When I Was Your Girl

By Thyriza

68K 1.7K 128

Novella || He loves you. You don't. He gave up. Now you want him back! || All rights reserved 2013. @Thyriza More

Prologue
Chapter 1 - My Mushy Boyfriend
Chapter 2 - His sweet bones!
Chapter 3 - Space
Chapter 4 - Say Something, I'm giving up on you.
Chapter 5 - Conscience
Chapter 6 - Summer Vacation
Chapter 8 - Left Behind
Chapter 9 - His Girl
Epilogue

Chapter 7 - More than Enough

3.5K 112 3
By Thyriza

Chapter 7 - More than Enough

Helouise's POV

I should have followed my instincts. Hindi na dapat ako sumama dito. Dapat nag summer class na lang ako. Sana pina-gana ko ang pagiging matigas kong ulo para hindi pumayag sa pamimilit ni Mitchy. Dapat... dapat...

"Ughhhh!" napasabunot na lang ako sa buhok ko habang nakahiga sa kama.

Lahat sila nasa backyard at nag-eenjoy sa pool party nila. Kaya nga ako umakyat na eh. Ayaw kong maramdaman nila ang awkward na nararamdaman ko. Kasi ako ang alien dito. Lahat sila magkakakilala. Ako lang ang sabit!

Kung umalis na lang kaya ako?

Baliw ka ba?! Eh di nagmukha kang bitter at guilty!

Napabuga na lang ako ng hangin. Why is this happening to me. Hindi ko man lang naisip na Matt can be here too? Of course hindi ko 'yon nanisip! HIndi ko alam na close sila ng kambal ni Theo!

Kahit masakit pa ang natapilok kong paa, binuhat ko ang travelling bag ko at ipinatong sa kama. Ano pang silbi ng swimming attire ko kung wala naman ako sa baba? Kaya nagpalit ako ng maong shorts at plain white blouse. 

Nagtatali ako ng buhok nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.

"Pasok." sabi ko habang sinusuklay ang pony tail.

"Helouise."

Napalingon ako. Si Asul pala. Nakangiti siya sa akin saka tumingin sa paa ko.

"Ok na ba paa mo?"

"Medyo ok na." simple kong sagot.

"Ah. Eh gusto mo bang bumaba? Mag-lulunch na kasi, baka kako gutom ka na?" Napangiti ako kay Asul. Napaka-charming at napakabait. Nakakatuwa.

"Nahihiya ako eh." sabi kong napapakamot sa batok. Tumawa naman siya ng mahina.

"Dadalhan na lang kita ng pagkain sa dining room. Hintayin mo ako do'n para sabay an tayong kumain." Magsasakilita pa sana ako pero lumabas na siya. Napailing na lang ako

Inayos ko lang ng konti ang sarili ko saka bumaba. Sa sobrang laki ng bahay, hinanap ko pa kung saan ang dining room. Malapit lang pala sa hagdan, adjacent sa kitchen. Instead na umupo sa dining table, dumeretso ako sa kitchen. Agad kong binuksan ang ref at nakita ko ang slice bread at nutella. Napasimangot tuloy ako. Sinong baliw ang maglalagay ng tinapay sa ref? Hindi ba nila alam na titigas 'yon at hindi na magiging masarap ang lasa? Syempre alam ko 'yon kasi HRM student ako.

"Helouise?" nakarinig ako ng tawag sa dining room. Si Asul na ata 'yon. Agad kong nilabas ang tinapay at nilagay sa counter saka ako dumeretso sa dining room. Nagulat ako nang isang tray ang dala niya. Mga barbeque, isang buong inihaw na isda at kanin. Para tuloy akong nakaradam ng gutom.

"Ang dami naman." sabi ko pero ang totoo natatakam talaga ako. Paborito ko talaga ang barbeque.

"Maupo ka na. H'wag kang mahiya ah. Ako lang 'to." napatawa lang ako sakanya.

"H'wag kang mag-alala, gutom ako ngayon kaya hindi sa akin uso ang hiya-hiya ngayon." pareho kaming nagtawanan.

Makwento pala 'tong si Asul. Tapos napaka-kengkoy.

"May knock knock joke ako." sabi niya.

"Oh sige, ano 'yon?"

"Knock Knock!"

