We Meet Again (I met a jerk w...

By HotNovember23

423K 4.4K 885

[COMPLETED] Is love really sweeter the second time around? Will it be that way for Annika and Seven now that... More

We Meet Again
KABANATA I: Trapped
KABANATA II: For Better or For Worse
KABANATA III: Uninvited Guest
KABANATA IV: Guilt
KABANATA V: He's Back
KABANATA VI: A Secret (Unang Bahagi)
KABANATA VI: A Secret (Ikalawang Bahagi)
KABANATA VIII: Sweet Surrender
KABANATA IX: The Mistress
KABANATA X: 8 Years
KABANATA XI: His Pain
KABANATA XII: Regrets
KABANATA XIII: Breaking Decision
KABANATA XIV: She's Gone
KABANATA XV: Letting Go
HULING KABANATA
Author's Note

KABANATA VII: The Past

17.5K 180 32
By HotNovember23

Huwopps!!! Lingon sa kanan →→→→

Meet Cassandra Robles-Astute, Seven's lovely wife

Nakita ko lang yung profile ni "Cassandra Astute" sa FB at dahil ayaw ko sa labtim nila, sisirain ko na lang! >:D

-------------

Eleven years ago…

Nandito ako ngayon sa birthday party ng isa sa mga high school barkada ko. Nasa pool side kami. Mag-isa akong nakaupo sa isang mini bar sa corner. May bar tender dun na nagse-serve sa mga bisita. Wala kasing handaan, inuman lang; legal age celebration eh.

Ang totoo wala talaga akong balak magpunta dito at pumarty kasi emo ako ngayon. Pa'no, LQ kami ng mahal kong si Annika. Yung babaeng yun naman kasi, napakaselosa kung minsan. Porke ba dati akong babaero e hindi na nya 'ko pwedeng pagkatiwalaan?

Potek, sino ba kasi yung pahamak na nagsabing a player will always be a player? Tss.

Masama talaga ang loob ko kay Annika. Palibhasa nakita nya akong may kasamang babae sa isang coffee shop, akala nya pinagtataksilan ko na sya. Group meeting talaga yun, kaso kami lang nung classmate kong babae ang nakita nya sa mesa. Yung isa kasi naming ka-group wala, yung isa, nauna nang umuwi at yung isa, tyempong nag-CR. Kung sana napansin nyang ang daming tasa sa mesa di ba? Nagkataon pang lately ay busy rin ako sa school kaya bihira kaming magkita. Akala na nya tuloy may iba na 'ko. Fudge.

Pinipilit kong magpaliwanag pero ayaw nyang makinig. Tinatawagan ko sya, hindi nya sinasagot. Tini-text ko sya pero walang reply. Ni hindi ko nga alam kung binabasa nya yung explanations ko sa text. Kung puntahan ko naman sya, tinataguan lang ako. Lakas lang magtampo? Tss, bahala sya. Hindi na lang din ako magpaparamdam, tignan natin kung hindi nya 'ko mamiss!

"Leche. WHISKY NGA!" sigaw ng isang babaeng biglang umupo sa mini bar, isang silya malayo sa'kin. Familiar yung mukha ng babaeng mukhang hindi rin nag-eenjoy dito. Parang bad trip din sya.

Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya bigla syang napatingin din sa'kin.

"S-Seven?"

Kumunot lang ang noo ko, pilit na iniisip kung sino sya. Dapat ba kilala ko sya? Kilala nya 'ko eh.

She smirked. "Yeah right, the playboy Seven Astute! Sino nga ba naman ako para maalala mo?"

"Sorry?"

"Cassandra," a pause. "One of your… flings… back in high school. Ang huli kong balita sa'yo… you had a serious girlfriend daw ah?"

"Have," Pagtatama ko sa sinabi nya. "Kami pa rin."

"For reals??" hindi makapaniwalang tanong nya, nanlaki pa yung mata nya at halos mapanganga sa pagkamangha. "Eh high school graduation pa yung balitang yun ah? And it's like three years ago pa? Don't tell me sya pa rin?"

Ewan ko pero ganyan ba mentality ng mga babae? Na ang isang katulad ko eh wala nang pag-asang magbago at maging seryosong boyfriend? Kainis lang ha.

