugutom ako pero parang wala akong ganang kumain...




"Tetra..." Bigla akong napakislot sa boses na yun... Sa kalmadong boses na yun.

"Bakit, Vain?" Ni hindi ko siya magawang lingunin...

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa'yo, bakit parang di ka makapagconcentrate sa rehearsal? Kuhang-kuha mo naman lahat dati ah?" Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko at parang wala siyang tensiyong nararamdaman, di gaya ko.

"Wala 'to." Tipid kong sagot habang nakatingin pa rin sa sahig.

I even intertwined my two hands' fingers para pigilan yung panginginig ko...

"Is something wrong? Pwede mo namang sabihin sa'kin kasi partners tayo sa play at baka matulungan kita."

"Bakit ba okay lang sa'yo lahat, Vain?" At bakit ba ako naluluha? Putek!

Mukha siyang nabigla sa bigla kong itinanong.

"Ha?"

"Pwede ba iwan mo na lang akong mag-isa!" Saglit ko siyang nilingon at tinitigan nang masama at dali-dali kong ibinalik sa sahig yung mga mata ko.

"Bakit ba? Dahil na naman ba kay Zypher 'to?"

"Bakit ka ba nangingialam?!"

"Kasi nga partners tayo sa play na 'to!" Aba't nakikisigaw!

"Puwes, dahil 'to sa'yo, Vain! Stupid idea!" Hindi ko mapigilang pukpukin ang sarili kong ulo gamit ang kanang kamao ko.

"Ano? Dahil sa'kin?"


OWWW SHIT...


WHAT HAVE I SAID?!


AH BAHALA NA! MABUTI NGA'T MAGKAALAMAN NA!


"Yung offer ko sa'yo last time. It bothers me. Siguro nabigla lang ako kaya ko nasabi yun, but I wasn't serious! Pero nahihiya ako sa sarili ko, Vain! Pati na sa'yo!" How pitiful of me to admit this in front of him!


Mas kinabahan pa ako nung hindi siya agad na sumagot. Parang natameme din siya sa rebelasyon ko...


"Magsalita ka nga!" Kinurot ko yung kaliwang forehand niya kaya napaimik siya.

"Ah...yun ba? Wag mo nang intindihin yun. Alam ko namang hindi ka seryoso nung sinabi mo yun." Hindi na rin siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. "Pasensya na din kung nasigawan kita nun. Nabigla lang din ako." Dagdag pa niya.


Parang ako naman yata ang matatameme dito...


"S-Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Panigurado ko and this time, I stared straight at his eyes.

He stared back at me and heaved a sigh.




"Oo naman. Just...forget it."














Xenzel's POV

"Fi! Tara manood punta tayo dun sa Seriun Grand Theatre!" Masigla kong anyaya sa asawa kong kanina pa nakikipag-usap kay Ree dito sa Seriun Garden.

Sinamahan ko kasi si Nem sa admin office at iniwan ko naman si Zypher kasama si Ree.


"Ha? Kararating mo lang, aalis ka na naman agad?" Kunot-noo niyang tanong sa'kin habang nakaupo pa rin sa isang bench.

"Niyaya nga kita kasi gusto kong kasama ka!" Nakangiti kong tugon sabay hawak sa braso niya. "Sama ka na!"

"Uhmm, sige, anong play ba kasi yun?" Ngumiti na din siya pabalik sabay tayo at senyas kay Ree na aalis na kami.


Tumango lang si Ree bilang sagot. May pinagdadaanan din yun kaya hayaan na natin siya.


"Yung The Vampire's Princesses!"

"Ha? Teka? Nandun si Tetra! Ayoko!" Bigla siyang kumawala pero agad ko din siyang nahawakan ulit.

"Wag ka ngang bitter! Manonood lang naman tayo!" Giit ko.

"Pero fi--"

"Don't worry, pagkatapos ng play aalis agad tayo, okay? Sayang kaya yung plus points sa class natin! Anlaki pa nun!" Para sa kinabukasan! Wahahaha!

"Tsss... Sige na nga. Pero alis agad tayo ah? Baka manggulo na naman yung babaeng yun."


Oo nga...


Hayyy...


Wag naman sana.










[A/N]: Hi guys! Sorry to have kept you waiting for this update! Thank you sa mga patuloy pa ring sumusuporta sa kwentong 'to! Special thanks to @MichaEla698 for requesting for this update! Lovelots beybi!

And here you go! A long chapter for those who thirst! Hihihi! God bless you all and stay tuned, puh-leassse!

Kaway-kaway sa mga shippers ng #TetrAin!







Read. Vote. Comment. Support.

#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 53.2K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
261K 6.5K 32
Gustav Batalier loathed one guy and only one guy, and that is Malec García. So imagine his shock when he found out that the guy is possessively obses...
364K 13.2K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...