 "Who's there!" natatawa kong sabi. 

"Pfft~ Ice cream!"

"Ice cream who?" 

"Ice cream if you don't let me in! BOOM!"

Ewan ko, pero natawa ako do'n sa boom niya, hindi sa actual joke niya.

"Hahahaha, hindi naman nakakatawa eh!" pagrereklamo ko.

"Eh bakit ka natatawa?" sabi niya tapos lumabi.

"Sayo ko natawa hindi naman sa joke mo. Nye~"

"Hahaha, grabe ang sama!"

"Eh ako naman, may knock knock din ako." sabi ko.

"Ay sge sige."

"Knock Knock" simula ko. Hindi pa nga natatawa na ako. Mababaw lang kasi ako pagdating sa mga jokes.

"Haha. Who's there?" 

"Iran!" 

"Wahahaha. Iran who?" 

"Iran over here to tell you this!" sabi ko tapos natawa. Benta talaga sa akin ang joke na 'yon. Napatingin ako kay Asul na seryoso. Hindi ba siya natawa?

"Ang corny!" he retorted.

"Eh hindi naman. Joke 'yon sa text. Nakakatawa kaya. Hahaha."

"Hindi ako natawa." sabi niya pa. Napasimangot naman ako.

"Eh mas lalo naman 'yung joke mo. Ano kaya 'yon? Ice cream. Bleeh!" para kaming mga bata na nag-aasaran dito.

"Eh ikaw nga Iran! Ano kaya 'yon? Iran to the the door, but the door runaway."

"Hahahaha." napuno ng tawanan sa loob ng dining room. Ang kulit kasama ni Asul.

Natapos kaming kumain at nagkukulitan pa din kami. Sabay naming hinugasan 'yung plato saka kami lumabas papuntang likod bahay.

Doon naabutan namin silang nagkekwentuhan lang. May sinabing joke si Asul kaya napatawa ako ng malakas sako ko siya hinampas sa braso. Then we caught their attention. Lahat sila napaseryoso at napatingin sa aming dalawa.

"Awkward." bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako kay Theo at Mitchy na nakangisi. Kainis talagang dalawa 'to! Parang mga hindi kaibigan.

"Hoy Asul! Dumediskarte ka na dyan ah!" sigaw no'ng isang pinsan nila. Napaangat naman tingin ko kay Asul na tawang-tawang.

"Hindi ah! Kaibigan ko kaya 'to si Louise, diba?" Bigla na lang niya akong kinabig papunta sakanya at ginulo ang buhok ko.

"Wow ah! Nickname basis na ba kayo?" pang-aasar ni Mitchy. Pinandilatan ko naman si Mitchy. Nakakainis talaga.

Pero sa isang banda naman, parang gusto ko siyang tignan. Katabi niya yung kambal ni Theo at sa tingin ko ok naman siya. 'Yan ba ang nasasaktan no'ng nakipag-break ako? Mukhang hindi naman eh!

Nang magkayayaan silang magswimming, agad akong pumunta sa may gilid. Nakakahiya mang sabihin pero hindi ako marunong lumangoy. Bata pa ako nagkaro'n ako ng swimming lesson pero talagang matigas ang katawan ko at hindi talaga ako lumulutang.

"Tara, swimming tayo, Louise?" Pagyayaya sa akin ni Asul. Agad naman akong umiling.

"H-hindi ako marunong lumangoy." nahihiya kong sabi.

"Eh kahit sa mababaw lang tayo. Hindi naman kita iiwan. Sige na." nakita kong ngumuso siya.

"Oo na."

"Yes!"

Lulusong na sana kaming pool ng biglang may humatak sa braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin kaya inis ko itong nilingon.

"M-Matt?"

***

Matt's POV

Kanina pa ako bwesit na bwesit panoorin si Helouise na kasama ang Asul na 'yon! Kanina kukuha sana ako ng tubig sa ref pero nadatnan ko silang masayang kumakain at naglalaro pa  ng knock knock jokes. Kahit kailan hindi namin 'yon nagawa. Kahit kailan hindi siya nag-joke sa akin.

Pero kahit kailan hindi ko pa siya nakitang tumawa ng gano'n. Itanggi ko man sa hindi, ang sarap pakinggang ng mga tawa niya. Parang isang tawa ng anghel.