 Since napag-usapan na namin si Annika, nakwento ko kay Cassandra yung pag-aaway namin. Pati yung mga maliliit na away namin dati ni Annika eh naungkat ko na at naikwento. Parang may sarili na kaming party habang yung ibang tao eh nagpapakasaya sa totoong party. Patuloy ako sa pag-inom, ganun din sya. Dala na rin siguro ng kalasingan nya, nagagalit na rin sya sa'kin. Lagi kasi syang nasa side ni Annika kahit dun sa mga kwento ko ng pag-aaway namin na hindi naman talaga ako ang may kasalanan. Psh, babae nga naman talaga oh! Sige lang, magkampihan kayo. Takte.

Unti-unti, nagkukwento na rin sya. Nako-compare nya kasi yung mga pag-aaway namin ni Annika at pag-aaway nila nung ex nya na kaka-break lang sa kanya dito sa party. Nako-compare nya rin ako sa ex nya. Kesyo pare-pareho daw kaming mga lalaki. Sus, parang silang mga babae hindi. =_=

Habang tumatagal, nawawala na 'ko sa tamang isip. Nilalamon na 'ko ng kalasingan pero patuloy pa rin sa pakikipag-inuman. Hindi ko na alam ang mga pinagsasasabi at pinaggagagawa ko. Wala na 'kong masyadong maalala pagkatapos nun… basta ang alam ko lang, the next day, nagising akong katabi na si Cassandra. Nangyari ang hindi dapat mangyari.

Nilihim namin pareho ang naganap. Walang nalaman si Annika. Ilang buwan ko ring hindi nakita si Cassandra, ni wala akong anumang balita sa kantya. Hanggang tawagan nya 'ko isang araw at pinakiusapang makipagkita sa kanya.

Noon ko nalamang buntis sya at ako ang ama. Malapit na ang due date nya nang sabihin nya ang tungkol sa nasa sinapupunan nya. Hirap akong paniwalaan yun pero sabi nya, kung gusto ko daw, kahit ipa-DNA test ko pa yung bata, kahit pa nga daw kaninong doktor, kahit hindi ko sabihin sa kanya, makampante lang akong walang pandarayang magaganap sa test. Ang gusto nya lang naman, tanggapin ko yung baby bilang anak at ibigay ko ang pangalan ko sa kanya. Nangako syang mananahimik at hindi manggugulo.

Pumayag ako sa gusto ni Cassandra. Ilang araw lang pagkatapos ng pag-uusap namin ay isinilang nya ang una kong anak, si Raven. Isang malusog na sanggol na lalaki ang panganay namin. Pareho kaming singkit ni Cassandra at ganun din yung baby pero at this early, masasabi kong ako ang mas kamukha nya.

Kahit bunga sya ng pagkakamali at pagtataksil ko kay Annika, hindi ko mapigilang mapangiti kapag nakikita ko sya. Siguro dahil sa wala naman syang kasalanan. At siguro, dahil na rin sa anak ko sya. Magaan ang loob ko sa bata pero pina-DNA test ko pa rin sya.

Walang nakaalam sa pamilya ko ng tungkol kay Raven. Tumupad naman si Cassandra sa pangako nya. Nilihim rin nya sa daddy nya na noo'y nasa ibang bansa kung sino ang ama ng panganay nya.

Sabi ni Cassandra, sapat na daw siguro kay Raven yung may kilalaning mga magulang. Alam kong maling ipag-kait ko sa mga magulang ko ang una nilang apo pero hindi ko naman ililihim sa kanila ang lahat sa habang panahon. Ganun din kay Annika. One day, gusto kong malam nya ang totoo. At ang gusto ko sa'kin mismo manggaling. Graduating na kami noon ni Annika kaya pareho kaming busy at bihira nang magkita pero pinipilit kong bigyan sya ng oras, pati ang baby ko.

Naging maayos naman ang lahat. Hanggang sa isang di inaasahang pagkakataon, may nakahuli sa akin na kasama ang mag-ina ko – si Yuri.

Kinausap nya ako ng sarilinan at tinanong sa'kin kung sino yung babaeng kasama ko, pati yung baby. Gusto ko sanang magsinungaling sa kanya pero hindi ko nagawa. Inamin ko sa kanya ang totoo. As expected, galit na galit sya. Sa takot kong magsumbong sya kay Annika at lumala ang sitwasyon, kinausap ko sya ng masinsinan. Pinakiusapan ko rin syang wag magsalita. Sinabi ko ang plano kong umamin sa kaibigan nya. Pinangako ko rin sa kanyang kay Annika lang ako, na si Annika lang ang mahal ko at hinding-hindi ko iiwan ang best friend nya. Totoo naman eh, ginagawa ko lang ang tungkulin ko kay Raven pero hindi ibig sabihin non ay pinagtataksilan ko na si Annika. Kailangan din naman ako ng anak ko.

Sa huli, napapayag ko si Yuri na manahimik. Hindi ko sya naging problema… kundi ang daddy ni Cassandra.

 

-present-

"Hindi anak, hindi kami nag-aaway ni daddy." Nilagpasan ako ni Cassandra para puntahan si Raven sa tuktok ng hagdan. "We just have a little misunderstanding, right daddy?" nilingon nya 'ko pero hindi ko sya sinakyan. Tinignan ko si Raven ng may blankong ekspresyon, tapos si Cassandra, tapos ay lumabas ako ng bahay.

I'm tired of this. Kailangang makausap ko na si Annika para masabi ko sa kanya ang buong katotohanan. Ayoko syang tuluyang mawala. Tama si Cassandra. One day, iiwan ko rin sya para kay Annika. Siguro napakamakasarili ko pero ngayon lang naman eh. Matagal ko nang kinalimutan ang sarili ko para sa iba – para kay Cassandra, kay Raven, sa pamilya ko, lalong-lalo na kay Annika. Hindi ko kakayanin kung sa pagiging "selfless" kong iyon ay tuluyang mawawala sa'kin ang babaeng pinakamamahal ko.

Hindi ko kakayanin kung sa iba sya mapupunta sa huli. Kaya itatama ko ang lahat habang may oras pa.

Tinawagan ko si Annika. Hindi na talaga 'ko sigurado kung ano ang number nya. Nagbakasakali lang akong hindi pa rin sya nagpapalit. Nag-ring ang tinatawagan ko. I wasn't expecting too much yet I was still hoping she's on the other line.

Natuwa ako nang marinig ko ang boses ni Annika pero hindi nya alam na ako yung tumawag. Ni hindi nya 'ko nabosesan. Nagalit pa sya noong malaman nya kung sino ako. Sabi nya pa tigilan ko na raw sya pero nagpumilit akong magpaliwanag. Sinabi kong may bagay akong dapat aminin sa kanya. Pumayag naman syang makipagkita sa'kin.

Fast forward.

Wala pa si Annika noong makarating ako sa bahay nya. Hindi nagtagal ang paghihintay ko at dumating sya sakay ng isang taxi.

"Ano ba yung sinasabi mong kailangan mong sabihin?" Salubong nya, ni hindi sya nag-abalang tanungin ako kung gusto kong pumasok sa loob ng bahay nya.

"Wala man lang bang 'I miss you'?"

"Tigilan na natin ang paglalaro Seven. Unless you really want to play with me again." She said straightly, sounding very serious.

Napayuko lang ako, "I'm sorry,"

"Enough with that. Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw."

"Ako? Bakit? Mahal mo 'ko?"

Nabigla ako sa tanong nya pero nakuha ko pa ring sumagot agad. "Oo."

"E bakit mo 'ko iniwan? Bakit ka nagpakasal sa iba?"

"I'm sorry. Alam kong nagkamali ako. That's why I'm here. Para linawin ang lahat."

She nodded. I bowed my head and sighed. I don't know where to start. Napatalikod ako sa kanya, parang humahanap ng buwelo nang bigla kong maramdaman ang yakap nya mula sa likod. Hindi ko yon inaasahan. Pero mas hindi ko inaasahan ang mga salitang narinig ko mula sa kanya:

"Iwan mo na sya, Seven. Ako na lang ulit please."

— SUSUNDAN

Continue Reading

You'll Also Like

1K 192 33
MYSTIFY SERIES #1 Sky is the eldest child of three siblings. The eldest grandchild in his family. He's a caring brother to his siblings. A great brot...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
734 133 46
fight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you...
36K 1.5K 21
always his friend, never his girl