Oo, nasasaktan ako. Oo bitter pa din ako. Hindi porke't lalaki ako hindi ko na mararamdaman ang mga bagay na gano'n sa ex ko. Tao din ako, nagmahal at nasaktan.

Gusto ko na ngang bangasan ang pagmumukah no'ng Asul na 'yon eh! Kung hindi lang siya pinsan ni Thea at Theo! Kung makatawag ng Louise akala mo close agad sila. Ni ako nga hindi ko siya tinatawag na Louise eh. Kasi para sa akin, ang Helouise na ata ang pinaka unique na pangalan sa buong mundo. Nakakabwesit lang talaga.

Ang pinakamasakit pa, feeling ko ako lang nagmomove on. She looks goddess as usual. Mas lalo nga siyang gumanda eh. Ako lang ata talaga itong nasasaktan. Baka hindi nga naman talaga ako minahal ni Helouise. Masakit, pero 'yon ang nakikita ko.

Hindi man lang nga niya ako tapunan ng kakarampot na tingin. He treats me like i'm some kind of unwanted alien here. Pucha ang sakit talaga! Nakakagago lang!

Kinuha ko na lang bigla ang naka-tenggang beer in can na hindi ko iniinom. Nagulat ang mga kaibigan ko nang bigla ko itong tunggain. Mapait sa lalamunan pero wala na atang mas papait pa sa nararamdaman ko ngayon.

"Woah! Dude! That was awesome! Hahaha." pang-aasar ni Kevin.

Nang magkakayayaan silang mag-swimming, nakita kong pinipilit ng Asul na 'yon si Helouise na magswimming. Hindi narunong lumangoy si Helouise kaya panigurado malulunod 'yon!

Hindi ako makatiis kaya tumayo ako at hinigIt ko ang braso niya nang pagkahigpit. Galit niya ako nilingon.

"M-Matt?" gulat niyang sabi.

"Hindi ka lalangoy!" mariin kong sabi.

"Ha? Hin--"

"Pare teka lang--" i cut off the Blue guy.

"Mag-usap tayo!" pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko sa braso niya pero mas nilalakasan ko pa.

"M-Matt... N-nasasaktan ako." mahina niyang sabi.

"Matt!" tawag din sa akin ng mga kaibigan ko.

Niluwagan ko ang hawak sakanya. I felt like all of my senses were back.

"I-i'm sorry." sabi ko saka ko siya tuluyang binitawan.

Naramdaman kong hinila ako ni Thea papalayo kay Helouise.

"Nakalimutan kong wala na pala akong karapatan sakanya." sabi ko nang makalayo kami sakanila. Kami na lang ni Thea. Nararamdaman ko ang sympatya nIya sa akin.

"Kalimutan mo na siya, Matt. Mukhang naka-move na naman siya eh. Kaibigan mo ako kaya ayaw kong nakikita kang ganyan."

"Mahal ko kasi eh. Mahirap 'yon gawin. Kahit pilitin ko sa sarili ko na kalimutan siya pati ang nararamdaman ko sakanya, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon siya pa din."

Pareho kaming napabuntong hininga ni Thea. Pati ata siya naiinis na din sa akin. Kung pwede lang ngang ishut down ang puso ko eh.

But everytime i tried to shut it down, it automatically restarts its beat for her.

"Alam mo kung ano ang kailangan mo?" she said.

"Ano 'yon?"

"Mag out of the country ka. Try to explore the world. At bumalik ka kapag totally move on ka na." she advised.

Nag-isip naman ako. She's right. I need to get out of here. Without her. 'Yong lugar na walang nakakapagpa-alala sa akin sakanya.

"Will 1 year be enough?" i asked her.

"Yup. More than enough." she beamed.

xxx

A.N: 3 chapters left. :)

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 67 23
A novel version of Isang Saglit, Isang Tingin one shot written coming up with new plots and characters to be told.
10.4K 174 33
My Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino'...
5.1K 357 13
PUBLISHED AS PART OF ILYWAMYHAK ANTHOLOGY BOOK UNDER UMPRINTABLES! Isang symposium ang ginanap sa barangay nina Vina. Hindi naman siya iyong tipo ng...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...